Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Universe 1: Grief

ZEN

Summer.

It's already summer! Wala sa sariling sumimangot ako habang walang kabuhay-buhay na nakahiga sa kama. Hindi ko maintindihan kung bakit patuloy pa rin sa pagtakbo ang oras sa kabila ng mga nangyari, sa kabila ng pagkamatay ng taong mahalaga sa 'kin. Sa kabila ng pagkamatay ng best friend ko.

Isang buwan na ang nakalipas nang lumisan siya. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap na wala na siya. I'm trying so hard to move on but grief and loss still lingers. Maybe this grief will always be a part of me. My heart still shatters to pieces every time I remember her. Memories are the most painful and cruel thing she left me.

Tanghali na kaya nasisinagan na ng araw ang silid ko. It is situated in the attic. It's not a small room though. Isang maliit na bintana ang nakabukas kung saan makikita ang isang maliit windmill na gawa sa kahoy. Marahan itong umiikot dahil sa mabining paghampas ng hangin dito.

Sa taas ng kama ko, makikita ang built-in bookshelves na punong-puno ng mga libro at babasahin.

Sa gilid ng kama ko, sa may bandang ulunan, may isang study table kung saan nakapatong ang ilang libro tungkol sa sining at ang lumang lampshade.

Sa dulo naman ng kama, makikita ang isang built-in closet.

Sa kabilang bahagi ng silid, makikita ang mga blank canvas, paint brushes at pastels. They look lonely, untouched and abandoned.

Nang mawala si Elaine, nawala na ang interes ko sa pagguhit at pagpipinta. Between the two of us, she's the most fascinated about arts. She's my role model. She's my inspiration. But now, the inspiration is gone, she's gone and will never ever come back.

Arts can never make me whole again.

Tumingin ako sa bintana na katapat ng higaan ko. Natatakpan na ito ngayon ng itim na kurtina. Hindi ko na ito binuksan nang mawala siya dahil matatanaw ko lang ang dati niyang silid kung saan madalas kaming nag-uusap tuwing gabi, mula sa mga bintana namin.

Dati, wala talaga ang bintanang ito. Pinagawa ko lang ito kay Papa para lang makapagkwentuhan kami ni Elaine kahit hindi kami umaalis sa bahay namin. Mabuti na lang nasa gilid na bahagi ang attic at nagawan ito ni Papa ng paraan.

We're tracing all the constellations we can see or inventing up some new ones. We dreamed of flying in the outer space and visiting the moon and the planets or maybe discovering new exoplanets and finding where the universe ends.

But her death became the end of my universe. I suddenly stopped revolving around my own axis. Even the world stopped revolving along with me.

Nakarinig ako ng ugong ng sasakyan mula sa kabilang bahay. Umalis na ang mga kapatid at magulang ni Elaine sa lugar na ito upang kalimutan ang sinapit ni Elaine, dalawang linggo na ang nakalilipas, kaya kumunot ang noo ko. Bumalik ba sila?

Wala sa sariling bumangon ako at dahan-dahang lumapit sa bukas na bintana ng attic. Muntik ng mahulog ang windmill nang dumungaw ako, pero mabuti na lang at nasalo ko ito.

Kumakabog ang dibdib ko habang pinagmamasdan ang bagong dating suot ang aking pantulog at pajama.

Bumaba sa pickup ang isang batang babae na may yakap-yakap na teddy bear. Samantala, isang matangkad na lalaki na tila kasing edad ko ang sumunod sa kanya, hawak ang gitara. Hindi ko makita ang mga mukha nila.

May isang babae at isang lalaki na nasa mid-forties ang nagbababa ng kanilang gamit na sa tingin ko ay mga magulang nila. Kapansin-pansin ang tawanan nila at pagbibiruan. May kalakasan din ang tugtog na nagmumula sa kanilang Ford pick up.

Hindi sila ang pamilya ni Elaine. Ngayon ko lang sila nakita. Siguro binili nila ang bahay?

Mukhang naramdaman ng matangkad na lalaki na pinagmamasdan ko sila kaya dahan-dahan siyang tumingin sa direksiyon ko. Nang makita niya ako, ngumiti siya nang malapad. Actually, he beams at me that's why I blushed. Pero itinago ko ang pamumula ng mukha ko sa pamamagitan ng pagsimangot. His sun-kissed skin is stunning and his friendly wide smile is contagious but I didn't smile back.

He even waved at me and shouted. "Hi! Bago lang kami rito!"

Lalo akong sumimangot. He's too friendly. I hate friendly.

And because I still can't accept my best friend's death and someone occupying their old house, I backed away immediately from the window. Hindi ko na ulit sila sinulyapan. Maybe, they can call me rude. I don't care.

Dahil naiingayan ako sa bagong kapitbahay, agad akong naligo at nagbihis. Isinuot ko ang black hooded jacket at maong shorts ko. Inayos ko ang sarili ko. I grab my sling bag. I get some long strips of white paper and ballpen and put these things inside my bag. Dinala ko rin ang headset at cellphone ko kung sakaling may magtangkang makipag-usap sa 'kin.

Bumaba ako sa hagdan at pumunta sa kusina kung saan nagluluto si Mama.

She beamed at me but I blankly stared at her. I already forget how to smile and interact properly. I nodded at her and grabbed a bread in the kitchen counter. Nasanay na siyang hindi ako ngumingiti simula nang mamatay ang bestfriend ko. Gusto niya akong intindihin pero alam kong hindi pa rin niya ako naiintindihan.

"'buti naman, gising ka na. May bago tayong kapitbahay. Dumaan sila rito bago maglipat ng gamit. Bakit hindi ka makipagkilala sa kanila? Ka-edad mo lang daw 'yong lalaking anak nila. Baka maging kaklase mo pa sa pasukan. Gusto rin niyang pumasok sa Serenity Arts University," she said with a kind smile. My Mom is the most worried about me. Her smile faltered when I frowned. I shook my head.

"Baka hindi na ako pumasok sa Serenity. Sa ibang school na lang. I can't do arts anymore," sabi ko. Mas lalong napuno ng pag-aalala ang mukha niya. Napansin ko rin ang pagkadismaya. "Pero siguro saka na lang ako makikipagkilala sa kanila. Kapit-bahay naman natin sila," sabi ko na lang para hindi siya masyadong mag-alala pa.

Malungkot na ngumiti siya. Isa siya sa mga masayahing tao sa mundo kaya naiinis ako minsan sa sarili ko dahil nadadamay siya sa pagluluksa ko.

"Nandito pa kami, Zen. Handa kaming makinig sa 'yo. Kapag hindi mo na kaya, nandito lang kami," she said with worry. I can't even smile but I nodded.

"Ma, alis muna ako," sabi ko na lang at humalik sa pisngi niya.

"Pupuntahan mo si Elaine?" Tanong niya. I could feel the pain and worry in her voice.

Tumango ako. My grief is also transferred to her. Her grief is aimed at me, though.

"Huwag kang magpapagabi," paalala na lang niya kahit hindi niya nagugustuhan ang ginagawa ko. Dumukot siya ng pera sa bulsa at iniabot sa 'kin. "Kumain ka 'pag gutom ka na." Tinanggap ko na ito dahil alam ko namang ipipilit niya kapag tumanggi ako.

Nang lumabas ako sa bahay, nadaanan ko pa ang bagong kapitbahay namin. Ginawa ko ang makakaya ko upang hindi sila tingnan. Nagmamadali ang bawat hakbang ko patungo sa sementeryo.

Tumigil ako sa puntod na may pangalang, Elaine Morgan. Sa gilid ng puntod nakatanim ang bonsai tree na unti-unti ng lumalago at tumataas dahil nakatanim ito sa lupa at hindi sa isang paso. Soon, I will need to trim its branches. Napansin ko na natutunaw na ang mga papel na nakatali rito dahil sa pag-ulan ng mga nakaraang araw.

Umupo ako sa harap ng puntod niya at nilinis ang puting marmol kung saan nakasulat ang pangalan niya. Isang maikling mensahe ang nakasulat doon: Shine together with the stars.

Did she really shine together with the stars? Paano ang mga pangarap niyang hindi natupad? Saan na ito napunta? Hanggang ngayon, sumasakit pa rin ang dibdib ko sa nakapakaikling buhay na ibinigay sa kanya. Pareho kaming nakapasa sa Serenity Arts University. Sabay sana kaming papasok kung hindi siya naaksidente.

She was with her sister that night when a drunk driver sped up and made a wrong turn. Their car was hit. Nakaladkad ang kotse kaya malaking pinsala ang naidulot sa kanila. Her sister survived while she's the unfortunate one.

Mabait si Elaine at masayahin kaya hindi ko matanggap na wala na siya. Siya ang humikayat sa 'kin na magpinta dahil nakita niya ang potensyal ko noong bata pa lang kami. She's good at music and playing instruments while I'm good at drawing and painting. She's a frustrated painter that's why she did her best to teach me how to paint. Niregaluhan pa nga niya ako ng mga gamit sa pagpipinta. Unexpectedly, I started to enjoy painting. Minahal ko ito kaya ngayon hindi ko na alam kung dahil ba kay Elaine ang pagmamahal na iyon o dahil gusto ko talagang magpinta.

Huminga ako nang malalim para pigilan ang luhang nagbabantang tumulo sa mga mata ko. Kinuha ko na ang mga papel na dinala ko at nagsimulang magsulat ng mga saloobin ko.

Do you know where all the happiness and smiles and love go when someone dies?

Itinali ko ang papel sa sanga ng bonsai.

I hate making memories without you. I hate creating new memories with new people.

Do you watch over me from above?

Are you an angel now?

Are you reincarnated? Is it possible? I will look for you if that's possible.

I can't enjoy art now without you.

We have a new neighbor. He beams and smiles like you do. I hate it.

Once upon a time, there was a girl who loves art but her love for it dies together with her best friend.

How can life still go on when someone you love dies? Why can't time stop together with your heart?

Isa-isa ko itong itinali sa bawat sanga ng bonsai. Ito ang paraan ko upang kausapin siya. Araw-araw akong nagtatanong simula nang mawala siya. Kinain ko ang dala kong tinapay dahil kumakalam na ang sikmura ko pagkatapos ay ipinagpatuloy ko ang pagsusulat.

I'm broken but no one understands.

Do you know how it feels to drown in grief?

Bumuntong-hininga ako. I'm sure the bonsai feels lonely too because its absorbing all the negative energy from me. Wala sa sariling humiga ako sa tabi ng puntod niya na nababalot ng bermuda grass at tumingin sa asul na asul na kalangitan.

Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko. I miss my best friend badly. Wala ng mangungulit sa 'kin at magpapaalala sa dapat kong gawin. Walang magsasabi kung pangit o maganda ba ang mga ipininta ko. Wala ng mangungulit sa 'kin kapag hindi ako lumalabas ng bahay o hindi ako nagsasalita. Wala na akong makakausap tungkol sa mga bituin, kalawakan at kalangitan.

I stayed on that position for a long, long while. Nang mapansin ko na lumulubog na ang araw, saka ako tumayo at nagtungo sa plaza. Hindi ko alintana ang gutom dahil sa kalungkutan. Madalas kaming tumatambay ni Elaine dito upang makahanap ng inspirasyon habang nakaupo sa duyan at pinag-aaralan at pinagmamasdan ang mga taong dumadaan at naglalaro rito. People fascinate her, especially the simple acts of kindness. They're the subject of our art, her music and my canvas.

Umupo ako sa isang duyan. Kahit anong gawin kong pagmamasid sa paligid, wala ng nakakakuha ng interes ko. I'm alive but not really living.

Dahil gutom na gutom na talaga, lumapit ako sa mga stalls na nagbebenta ng pagkain. Fishballs at kung anu-anong street foods. Kahit nalulungkot ako, hindi ko pa rin matiis ang gutom ko sa buong araw. Wala naman akong balak magpakamatay pero nawawalan lang ako ng ganang kumain minsan.

Umuwi rin ako agad upang hindi mag-alala si Mama. Napansin kong nakatayo sa harap ng bahay namin ang matangkad na lalaking kumaway sa 'kin kanina. He is holding a bowl of food. Napakamot siya sa ulo at akmang pipindutin na ang doorbell pero mukhang naramdaman na naman niya ang presensiya ko kaya lumingon siya.

Lumawak ang ngiti niya nang makita ako.

"Hi, ikaw 'yong nakatira rito, 'di ba? 'Yong babae kanina sa attic?" sabi niya. His eyes twinkled and I frowned with such cheerfulness.

Marahan akong tumango.

"Ako nga pala si Rozend. Rozend Villamor," pakilala niya. He offered his right hand for a handshake while his left hand balances the bowl.

"Zen," maikling sabi ko pero hindi ko tinanggap ang kamay niya kaya wala sa sariling ipinahid niya sa shorts ang kamay niya para hindi mapahiya. His hair is a bit messy. Medyo malago na ito pero hindi pa naman natatakpan ang kanyang mga mata na kulay karamelo. Kayumanggi ang kulay ng balat niya at dahil sa katangkadan niya, nangangalay ang leeg ko sa pagtingala. Unfortunately, he had a handsome face that will make girls swoon.

"Zen?" he asked. Nagbabaka sakaling sabihin ko ang buong pangalan ko. Bahagyang nagsalubong ang kilay niya.

"Bakit ka pala nasa harap ng bahay namin?" kunot-noong tanong ko upang hindi ko ibigay ang buong pangalan ko. Gusto ko ng pumasok sa loob ng bahay upang magpahinga. Ang problema, nakaharang siya.

"Ah, oo nga pala. Pinabibigay ni Mama. Niluto niya 'yan. Nagdala kasi ang Mama mo ng ulam kanina. Nakakahiya naman," sabi na lang niya. Inabot niya sa 'kin ang bowl ng ulam kaya napilitan akong tanggapin ito. "Your Mom's friendly. Magkasundo na agad sila ni Mama. I also like her," diretsong sabi niya.

Kumunot ang noo ko. Muntik ko ng itapon ang ulam sa mukha niya. "May asawa na siya," giit ko.

He chuckled as if I said something insane. "I know, silly."

Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya kaya natatawang itinaas niya ang dalawang kamay na tila sumusuko na.

"Not in a romantic way. That's silly. She's like my mother," he said.

Umiling ako at sinagi siya bago pumasok sa loob ng bahay. Bago ko isara ang pinto sa mukha niya, nagsalita ako. "Salamat," sabi ko pero labas sa ilong.

Dumiretso ako sa kusina kung saan nandoon si Mama at Papa. Si Josh, ang kapatid kong labindalawang taong gulang ay naroon din. "Bigay ng kapitbahay." Inilapag ko ang ulam sa mesa. Nakangiting sumulyap si Mama sa 'kin habang naghahain na ng pagkain.

"Nakilala mo na sila? Mababait sila. Gwapo ang anak nilang lalaki," sabi ni Mama.

"Aba naman! Baka magselos naman ako niyan, Hon!" singit ni Papa pero nakangiti.

"Si Papa! Parang bata," sabi ni Josh.

Mahina silang nagtawanan. Dati isa ako sa mga nakikipagkulitan sa kanila. Minsan, dito rin nakikikain si Elaine kaya pinapagalitan siya ng Mama niya.

Napailing na lang ako. "Magbibihis lang ako." Hindi ko na hinintay ang sasabihin nila. Umakyat agad ako sa silid ko.

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com