Universe 3: Unwanted Stranger
ZEN
Ayaw kong maging bastos kaya napilitan akong maligo at magbihis. Isinuot ko ang puting V-neck shirt na pinatungan ko ng itim na jacket. I wear my ripped jeans and white sneakers. Pinili ko na ring kumain dahil gusto kong paghintayin nang matagal si Rozend para makabawi man lang.
Bakit ba siya nandito? We're not even friends. I'm so mad that he's already close with my mother. They are both like the sun and with their lights combined, I feel like I will be blinded soon. Their lights can even burn me down.
I brushed my teeth and took my time to prepare what I need. Naglagay ako ng mga strips ng papel at ballpen sa sling bag ko. My Mom was undeniably thrilled to see me going out with someone else. She's also hoping for me to make new friends. I can see it in her hopeful gaze. Maging si Josh ay tuwang-tuwa rin sa pakikipag-usap kay Rozend. Hawak ni Rozend ang gitara niya at tinuturuan si Josh. My Dad is probably already at work today.
Rozend has the personality of being good with people. He's getting along well with my family. I hate it.
"Tara na," inis na tawag ko sa atensiyon ni Rozend.
"Dalhin na ninyo itong tuna sandwich na ihinanda ko," sabi ni Mama sabay abot ng maliit na lunchbox sa 'kin.
I rolled my eyes. "You don't have to prepare for this, Ma," inis na sabi ko.
"Okay na 'yan para hindi kayo magutom," nakangiting sabi niya. Umupo na siya sa tabi ni Josh at hindi na ako makatanggi pa. Isinuksok ko na lang ang lunchbox sa sling bag ko.
"Salamat, Tita Ives. Aalis na po kami ni Zen," magalang na pamamaalam ni Rozend habang isinusukbit sa balikat ang gitara niya. He's wearing a dark blue V-neck sleeveless shirt, baggy pants, a combination of black and blue sneakers. He got a cool air around him that makes me sick. Gusto ko siyang itulak palabas ng bahay namin dahil masyado na siyang sipsip sa mama ko.
"Ingat kayong dalawa," masiglang sigaw naman ni Josh bago kami lumabas.
Our town, Serene, is quite big. Thirty blocks away to the east we will be able to reach Serenity Art's University. On the west, there is a huge park where students and children play and do their group activities. Ipinapakita ko kay Rozend ang mga lugar kahit wala akong sinasabi. Basta lang kami naglalakad. He's talking to me but I am ignoring him. As if I'm not here with him at all. Nang mapagod siya tumigil na siya sa pagsasalita at sa pagtatanong.
Dinala ko rin siya sa wet market sa norte. May mga fast food chains din sa lugar na ito. Sa timog naman matatagpuan ang sementeryo. May malawak na taniman din ng mga puno ng mangga at malawak na plantasyon ng iba't ibang halaman sa ilang bahagi ng Serene. May isang burol din kaming inakyat para mas makita niya ang buong lugar ng Serene kung saan kami nagpahinga. Masakit na rin ang mga paa ko sa paglalakad.
"Lola, hindi pa ba napapanis ang laway mo?" pang-aasar niya sa 'kin. Ipinatong niya sa damuhan ang guitar case. Nakaupo kami sa damuhan habang tinatanaw ang buong paligid. Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya sabay irap.
"Ikaw? Hindi ka ba napapagod makipag-usap?" inis na tanong ko. Hindi siya sumusuko kahit ilang beses ko na siyang hindi pinansin.
Malapad na ngumiti siya at hindi pinansin ang pagkairita sa boses ko. "Hindi. Mas mabuti na ang magsalita kaysa malunod sa mga salitang hindi nasasabi," makahulugan niyang sagot.
Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Tila pinariringgan niya ako. "Ano'ng sinabi sa 'yo ni Mama?"
"Hmmm. The truth?"
"Yes. Tell me," nakasimangot na sagot ko.
"Pwede bang ilabas mo muna ang tuna sandwich? Baka mapanis yan sa bag mo," nakangising saad niya. I rolled my eyes. Muntik ko ng makalimutan na may sandwich nga pala akong dala. Ayaw ko siyang pakainin pero mukhang gutom na siya. Labag sa kalooban na inilabas ko ang sandwich at ibinigay sa kanya.
"Thanks." He eats the tuna sandwich quickly and leisurely. Kumain na rin ako dahil mukhang nasasarapan siya sa kinakain at naiinggit ako.
"Your Mom told me about your best friend who died a month ago," he said without warning that I almost choke with what I'm eating. Hindi pa naman kami nagdala ng tubig kaya wala sa sariling hinampas ko ang dibdib ko. Mahina niyang hinampas ang likod ko upang tulungan akong makahinga.
"Dahan-dahan kasi," natatawang saad ni Rozend nang makahinga na ako nang maayos. Naningkit ang mga mata ko sa kanya. Siya kaya ang may kasalanan kung bakit ako nabilaukan.
"'Yon lang ang sinabi niya?" puno ng pagdududang tanong ko.
"That you lost interest in arts because of that incident," he said.
"Ano pa? Pwede ba sabihin mo na lahat? Hindi 'yong binibitin mo pa ko," giit ko.
Malapad na ngumiti si Rozend. "Mas gusto kong putulin ang sasabihin ko para mapilitan kang magtanong at magsalita. Kapag sinabi ko lahat, tatahimik ka lang, Lola."
"Huwag mo nga akong tawaging Lola. Bahala ka nga diyan kung ayaw mong sabihin," irap ko. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain habang pinaglalaruan ng isang kamay ko ang butas ng pantalon ko. I trace the ripped threads of my ripped jeans while looking at the view of Serene town. Natatanaw ko ang malawak na taniman ng punong mangga. This place is one of my favorite place before. A peaceful place to paint the sunset. I miss the old times with Elaine.
Natigilan ako nang nagsimulang tumugtog ng gitara si Rozend. He hummed a soft song. I hate it. It reminds me of Elaine. He's like the boy version of Elaine. I want to forget but he's reminding me of everything about my best friend.
Ala-una na ng hapon at mukhang malilipasan na kami ng gutom sa lugar na ito. Este, nalipasan na pala kami ng gutom. Gusto ko na rin pumunta sa sementeryo upang magsulat ng mga saloobin ko sa araw na ito. I also don't like it when I'm around Rozend. Napipilitan akong magsalita pero ang nakapagtataka, hindi na niya ako kinulit pa. Hindi na rin niya sinabi ang mga bagay na ikinuwento sa kanya ng aking ina.
I am curious. 'Yon lang ba ang sinabi ni Mama? Gusto kong magtanong pero ayaw ko naman siyang kausapin.
"Mauna ka ng umuwi, may pupuntahan pa ako," saad ko. "Siguro naman alam mo na kung paano umuwi?" Salubong ang mga kilay ko nang tingnan ko siya.
"Saan ka pupunta?" takang tanong niya. Ibinalik na niya ang gitara sa case nito.
"Wala ka na doon," mataray na sagot ko.
Ngumiti siya. "Hindi ko pa alam kung paano umuwi."
"Diretsuhin mo lang 'yan tapos kumaliwa ka sa ikalawang kanto. Tapos magtanong ka sa mga tao kung paano pumunta sa plaza o sa Serenity Arts University tapos diretsuhin mo na lang pauwi sa bahay ninyo," paliwanag ko.
Mas lalong lumawak ang ngiti niya. It seems that this guy is really made of the sun. I can't dim his light. "Mahina ako sa direksiyon." But he's dumb.
Mahinang natampal ko ang noo. "Gagawa ako ng mapa para sa 'yo." Kukuha na sana ako ng papel at ballpen sa bag pero pinigilan niya ako.
"Saan ka ba pupunta?"
"Sa sementeryo," inis na sagot ko.
"Edi isama mo na ako. Sabay na tayo umuwi." He stared at me with puppy eyes.
Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Pero ako na rin ang sumuko. "O sige! Sumama ka na para mailibing na rin kita!"
Inis na inirapan ko siya at ibinalik ang lunchbox sa loob ng bag ko. Tumayo na ako at pinagpag ang duming dumikit sa pantalon ko. Nagmamadaling naglakad ako palayo at hindi nag-abalang hintayin siya.
Mahinang tumawa si Rozend at nagmamadaling sumunod sa 'kin. "Masyado kang brutal, Lola."
This guy exhausts me. Bakit ba siya nagtitiis na makipag-usap sa 'kin?
"Kailan ka magre-register sa summer camp?" tanong ni Rozend. "Sabay na tayo."
"Sinabi ko bang magre-register ako?"
"Bakit hindi?" takang tanong niya.
Nagpakawala ako nang malalim na buntong-hininga. Hindi ba talaga siya napapagod makipag-usap? "Sabi nga ng mama ko, nawalan na ako ng interest sa sining. Naiintindihan mo na ba?"
"Dahil lang namatay ang bestfriend mo?"
"Dahil siya ang nagturo sa 'kin kung paano mahalin ang pagpipinta," pagtatama ko.
"Kung gano'n malulungkot siya."
"Ha?"
"Malulungkot siya kasi hindi mo na mahal ang pagpipinta na itinuro niyang mahalin mo," he elaborated.
Bumigat ang pakiramdam ko. Why would he point out something that will pierce my heart and soul? I hate him for being on point. Ramdam ko ang malaking bikig sa lalamunan ko. Hindi ko na rin siya tiningnan sa mga mata dahil siguradong hindi ko mapipigilan ang pagtulo ng luha ko.
"Because it's meaningless without her," mahinang bulong ko sa sarili.
Hindi ako sigurado kung narinig ba niya ito pero hindi na siya nagsalita. Kumain muna kami sa isang karinderya bago kami tumuloy sa sementeryo. Bago ako pumunta sa puntod ni Elaine, tumigil ako at hinarap si Rozend. "Hintayin mo na lang ako rito," mariing saad ko.
"Bakit?" salubong ang kilay niya at nagtatanong ang mga karamelong mata.
"Basta," mataray na sagot ko.
"You will visit her grave, right? Let me meet her," giit naman ni Rozend.
"I don't want to," I said decisively.
"Bakit?" takang tanong niya.
"Puro ka bakit! Because you'll see me doing weird things and stuffs," I answered helplessly. Masyado siyang matanong na nakakapagod ng makipagtalo sa kanya.
"It's alright. Those who love arts are acceptably weird. A kind of weird that is adorable," he answered with a boyish grin. My face turned hot. I think it is a blush or something but I look away for him not to see. I hate his smooth talks.
"Alright. Huwag mo lang akong abalahin. Tumahimik ka na lang," napipilitang saad ko.
"Opo, Lola."
Masamang tingin ang ipinukol ko kay Rozend na nakangisi naman sa 'kin at ipinagpatuloy ang paglalakad. Umupo ako sa harap ng puntod ni Elaine at hindi pinansin ang presensiya ni Rozend.
Inilabas ko ang papel at ballpen ko. Rozend stared at me curiously as I write my thoughts for this day, but I don't let him peek on what I'm writing and as I tie up the paper on the bonsai tree.
This guy, Rozend, is annoying.
I have no choice but to show him around the town. Seriously? Can't he explore the town on his own?
I hate his smile.
He's not good with direction either. Sounds like a lie.
Those who love arts are acceptably weird. A kind of weird that is adorable. That's what he said and maybe he's right.
I'm unconsciously writing about him, I hate it.
Change topic. Should I join the summer camp? Will you get lonely if I stop painting?
"What's that? Letters to the dead?" Rozend asked with interest. Natigilan ako nang kunin niya ang isang sulat sa bonsai at basahin 'yon.
"Ano ba!" sigaw ko. "Akin na nga 'yan!" Agad akong gumalaw upang agawin ito sa kanya ngunit iniwas niya ang mga kamay niya at patuloy na binasa ang isinulat ko.
"I hate making memories without you. I hate creating new memories with new people." He reads it out loud and that made me blush. Namumula ang mukha ko dahil sa galit at hiya. I don't want anyone to invade my privacy and thoughts. Nangingilid ang luha sa mga mata ko. I can't really get along with this guy. I hate him so much. I hate his guts. Napansin naman niya na hindi ko na inaagaw sa kanya ang sulat.
"I hate you," mariing saad ko. I mean it. Hindi ko na napigilan ang luhang tumulo sa mga mata ko na ikinagulat niya. Naiinis na pinunasan ko ito. Nagmamadaling tumayo ako. Gusto ko ng umalis dito.
"Wait! I'm sorry... for making you cry," he said apologetically and sincerely. Pinigilan niya ang braso ko kaya napatigil ako sa paglalakad.
"Please just mind your own business," inis na sigaw ko. "Don't read my thoughts. Don't invade my privacy! We're not friends! You're a stranger to me!"
"Ah, can I apply on that friend position?" he asked softly. There's no sarcasm in his voice. Just sincerity. And there is also a hint of seriousness in his odd question.
Naiinis na hinarap ko siya. "What are you up to?"
"I just want to listen. I want to hear your thoughts. I want to know how you feel. I don't want to be an unwanted stranger," he answered directly. Napaawang ang labi ko. Why would he do something tedious like that? "Gusto ko ring matapos ang painting sa silid mo. Gusto kong makita kang nagpipinta. Gusto kong bumalik ang pagmamahal mo sa sining. I actually want to read the notes in this bonsai tree, if you'll allow me. I want you to become my first friend in this town."
Nang hindi ako magsalita, nahihiyang ngumiti siya sa 'kin.
"Is it odd? Am I being weird?" he asks with uneasiness.
"Yeah. Odd and weird," I answer with an uncertain nod.
***
Author's Note:
Thanks to these gorgeous book covers from below talented individuals. I appreciate your efforts a lot. And thanks for your support. I only updated to actually give credits to these book covers. Lol. I can't wait to test the image option here too.
Denise Jean:
breathe_claire:
greenwitchwrite:
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com