KABANATA XV - NERVOUS
PRINCE DEVON'S POINT OF VIEW
Naka-upo kami ngayon sa aming silid-aralan na ekslusibo para sa mga Royalties lamang, kasalukuyan din naming sinesermonan si Grazilda sa ginawa niya kanina.
"Grazilda! Grow up, why did you do that?!" Galit na sigaw ni Xander. Tinaasan naman siya ng kilay ni Grazilda.
"Hoy mapulgas na aso, huwag mo nga akong pangaralan, mas matalino ang mga Vampires kesa sa mga werewolves kaya wala kang karapatang pangaralan ako!" Sigaw ni Grazilda. Kaya napatayo si Xander at kinalabog ang kanyang mesa. Tumayo din naman si Grazilda at kinalobog din naman niya ang kanyang mesa at nagtitigan sila ng masama. Tumayo naman ako na naging dahilan para tumaingin silang lahat sakin.
"Stop it, pero mali nga namang gumawa ka agad ng gulo sa first day of class, Grazilda. Panindigan mong huwag matalo sa isang mababang nilalang," Sabi ko. Ngumiti naman si Grazilda at umupo. Umupo narin naman si Xander.
"Yes naman, Kuya Devon. Magtiwala ka sakin, magaling lang magsalita ng Mortal Uni Language ang isang 'yon, pero wala iyong binatbat sa hex at weapon combat." Pangmamaliit ni Grazilda. Nginitian ko naman siya at saka na umupo.
Tignan natin ngayon ang kakayahan ng mababang nilalang na laging nakatingin sakin. Pero 'di maitatangging maganda siya at mukhang masarap halikan ang pinkish na labi niya.
"Hoy kanina ka pa nakangiti diyan, first time ata ito ano, Devon?" Sarakastikong sabi ni Claire na nagpabalik sa wisyo ko. Kaya huminga ako ng malalim at binalik ang poker face ko.
Hindi pwedeng malaman ng kahit sino ang mga emosyon na nararamdaman ko, magagamit nilang panlaban sakin iyon sa hinaharap. Fuck you, mababang nilalang, napangiti mo ako!
...
WEINER'S POINT OF VIEW
"Kuya, natatakot ako." Bulong ko kay Kuya Brielle. Naka-upo kami ngayon at hinihintay nang magsimula ang klase.
"Kaya mo yan, kaya mo namang pagalingin ang sarili mo in case na masugatan ka." Chill na sabi ni kuya. Napangiwi naman ako dahil doon. Kaya hinampas ko siya ng malakas sa braso.
"Gosh! What if I die!" Nasigaw ko. Agad ko namang tinakpan ang bibig ko nang maramdaman kong tumingin sakin lahat ng mga kaklase ko.
"Talagang mamatay ka kay Princess Grazilda, dahil makapangyarihan siya." Kumento ng isa sa mga kaklase kong babae. Shuta wala akong masabihang pangit dahil likas ata sa mga Elvis ang kagandahan ng mukha. Tinaasan ko na lang siya ng kilay.
"Do I know you? Do I need your opinion? We're not even close, better shut your mouth, bitch!" Inis na sabi ko sakanya. Mukhang napahiya naman siya kaya umisnab na lang siya at tumingin na lang sa harap. Tinapik naman ni kuya ang balikat ko.
"Bakit mo pa naman pinatulan? Sige ka, mawawalan ka ng fans mamaya sa laban niyan." Biro ni kuya na hindi ko kinatuwa. Kaya tinaasan ko siya ng kilay at pinitik siya sa noo.
"Aray, nakakadalawa ka na ah." Sabi ni kuya habang nakahawak sa kanyang noo.
Bigla namang bumukas ang pinto, kaya napunta lahat doon ang aming atensyon, iniluwa naman nito ang isang babae na maganda na nasa mid-twenty at nakasalamin, may kulay white na buhok, may matilos na tainga, may magandang mukha, may malaking dibdib na tinatakpan ng kulay black na bra, nakasuot din ito ng palda na black na hanggang sa hita niya lang, medyo natatakpan naman ito ng kulay red na cloak.
"Good morning, freshmen. I am Stella Rosa, the professor that assigned to teach the freshmen Elvis students," Pakilala niya. Tumayo naman ang mga kaklase namin, kaya tumayo rin kami ni kuya.
"Pleasure to meet you, Ms. Stella. May Avalon bless you." Sabay-sabay na sabi nila, sabay yuko at upo. 'Di naman kami nakasabay ni kuya kaya naiwan pa kaming nakatayo. Kaya tinitigan kami ni Ms. Stella.
"Ow, you are the Charlotte brothers, isn't it?" Tanong ng professor. Nagtitigan naman kami ni kuya at sabay na tumango sakanya.
"Paano niyo po kami nakilala?" Tanong ni kuya.
"Well, I watched your Phase One to Phase Three exam test, and I can say you two were exceptional. Please introduce yourself to your classmates for familiarity, and I also assigned the two of you as the president and vice president of this class." Paliwanag ni Ms. Stella na nagpagulat samin ni kuya at nagpa-umpisa ng mga bulong-bulungan sa mga kaklase namin.
"Wait, Ms. Stella, I don't think we can handle that responsibility," Paliwanag ko. Linagay naman niya ang kanyang hintuturo sa kanyang labi na nangangahulugang tumahimik ako.
"Please introduce yourself, Mr. Vice President," Sabi niya sakin. Nagbuntong-hininga na lang kami ni kuya.
"Hello everyone, My name is Weiner Charlotte. I'm seventeen years old, an Elvis, and I am a man —" Naputol naman ang pagpapakilala ko nang sumigaw silang lahat. "W-Why y'all shouted?" Tanong ko.
"Y-You are a man?!" Gulat na tanong nung babaeng Elvis na binara ko kanina, napangiti naman ako at tumango.
"Yes, Ms. You here naman si Ms. Stella 'di ba? Charlotte brothers." Sarkastikong sagot ko.
"Gosh, akala ko babae ka!" Gulat na sabi niya. Inisnaban ko na lang siya at pinagpatuloy na ang pagpapakilala.
"Back to my introduction, I love reading books." Sabi ko at saka na umupo.
"Hello everyone, my name is Brielle Charlotte. Seventeen years old, male, I love learning different kinds of weapon." Sabi ni kuya sabay upo.
"Okay class, give your president and vice president around of applause!" Utos ni Ms. Stella. Kaya pumalakpak lahat ng kaklase namin.
"Okay, okay. Enough. So, as today is the first day of class, i-free day muna natin ito, makipag-socialize muna kayo sa mga kaklase niyo. I will go now, as we have a meeting, please behave like a mature ones. Bye," Paalam ni Ms. Stella. Katapos no'n at lumakad na siya palabas ng room, nag-umpisa namang magdaldalan ang mga kaklase namin, habang kaming dalawa naman ni kuya ay yumuko lang at natulog...
Four hours passed...
Nagising ako sa lakas ng pag-ring ng bell. Kaya naman nag-stretching ako, kita ko rin naman si kuya na gano'n din ang ginawa.
"Mukhang lunch break na ah, handa ka na ba?" Tanong ni kuya na nagpabalik sa kaba ko.
"Shit! Oo nga pala, grabe kinakabahan na naman ako kuya, wala na bang ibang choice?" Tanong ko.
"Wala, ma-kikick out ka kapag tumanggi ka." Biglang sagot naman nung babaeng Elvis na kanina pa umeepal samin, kaya tumingin ako sakanya at sunamaan siya ng tingin.
"We're not close enough to meddle with my businesses." Sabi ko sabay snob sakanya at tumayo para lumakad palabas. Ngunit paglabas ko ng pinto ay hinarangan naman ako ni Prince Devon na nagpa-estatwa sakin.
"I'm here to fetch you to go to gymnasium as the battle field of you and Grazilda," Sabi naman nito. Wala mamang kahit anong salita ang lumabas sa bibig ko, basta nakatingin lang ako sa mga mata niya.
"Hoy!" Sigaw ni Kuya Brielle sabay tulak sakin na naging dahilan para matumba ako sa prinsepe, na-out of balance naman ang prinsepe nanaging dahilan para matumba kaming dalawa, sa pagtumba nga namin ay nagdikit ang labi ko at ang labi niya. Agad naman akong humiwalay at sinampal siya dahil sa pagkabigla.
"Ouch!" Sigaw niya sabay tulak sakin. Tumayo naman ito at akma sana akong sisipain nang harangan siya ni kuya.
"Kahit sino ka pa, wala kang karapatang saktan ang kapatid ko!" Sigaw ni kuya. Kaya napatayo ako para pakalmahin si kuya, dahil dilekado siya kung magalit.
"K-Kuya tama na, kasalanan naman natin, at kasalanan ko rin naman, a-agad ko siyang sinampal," Sabi ko. Yumuko namna ako at lumuhod sa harap ng prinsepe. "I beg for your forgiveness, My Prince. It's not my intention to kiss and slap you, please forgive me." Pagmamaka-awang sabi ko.
Narinig ko namang bumuntong-hininga ang prinsipe at naglakad na papalayo.
"If you really want my forgiveness, follow me to the gymnasium and promise me that you will win against Grazilda," Sabi niya. Napangiti naman ako at agarang tumayo. Tinignan ko maman si kuya at nginitian.
"Kumalma ka kuya, baka mag-burst out ka na naman na maging sanhi ng pagkawasak ng nga goals natin." Sabi ko gamit ang Mind Communication. Bumuntong-hininga naman ito at tumango.
"Let's go, kuya." Sabi ko sabay hawak sa kamay niya at sabay naming sinundan ang prinsepe...
...
Don't forget to vote, comment your feedback, and share my story❤️
You are all beautiful today, kyubies!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com