Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

#war3wp

Chapter 13

Right

"Hindi ka pupunta?" tanong ni Adonijah sa kabilang linya ng tawag. "Hanani, we've planned this out already. Thursday. Whole day. At Tagaytay. Come on." He groans and I feel guiltier.

It's not new to me. Halos parati nang ganito ang tono ni Adonijah sa tuwing kausap ako at hindi ko naman siya masisisi dahil totoo namang halos hindi na ako magpakita sa kaniya at sa mga kaibigan namin nang magsimula ang bakasyon.

Parati na akong pumupunta kina Ise. Parati ring si Ise ang kasama kong lumabas—sa mall, sa pagkain sa labas, at panonood ng sine. We're always together because I want to always be with him. Dahil din doon, halos hindi na rin ako makausap nina Adonijah sa chat dahil parating kami ni Ise ang magkausap. 

Sometimes, I hope Adonijah can understand me. I love Ise and I am dating him. Hindi na parating nasa kanila ang oras at atensyon ko. I have someone else to prioritize now. Is it bad to prioritize your boyfriend?

Isn't that how a girlfriend should be?

"I know. I'm sorry," I say, sighing. Inihinto ko ang pagpa-pack ng mga gamit ko sa kulay white at pink na gym bag. "Biglaan kasi. I want to be there! Pero biglaan kasi akong inaya ni Ise sa tennis game nila ng mga kaibigan niya."

Adonijah doesn't speak. I know that he feels upset—sa katahimikan niya pa lang at tono kanina, alam ko na na hindi niya gusto ang biglaan kong pag-atras. But I know him. He will understand me because I know he knows me. I know he knows how I will be like now that I've fallen in love.

Mga bata pa lang kami, siya na ang may alam ng lahat ng pangarap ko para sa kinabukasan ko. He knows what I seek for, my love for love, and all of my ideals. He knows better than anyone else.

"Are you mad at me?" I ask him. 

"No," Adonijah mumbles and sighs. "You really like him, don't you?" he asks me.

Napatigil ako sa pag-aayos ng mga gamit at pinagmasdan ko ang gym bag na marami nang laman. 

"I do," I say. "Date to marry, remember?"

I want to be the best girlfriend for Ise and I want to always be there for him. Because that's how you love, right? You will always be there. You will always support him. You will always stand by him.

Bumuntonghininga si Adonijah. "Alright. We'll just send you pictures," aniya. "'Wag kang maiingit. Don't blame me if you start feeling upset and regretful. I asked you multiple times."

Napangiti ako at napatawa nang kaunti. "Babawi ako. Promise."

Ibinaba na namin ang tawag matapos ko siyang paalalahanan na mag-ingat sila sa biyahe papuntang Tagaytay. Adonijah tells me to take care too and to call them if there's a problem. 

Matapos ang tawag ni Adonijah, pumasok naman ang tawag ni Ise, nasa tapat na siya ng bahay at naghihintay sa 'kin. 

I'm wearing a rose pink dri-fit cropped tank top under a white cropped hoodie and a pair of leggings in the same shade of pink. 

I almost skip when I see Ise standing beside his car in his dri-fit gray round-neck shirt and pair of shorts in the same material and color.

"Hey." Ise smiles at me and I walk to him.

Agad na pumulupot ang kamay niya sa baywang ko at yumuko siya para dampian ng halik ang pisngi ko. Napangiti ako dahil doon at hinalikan ko pabalik ang pisngi niya.

Hindi ako sanay do'n pero dahil kay Ise, para bang natural na lang sa 'kin ang paghalik niya sa pisngi ko.

Kinuha ni Ise ang gym bag ko at nilagay 'yon sa backseat habang sumasakay na ako sa kotse niya. Tiningnan ko ang phone ko na tumunog at nakita kong nag-send kaagad ng picture si Adonijah sa 'kin.

Picture nila ni Asiel. Asiel's on the background smirking on the picture with an arrogant look on his eyes. Halos mapairap ako ro'n. Habang si Adonijah naman, ay nang-aasar ang mukha sa litrato.

Adonijah Del Rio:
Currently backstabbing you, @Hanani.

Agad akong napangiti at nag-reply.

Maria Hanani Cortez:
I'm already with my boyfriend! Sana ikaw rin.

I take a selfie and I send it to the group chat right away. Agad na nag-reply ng thumbs down si Adonijah at napatawa ako.

"Who's that?" Ise asks as he looks at me. Hindi pa siya nagsisimulang magmaneho.

"Adonijah. We're supposed to go to Tagaytay today, remember? He's sending pictures," tumatawa nang kaunting sabi ko.

"Can I see?" Ise asks me.

I give him my phone and he looks at my conversation with Adonijah. Hinayaan ko siya roon at nang matapos, ibinalik niya rin kaagad sa 'kin. He comments that I'm really close to my friends and I agreed because it's true. 

Umalis din kami kaagad para magpunta sa kung saan sila maglalaro ng mga kaibigan niya ng tennis. Pagdating namin doon, nandoon na ang karamihan ng mga kaibigan niya at pinakamaingay ro'n si Fidel na mukhang bitbit ang camera niya at nag-va-vlog.

There are three open courts for tennis. May tatlong net din—isa para sa kada court. The whole place is surrounded by nets—probably for preventing the balls from getting out of the place.

Makulimlim ang langit na para bang uulan pero hindi naman bumubuhos. There is a small shelter nearby where I think the restrooms and lockers are located. Kung sakali mang bumuhos ang ulan, doon kami sisilong. 

This place is owned by one of Ise's friends. Hindi ko alam kung sino sa mga kaibigan niya ang may-ari pero kung sino man 'yon, I bet that that person is rich and that person loves sports—tennis, specifically. 

Tiningnan ko ang mga kaibigan ni Ise na nasa gitna ng isa sa mga court at napangiti nang magtawanan ang grupo. Halos sampu silang lahat na nandoon. Ang dalawa pa, nakita ko sa benches sa mga gilid at sila ang nilapitan namin ni Ise para mailapag namin ang gamit doon.

May tatlong babae rin sa 'di kalayuan, mukhang kumukuha ng mga litrato. I know them. They are the girlfriends of some of Ise's friends. They are wearing gym attires to so I'm assuming that they will also play later.

Sina Harold at Allon ang nasa benches. Allon, who's wearing a gray cap, is busy tying his shoelaces. Harold, who's wearing a dri-fit sleeveless shirt and black shorts in the same material, is busy with his phone but he is the first one to raise his gaze to us. Sumunod si Allon na agad na tumama sa 'kin ang tingin. I smile at him and he stares for a second before he shifts his gaze to Ise who's now giving Harold a high-five.

Harold then looks at me and offers me a high five too. I awkwardly slap my hand with his raised hand. Hindi ako sanay ro'n dahil hindi naman ako gano'ng kalapit kay Harold.

"I saw that your friends are in Tagaytay. Hindi ka sumama?" Harold asks me as Ise takes a tumbler of water from his bag.

Umiling ako at ngumiti nang kaunti. "I want to go here so. . ."

"Tennis over Tagaytay?" Tumawa si Harold.

"Hindi naman. More like Ise over Tagaytay," sabi ko, nakikisakay sa biro at tumawa.

Agad akong inakbayan ni Ise at hinalikan sa sentido dahil siguro sa sinabi ko. Uminit ang mga pisngi ko at tumingin sa kaniya. Nasa harapan namin sina Harold! Nakakahiya.

Ise smiles at me and I can see the glint in his eyes. "Pupuntahan ko lang sina Fidel. Do you want to go or do you want to stay here?" Ise asks me.

Nilingon ko sina Fidel at ibinalik ko rin kaagad ang tingin ko kay Ise. Umiling ako.

"I'm fine here," I say.

Tumango si Ise at iniwan na ako kasama sina Harold para puntahan ang iba pa niyang mga kaibigan.

Umupo ako sa tabi ni Allon dahil 'yon na lang ang libreng espasyo sa bench na inuupuan nila. Allon is now busy with his phone and I can see that he's busy browsing social media.

"Sino ang kasama sa Tagaytay?" tanong sa 'kin ni Harold, nakatukod ang dalawang siko sa dalawang tuhod at nakayuko nang kaunti para makita ako dahil nasa pagitan namin si Allon.

Ginaya ko ang pwesto niya para makausap din siya nang maayos. Sumandal si Allon sa bench para siguro bigyan kami ni Harold ng pagkakataong makapag-usap nang mas maayos nang siguro ay mapansin niya 'yon.

"All of them, actually. Ako lang ang naiwan," I say.

"Talaga?" Napamura nang mahina si Harold, mukhang manghang nakatingin sa 'kin. "Is this what love can do? Over a trip, you choose tennis?" manghang tanong niya.

Tumawa rin ako. I really want to go to Tagaytay too but this is the first time Ise asked me to go here. With his friends. To play his favorite sport. I want to be here.

"Kung ako 'yon, I will choose to go to Tagaytay," ani Harold.

"First time ko kasing mapapanood si Ise na laruin ang favorite sport niya. I can't miss the chance."

Napatawa nang kaunti si Harold. "You really like him. Ise really likes tennis. Our other friends too. Pati rin si Allon."

Tumango ako at nilingon ang grupo nina Fidel na mukhang may pinag-uusapan nang ibang bagay. Nakahalukipkip si Ise at natatawa nang kaunti habang kausap sila.

Nilingon ko sina Allon. "Ka-section niyo ba si Ise?" tanong ko kay Harold.

"Oo. Nasa iisang section kaming lahat. May ilan lang na hindi," Harold tells me. "Kaya naging magkakaibigan kaagad kaming lahat."

Tumango ako at napatingin kay Allon na nasa hita na ang mga kamay at abala pa rin sa sarili niyang phone. 

"Allon, right?" I ask and Allon raises his gaze to me. Tumigil siya sa pagba-browse sa phone. "How do you spell your name? Is it like alon? Like wave?"

"It's actually double letter l," ani Harold bago pa man ako sagutin ni Allon at tumawa. "But it's from his second name, Alonso."

Tumango-tango ako. I continue asking them personal questions—like how they do in school, what they do outside the campus, and I ask them about what Ise usually does in class too. Harold answers everything. Allon—I figured—doesn't really like talking. 

Harold tells me that Ise does well in class and he's one of those who usually excels. Hindi raw talaga makaibigan sa mga babae si Ise at halos puro lalaki ang mga kaibigan kaya natutuwa raw sila nang maging kaming dalawa ni Ise. 

Ise starts playing with his friends while I stay seated on the bench with Allon and Harold. Mukhang maghihintayan sila ng turn nila para maglaro. 

Currently, Ise is playing doubles with some of his friends. Lahat ng court ay okupado na ng ibang mga kaibigan niya. Hindi ako gaanong maalam sa tennis kaya panay ang tanong ko kay Harold patungkol doon. Tahimik lang si Allon na nanonood din sa laro nina Ise. 

"Kung gusto mo, tuturuan ka na muna namin ni Allon kung pa'no maglaro?" Harold asks me when he sees that one of the courts is finally vacant.

"Sure!" I immediately say because I want to play with Ise later. I need to learn how to play it so I can enjoy the game with him. 

We go to a vacant court. Harold is trying to explain the basic things that I need to know—the service line and the basic dos and don'ts. Nakinig ako ng mabuti sa lahat ng 'yon. Allon is following behind us. 

Nang nasa court na kami, pinatayo ni Harold si Allon sa kabilang parte ng court habang sinamahan ako ni Harold para turuan ako. Nakatayo na ro'n si Allon. He's standing in his black dri-fit shirt and shorts and a pair of gray rubber shoes. Soot niya pa rin ang cap kaya hindi ko makita ang mga mata niya. Hawak-hawak niya ang white and blue niyang raketa at isang bola ng tennis. 

"This is the service line," sabi ni Harold habang itinuturo sa 'kin ang linyang tinatayuan namin. "Focus on the ball and don't let it go out of the court."

Tumango ako. Sinenyasan ni Harold si Allon na magsimula na. Allon immediately does a serve. I tried to hit it. Nakuha ko ang bola pero agad 'yong tumama sa net, hindi pumapasok sa court ni Allon. Napangiwi ako. 

"Isa pa!" sabi ni Harold kay Allon na agad na lumapit sa net para kunin ang bola ro'n. "That's okay, Hanani. You'll get the hang of it."

Pero sa makailang beses na tumira si Allon, tatlo lang ang natamaan ko nang tama. Hiyang-hiya ako dahil parating siya ang nagpupulot ng bola. Nang mukhang mapagod siya, lumapit siya sa 'min at kay Harold kaagad nakadirekta ang tingin niya. 

"You're not teaching her properly," ani Allon at ibinigay ang raketa kay Harold. "Ikaw ang mag-serve. You suck," aniya at natawa kaagad si Harold dahil doon. Ngumisi si Allon dahil natatawa rin kay Harold. 

"Sorry, Han. Kaya nga magpipiloto ako. I would never pass as a teacher," ani Harold at kumindat bago nag-jog papunta sa kabilang side ng court. 

Tiningnan ko si Allon at tumayo siya sa service line, hindi ako tinitingnan. Itinuro niya ang linya bago niya inangat ang tingin sa 'kin. 

"This is where you'll take a serve," aniya at lumapit ako sa kaniya. Tiningnan niya ang kamay kong may hawak na raketa. "You're holding it wrong too. Kanina, dalawang kamay ang ipinanghawak mo para tumira. You only need one hand. It will make things easier for you."

Ipinakita niya sa 'kin kung pa'no ang tamang paghawak no'n at sinunod ko naman ang sinabi niya. After teaching me how to hold the racket right, he starts to teach me how to serve properly. 

"Don't take the racket too far back," ani Allon habang hinahawakan ang raketang hawak ko sa dulo no'n, guiding it to where I should start swining. "The farther the racket is swung away from the ball, the higher chance of you not making the contact. You need to mind the ball, the contact, and how you finish the shot."

Tumango ako. "Try serving first," he tells me. Pinatalbog niya ang bola at agad ko 'yong sinubukang tamaan papunta kay Harold. 

Parang kuminang ang mga mata ko nang lumagpas na sa net ang bola. 

"It's easier that way, isn't it?" Allon asks me. 

"Yes!" masayang sabi ko, ngiting-ngiti siyang nilingon. 

Allon stares at me for a second before he looks at where Harold is. Sinensyasan niya si Harold na magsimula na. Umatras si Allon palayo sa 'kin.

Harold immediately gives a serve. Agad ko naman 'yong sinubukang tamaan. Lumagpas sa net ang bola at agad akong nakaramdam ng tuwa. 

"That's good," ani Allon habang tinitingnan si Harold na pumupulot na ng bola at lumalapit ulit sa 'kin. "Always think about having control over the ball. If you do a big swing, high chances are, you'll lose contact." Tiningnan ako ni Allon at nagtama ang mga tingin naming dalawa. 

Ngayong malapit siya, na-realize ko na malaki ang agwat ng height naming dalawa. Mas kita ko rin ang mata niya ngayon dahil nakikita ko na ang ilalim ng cap niya. Mas maliit kasi ako kumpara sa kaniya. 

"Thanks!" I smile at him. 

Tumango si Allon.

"Hey." Agad akong napalingon sa nagsalita at nakita ko ang medyo pawisan nang si Ise na nakatingin sa 'kin at nakangiti. "Naglalaro ka?"

"Yup! Tinuruan ako nina Allon. Tapos na kayo?" I ask him. 

Ise nods and holds my waist. I let him. "Yup. Gusto mong maglaro?" he asks me, giving me his nice smile.

Napangiti rin tuloy ako dahil sa ngiti niya. 

Tiningnan ko ang pawis niya at agad na nag-alala. "Baka pagod ka na? Rest first then we can play when you're all rested."

Tumango si Ise at umangat ang tingin niya papunta kay Allon. Nilingon ko rin si Allon at nakita kong pinupulot niya ang tennis ball na nasa sahig. 

"Al, it's your turn. Fidel's asking for you."

Napatingin si Allon kay Ise at tumango siya. 

Ise pulls me with him and we sit on one of the benches. Agad ko siyang inasikaso. Pinunasan ko ang pawis niya sa noo gamit ang bimpong dala ko at napangiti naman siya dahil doon. I also give him water. 

"Did you enjoy?" nakangiting tanong ko sa kaniya. 

Ise smiles and nods at me. "Thank you for being here, Hanani," he tells me.

Napangiti ako at tumango sa kaniya. 

I knew it. It is a right choice to go here with him today. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com