KABANATA XXI: WHAT'S THE PLAN?
BRIELLE'S POINT OF VIEW
"So, are you confident that you are innocent?" Tanong ni Ms. Eva, kaya tumango naman ako at si Weiner.
"Yes, Ms. Eva. I have an alibi, and I'm sure Weiner has too, right?" Tanong ko sabay harap kay Weiner, tumango naman ito, at bakas parin ang kaba sa kanyang mukha.
"But, kung pagbabasehan ang kakayahan niyo, kayo lang ni Weiner ang may kakayahang patayin ang Ahas na may walong ulo. And according to my source, he saw the two of you went to the forbidden cave, where the eight headed snake lives. Also, saan ka nanggaling kagabi at nasa labas ka ba kahit curfew hours na yun, Weiner?" Tanong ni Ms. Eva, huminga naman ng malalim si Weiner para i-kalma ang kanyang sarili.
"Well, hindi po ako nakatulog kaya napag-isipan kong lumabas, actually nung uuwi na ko sa room ay may nakasalubong akong isang kahina-hinalang nilalang na nakasuot ng black na cloak at may pares ng puting pakpak, hindi ba nakakapagtakang may pumuntang Angeles dito, Ms. Eva?" Tanong ni Weiner, pahawak naman sa baba ang ginang dahil doon.
"Well, that's super weird. Angeles never broke any rules, so why does this one intrudes itself in the place that is taboo for them to go," Sabi niya sabay buga ng hangin at tongin sa amin, " Since mukhang malapit na kayong ma-late sa first class niyo, maaari na kayong umalis, but mind that you are under surveillance as you two still the main suspects, thank you for your time." Dagdag ni Ms. Eva, tumango naman kami at pumunta na sa exit magic circle para makaalis sa office niya.
Nang tuluyan na kaming makalabas ay tinapik ko ang balikat ni Weiner dahil mukhang nag-iisip parin ito ng malalim.
"Hiwag mo masyadong isipin 'yon," Sabi ko. Tumingin naman ito ng seryosa sakin at saka ngumisi.
"Hindi ko na iniisip yun, ang iniisip ko ngqyon ay kung patay na ang walong ulong ahas, it means we are free to go inside the cave, right?" Mapusok na tanong ni Weiner kaya naman tinakpan ko ang bibig niya.
"Tanga ka ba, Weiner! Alam mong nasa labas pa tayo ng Mistress' Office, baka may makarinig sa atin, alam mo namang under surveillance pa tayo," Bulong ko sakanya. Tinanggal naman nito ang pagkakatakip sa bibig niya.
"Edi mag-mind communication muna tayo," Sabi niya bigla. Nasamid naman ako dahil doon.
"Nice idea, kapatid nga talaga kita. Pero may point ka, gusto mo bang daanan muna nating yung site para makasagap tayo ng information?" Tanong ko, napatingin naman siya sakin at tinanguan ako. Kaya nag-umpisa na kaming maglakad papunta sa Cursed Prison, kung saan ang tahanan ng walong ulong ahas.
Minutes passed...
Nakarating narin kami sa tapat ng Cursed Prison, kita namna namin na napakaraming guards ang nakapalobot dito.
"Oh, anong ginagawa niyong dalawa dito, bakit wala kayo sa klase niyo?" Isang pamilyar na boses naman ang gumambala sa pagmamasid namin. Kaya sabay kaming napatingin sa likiran ni Weiner at kita namin si Capatain Amor habang kumakain ng mansanas.
"Actually, we are heading to our classroom na nga, Captain Amor. By the way, hello and good morning. Napadaan lang kami kase nabalitaan nga naming may pumatay sa walong ulong ahas," Paliwanag ni Weiner. Lumakad naman sa harapan namin si Capatain Amor at umiling-iling.
"Napakasaklap nga ng nangyare sa ahas na iyon, tagal niya ring nahsilbi sa academy na ito. Oh, di pa ba kayo papasok? Malalate na kayo," Sabi niya. Kaya naman umismid kami at hinawakan ko na ang kamay ni Weiner.
"Mauna na kami, Captain. Paalam!" Sigaw ko sabay kaladkad kay Weiner papuntang classroom.
"Kuya, paano niyan? Ang daming nakabantay, paano tayo makakapasok?" Tanong ni Weiner.
"Maya na tayo magplano, pumasok muna tayo para sa mga lesson natin sa araw na ito," Sabi ko. Kaya pinagpatuloy na namin ang pagtakbo, at ilang saglit pa ay nasa harap na mami ng aming classroom. Kumatik muna kami, at ilang saglit pa ay pinagbulsan kami ni Prof. Stella.
"Oh, akala ko mag-aabsent kayo sa second day ng klase," Sabi niya. Nginitian ko naman siya at nag-bow ng kaunti.
"Apologies, Prof. Stella, pinatawag kase kami ni Ms. Eva sa office niya, may pinag-usapan po lase kaming importanteng bagay," Paliwanag ko. Tumango-tango lang ito at binuksan ng maluwag ang pintuan.
"Hindi pa naman kayo talagang late, kaya hali na kayo, pasok na," Utos niya. Kaya naman pumasok na kami at umupo sa aming upuan.
"So, children, we are going to discuss what is Healing Hex and other branches of it. After the discussion, we have a practical quiz, so you need to take this discussion seriously." Paliwanag ng ginang. Tinanguan naman namin siya bilang sagot.
"Healing Hex, the Elvis got this kind of power because in the time of Avalon, we are the purest of all races, we are purer that Angeles by looks, manner, and the way we speak, we have the sophistication in every action we do. So, Avalon saw that and shares one of his blessinga to us, the Healing Hex. Healing Hex have many branches, the innate healing, holy healing, and elemental healing..." Paliwanag ni Prof. Stella, nakuha naman ang atensyon ko ng elemental healing, kaya napataas ako ng kamay para magtanong. "Yes, Mr. Charlotte?" Tanong ni professor.
"Gusto ko lang po sanang itanong kung sa Elemental Healing po ba ay kasama ang Fire sa kayang mag-heal ng mga pinsala?" Tanong ko, nginisian naman niya ako at tinaasan ng balikat.
"Of course, but mind you, in the history of Elvis Healing Hex, only Prince Elvin can use the " White Flare" or in simple term, the healing fire. However, they say that's the simpliest fire healing hex, they say the most difficult to use is the God-tier fire healing hex called "Flare Arizona" which if I recall, only the Draco King can use it. But, anyway, he's gone. I hope I'd answer your question, Mr. Charlotte?" Pagsagot ni Prof. Stella sa tanong ko. Nginitian ko naman siya at saka nag-nod.
"Maraming salamat po," Sagot ko. Dahil sa mga sinabi niya ay naging distracted na ako at inisip na paano kaya pag-aralan ang fire healing hex para naman hindi na ako paghinalahan na hindi talaga ako tunay na Elvin...
...
WEINER'S POINT OF VIEW
The class ended quite excitingly as I performed my water healing hex, and Ms. Stella complimented me for using such a majestic branch of healing hex. After that practical quiz, we went here to the canteen, sitting next to Dei's gang table, and I noticed Dei always giving a swift glance towards me, which made me smile. By the way, I ordered my favorite spaghetti, a bottle of orange juice. While kuya ordered a tuna sandwich, and a bottle of water. Speaking of this man, he's totally out of his mind right now; actually, he seemed distracted a while ago and until now.
"Hey, Kuya Brielle. You look distracted. I am your brother, you can tell me what your problem is," Sabi ko. Bumuntong-hininga naman siya at tumingin sakin.
"Nothing, iniisip ko kase hanggang ngayon yung tungkol sa Fire Healing Hex, gusto ko sanang pag-aral pero sabi ni Ms. Stella, wala ni isang book sa library ang naka-imbak doo." Sabi niya, sabay kagat sa tinapay niya.
"Let's try to ask other students in our batch if they have information about that branch of healing hex, and if we gathered enough information, then it is time for you to learn that hex," Sabi ko. Then, sumubo ako ng spaghetti, napaturo naman sa may pisngi ko si kuya, which means I have a little dirt at my face again.
"Hello, sorry for overhearing your conversation, but maybe I can help?" Sabi nang hindi pamilyar na boses sa likuran ko. Napatingin naman ako at nakita ang isang napakagandang nilalang. "Oh, my bad. My name is Prince Elvin Hayes of Elfos Domain, nice to meet you." Dagdag niya pa, kaya naman napatyo kami ni kuya para abutin ang kamay niya.
"My pleasure, my name is Weiner Charlotte, one of your citizens, your majesty, Pakilala ko sabay bow.
"My pleasure, my name is Brielle Charlotte, your majesty. Sorry, but I humbly declined your offer as I am just a nobody comlare to you, your majesty," Sabi ni kuya na nagpagulat sakin.
"Are you out of your mind, you must take it!" Galit na sabi ko sakanya gamit ang mind Communication. Wala naman akong narinig na sagot mula sakanya.
"Are you sure? I insist, please, let me help you," Sabi ni Prince Elvin. Itinaas naman ni kiya ang ulo niya at kita ko ang mapait na ngiti sa kanyang labi.
"Sorry, but I can't take your offer, your majesty. I'm afraid I might hurt you," Sabi ni kuya. Doon ko nga naalala na ito pala ang prinsepeng kamukhang-kamhukha ni Kio, baka naalala niya si Kio sa mukha ng prinsepe. Kya naman hindi na ako nagsalita at baka magalit pa si kuya.
"Tsss, why are you giving them such a good offer to the prideful bitches, Elvin. Just leave them alone," Sabat naman ni Princess Grazilda na nagpataas ng kilay ko. Sasagutin ko na sana ang bruha nang tumayo si Devon , tumitig sakin at umiling para bigyan ako ng sign na huwag ng patulan ang bruha. Kaya huminga na lang ako ng napakalalim at inextend ang aking patience.
"Let's go now guys, we need to go back to our class immediately, Ms. Alar is waiting for us as she will give us a mission," Sabi naman ni Devon. Kaya nagsitayuan na ang ibang mga Princess and Princes at lumakad na sila palabas ng canteen. Bago naman lumayas si Princess Grazilda ay binigyan ako nito ng pag-rolyo ng mata na nagpapantig sa mga ugat ko sa ulo. Pero, hinayaan ko na lang siya at binuhos na lang sa pagkain ang galit ko...
...
BRIELLE'S POINT OF VIEW
Gabi na at kasalukuyan kami ngayong nagp-plano ni Weiner kung paano makakapasok sa Cursed Prison ng hindi napapansin ng mga guards.
"What if i-suffocate ko sila gamit ang water hex ko?" Suhesyon ni Weiner, kinonyatan ko naman siya s aulo dahil don.
"Tanga ka ba, gusto mo ba sila mamatay, edi lalo tayong napahamak!" Galit na sabi ko sakanya.
"Eh ano gagawin natin?" Tanong niya, kaya naman isang ideya ang pumasok sa utak ko.
"What if alisin muna natin ang camouflage natin at i-try natin pumasok at kapag nakapasok na tayo, mapupubtahan natin ang loob nito at kaya na nating mag-teleport doon, right?" Suhesyon ko na nagpabusangot kay Weiner.
"Ang risky ng alam mo, pero bet ko ying part na kahit makita lang natin ang loob para makapag-teleport, alam mo ba ying tinuro ni tatay na invisibility utility hex?" Tanong niya. Tinanguan ko naman siya, pero napahawak ako sa baba ko.
"Kung balak mong gawin iyan, may seven seconds lang ang itatagal ng utility hex na iyon, at sa tansya ko of tatakbihin natin na magsisimula dun sa punong medyo malapit sa Cursed Prison ay susumahin ng fifteen seconds, " Paliwanag ko. Nginisian naman ako ng kapatid ko at naglakad papunta sakin at saka nito tinap-tap ang aking balikan.
"Big brother, we just need to think critically, like what if you'll throw me to make my move faster?" Suhesyon niya na nagpangiti sakin.
"You have a point, so let's go and do it?" Tanong ko, tinanguan niya naman ako sabay offer ng kamay niya
"Let's teleport to that tree," Sabi niya. Kaya naman kinuha ko ang kamay niya at nag-teleport kami sa likod ng punong malapit sa Cursed Prison.
"Oh! At least hindi na ako nasusuka, pero medyo nahihilo parin ako," Sabi ko nang makarating na kami sa likod ng puno. Sinulyapan ko muna ang paligid at kita ko ngang napakaraming guards ang nakapalobot sa Cursed Prison kasama na nga rito si Capatain Amor, marahil ay may pinoprotektahang importanteng lihim ang Academy at ang mga Royalties sa loob nito, peeo ano kaya ito?
"Ayos lang yan kuya, ang tanong are you reasy to throw you little bro?" Tanong niya, tinaasan ko siya ng kilay at saka siya binuhat.
"Yup, matagal ko nang pangarap ito," Biro ko. Nag-frown naman siya na nagpahagikgik sakin. "Sige simulan na natin ito, ibabato kita kapag three second left na lang ah, magbibilang ako ready yourself." Instraksyon ko sakanya.
"Ready... Set... Go, " Bulong niya kaya naman nag-invisible na kami.
"Seven... Six... Five... Four!" Sigaw ko gamit ang Mind Communication sabay bato kay Weiner, habang ako naman ay dagling nag-teleport na sa likod ng puno dahil sa baka hindi na ako abutan kung tatakbihin ko iyon.
"Three," Patuloy ko sa count down, "Two... One... Weiner, nakapasok ka ba?" Tanong ko gamit ang Mind Communication.
"Successful!" Sagot naman niya...
...
Mahaba-habang chapter pambawi naman sa mga nagtatampong kyubies, chaniz! HAHAHAHAHA. Sana mag-enjoy kayo, bukas ulit!
Don't forget to vote, comment, and share my story (These three things matter for the growth of my story and of myself personally.)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com