Chapter 19
#war3wp
Chapter 19
Secret
I love fairytales. Bata pa lang ako, pakiramdam ko, pinuno na ako ng pagmamahal kaya naman sobrang ganda ng tingin ko sa mundo.
I always think that love can surpass all things and that despite the cruelness of the world, there will always be a bright side to everything. Ga'no man kadilim ang mundo ngayon, parating may liwanag ang dulo.
Adonijah always points out how optimistic I am. Parati kong tinitingnan ang mga magaganda sa mga bagay. Dumadanas man ako ng kalungkutan at sakit, parang dumadaan lang ang lahat ng 'yon dahil mabilis akong nakakaahon.
Hiel once told me that it's what he likes about me. I see things in a bright perspective. Na para bang para sa iba, makulimlim ang langit, pero pagdating sa 'kin, parang kalagitnaan ng tag-araw dahil sobrang liwanag.
I always daydream about my ideals. May mga bagay akong gustong mangyari sa isang partikular na paraan. 'Yon ang parati kong sinasabi kay Jadon. That despite him being a realist, he should have his ideals too because in that way, you can be more ambitious and you can dream bigger.
Pero hindi ko alam na ako mismo ang magagalit sa lahat ng mga bagay na inasam ko. Reality is ugly but the ideals kill you in the cruelest way possible.
Sasampalin ka ng katotohanan na pinaasa ka ng lahat ng mga pangarap mo. Na akala mo, maaabot mo ang lahat ng 'yon pero hindi pala.
Because you cannot control the future. You have no control over your tomorrow.
To graduate on time? To finish studying with flying colors? To marry at the age of twenty-eight? To have a family in my thirties?
Sira na ang lahat ng 'yon. Pinaasa ko ang sarili ko sa lahat ng mga pangarap na binuo ko para sa sarili ko. Masiyado akong nag-ambisyon. Masiyado kong inangat ang sarili ko na ngayon na bigla akong bumulusok pababa, mas doble ang sakit na nararamdaman ko.
Dahil hindi pala magiging ako ang mga bagay na inakala at inasam kong maging ako. Masiyado kong ginawang perpekto ang mga pangarap ko para sa sarili ko na ngayon na para akong nagkaro'n ng lamat, hindi ko malunok ang reyalidad.
That I failed to fulfill my promise. That I let go of my principles.
I betrayed myself. I lied to myself.
Ilang mura ang inulit ni Adonijah habang ibinababa ang phone matapos niyang tawagan si Ise.
My regular period isn't coming. Kinabahan ako nang hindi 'yon dumating dahil guilty akong may nangyayari sa 'min ni Ise pero pinilit kong kalmahin ang sarili ko dahil baka naman na-late lang ng kaunting araw ang pagdalaw ng menstruation ko.
Papasok sana ako kaninang umaga pero panay ang pagduwal ko kahit wala namang isinusuka. Sinubukan kong tawagan si Ise dahil hindi ako mapakali sa iniisip na posibleng buntis ako dahil hindi lang naman isang beses na may nangyari sa 'min.
I thought that it will be fine. Ise told me that it will be fine.
He always tells me that it will be fine.
How is this fine? Suka ako nang suka kahit na wala naman akong nailalabas na kahit ano.
Napapikit ako nang mariin. Ise didn't answer my calls this morning. Siguro ay dahil napuyat siya sa laro nilang magkakaibigan kagabi at tulog pa hanggang ngayon. He always wakes up late after a game night. Wala silang pasok sa Acerra College of Aeronautics dahil may event na idadaos doon ngayong araw.
Dahil takot na takot, si Adonijah ang tinawagan ko.
He bought all of the pregnancy tests. Isa lang ang pinabili ko pero bumili siya ng marami dahil gusto niyang makasigurado. I am expecting him to get mad at me—to scold me or ask me why I did what I did but he doesn't do all of that. Nagulat siya at natahimik pero hindi siya nagtanong pa.
Tinanong niya kung maayos ako. Nang kunin ko na ang tests at sa unang beses pa lang, lumabas na ang dalawang mga pulang linyang 'yon, panay na ang iyak ko at ang pagkalma sa 'kin ni Adonijah.
He keeps telling me to take a test again because the tests might not be that accurate but five pregnancy tests won't lie, right? Nakakalima na kaming tests pero paulit-ulit na ang resulta. Adonijah bought them this morning. They're new! How can these tests lie to me?
"AJ, I'm sorry." I sob and my tears keep on falling.
Malakas ang hagulgol ko at sobrang higpit ng dibdib ko dahil sa pagluha. Ilang beses na akong paulit-ulit na humihingi ng tawad pero hindi ko magawang tumigil.
Nakasalampak ako sa sahig ng banyo, punong-puno ng luha ang mukha at hindi alam ang gagawin. My hands are shaking and I can't believe that this is happening.
I keep on clenching my hands in the hopes of stopping myself from trembling. I gasp and I cover my lips with my trembling hands.
"Adonijah, sorry."
"Hey." Adonijah brings his attention back to me, placing the phone on top of the sink and sitting in front of me.
Nakasoot pa siya ng uniporme at amoy na amoy ko ang pabango niya. He's supposed to be in school right now but he's here with me.
Adonijah cups my face with both hands and he wipes my cheeks. Inangat ni Adonijah ang mukha ko paharap sa kaniya. I slowly raise my gaze to his face and my heart starts shattering when I see his bloodshot eyes. Nanginig ang labi ko at kinagat ko 'yon habang pinagmamasdan ang mga mata ni Adonijah na nasasaktan din.
The sides of his eyes are moist and his eyes are glistening with pain. Sinusubukan kong hanapin ang disappointment sa mga mata niya pero hindi ko makitahan ng kahit katiting na bahid niyon ang mga 'yon.
May namumuong kung ano sa lalamunan ko at hindi ko magawang magsalita. Para akong nababasag habang pinagmamasdan ang mga mata ni Adonijah at ang halatang pagluha niya rin dahil sa 'kin.
Mabilis ang paghabol ko sa hininga ko at hindi ko alam kung kaya ko pa bang tingnan ang mga mata niya. Humikbi ako at patuloy ko siyang tinitigan.
Why isn't he disappointed with me?
I feel ashamed in front of him. Because Adonijah knows—of all people—what I aspire to be. How much I've put up Maria Hanani's name. And this. . . this is not something people expect me to be.
This isn't what I expected myself to be.
I know that this isn't what Adonijah expects me to be.
"Everything's going to be alright," Adonijah assures me as he smiles in his hoarse voice. "We're going to let Ise know. After that, we will go to a hospital."
Hindi ako sumagot at patuloy na bumuhos ang mga luha ko. Hinila ako ni Adonijah sa isang yakap at mahigpit niyang ibinalot sa 'kin ang mga bisig niya.
"Han, do you hear me? Magiging maayos din ang lahat."
"Sorry, AJ," my voice breaks as I whisper on Adonijah's chest.
Adonijah helps me up. He tells me to take a bath first and that I need to have something to eat. Sinunod ko ang sinabi niya dahil hindi ko na rin maisip kung ano ang susunod kong dapat na gawin.
Nagpaalam si Adonijah na bababa na muna para tingnan kung ano ang pwede kong kainin. Siya na ang nagdala ng tuwalya ko sa banyo at ang nagtulak sa 'kin papasok doon. Sinunod ko ang gusto niyang mangyari.
Itinapat ko ang sarili ko sa shower at sinimulang maligo, nakakaramdam ng takot habang ipinapasada ko ang kamay sa sariling katawan para sa pagligo. Nang mapayuko ako at nakita ang tiyan, agad akong natigilan.
Ipinatong ko ang kamay ko sa ibabaw ng tiyan habang lumalandas na ang tubig mula sa shower. It's flat. Kung hindi ako duwal nang duwal kaninang umaga, siguro, hindi ko mapapansing may buhay na sa loob noon.
Napalunok ako.
Hindi ako makapaniwala. Talaga bang may laman na 'yong buhay? Do I really have a life inside of me?
"Are you really there?" I whisper and my soft voice echoes inside the four walls of the bathroom. Namuo ulit ang mga luha sa mga mata ko at kinagat ko ang labi ko. "Hm?"
Are you really there?
Unti-unto akong napaupo habang patuloy ang paglandas ng tubig sa katawan ko. Niyakap ko ang tuhod ko at naramdaman ko ang mainit na luhang umagos sa pisngi ko kasabay ng pagbuhos ng malamig na tubig na mula sa shower.
Humikbi ako at tinakpan ko ang mga labi gamit ang isang kamay, takot na may makarinig sa akin na kahit na sino. "I feel scared . . . yet I also feel happy," I whisper and my voice breaks. "Because even if I didn't expect you, I love you."
And I will love you. I will protect you.
Kahit na wala pa siya—kahit na hindi ko alam kung totoo bang darating siya—alam kong mahal ko siya. Kahit na takot ako at kinakabahan, gagawin ko ang makakaya ko para ingatan siya.
Kahit na madilim ang kinabukasang dulot niya, mamahalin ko siya. Kahit na hindi ako sigurado sa magyayari sa hinaharap, poprotektahan ko siya.
As the water showers over me, my promises pour and my tears fall.
Tinapos ko ang pagligo at binalot ko ang sarili ko sa isang tuwalya. Paglabas ko ng kuwarto, narinig ko kaagad ang pagtunog ng phone ko dahil sa isang tawag. Agad na gumalabog ang puso ko dahil sa kaba.
Alam kong kaming dalawa pa lang ni Adonijah ang nakakaalam pero pakiramdam ko, alam na ng buong mundo ang kung ano ang nangyayari. Nilapitan ko ang phone at tiningnan kung sino 'yon. Nang makita ko ang pagrehistro ng pangalan ni Ise, agad akong nabuhayan ng loob at sinagot 'yon.
"Ise," I immediately say when I answer the call.
"Hanani," he says and I notice how his voice starts to calm me even for a little bit. "Why do you have a bunch of missed calls for me? I couldn't answer because I was sleeping," he continues. "You know that I have plans with Fidel and the others later, right? Nasa SAU ka ba?"
Umupo ako sa kama at napayuko. "Hindi ako pumasok," I say.
"Why? Are you sick?" he asks worriedly.
"No," I answer. My voice breaks a little.
Natahimik kaming dalawa. Nararamdaman kong hinihintay ni Ise na dugtungan ko ang sinabi ko.
"I have something to tell you."
Natahimik si Ise sa kabilang linya ng tawag. Natahimik din ako at hindi alam kung ano ang idudugtong sa sinabi.
Makalipas ang ilang sandali, muli siyang nagsalita.
"Are you crying? What is it?" he asks.
"Can you come here?" tanong ko at pinaglaruan ko ang mga daliri ko. Tumutulo ang tubig mula sa buhok ko pero hindi ko 'yon inalintana. "I want to say it in person."
"At your house?" tanong niya at tumango ako kahit na hindi niya nakikita. "Okay. Pupunta ako kaagad."
"Okay," I mumble.
Mabilis akong nagbihis nang ibaba na naming dalawa ni Ise ang tawag. Bumaba rin ako kaagad nang matapos akong magbihis para puntahan si Adonijah. 'Yon nga lang, nang makarating ako sa hapag at naabutang nandoon na si Mommy, agad akong natigilan at parang gusto ko ulit na masuka dahil sa kabang nararamdaman.
Adonijah sees me and he looks at me worriedly. I sit next to him. Our eyes meet and he purses his lips. Gumalabog ang dibdib ko sa kaba at hindi ko alam kung magagawa ko bang kumain.
Agad akong natigilan nang magsalita na si Mommy. "Oh? Hindi ka naka-uniform, Hanani? Hindi ba kayo papasok ni Adonijah?" she asks me and I guiltily look at her.
Nasalubong ko pa lang ang mga tingin ni Mommy, parang gusto ko na kaagad na umiyak.
Natahimik ako at hindi makasagot dahil parang may nagbabarang bato sa lalamunan ko. Adonijah clears his throat.
"Ah, Tita. Na-late po kasi kami ng gising," natatawang sabi ni Adonijah at ipinasada niya ang kamay sa buhok. "Hahabol na lang po kami sa second period."
Napayuko ako at tiningnan ang sariling pinggan.
Mommy expresses her disapproval. "Pasaway talaga kayong mga bata," she says and I purse my lips. "Aalis ako pagkatapos kumain. Maiiwan pala kayo rito. Siguraduhin niyong papasok kayo sa susunod na klase, ha?"
"Syempre po," ani Adonijah at nagsimula nang bolahin si Mommy.
Kahit na panay ang tawa ni Mommy dahil kay Adonijah, ni hindi ko man lang magawang ngumiti. Hindi ko rin magawang iangat ang tingin ko kay Mommy. Kahit nang umalis na siya sa hapag para makapaghanda na sa pag-alis niya, hindi ko siya nagawang tingnan. Nang tuluyan nang nakalayo si Mommy sa hapag, saka ko nabitawan ang mga kubyertos at patuloy na umagos ang mga luha ko.
Agad na natigilan si Adonijah dahil doon at tinakpan ko naman ang mukha ko gamit ang dalawang kamay.
How can I undo everything? Paano ko ba mapipihit pabalik ang oras? Pwede bang bumalik na lang sa nakaraan?
Hinagod ni Adonijah ang likod ko. "Hanani, kumain ka muna. You need to eat," Adonijah tells me quietly.
"Anong sasabihin ni Mommy kapag nalaman niya?" I say and my voice breaks.
"We will figure things out later. For now, you need to eat," he tells me.
Kahit na wala na akong gana dahil sa nararamdaman at sa pag-iyak, pinili kong kumain dahil alam kong tama si Adonijah. I need to eat first.
Mommy leaves some time later. Ise arrives minutes after.
Nasa sala si Adonijah, abala sa phone at nakaupo sa couch habang ako naman, piniling sa labas ng bahay kausapin si Ise dahil ayokong may ibang makarinig ng sasabihin ko sa kaniya.
"Hey," takang bati sa 'kin ni Ise nang sa labas ng bahay ko siya salubungin.
He's wearing a basic black shirt and a pair of jeans. Halatang wala siyang ibang balak na puntahan kundi rito. Sinulyapan niya ang bahay bago ibinaba ang tingin sa 'kin. He's looking at me with the same pair of innocent Asian eyes that I love about him.
I like his eyes the most because it's his most evident feature. Ang mga mata niya ang madalas kong pagmasdan dahil gustong-gusto ko ang pagkasingkit noon, ang haba ng hindi gaanong kakapalang mga pilikmata, at ang may pagka-abelyana no'ng kulay.
"Are you okay? Hindi ka pumasok," he asks me.
"I have something to tell you,"
I don't know what I should feel. Dapat ba, ma-excite akong ipaalam sa kaniya na may nabuo kaming dalawa? O dapat bang patuloy akong matakot na sabihin kay Ise ang nangyari?
It's Ise.
Ise loves me.
Ise will love our baby.
Because that's how goes in romantic films, right? Iiyak kaya si Ise dahil sa saya? Will he get excited too? Maybe he'll immediately bring me to a hospital because he worries about me. Siguro, tatalon siya at yayakapin ako. He'll feel scared and nervous but he'll tell me that we will do this together.
He won't leave me. That's what he always promises me. Whenever we kiss and whenever I feel his love, he always promises to stay with me forever.
"This month, I haven't got my period yet," I start to say and my hands tremble as I watch Ise's eyes. "And," I stutter, "this morning, I keep on vomiting."
Malakas ang kabog ng dibdib ko habang hinihintay ang reaksyon ni Ise. Hindi magawang kalmahin ng payapa at walang kaulap-ulap na langit ang nararamdaman ko. Kahit na sobrang ganda ng panahon at sariwa ang ihip ng hangin, hindi magawang pawiin ng lahat ng 'yon ang kabang nasa dibdib ko.
"Are you sick?" Ise worriedly asks me and he slowly reaches for one of my arms. "Let's go to a hospital. Vomiting isn't a good sign," aniya.
Umiling ako. "May hinala na ako, Ise. For the past weeks, I've been acting weird. I became more irritable and sensitive. I . . . I gained a little bit of weight."
I watch Ise's eyes. Hindi siya nagsalita at nanatili siyang nakatitig sa 'kin. Umihip ang hangin at pinanood ko ang kaunting paggulo no'n sa buhok niya.
"And so," I stutter, "I took a pregnancy test."
Umawang nang kaunti ang mga labi ni Ise at kumurap siya, mukhang hindi inaasahan ang sinabi ko. Unti-unti siyang namutla.
"Why? Hanani we've been—" he stutters.
"Five tests. . ." I say and my voice breaks as I look at him straight to his eyes, "and they are all positive."
Ise closes his mouth shut and he blinks as if he doesn't expect what I am telling him. He clenches his jaw and he continues to stare at me.
He looks like he's seeing a ghost.
"How can that happen?" he asks me.
Natahimik ako.
Patuloy ko siyang pinagmasdan at naramdaman ko ang paghigpit ng dibdib ko dahil sa sakit na unti-unting nararamdaman. Unti-unting nababasag ang lahat ng iniisip kong pwede niyang maging reaksyon. Sa pangalawang pagkakataon, sinasampal ako ng lahat ng inakala kong mangyayari pero hindi pala.
"We were careful," ani Ise. "I was careful."
I bite my lip and I bow my head, slowly feeling ashamed by the reality. Because my ideals are shattering once again. Because reality keeps slapping me back to what's happening.
This is no fairytale. This is no romantic movie.
Paano ko nagawang maisip na posibleng maging masaya si Ise sa balitang may nabuo kaming dalawa? We're both eighteen, for Pete's sake!
"You were careful, Hanani, right?" Ise asks me and my tears start pouring.
He hates that this is happening. He doesn't want this to happen. He doesn't think that this is good news.
Tumango ako at tinakpan ko ang mukha ko nang unti-unti nang nakaramdam ng kahihiyan.
"The tests might be wrong," Ise says. "Maybe you should take one again."
"I've already taken five tests, Ise," I say, my voice breaking and I raise my head to look at him again.
I see Ise running his fingers frustratingly through his hair. He covers his mouth after. And he's looking everywhere but me.
"Maybe we should go check it in the hospital so—" I start to say.
Ise shakes his head. "No, we can't. I have relatives who work in the hospitals in the city, Han. Why would you think that?"
Natahimik ako at kinagat ko ang labi ko. I bow my head and I close my eyes.
"Maybe we should keep it a secret for now," ani Ise at lumapit siya sa 'kin, hinahawakan ang dalawa kong balikat at inangat ko ang tingin ko sa mga mata niya.
He's looking straight into my eyes. Ang dalawa niyang singkit na mga mata na gustong-gusto kong tinitingnan ay nakatitig pabalik sa 'kin. Most of the time, his stares make me feel a lot of fuzzy things. I fall in love. Then, more in love. And then, I fall again.
His stares always make me feel like my life is wonderful—like my world is filled with light pastel colors. Like a fairytale. Like a dream.
But his stare today makes me feel the opposite. Parang gusto kong bumalik sa loob ng bahay at ikulong ang sarili ko para hindi na makita pa ng mundo. I feel little. I feel shameful. I feel like I've wronged him even though we both caused this to happen.
"We'll figure this out, okay? I'll try figuring things out," he tells me but he doesn't look at me.
And I think that he might be scared. We're eighteen. I am scared too. I understand him. I understand Ise.
But I can't help but feel hurt.
Because I feel as if we really did fail. That he's disappointed that this is happening.
Alam ko na gano'n din naman ako. Natatakot ako. Kinakabahan ako.
Pero ni katiting ba. . . ni katiting ba. . . hindi niya nararamdaman ang katiting na sayang nararamdaman ko? Ipinatong ko ang kamay sa ibabaw ng tiyan.
Tanga ka, Hanani. Bakit magiging masaya si Ise? Bakit ka nakakaramdam ng kaunting saya kahit na ganito na ang nangyari?
I bite my lip and my tears start to fall.
"I'm sorry," I say as Ise combs his fingers through his hair.
"We'll try to figure things out," Ise tells me and my heart continues to break.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com