Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Universe 2: Interstellar

ZEN

We're having our usual dinner but it seems different this time. My Mom looks at me as if she wants to tell me something urgent and she did without reservation. Her excitement scares me a bit. 

"Zen, there's a summer camp about arts hosted by Serenity Art's Club, two weeks from now. Sa tingin ko, mas maganda kung magre-register ka. Open ang Summer Camp kahit kanino, kahit hindi man pumapasok sa Serenity. Nalaman ko lang din to sa anak ng kapitbahay natin, kay Rozend. Mukhang magre-register din siya. Magandang opportunity 'to para malaman mo kung ano talaga ang gusto mo," sabi ni Mama pero may nag-aalalang ngiti na gumuhit sa labi niya. "Ano sa tingin mo? May makikilala ka ring bagong kaibigan."

If I'm still my usual self, I will be excited and will willingly join. Hindi ako makakatulog hangga't hindi ako nakakapagregister sa Summer Camp. At tiyak na mas magiging excited pa si Elaine sa Summer Camp kaysa sa 'kin kaya ito lang ang pag-uusapan naming dalawa. Pero sa oras na ito, wala akong nararamdaman. Tila nawala na ang interes ko sa sining at sa pagpipinta.

Pero nawala nga ba talaga?

Hindi ko magawang ngumiti.

Napansin ko na pati sina Josh at Papa ay naghihintay sa sagot ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin sila nasasanay sa pagiging tahimik ko, na tila ba unti-unti na akong lumalayo sa kanila. Nagtama ang paningin namin ni Mama. Her anticipation is written all over her warm and welcoming face. Her brown eyes are so eager and hopeful.

"Hindi ko alam, Ma. Pag-isipan ko muna siguro," mahinang sagot ko. Sabay-sabay na bumuntong-hininga sina Mama, Papa at maging si Josh. Alam ko na gustong-gusto nilang ibalik ang dating sigla ko. Siguro iniisip nila na ito na ang muling bubuhay sa 'kin.

Marahang tumango si Mama na parang naiintindihan ang nararamdaman at desisyon ko. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang biglang paglungkot niya. "Sige. Pag-isipan mo muna. May dalawang linggo pa naman para magbago ang isip mo," sabi ni Mama.

Pinilit kong ngumiti pero nauwi lang ito sa isang ngiwi. Wala sa sariling napakamot ako sa likod ng leeg ko. Lately, I'm becoming anxious of turning back to my old self. Maybe grief and loneliness can just suddenly change you. I'm also anxious of the people around me who want me to finally become better. I'm not sick though. Just lonely and alone because no one understands.

Tinulungan ko si Mama sa pagliligpit ng pinagkainan namin at naghugas ng pinggan.

"What do you think of Rozend?" tanong ni Mama habang tinutulungan ako sa pagtataob ng plato sa lagayan nito.

Kumunot ang noo ko. "Ano naman po ang meron kay Rozend?"

"Mabait siya, 'di ba?" nakangiting tanong sa 'kin ni Mama. Maybe my Mom is secretly the sun who never loses her light. She's always bright and smiling.

"Hindi ko po alam. Ngayon ko lang siya nakilala. Ma, hindi mo masasabi kung mabait o hindi ang isang tao sa unang pagkikita pa lang lalo na kung pangalan pa lang ang alam natin sa tao," naiiling na sabi ko sa kanya. Hindi mawala ang pagkunot-noo ko. "Bakit po natin siya pinag-uusapan?"

"Wala lang. Sinabi ko kasi sa kanya na mahilig ka sa Arts. Sa tingin ko, magkakasundo kayo," kibit-balikat na sabi niya. Pinunasan niya ang kamay gamit ang isang malinis at puting basahan.

"Ma," mariing sabi ko dahil sa pagkainis. Napaawang ang labi ko. Sa palagay ko, ikinuwento na ng nanay ko ang buong pagkatao ko sa isang estranghero!

She looked at me with mischievous eyes. She even flipped her long black hair and smiled at me. "Goodnight, Sweetie. Alam kong magkukulong ka na naman sa silid mo kaya uunahan na kita," she even winked at me and gave me a peck on my right cheek. Nakagat ko na lang ang labi ko dahil nawala na agad siya sa paningin ko. She joined my father and brother in the sala to watch their favorite drama.

Mahinang natampal ko ang noo at napailing. Ano naman kaya ang sinabi niya sa Rozend na 'yon? Nakakahiya!

Nagmamadaling umakyat ako sa hagdan. "Goodnight, Paris Zen del Rio," pahabol ng Papa ko na may malaking ngiti sa labi at sumaludo pa sa 'kin. Sumimangot ako dahil sa pagtawag niya sa buong pangalan ko. Ayaw kong naririnig ang buong pangalan ko.

"Goodnight, Ate Painter!" bibong sabi naman ni Josh. I can't stop but roll my eyes. What a lively family.

Napansin ko pa ang pag-aappear nilang tatlo nang ituon ko ang atensiyon sa kanila. "Goodnight. Matulog na kayo. Nakakalabo ng mata ang panonood ng TV," naiiling na paalala ko. Mahina silang tumawa dahil halata sa mukha ko ang pagkainis.

Napapagod na pumasok ako sa silid ko at pabagsak na humiga sa kama. Mariing napahilamos ako sa mukha dahil hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Mama. I know she only wants the best for me but she already went too far.

I splayed my both arms on my bed as I stare on my bed's ceiling. It's painted by black and white. Elaine and I painted the universe on it. We also used some glow in the dark acrylic and spray paints to create different planets and stars. I love this view before. I still can remember how giddy I was when we finished it. Above this bed's ceiling is a built-in bookshelf. We also painted it with some galaxies, especially the Milky Way. Even the bed sheet and comforter have the universe and constellations on it.

The ceiling of the room is covered with the colorful galaxies too. The walls just made me frown. Halos wala pa sa kalhati ang pinta nito. It is still white and one-fourth of it is already painted with varying color of the sky. We planned to make our own Aurora Borealis on the walls, from blue to lilac to pink to orange to green. Nakakalat pa rin sa isang tabi ang mga spray paints na gagamitin sana namin.

Before, when Elaine is still alive, I can perfectly picture everything in my head, but now, the excitement and image of it is all gone.

Everything in this room reminds me of my best friend. Everything is just so nostalgic.

Wala sa sariling muli akong napaluha. Hindi ko alam kung paano kakalimutan ang lahat. I don't know how people can move on from everything they lost, especially the important ones. I only know that moving on is never easy.

I am too engulfed by my misery and thoughts, when I heard the strumming of guitar outside the window. I could hear someone humming so softly and singing as well. Hindi ko na kailangang hulaan kung sino ang kumakanta. I know he's Rozend and he occupied Elaine's former room.

Hindi ko man malinaw na naririnig ang kinakanta niya, gusto ko pa rin siyang sigawan para tumigil siya. Naaabala ang kapitbahay niya. Nawala na tuloy ang isip ko kay Elaine at napunta na sa kanya. Tiyak na nakasampa si Rozend sa bintana at doon kumakanta na tila siya lang ang tao sa mundo at walang natutulog na tao.

Naiinis na nagpakawala ako ng buntong-hininga. Tumayo ako at bahagya siyang sinilip mula sa bintana. I'm right. He's sitting on the window seat while he's still mesmerized of what he is doing. Not giving a fuck on his surrounding and the world. May isang malaking puno ng mangga sa pagitan ng bahay namin na madalas naming inaakyat ni Elaine mula sa mga bintana namin. Lalo na kung panonoodin namin ang mga bituin at buwan o pag-uusapan ang tungkol sa kalawakan at iba't ibang bagay na kumukuha sa interes namin.

I opened the sliding window and he immediately stopped when he heard the sound. He looked at my direction and his face automatically lights up. Wow! Maybe light is really flowing in his veins. Kahit gabi na, para siyang si Haring Araw kung ngumiti. "Wala ka bang balak matulog?" tanong ko sa kanya sa kontroladong boses. "Kasi ako, may balak akong matulog kahit papaano," sabi ko pa.

Mas lalong lumawak ang ngiti niya na tila may sinabi akong nakakatawa. "Alas siyete pa lang ng gabi," paalala niya sa 'kin. "Lola ko lang ang natutulog sa ganitong oras. Maliban na lang kung Lola ka na?" Nang-aasar pero magaan ang tinig niya. He really meant it to be a joke but I don't find that funny.

Hindi ko naalala na alas siyete pa lang ng gabi. Pakiramdam ko kasi, sobrang haba na ng oras ng pagiging miserable ko. Namula ang mukha ko pero sa tingin ko, hindi naman niya napansin.

"Kahit na. Naaabala ako sa ginagawa mo," pagsusungit ko para itago ang pagkapahiya. "Saka gabi pa rin kaya huwag kang mambulahaw ng kapit-bahay. Manners please, remember?" Nakataas pa ang isang kilay ko sa kanya.

He shrugged his broad shoulder. I can't remember the color of his eyes, but I guess it is light brown or caramel? Ah it's caramel. "Are you busy painting?" he asked with eagerness. He pursed his lips and leaned back in his room to put his guitar away. When he looked back, I'm frowning with frustration. Naalala ko na naman ang sinabi ni Mama.

"Hindi na ako nagpipinta," mariing sagot ko.

"Bakit? Hindi ka ba sasama sa Summer Camp?" kunot-noong tanong niya.

"Hindi. Huwag ka na ngang maingay," sabi ko. I closed my window and covered it with the black curtain. Narinig ko pa ang sinabi niyang "Opo, Lola." I gritted my teeth. Gusto ko sana siyang bulyawan pero mas lalo pang hahaba ang usapan. Naiinis na humiga ako sa kama at niyakap ang unan ko. The annoying guy is wearing me down. Mariing ipinikit ko ang mata para medyo mawala ang inis ko.

~~~

Kinabukasan, maaga akong nagising pero wala akong maisip gawin. Hindi na rin muna ako nag-abalang bumangon. I still feel hollow and empty inside. Dati, si Elaine ang madalas pumapasok sa silid ko upang gisingin ako. She would like to take me to an adventure. She loved adventures and I only learned to love it because of her. Mabigat na bumuntong-hininga ako. I feel so pathetic and lost right now.

Should I just drink coffee and read books to distract myself? 

Wala sa sariling gumulong ako sa kama. It is summer but here I am, mourning and grieving for someone I'll never see, ever again. "Kasalanan mo 'to, Elaine! You should have not left. You're still young! Seventeen! But now, you'll stay seventeen forever! Time stops for you but not for me!" nanginginig ang boses na sabi ko. Nanginginig ang boses ko na parang gusto ko ng masuka dahil sa bikig sa lalamunan ko. It's always like this. The grief and sadness are consuming me.

I buried my face on my pillow for such a long time until I ended up sobbing.

Natigilan ako nang marinig ko ang katok sa pinto. Naalerto ako at agad na pinunasan ang luha sa mga mata ko. Narinig ko ang pagbukas ng pinto.

"Zen," mahinang tawag ni Mama.

"Bababa na po ako mamaya," mahinang sabi ko at hindi na nag-abalang lumingon pa.

"Ah, eh, nandito si Rozend," sabi niya. "He's new and I thought maybe you can show him around the town?" hindi siguradong sabi niya. I whipped my head to face my mother. Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin si Rozend sa tabi niya. He smiled at me and even wave. "Hi," he said smoothly. I rolled my eyes in disbelief.

What. The. Fuck. He's. Dope.

"O, siya! Maiwan ko na kayong dalawa. Bumaba ka na rin Zen para kumain," sabi ni Mama.

"Ma!" I shouted in disbelief. Did she just leave me with a stranger?

"Nakatulog ka ba ng maayos, Lola? Namamaga ang mata mo," he said lightly as if he really wants to piss me off. 

Ipinukol ko sa kanya ang isang nakamamatay na tingin. Lola? Ang lakas niyang mang-asar ha! Walang kahihiyan na pumasok siya sa silid ko habang pinagmamasdan ang built-in book shelves ko. Actually it looks like a built-in cabinet designed with the universe and Milky Way. He looked up at the ceiling with awe. "Nice room."

Agad akong bumangon sa kama. "It will be nicer without you here," sabi ko sa kanya. Bakit ba siya nandito? Close ba kami?

He just smirked from my sarcastic remark. "You paint this? Wow! This room is so interstellar!" His smirk turned into a fascinated grin. His caramel eyes lights up with amazement. Muli siyang tumingala at sinuri ang nakapinta sa kisame. Maging ang pader na hindi pa tapos pintahan ay hindi nakaligtas sa mga mata niya. 

"You're good," he commented. "Hindi pa tapos?" Itinuro pa niya ang Kulay asul at lilang langit na magkahalo ang kulay. There was a small streak of clouds but it was still a clear, beautiful sky.

"Northern Lights," he commented. He even walked towards the wall and grazed it with his fingers, caressing it lightly, gently, as if he is spellbound and mesmerized. He is so lost in the art in front of him. Pakiramdam ko nakalimutan na niyang trespassing siya sa silid ko.

"You have the whole universe in the palm of your hands," he said and looked at me with his boyish grin and amused eyes. I frowned. He may be charming but he's still invading my privacy, my own space.

"Yeah, so get out and make your own space. This space is mine," naiinis na sabi ko. Tumayo ako at nilapitan siya. Pilit ko siyang itinulak palabas sa pinto. Hindi naman siya umangal pero hindi pa rin nawala ang ngiti niya sa labi.

"Get dress. I'll wait outside," he just said. 

I rolled my eyes. What? Pumayag ba akong samahan siya?

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com