Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

#war3wp

Chapter 11

Uneasy

"How do I look?" tanong ko kay Ise, ipinapakita sa kaniya ang soot ko. 

I'm wearing a black bodycon dress and a pastel pink denim jacket. Hanggang gitna ng mga hita ko ang haba ng palda ng dress na soot. I also wore a pair of strapped block heels in the same shade of pink. I brought a cream-colored sling bag with me and I kept my hair simple. 

It's a birthday party and I feel like most of Ise's friends and acquaintances would be eighteen and above. Lalo na't ang mga kaibigan niya, mukhang mga gano'n na rin ang edad. 

There's something different when you're finally eighteen. You feel as though you've grown a lot more mature than you are before. I'm still seventeen so I feel slightly intimidated with the idea that I'd be around people who are older than me. 

The party will be held at his friend's house—Harold—that's why Ise picked me up. Ise's wearing a black polo he tucked inside a pair of dark jeans. His outfit reminds me of Hiel because Hiel loves wearing black or white polos. 

Nasa labas kami ng bahay at nakaparada ang kotse niyang bukas pa rin ang makina sa hindi kalayuan. 

"I like it," Ise tells me, smiling. 

Inabot ni Ise ang kamay niya sa 'kin at nakangiti ko 'yong hinawakan. He pulls me closer to him and he holds my waist. Uminit ang mga pisngi ko at naamoy ko kaagad ang pabango niya. I like his perfume. Amoy mahal kasi at lalaking-lalaki pero hindi masakit sa ilong.

"You look beautiful, Han," aniya. 

"Thanks," I say, not looking at his eyes because he might see how flustered I am. Tiningnan ko ang mga paa ko. "Hindi ba masiyadong maikli?" I ask, tinutukoy ang soot kong dress. 

"Are you comfortable?" he asks me. Tumango ako. "It's short but you can wear anything you want, Hanani. It looks pretty on you," aniya.

Napangiti ako at inangat ko ang tingin sa kaniya. Nagtagpo ang mga tingin namin ni Ise at kinindatan niya ako. He lowers his face and plants a kiss on my cheek. Uminit ang mga pisngi ko. 

He started kissing my cheek two weeks in the the relationship. Minsan, hinahalikan ko rin ang pisngi niya.  

"You look pretty," aniya. 

"Really?" I mumble. 

Tumango si Ise at ngumiti sa 'kin bago ako hinila papunta sa kotse niya at pinasakay na para makapunta na kami sa birthday ng kaibigan niya. I heard that it's Harold who has a birthday today. Gabi ang birthday niya at nagpaalam naman ako kay Mommy na sasama kay Ise sa party na 'yon. 

Mommy gave me some reminders—that she trusts that I know what I should and should not do. Sinabi niya ring kung magkaproblema ay tawagan ko kaagad siya. 

Adonijah worries about me more than my mother. 

Adonijah Del Rio:
Call or text me if something feels wrong.
And don't drink. You're seventeen. 

Asiel Dean Monserate:
What are you? Her mother?

Adonijah Del Rio:
Sinasabi ko lang! We don't even know Ise's friends.

Jadon Marcus Melgarijo:
Asiel and I are out. We can pick you up whenever, Han.

Adonijah Del Rio:
Traydor, ah? Bakit hindi niyo ako sinama?

Asiel Dean Monserate:
We hate you.

Jadon Marcus Melgarijo:
You even ask?

Adonijah sends a curse meme and Jadon and Asiel react to it with a laugh. 

Hiel Sebastian Lara Cervantes:
I'm free too. Just call, Hanani.

Maria Hanani Cortez:
Okay, H! 

Asiel Dean Monserate:
Some of my friends would be there.
I told them to check on Hanani. 

Adonijah Del Rio:
What are you? Her father?

Nag-send ng middle finger emoji si Asiel at agad akong napairap. 

Maria Hanani Cortez:
I don't need a bodyguard!

Asiel Dean Monserate:
It's like a lion's den, Hanani. 
You don't know Ise's friends.

Adonijah Del Rio:
Paano kung mabait nga si Ise pero mga loko-loko ang kaibigan?

Ida Mishal Zavala:
Take care, Hanani. You can call me too.

Maria Hanani Cortez:
Okay, Mish! I love you!

Ise's there. What can possibly go wrong?

"Your friends?" Ise asks me when he notices that my attention is fixed on my phone. 

Nilingon ko siya at tumango ako. "They're worried. It's my first time attending a party without them."

Hinawakan ni Ise ang kamay ko at tiningnan ko ang mga kamay naming magkasiklop. His hand is bigger than mine and it never fails on making me smile. Ang ganda kasi parating tingnan ng mg akamay naming magkahawak. I've taken pictures of it multiple times already but I can't seem to get enough of it.

"Don't worry. I'll be there," ani Ise. 

Tumango ako dahil alam ko namang hindi ako pababayaan ni Ise habang nando'n ako. 

Pagdating namin sa bahay ng kaibigan niya, halos puno na ang malawak na espasyo sa harap ng bahay ng mga mamahaling sasakyan. 

I think, I even saw a sports car. May mga motor din doon na halatang mga mamahalin din. I know a luxury car or a luxury motorbike when I see one because my friends have it—lalo na si Asiel. 

May ilang mga taong nandoon sa mga naka-park na mga sasakyan. May ilang grupo rin ng mga lalaki na nagkukumpulan sa isang mamahaling motor na nando'n. 

Pagbaba pa lang namin, sinalubong na kaagad ng mga bati si Ise. Ang mga lalaking nakakumpol sa isang motor na nandoon ay napalingon din sa amin dahil sa pagdating ni Ise. 

I realize that Ise has a lot of friends. Pero sa tagal ko na siyang kakilala, alam ko na hindi lahat ng mga nasa grupo niya ay malapit sa kaniya. Tulad ni Fidel na nakikita ko na ngayong malaking-malaki ang ngiti sa amin at agad nang nakahanda ang isang high five na tinanggap naman ni Ise. 

Ise holds my hand while Fidel gives him a side hug. Ngumiti ako sa mga kaibigan nila. 

"Hanani," bati sa 'kin ni Fidel at ngumiti ako sa kaniya. "Kayo na? Tagal na no'ng huli tayong nag-usap!" ani Fidel kay Ise. 

I watch them and I start to realize that most of the people here are guys. 

"Oo," Ise answers Fidel, squeezing my hand. "Last January."

"Medyo matagal na," ani Fidel at tumango. 

"Where are the others? Saka si Harold. It's his birthday. I should greet him first," ani Ise. 

Agad na sinabi sa kaniya ni Fidel kung nasaan si Harold. He tells us that Harold is on the house's living room. Nagpaalam na si Ise sa mga nandoon at umalis na rin kami kaagad. 

Sinulyapan ko ulit ang mga lalaking kumausap kay Ise at nakitang mukhang may pinag-uusapan na silang panibago. Narinig ko ang tawanan nila. Tiningnan ko si Ise. 

"Are you close with anyone in that group?" I ask Ise. 

He looks at me and shakes his head. "Friends of friends. Some of them are just my acquaintances."

I will never understand how men's friendships work. 

Kahit si Asiel. Kahit kami ang pinaka grupo niya ay marami pa siyang kaibigan na hindi ko naman matawag na malapit sa kaniya. He has a lot of connections especially at ACA. 

Minsan nga, iniisip ko na mas magaling pang makipagkaibigan si Asiel kaysa sa 'min ni Adonijah sa dami ng mga lalaki niyang kaibigan sa iba't ibang university. 

"Asiel told me that some of his friends are invited here," I tell Ise and he nods at me. 

"Asiel is known at ACA," he says.

"Bakit kaya?" I ask. "It's still a wonder to me how he made such a huge influence on Acerra."

"Maybe because he does illegal racing," ani Ise at nanlaki ang mga mata ko nang kaunti. Mukhang nakita ni Ise ang reaksyon ko kaya agad na rumehistro ang pagsisisi sa mukha niya. "Oh, you didn't know?"

Umiling ako. "How did you know?" I ask. 

"Because I get invited when there is one," ani Ise. "Kotse o motor, he's been to both. Most of the students at ACA are boys who are also into racing. Maybe that's how Asiel had such influence."

Hindi ko 'yon alam! Maybe Asiel purposely hid it from me so I won't scold him!

Nasa labas pa lang kami ng bahay ay dinig na dinig na ang hiphop na tumutugtog na dumadagundong sa buong bahay. Pagpasok ng sala, mas lalo lang narinig ang tugtog na 'yon. 

Medyo marami na rin ang nasa loob. Halos puro lalaki ang mga nandoon at may nakilala pa akong ilan na taga St. Agatha University. 

People now know that I am dating Ise Avalos. Hindi ko man 'yon ikinalat sa social media accounts ko, people started knowing because I didn't really keep it a secret. Gusto ng mga tao ang relasyon ko kay Ise Avalos. It's because Ise has always had a clean record. Una niya akong girlfriend kaya hindi na rin nakakagulat. 

Nang makarating na kami sa malalaking sofa ng bahay ay hinanap kaagad ni Ise si Harold na nakita namin sa gitna ng kumpulan ng mga tao. Tawanan at kuwentuhan ang naririnig ko ro'n. May ilan nang mga babae ro'n at karamihan, mukhang kaibigan ni Harold. 

Harold, in his maroon polo, stands up when he sees us and immediately offers a handshake to Ise who gladly accepts it. 

"Happy birthday," ani Ise at ngumisi. 

"Thank you, Ise." Harold looks at me and he smiles. "Hanani," he greets. 

"Happy birthday!" I smile at him and he nods at me. 

"Just go to the dining area. Kumain na kayo. Self service," ani Harold kay Ise, malakas ang boses dahil sa malakas na tugtog sa paligid. 

It's too loud. The house almost feels like a bar at this point. Eighteenth birthday ni Harold kaya siguro ganito karami ang inimbita niya. I can almost remember Adam—one of our friends—who hosts parties at his house like this too. Ang kaibahan lang, mas maraming lalaki ang party ni Harold dahil karamihan din ng mga kaibigan niya ay lalaki. 

"Where's your best friend?" tanong ni Ise kay Harold. "I haven't seen him yet."

"Allon?" tanong ni Harold. "He's probably outside."

I honestly don't like parties like this. I hate messy things and places. Ang mga party at ingay na ganito, para akong nahihilo at gusto ko kaagad na humanap ng lugar na tahimik. 

"Do you want to eat first?" tanong sa 'kin ni Ise nang bumalik na si Harold sa sofa kung nasaan siya kanina. 

"Is there a part of the house where we can eat silently?" I ask. 

Napaisip si Ise at inilibot niya ang tingin sa paligid. "Maybe the garden. This house has a patio with tables and chairs."

Tumango ako. "Can we eat there?" 

Tumango si Ise. "Ako na ang kukuha ng pagkain natin. You can go there first," aniya at itinuro sa 'kin ang daan papunta sa patio ng bahay. 

Agad kong sinundan ang itinuro niyang direksyon. May ilang mga kakilala akong nasalubong kaya ilang beses akong huminto para makipag-usap sandali. Hindi ko na pinahahaba ang usapan dahil lalo lang akong nahihilo sa lakas ng tugtog na dumadagundong sa buong bahay.

Nang makalabas na ako at sinalubong na ng sariwang hangin ng gabi, agad akong nakahinga nang maluwag. The night breeze is cold but I'm glad I wore a jacket.

I feel like Hiel won't like it here. The crowd is too much, even for me. Nang makita ko na ang patio ay naglakad na ako papunta ro'n. Kinuha ko ang phone ko para mag-chat kina Asiel. 

Maria Hanani Cortez:
Asiel!
You do illegal racing?

Adonijah Del Rio:
For Pete's sake.
Akala ko kung ano na.

Agad akong napatawa. Nag-aabang ba siya ng chat ko?

Asiel Dean Monserate:
Who told you?

Maria Hanani Cortez:
Si Ise! Totoo nga? 
Why would you do that? What if you get caught?

Asiel Dean Monserate:
I don't know. Lucky, I didn't get caught. :)

Adonijah Del Rio:
Asshole! Hahaha.

Asiel Dean Monserate:
Tell your boyfriend to mind his own business.

Maria Hanani Cortez:
Jerk!

Jadon Marcus Melgarijo:
How's the party, Hanani?

Lumapit ako sa isa sa mga upuang nasa patio at nagtipa ng reply para kay Jadon. 

Natigilan lang ako nang may marinig galing sa madilim na parte ng garden. Napalingon ako ro'n. I frown and I realize that someone's there. 

Malabo ang boses kaya wala akong maintindihan. Inilibot ko ang tingin sa paligid at wala nang ibang tao sa parteng ito ng bahay ni Harold. Tumayo ako at sinubukang tingnan kung sino ang nandoon. Lumapit ako at narinig ko nang kaunti ang boses ng isang lalaki. 

Isang lalaki at isang babae ang nando'n. Sinubukan kong mukhaan ang babae dahil ang mukha lang niya ang nakikita ko. The guy's back is on me but the built is oddly familiar—matangkad at may magandang balikat. 

"I like someone else."

"Sino?" the girl asks and it's obvious that she's upset. "Maybe you're just pretending that you like someone else so you can get rid of me! I've liked you for three years, Allon! I am always around you. How can you not like me back?" 

Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize na si Allon ang lalaki. Allon doesn't speak.

Natahimik silang dalawa. Dinig na dinig tuloy ang hiphop song mula sa loob ng bahay at habang tumatagal ang katahimikan, mas lalo kong nararamdaman ang hiyang nararamdaman ng babae.

When the girl sees me, I immediately panic but I don't leave. Kahit na magtago ako ay nakita na ako kaya ano pang magagawa ng pagtatago?

The girl pushes Allon before she stomps her way out of the scene. Agad akong gumilid nang lagpasan ako ng babae. 

Nang tingnan ko si Allon, naabutan ko na ang titig niya sa 'kin. I immediately shift my weight. Inisip ko kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kaniya. 

Allon starts walking in my direction. Nang makalapit siya, umatras ako nang kaunti. 

"I'm trying to find the patio," I stutter, trying to defend myself. 

Allon stops walking and he looks at me. "The patio's over there," aniya, itinuturo ang patio na alam ko naman kung nasaan. 

Tiningnan ko ang patio at tumango. I look at Allon again. "Thanks," I mumble before turning around. 

Naramdaman kong nakasunod si Allon sa 'kin habang papunta ako sa patio pero hindi ko 'yon pinuna dahil alam ko namang ito lang ang daan pabalik sa loob ng bahay. But when I sit on one of the tables at the patio and he sits on another one too, I look at him again. 

Dito rin siguro siya magpapalipas ng oras. I wonder if I should start a conversation. Hindi man siya malapit kay Ise, kaibigan pa rin siya nito kaya kahit hindi ako kumportable sa kaniya, maganda kung kakausapin ko rin siya, 'di ba?

"Ayaw mo sa loob?" I ask him.

"No," aniya. 

Mali ako sa naging tanong. I shouldn't have asked a close-ended question. 

"Ako rin. That's why I asked Ise if we could eat here," I say and he doesn't reply. 

Gusto kong mapangiwi. 

Hindi ko na lang sinubukang kausapin siya ulit. Ayoko namang pilitin siyang makipag-usap sa 'kin kung ayaw niya. Pinigilan ko ang sarili kong mainis. Malay ko ba kung hindi niya talaga gusto ang pakikipag-usap? I should respect that, right?

Ganito rin si Ida Mishal pero sa mga tao lang na hindi niya gusto. She's easy to talk to when she likes who she's talking too. I wonder if Allon hates me. 

I hate him too if he does. He's intimidating. 

Kaya nang dumating na si Ise, halos makahinga ako nang maluwag. 

Ise catches my gaze when he's finally at the patio. He smiles at me and I immediately feel a lot better. Ngumiti rin ako kay Ise. He sits next to me and he notices Allon from the other table. 

"You don't like it inside, Al?" Ise asks. 

"No," ani Allon. "It's too crowded."

I purse my lips and I start eating the food Ise gave me. Nagpatuloy sina Ise at Allon sa pag-uusap at nakinig lang ako dahil hindi makasabay. 

Naiinis kasi ako dahil napahiya ako kanina. Nagtanong ako at nagsisimula ng usapan pero tipid ang sagot ni Allon. Parehas lang naman kami ng tinanong ni Ise sa kaniya pero iba nag naging pakitungo niya sa 'min.

Maybe I should understand him too. Baka naman hindi siya kumportable na makipag-usap sa mga babae?

Sinulyapan ko si Allon dahil sa naisip at nakita ko siyang nakatingin sa pinggan ko. He raises his gaze to my eyes and I suddenly feel uneasy. Hindi ko na manguya ang kinakain ko. 

I smile at him a little to ease the tension even when I don't really want to but he doesn't smile back. Nagpatuloy siya sa pakikipag-usap kay Ise. 

I sigh. Maybe he's just a jerk. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com