Chapter 10
#war3wp
Chapter 10
Letter
"What's this?" tanong ko kay Ise habang pinagmamasdan ang kahong iniabot niya sa 'kin kanina nang sumakay ako sa sasakyan niya.
Sinundo niya ako galing ng St. Agatha University pagkatapos ng klase—like what he usually does.
Tiningnan ko si Ise. He's smiling at me and it's making me smile too. Nakaupo siya sa driver's seat at hindi pa pinaandar ang kotse kahit na bukas na ang makina. His hand is on the steering wheel and his head is turend to me.
"It's a gift," aniya. "Open one letter each day." He purses his lips and I realize that he must be feeling a little bit shy.
Tiningnan ko ulit ang kahong kulay itim at binuksan 'yon. I immediately see different folded papers inside. Binilang ko ang mga papel at nakitang sampu ang mga 'yon. Ten days?
Nangingiti kong nilingon si Ise at nakikita ko ang pamumula niya. Natawa ako nang kaunti. I didn't know that he can do such cheesy things!
It's been months already since he started courting me. Lumipas ang pasko at bagong taon. January na rin at ilang buwan na lang, patapos na ang school year namin para sa grade eleven.
For the past months, he has been really consistent with me. Hindi siya kailanman nagbago o nagsawa kahit na ilang buwan na siyang nanliligaw. I even think that his friends are already asking him why we are not together yet.
"Do I start reading one today?" I ask him.
"Can you read it later? When I'm not around," nahihiyang sabi niya at napatawa ako bago sumang-ayon.
Hinatid ako ni Ise pauwi at dumiretso kaagad ako sa kuwarto ko nang makarating na sa bahay. I sit on my bed and I immediately open the box. I opened the first letter.
You're beautiful. Whenever I see you, something tugs my heart. I like you, Hanani.
Napangiti ako at itinupi ang papel.
Kulang na lang, pilitin kong matulog nang maaga para dumating na ang bukas at mabuksan ko na ang susunod na papel sa loob ng box. I keep on hoping that the day can finally pass.
Kaya pagkagising na pagkagising ko kinabukasan, nagbuklat kaagad ako ng isa pang papel. Nakahiga pa ako sa kama at kakagising lang, agad kong kinuha ang kahon mula sa side table ng kama at binuksan ang susunod na liham.
Your heart is beautiful. Your ideals and your perceptions. Sana kasama rin ako? :)
I take my phone and I type a message for Ise.
Maria Hanani Cortez:
Kasama saan?
Napangiti ako habang hinihintay ang reply niya.
Rylan Ise Avalos:
Your ideal future?
Hindi niya siguro alam na matagal na siyang kasama sa lahat ng iniisip ko para sa hinaharap.
Sasagutin ko siya pagkatapos kong mag-eighteen. We'll finish college together. He'll be a pilot. I will be a nurse. We will work for a couple of years. Then he'll ask me to marry him at twenty-seven and I'll say yes. We'll marry each other. Church wedding. Iimbitahan ko ang lahat ng mga kaibigan namin. I will wear the most beautiful bridal gown I will ever see and it would be Ise at the end of the aisle waiting for me.
I might cry during the wedding. Of course, I will. It's something that I've always dreamed of.
Hindi ko mapigilan ang mabilis na tibok ng puso ko habang iniisip ang lahat ng 'yon.
Umasa ulit ako na lilipas nang mabilis ang mga araw para mabasa ko ang mga susunod na papel na inilagay ni Ise sa kahong ibinigay niya sa 'kin.
Your smile always brightens up everything. I like how you make everything in this world beautiful, Hanani.
Napangiti ako. Para bang habang binabasa ko ang pangalan ko sa papel, ibang tao ang nababasa ko. Because the way Ise puts it, I feel like I'm the most beautiful girl in the world. Para bang iba ang hitsura ko sa mga mata niya. It makes my heart flutter. It makes me fall even more.
Napapaisip ako kung ano ba ang hitsura ko sa mga mata ni Ise. Am I that beautiful? Can I really brighten up the room?
I start to look forward to the following days. The letters are always full of praises for me and it warms my heart everytime. Kasi hindi ko alam na gano'n pala ako para sa kaniya.
That I bright up everything. That flowers bloom when I'm around. That everything about me makes him want to fall in love.
You make me believe in love. If love is a person, I bet her name would be Hanani.
Agad akong napatawa nang mabasa 'yon sa ika-limang araw.
Maria Hanani Cortez:
Is this supposed to be a pick-up line?
Rylan Ise Avalos:
It's what I really feel but if it sounds like a pick-up line—is it effective?
Napangiti ako.
Maria Hanani Cortez:
I love it. :)
When you're happy, time supposed to feel fleeting. But time slows down when you're waiting for something. Kaya naman sobrang bagal ng oras para sa 'kin dahil gusto ko nang dumating ang bukas.
"You always look like you're in a good mood," ani Asiel isang araw habang nasa break time kami at binabasa ko nang paulit-ulit ang ika-anim na sulat.
Do you know that your eyes glimmer when you smile? That's why I like looking into your eyes.
Ipinakita ko kay Asiel ang papel at binasa niya 'yon. He smirks when he reads what it says.
"Ise?" he asks me.
Agad akong tumango.
"Sino pa ba?" ani Jadon na natatawa.
Nasa tabi niya si Ida Mishal na nakapangalumbaba sa mesa ng cafeteria kung nasaan kami at pinagmamasdan ako. Puno ang cafeteria dahil nasaktuhang break time ng iba't ibang estudyante mula sa iba't ibang strands.
"I like the letters! Gusto ko nang buksan ang iba pang papel," I say, pouting.
"He won't know if you open everything," ani Adonijah sa tabi ko at inirapan ko siya. He laughs. "Hindi niya naman malalaman!"
"The H in Hanani stands for honesty!" I say and Adonijah laughs at me. Tumawa rin ako. "Don't deny it!"
"And the I stands for integrity," dagdag ni Adonijah. Agad ko siyang tinanguan nang pabiro. "That's why the I is on the last part of your name. Because integrity comes last."
Agad kong sinubukang itulak si Adonijah pero agad siyang umiwas sa 'kin. Umiling si Jadon sa 'min at nakita ko si Hiel na nangingiti dahil sa kalokohan namin ni Adonijah.
The day immediately passes by. Nag-aya sina Adonijah na kumain sa labas pagkatapos ng klase pero dahil may usapan kami ni Ise na magkikita ay tumanggi ako. Adonijah looks like he wants to protest. Parehas sila ni Asiel na nasa harapan ko.
"You can just ditch him, you know?" sabi sa 'kin ni Asiel nang may ngisi at agad ko siyang inirapan.
Katabi niya si Adonijah na nakakunot ang noo sa akin. Asiel has both hands inside the pocket of his trousers.
"Bukas, Hanani," sabi ni Adonijah sa 'kin, tinuturo ako.
"Oo!" I tell him. "I promise to go with you tomorrow."
"Don't promise me. Promises are meant to be broken," seryosong sabi ni Adonijah at natawa si Asiel.
Asiel covers his lips with his slightly fisted right hand while he laughs. Nagmura si Asiel, tinitingnan si Adonijah na nakita ko ang namuong ngisi sa mga labi.
Napatawa ako. "I will try!"
"Anong try? Do it! Tomorrow," mariing sahi ni Adonijah.
"Let's go," ani Asiel at hinila na palayo ang inaakbayang si Adonijah. "Later, Hanani," Asiel grins at me before the both of them leave along with our other friends.
The seventh letter made me smile just as much as the other six did.
Will you believe me if I say that I think of you every minute of the day? Sometimes I wonder why I didn't transfer to St. Agatha University. We could've been classmates. I could've sat next to you. We could've met each other sooner. See? I always think about these things.
Napanguso ako at uminit ang mga pisngi ko nang basahin ko ulit ang sulat. Tapos na ang klase at tulad nga ng ipinangako ko kay Adonijah ay sumama ako sa kanilang kumain sa labas.
Pero kahit yata sumama ako sa kanila, hindi namin kasama ang diwa ko dahil parati kong naiisip si Ise.
Ano na kaya ang ginagawa niya? Umuwi na kaya siya? Umalis ba sila ng mga kaibigan niya? He would've texted me but Adonijah invented the no-phone policy today.
Lahat ng mga phones namin ay nakalagay sa gitna ng lamesa. Ang unang pumulot ng phone ang siyang magbabayad ng lahat ng kinain namin kaya pinipigilan ko ang sarili ko na kunin ang phone.
"When do you plan to make it official, Hanani?" tanong sa 'kin ni Hiel at napatingin ako sa kaniya.
"After I turn eighteen!" I immediately answer, just like my plan.
"This year, October?" tanong ni Jadon.
Tumango ako at ngumiti. "I always planned to date when I finally turn eighteen," I say.
"I wonder if Ise could last until October," Adonijah asks to no one and I hiss at him.
"He will!" I say.
Tumawa si Adonijah. "I'm just wondering!"
"Think about it carefully before agreeing to be his girlfriend," ani Jadon sa 'kin.
"Woah. Are you Jadon?" nangingiting tanong ko, nang-aasar.
Jadon rolls his eyes at me.
"I wonder if Hanani will still hang out with us once she starts dating," ani Asiel at tinitingnan si Adonijah na ngumingiwi na.
"Maybe she'll start to get missing-in-action all the time," ani Adonijah.
"I won't!" tanggi ko.
Why would they think that? I start to wonder if I do get missing all the time. Sumasama pa rin naman ako sa kanila sa tuwing break time. Kung kaya kong sumama kapag kumakain sila sa labas, sumasama ako.
It's just that I have Ise now. Nabawasan man ang oras ko kasama sila, parati pa rin naman akong sumasama sa kanila.
The eighth letter is written with a verse from a love song. Sa baba noon, may sulat si Ise para sa 'kin.
I always remember you when I listen to this line. When your eyes glimmer, they look like the stars and I love watching them. When you smile, my heart can't calm down. I like you, Hanani.
"Do my eyes glimmer?" Nilingon ko si Adonijah na abala sa nilalaro niya sa phone.
Nasa classroom kami at naghihintay na na pumasok ang huling teacher namin para sa araw na 'yon. Abala ang mga kaklase ko sa kani-kanilang mga pinagkakaabalahan pero ang mga lalaki—kasama na si Adonijah—may nilalarong mobile game.
Adonijah frowns when he hears my question. Inangat niya ang tingin sa 'kin at tinitigan ko siya sa mga mata. He brings his eyes back on his phone again.
"What do you mean?" nalilitong tanong niya.
"Like, do they glitter?" I ask.
Napatawa nang kaunti si Adonijah. "Glitter? Art project ba ang mga mata mo?" he asks and I push his arm. Tumawa si Adonijah pero nasa laro pa rin ang mga mata.
"Kumikinang! Like the stars!" I say.
"Kapag siguro tinamaan ng ilaw," ani Adonijah at napangiwi ako. "Why are you asking? Did Ise say your eyes glimmer?" he asks me.
"Yup!" proud na sabi ko.
"He does like you," ani Adonijah at napangiti ako. "He's saying things that someone in love will."
"I know!" kinikilig na sabi ko.
Sinulyapan ako ni Adonijah. "Maybe your eyes only glimmer when you look at him. Kaya niya nasabing kumikinang ang mga mata mo," aniya, nagkikibit-balikat at nasa phone na ulit ang atensyon. "You like him. Maybe that's the reason why."
Agad na naghiyawan ang mga kaklase kong lalaki nang mukhang manalo ang grupo nila sa nilalaro. They immediately go near Adonijah for high-fives.
Tumanaw ako sa labas ng bintana habang iniisip ang sinabi ni Adonijah.
The ninth letter is slightly longer than the first ones.
I've written ten letters in this box but I feel like I can add more. Maybe next time when I finally have the strength to. Whenever I think of you, I have so many things to say and I have so many words to describe you—and just how lucky I am to be able to be this near you. I like you, Hanani. I love you. I love seeing you and being with you. You make life look beautiful. I hope I also do the same with yours.
How can Ise not expect me to fall for him more?
Kaya ng hapon ng araw na 'yon, pagkatapos ng klase, excited akong lumabas ng campus para makipagkita kay Ise sa cafe sa tapat ng St. Agatha University. He told me that he's already there so I expect to see him outside the cafe just like how I usually find him there.
Papatawid na ako ng kalsada nang makita ko ngang nakatayo ro'n si Ise kasama ang dalawang lalaking halos kasing tangkad niya rin.
Nagtataka kong tiningnan ang mga kasama niya. Agad akong tumawid nang pwede na at dumiretso sa kung nasaan si Ise.
I realize that it's Allon, one of his friends, and a guy I remember as Harold—also one of Ise's friends. Sa pagkakatanda ko, si Harold ang ka-close ni Ise. Allon isn't that close with Ise but they are in the same circle of friends.
Unang napatingin sa akin si Harold na ngumiti kaagad nang makilala ako. Sumunod si Allon na wala nang ibang reaksyon at si Ise na napangiti rin sa akin.
I stand beside Ise, looking at his eyes and I wonder if he still thinks that my eyes are glimmering.
"Tapos na ang klase mo?" Ise asks me with a smile.
Tumango ako at nilingon ko sina Harold at Allon. I choose to speak with Harold because I feel a little intimidated by Allon who doesn't look like he's interested to talk to me.
"Bakit kayo nandito?" I ask Harold.
"May pupuntahan kasi kami ni Allon. Bumili lang kami rito," Harold tells me, smiling and showing me the cupholder he's holding. "Aalis na rin kami."
"Ingat!" I tell them and I look at Allon. I catch his gaze and he stares for a second before he looks away. Umalis na rin sila kaagad.
Nilingon ko ulit si Ise at nagkatinginan kaming dalawa.
"Did you read the letter?" he asks me.
Napangiti ako at napangiti rin si Ise. "Yes!" I say.
The tenth letter is the last one and it's already the tenth day since I started reading Ise's letters.
Parang nalulungkot pa ako habang pinupulot ang huling papel mula sa box dahil huli na 'yon at wala nang kasunod.
Naka-uniporme na ako at nakaupo sa kama. Gusto ko sanang basahin ang huling sulat bago ako umalis at pumasok sa St. Agatha University.
Binuklat ko ang papel at binasa ang huling sulat.
Can I be your boyfriend, Hanani?
Agad na nanlaki ang mga mata ko sa nabasa at naitakip ko ang kamay ko sa bibig.
Binasa ko nang paulit-ulit ang nakasulat sa papel at hindi ko alam kung nananaginip ba ako o totoo ang nababasa ko. In his nice handwriting, simple and short, he's asking me if I want him to be mine.
And I do. I really do. Pero gusto ko sanang maging kami pagdating ko ng eighteen. But it's just months away, right? Ilang buwan na lang. Talaga bang paghihintayin ko pa si Ise nang gano'ng katagal?
And I also want him to be my boyfriend. I feel ridiculous now that I even thought about making him wait until I turn eighteen.
Tumunog ang phone ko dahil sa isang tawag at kinagat ko ang labi ko nang makita ang pangalan ni Ise roon. I blush and my heart dances once again.
Pinulot ko ang phone at sinagot ang tawag.
"Good morning, Hanani," he greets from the other line. Hindi ako nakasagot dahil sa dagundong sa puso ko. "Have you read the letter?" he asks me.
Tumango ako kahit na hindi niya nakikita at umiinit ang mga pisngi ko. I mumble a yes and silence envelopes both of us.
Maybe he feels nervous. I am nervous too.
Pinagmasdan ko ang mga kamay ko, unti-unti nang nabubuo ang desisyon.
"You can," I mumble after a while, my eyes watering because it's the first time I'll ever be someone's girlfriend and I feel happy about it.
Natahimik kaming dalawa ni Ise at lalong dumagundong ang tibok ng puso ko.
"I can?" I can hear the smile in his voice.
Napatawa ako nang kaunti at tumango. "Yes, Ise."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com