Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA XXVII: INSTRUCTOR

BRIELLE'S POINT OF VIEW

Hating gabi na at hindi parin ako makatulog. Kaya naisipan ko munang lumabas ng Guest's Building para magpahangin. Sa paglabas ko ay may nakita akong payapang lugar kaya pumunta ako rito sa isang long chair sa ilalim ng puno na parang lantang cherry blossom dahil sa kulay beige ito. Nakatitig lang ako sa kalangitan ngayon at tinitignan ang mga bitwin, ito kase talaga ang ginagawa ko kapag hindi ako makatulog kahit pa noon na nasa mundo pa kami ng mga mortal.

"Pwede bang tumabi?" Sabi ng pamilyar na boses sa likuran ko. Kaya napatingin ako sa likuran at nakita si Vin.

"Sure," Sagot ko. Tsaka ako umatras para magbigay ng espasyo.

"The moon is beautiful, isn't?" Tanong niya na nagpabigla sakin. Marahil ay hindi siya aware sa ibig sabihin ng katagang iyon.

"Y-Yes, t-the stars too," Nauutal na sagot ko.

"May balita ako na ang mga tatlong magiging activities daw sa Camp O'Willow isa sa mga iyon ay ang Healing Hex practical activity, paano ka niyan?" Tanong niya. Nabigla naman ako dahil doon kaya napa-buntong-hininga na lang ako.

"Hindi ko rin alam, hindi ko pa alam gamitin ang Fire Healing Hex," Sagot ko naman. Tumayo naman ito bigla at inoffer ang kanyang kamay.

"Tara, tuturuan kita ngayong gabi ng pinaka-simpleng alam kong Fire Healing Hex," Sabi niya. Binigyan ko naman siya ng maaliwalaa na ngiti at inabot ang kamay niya para tumayo.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko. Hinila miya naman ako at tumakbo.

"Basta, sunod ka lang," Sabi niya. Kaua naman nahpatangay na lang ako sa paghila niya at ilang saglit pa ay napunta kami sa main building ng palasyo kung saan located ang throne at rooms ng Royal Family. Maganda ang main building dahil sa purong ginto ang pintuan nito na may nakaukit na dalawang nakapalupot na ahas ang naka-engrave dito na sumisimbulo sa Elvin Race, at may nakabantay na dalawang guards ngayon dito.

"Paano tayo papasok nito?" Tanong ko sa prinsepe. Himigpitan niya ang hawak saking kamay binigyan ako ng malokong ngiti.

"Akong bahala, basta hanggang hindi ko simasabing hinga, huwag na huwag kang hihinga," Sagot naman nito. Nag-nod naman ako bilang sagot. Ilang saglit pa ay mabilis itong kumaripas sa may gintong pintuan, at pinagtakhan ko namang hindi siya napapansin ng mga guards. Ilang sgalit pa ng makalapit kami sa pinto ay tuloy-tuloy parin ito sa pagtakbo at nang nasa may pintuan kami at patuloy parin siya sa pag-takbo ay napapikit na lang ako dahil sa pa-untog na kami...

"Pwede ka ng dumilat at huminga," Sabi ni Vin. Kaya napadilat ako nang makita kong nasa loob na kami at nandito ngayon sa likod ng isang haligi ng building. Napahinga naman ako nh sobrang lalin dahil sa akala ko mauuntog na kami s agintong pinto.

"Dyusko, halos mamatay ako sa kaba kanina, akala ko naman eh uuntog na tayo sa pinto. Teka, paano tayo lumusot s alinto at hindi mapansin ng mga guards?" Tanong ko habang nakataas ang kilay at nakahawak pa sa baba.

"Simple lang, una gumamit ako ng Utility Hex: Total Invisible at Utility Hex: Infused - kung saan pwede kang tumagos sa alin mang konkretong bagay," Sagot naman niya. Napatango-tango naman ako dahil sa pagkamangha.

"Ang galing, paano mo napagsabay ang dalawang Utility Hex? Ang alam ko sobrang hirap pagsabayin ng dalawang Utility Hex," Sabi ko. Pumikit-pikit naman ito at mukhang kinikilig dahil sa sinabi ko.

"Ano ka ba, ako lang ito!" Pabirong sabi niya habang humahagikgik pa, "Pero kidding aside, matagal ko rin pinag-praktisan yun hanggang sa na-master ko. By the way, sumunod ka sakin, pupunta tayo ngayon sa training room ko tara." Dagdag pa noya at nauna nang lumakad. Sumunod naman ako at inilibot muna ng aking mga mata ang loob ng palasyo, ang loob pala ng Main Building ay parang sa mga sikat na palasyo, sa pagkakabilang ko ang may sampung palapag ito. Sa first floor, kung saan kami ngayon naglalakad ay kita ang Greenish Throne na may rebulto dalawang ahas na nakapalupot sa likuran nito bilang simbulo ng Elvis Race, nasa may playform ito na may tatlong baitang ng hagdan, at nakalatag din ang mahabang res carpet na nag-uumpisa sa may paanan ng throne hanggang sa  may mismong golden door. Simple lang naman ang dekorasyon nito dahil kulay green na tela may simbolo ng Elvis Race ang nakasabit sa bawat haligi ng building at may malaking Chandelier na nakasabit sa pinakataas na kung susumahin ay naabot nito ang pang-sampung floor hanggang sa may pang-apat na floor sa laki nito. Ngayon nga ay paakyat na kami sa stairs na may nakapalupot na kulay green na tela sa handrails at dalawang nakapalupot na ahas naman ang disenyo ng Balusters at Newel nito.

"Malapit na ba tayo?" Tanong ko namam kay Vin. Kaya napatigil siya at tumingin sakin.

"Oo, nasa unang pinto lang ng second floor ang training room ko," Sabi niya at nagpatuloy na sa paglalakad. Ilang saglit pa ay tumigil kami sa harapan ng kulay green na pinto.

"Nandito na ba tayo?" Tanong ko. Hindi naman niya ako sinagot at pinihit na lang ang doorknob at binuksan ang pinto. Hinila niya naman ang kamay ko papasok.

"Narito na tayo," Sabi niya. Kita ko naman ang iba't ibang hayop na ngayon ko lang nakita, pero marami dito ang hayop na mukhang kuneho na kulay blue at may mga crystal na nakakabit sa katawan niya.

"Ano ang mga iyan?" Tanong ko habang nakaturo pa sa mga nilalang.

"Sila ang mga lokal fripry o sa moratal language ay endemic animals ng Elfos Domain at lahat sila ay may sakit, sila naman ay pinapagaling ko at pinagpa-praktisan ng aking Healing Hex para ma-improve ko pa lalo ito. At itong cute na kulay asul at puno ng kristal na nilalang na ito ang pinaka-paborito ko - ang mga Plopbun ," Sagot naman ni Vin. Napangiti naman ako dahil na-cutan naman ako sa pamamaraan niya ng pag-ppractice.

"Napakabuti mo, Vin," Sabi ko. Namula naman ang pisngi niya at umiwas ito ng tingin na nagpa-hagikgik sakin.

"Tama na nga yan, you flatterer! Simulan na nga natin ang forst lesson, so ang need mo lang gawin ay i-kalma ang buong katawan mo, dahil kakalma din ang Fire Hex mo dahil doon. Sige i-try mo, isipin mo ang mga mahal mo sa buhay, kung paano kayo mag-bonding, paano kanila pinapasaya, at isipin mo rin ang senaryo na nagpapakalma sa utak mo," Instraksyon ni Vin. Agad ko naman ginawa ang mga iyon, nag-inhale at exhale muna ako at inisip ang masasayang karanasan namin nila Weiner at Daddy sa mundo ng mga mortal. Napangiti ako dahil sa mga memories na iyon.

"Ngayon, maglabas ka ng apoy, tignan natin kung kalmado ang Fire Hex mo," Sabi niya. Kaya naman naglabas ako ng apoy sa kamay ko at kita ko namang naging kulay blue ang aking apoy. Kita ko namang nagulat si Vin base sa expression niya.

"Wow! Phoenix Flare, ang pinakamabisang kulay ng apoy para makapagpagaling!" Masayang sabi sabay hawak sa balikat ko.

"You're the best, Bri!" Sigaw niya sakin. Kaya naalala ko bigla si Kio dahil sa tinawag sakin ni Vin, iyon kase ang tawag sakin ni Kio at si Kio lang ang tanging taong tumatawag sa akin ng ganon, bigla ko namang naalala kung paano siya mamatay sa bisig ko, "H-Hey, y-your fire." Dinig kong nauutal na sabi ni Vin. Kaya, napabalik ako sa aking wisyo at kita ko ngang bumalik sa blakish red ang fire ko na nagpatakot sa mga nilalang ngayon sa kwartong ito. Kaya, pinatay ko agad ito at walang sabi-sabi ay nag-teleport ako sa room namin sa Guest's Building. Lumitaw naman ako sa may sala at kita ko naman umiinom ngayon si Weiner.

"Hey, where did you g—" Hindi ko na siya pinatapos at dumiretso na sa banyo at sinindi agad ang shower. Sinuntok ko naman ang pader dahil sa galit na nararamdam ko ngayon dahil nagbalik na naman ang mga alala kung saan nagsisi ako ng matindi sa mga choices ko.

"Fuck! I always mess things up!" Gigil na sigaw ko...

...

WEINER'S POINT OF VIEW

At exactly seven of the morning, Prof. Stella called all the groups here at the Venue Hall of the Elfos Domain for the Day One Activities, so here we are sitting on the bleacher seat and waiting for the speakers to arrive. But I'm still worried by Kuya's action right now; he's still silent as a mime.

"Hey, are you okay?" Tanong ko sakanya. Binigyan niya lang ako ng mapait na ngiti at tango. "You are not well, you can't fool me." Dagdag ko pa.

"I'm more than okay, don't mind me. Meron langa kong iniisip ma priva6na bagay," Sabi ni kuya. Sasagot pa sana ako ng mag-umpisa ng nagsalita si Prof. Stella.

"Good morning Elvis student of Akadimía evlogías tou theoú. Today, we officially start the day one of three day activities for young aspirants like you. To guide you, I am with the professionals here that also Almni of our beloved academy. So, according to my records, we have a total of sevety-three groups here with four members, and our professionals also seventy-four. Thus, you need to choose one of them to act as your instructor and guide you for day one until day three. Don't worry, they are all competitive and experienced. Now, it's your time to choose, the groups that are sitting at the left bleacher seat are the ones to choose, please line up and go to the stage to choose your instructor..." Mahabang lintaya ni Prof. Stella. Swerte naman kaming nasa right side at punaka-dulo sa bleacher seat.

"Dyusko, ang tagal pa nating mag-hihintay!" Sigaw ni Lor. Kaya tumingin ako sakanya na may nakataas na kilay.

"Gaga ka kase, sabi ko doon na tayo, edi nasa harapan at unang-una sana tayo," Sabi ko. Napakamot naman sa buhok niya si Lor at binigyan ako ng awkward na tawa.

"I think good thing narin na huli tayo, isa pa kahit sino pang mapunta satin ay sigurado namang the best, kase sabi nga ni Prof. Stella ay lahat ng mga professionals ay competitive and experienced," Sabat naman ni Kuya Tieo. Nag-nod naman kami ni Lor bilang pag-sang-ayon.

"Uy! Weiner, kanina ko pa napapansin walang imik at malalim ang iniisip ni Brielle," Bulong ni Lor. Nag-exhale naman ako dahil doon.

"Oo nga, feel ko may nangyari sakanya kagabi eh. Pero, ayahan na muna natin siya, mag-oopen up at mag-oopen up din siya kapag kaya niya na talagang sabihin sa atin kung ano nangyare," Sabi ko. Nag-nod lang ng maraming beses si Lor. Marami pa kaming pinag-kwentuhan ni Lor hanggang sa turn na namin para pumili ng professional, pero mukhang wala na kaming karapatang pumili dahil saktong isa na lang ang nasa stage ngayon. Kaya pumanhik na kami at inoffer ang aming kamay sa babaeng Elvin na may puting buhok at highlights na pink sa may end ng buhok niya. Nakasuot din ito ng long black dress at naka-heels na nasa five inches tall, maganda naman ito pero sa awra niya ay mukhang mataray siya. Inoffer naman namin ang kamay namin sakanya bilang paggalang.

"No, I won't touch your dirty filthy hands. Let's just work together without any contact physically, mentally, and socially. I just need you to give your best to win every activities and if we lose, it's all your fault!" Matapobreng sigaw nito sabay suot ng sunglass niya at naglakad na parang nasa runway siya pababa ng stage...

...

Slayed! Ate and left no crumbs si anteh, sino kayo dyan. By the way, thank you sa mga nag-babasa, appreciated ko ang effort niyo at supper duper thank you naman sa mga nag-vvote, nag-ccomment, and nag-sshare ng story na ito. Sobrang laking tulong niyo sa pag-grow ng story na ito, at pag-grow siyempre ni author! Again, thank you!

For a clearer view of Plopbun, kindly check the multi-media above.

Don't forget to vote, comment, and share my story (These three things matter for the growth of my story and of myself personally.)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com