Nakalaya na ba talaga tayo?
Ipinaglaban ng ating ninuno
Ang kalayaan ng ating bansa
Ngunit makalipas ang ilang dekada
Tila tayo’y hindi pa rin nakalaya
Bago tayo sinakop ng mga dayuhan
Ang mga lalaki at babae ay may pantay na katayuan
At ang mga tungkulin ay hindi nakabase sa isang kasarian
Ngunit lahat ng ito ay naibaon na sa limot
Ang paniniwala ng ating mananakop
Ang siyang lumalaganap sa ating daan
Ang ating pag-iisip ay nakakulong pa rin sa nakaraan
Tayo’y tuloyan ng nakalimot sa ating tunay na pinagmulan
Tayo man ay may sariling pangulo
Ngunit ng mga dayuhan tila tayo’y kontrolado
Kaya aking mga kababayan
Nakalaya na ba talaga tayo?
weakdreamer • 07/13/2023 | 10:18 AM
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com