Universe 4: The Bonsai and The Promise
ZEN
"So?" nag-aalangang tanong sa 'kin ni Rozend. Nangungusap ang mga mata niya. It's hard to even say no if he looks like this, like a lost puppy.
"Why are you so interested with my thoughts?" nakataas ang kilay na tanong ko.
"What you are doing – writing stuffs and tying it on a bonsai tree, looks like poetry and art to me. I like prose and poetry you see. And your thoughts are art. I love art," diretsong sagot niya. His caramel eyes twinkle like stars as if he just found something so interesting and amazing. It really shows how he's head-over-heels for art. His obsession with art amazes and scares me a bit. And he's just so honest that I hate it.
"If only you know what I'm actually writing, you won't say that," sabi ko. Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Marami akong sinulat na reklamo tungkol sa kanya. Kung alam lang niya, siguradong hindi na niya gugustuhing alamin kung ano ang iniisip ko.
"Even if you write that I'm annoying, I won't mind. I still think it's beautiful," he grinned from ear-to-ear.
Siniringan ko siya. Nakababasa ba siya ng iniisip ng tao? He's on point. Gusto ko ng sumuko dahil sa pagiging persistent niya. Gusto ko na lang pumayag para tigilan na niya ang pangungulit pero palagay ko mas lalo siyang mangungulit. "Ayaw ko ng makulit. Ayaw ko ng maingay," mariing sabi ko sa kanya.
"Okay." But it doesn't feel like he really understands what I'm meaning to. And it doesn't feel like he will do as I say.
Napailing ako. I helplessly looked at him. "Bahala ka na nga," inis na saad ko.
Lumapad ang ngiti niya at hinila na ako pabalik sa puntod. "Magsulat ka na ulit, Lola. Magbabasa lang ako," saad niya.
"Talagang career na career mo na ang pagtawag sa 'kin ng Lola?" nakataas ang kilay na tanong ko.
"Okay lang yan. Magkaibigan na naman tayo," nakangiting sagot niya habang tinatanggal ang mga sulat sa bonsai at binabasa ito.
"He's not good with direction either. Sounds like a lie." Tiningnan niya ako at tumango. "It's a lie," he confirmed. "I'm good with direction. Gusto ko lang sumama sa pupuntahan mo." Ibinalik niya ang isinulat ko sa bonsai.
"Pwede ba huwag mo ng basahin 'yan. It's embarassing," giit ko sa kanya. Namumula ang mukha ko dahil sa ginagawa niya.
Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Muli siyang nagbukas ng isang papel. "It's all right. At least I'll know what you think. I won't second guess," he said. "Once upon a time, there was a girl who loves art but her love for it dies together with her best friend."
"Pwede ba huwag mong basahin nang malakas. Just keep it to yourself. Sinabi ko nga di ba, ayaw ko ng maingay!" I scribbled on the paper strips but I can't think properly. I am conscious of him reading all my notes, my thoughts. I feel so naked around him.
"That's sad," he commented on the note I wrote. "Don't worry. We'll revive your love for art soon."
Nagdududang tiningnan ko siya. "Ano'ng balak mong gawin?"
"We'll join the summer camp," he said with confidence.
"Seriously?" Parang ang lakas na ng loob niyang magdesisyon para sa 'kin.
"Seriously. It's summer and it's boring to just stay in the house after all. Kung magmumukmok ka lang sa bahay, hindi ka makaka-move on sa best friend mo. You have to broaden your horizon and experience new things to cope," seryosong saad niya. "Can I have a paper and pen? I'll write something too."
Sumimangot ako pero inabutan ko siya ng isang ballpen at ilang paper strips.
"Let's divide this bonsai into three parts," nakangiting suhestiyon niya. "Let's clear all these strip of papers first. And start anew, okay?" Isa-isa niyang inalis ang mga papel na itinali ko noon sa bonsai at tahimik din niya itong binabasa. Minsan napapangiti siya, minsan napapakunot-noo hanggang sa walang matirang papel sa bonsai. Ibinulsa niya lahat ng mga papel na nakalap niya mula sa bonsai.
Nagsalubong ang mga kilay ko. "Ano'ng ginagawa mo?"
"We need privacy so we should add some rules here," he said.
I rolled my eyes. "As if you care about privacy."
"We should care now. Dahil dalawa na tayong maglalagay ng mga saloobin sa bonsai. The right part belongs to your thoughts, the left part belongs to me, and the middle part are the thoughts we want to share with each other. Sa kanan at kaliwang parte, bawal itong basahin ng kahit na sino sa 'tin. Bawal mong basahin ang parte ko. Bawal kong basahin ang parte mo. Basta ang nasa gitna lang ang pwedeng basahin. We can add random thoughts, poetry and prose in the middle part. Something we want to share. Alright?" Tiningnan niya ako na tila nagtatanong kung payag ba ako.
At bakit ba siya nakikisali sa pagtatali ng saloobin sa bonsai? Hala! Close na kami? Ang bilis naman? But I don't think I can stop him now.
"Promise? Hindi mo babasahin ang parte ko?" nagdududang tanong ko.
"Promise. And promise me too that you'll never read my part," he said with a smile. If he's saying it this way, I'm getting a little curious on what he'll write on his part. I have a little urge to read it but still I nodded.
"Promise," I said.
"Good. We can write now. Don't sneak a peek even when you're alone here. Integrity. No cheating," paalala niya sa 'kin. Sumimangot ako.
Tahimik na akong nagsulat ng mga saloobin ko.
Is it alright to be friends with him? He's still annoying though.
Itinali ko ang papel sa kanang parte ng bonsai. Napansin kong may itinali si Rozend sa gitnang bahagi ng bonsai. Kunot-noong tiningnan ko siya. I am a bit curious.
"Don't worry. You can check," nakangising saad niya. May itinali rin siya sa kaliwang bahagi ng bonsai na hindi ko maaaring tingnan. When he's doing that he looks mysterious. He has this mysterious side that I'm not allowed to invade. I want to read it but I can't. Now, I feel like an open book and he's the book I can never read. Because I'm not allowed to.
Ipinilig ko ang ulo dahil sa iniisip ko. Kinuha ko ang papel na itinali niya sa gitnang bahagi. Binasa ko nang tahimik ang nakasulat doon.
You'll join the summer camp, right? Let's register together. Let's enjoy this one summer.
Tahimik ko itong ibinalik sa gitnang bahagi ng bonsai na tila walang nabasa. Ipinagpatuloy ko ang pagsusulat sa mga papel. I ignored the question. But I noticed that his handwriting is a bit bad. You can't read it properly unless you pay attention. I want to laugh at it but I kept it to myself. I bit my lip to keep myself from grinning.
May itinali siyang muli sa gitnang bahagi ng bonsai nang mapansing wala akong balak sumagot. Muli ko itong kinuha at binasa.
Well, I'm not in a rush so take your time and think about it.
Nang tingnan ko siya, ngumiti lang siya nang matipid sa 'kin. I feel a little guilty because of his helpless look. Tahimik na ibinalik ko ang papel sa bonsai. I write on a strip of paper but I'm a little hesitant. Tiyak na hindi rin siya susuko kahit sabihin kong hindi ako pupunta. I made up my mind and write. Itinali ko ang sagot ko sa gitnang bahagi ng bonsai na agad niyang kinuha.
Ngumiti siya nang mabasa ang isinulat ko. "What's with this? My handwriting sucks? Anyway, I'm glad you'll come."
"I have no choice."
"You have!" giit niya.
"Pero kukulitin mo 'ko hanggang sa pumayag ako." Ibinalik ko na ang mga papel at ballpen sa bag ko.
He chuckled. "Yeah."
"Tara na. Umuwi na tayo," yaya ko sa kanya nang tumayo ako.
"Okay." Ibinalik niya ang papel sa bonsai bago tumayo. Humabol siya sa 'kin nang hindi ko siya hintayin bitbit ang guitar case niya.
I'll go but your handwriting sucks, you know.
***
Author's Note:
Thanks to this gorgeous book covers!
Aria JN:
Wilfred:
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com