Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22

#war3wp

Chapter 22

Stay With Me

"Pick up. Pick up," paulit-ulit kong sabi habang bumubuhos ang mga luha ko at mariing nakadikit sa tainga ang phone.

I shouldn't cry. I shouldn't get stressed. But how can I not be?

"Ise, please," I mumble. "Please."

My room is dark and quiet. Tanging ang mga hikbi ko lang at ang mahihinang bulong ang maririnig. Tanging ang ilaw lang na nanggagaling sa phone ang nagbibigay ng liwanag. 

Nang hindi sumagot si Ise, lalong bumuhos ang mga luha ko at lalong lumakas ang hagulgol.

No! How can Ise do this to me? He won't do this to me.

Sinabunutan ko ang sarili ko at para bang bumabalik sa alaala ko ang lahat ng mga bagay na sinabi niyang tutuparin niya.

That he will protect me, love me, and always be by my side. That he will stay with me forever and that he will spend this lifetime with me.

"Hanani?"

Kinagat ko ang labi ko at tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawa kong kamay.

"Hanani, what's wrong?" I hear my mother's voice.

Lalong bumuhos ang mga luha ko pero kumalma ang paghagulgol. I hear my mom opening my room's door. Huli na para itago ko ang mga luha at ang pag-iyak kaya hinayaan kong lumapit si Mommy at umupo sa tabi ko.

She caresses my hair and I bite my lip as my heart clenches because of how painfully comforting Mom's hold is. Ipinatong ko ang baba ko sa mga tuhod kong yakap-yakap ng dalawa kong mga braso at patuloy na bumuhos ang mga luha.

"May problema ba?" tanong ni Mommy sa 'kin at lalong bumuhos ang mga luha ko. "Sa school ba? Sa love life?"

Tiningnan ko si Mommy at lalong nanlabo ang paningin ko sa mga luhang hindi tumitigil. Isinandal ko ang pisngi sa mga tuhod ko habang tinitingnan si Mommy. Hindi ako sumagot.

Inipit ni Mommy ang takas kong buhok sa likod ng tainga ko. Her delicate fingers feel comforting as they brush on my hair. Para akong hinehele. Para akong pinatatahan. 

"Si Ise ba? May problema kayo, ano?"

I sob and I don't answer.

"Hindi na siya nagpupunta rito. Napapansin ko rin na parang lagi kang malungkot," ani Mommy. "Ano ba'ng problema?"

Natahimik kami. Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaan kong umagos ang mga luha ko.

Hindi ko alam kung paano magsisimula. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin. My mom's heart will break apart and I don't know how much it will hurt me too. 

"Mommy." My voice breaks when I decide to finally speak. "Pwede pong payakap?" I ask, almost in a whisper, scared of the truth and of the reality. 

"Oo naman," ani Mommy at nahimigan ko ang pagkabasag ng boses niya.

When she finally envelopes me inside her arms, I cry more. And more. And more. Until I finally fall asleep.

When I wake up, I wake up on my bed beside my Mom who's still sleeping. Amoy na amoy ko ang pamilyar na matamis niyang pabango. I always find comfort in her smell. Gustong-gusto ko ang pabango niya maging ang pakiramdam ng lapit sa 'kin ni Mommy.

Para akong nakakaramdam ng pagkalinga. Para bang sa tuwing yakap ko si Mommy, walang kahit anomang pwedeng makasakit sa 'kin. Like the world wouldn't be able to inflict pain on me because I am in my safe haven. Kahit gaano pa kagulo ang mundo, para bang payapa ang lahat sa tuwing nar'yan siya.

I wonder if my baby will feel that way towards me too. Will he find comfort in my arms? Will he love the feeling I give him whenever I'm around?

I hug my mom tighter and my vision blurs because of my forming tears once again. 'Yon nga lang, agad akong napabangon nang maramdaman ko na naman ang kagustuhang sumuka.

I run towards the bathroom of my room. Agad akong dumuwal sa inidoro. Kahit na ilang beses na 'yong nangyayari sa 'kin, hindi ko pa rin magawang masanay sa pagsusuka nang wala namang konkretong dahilan.

Pinunasan ko ang bibig pagkatapos at dumiretso na lang sa pagligo. May klase ako ngayong araw at plano kong dumiretso sa Acerra College of Aeronautics pagkatapos ng klase para makausap si Ise. He's not answering my calls last night and he didn't message me this morning.

Gusto kong kausapin siya kung totoo ba ang sinabi sa 'kin ng random number na 'yon kagabi! I want to ask him if it's true. I want to ask him why he'd do that to me.

I want to ask him if I did something wrong. And . . . and hell . . . I . . . I don't want to lose Ise.

Pero nang matapos akong maligo at nang makalabas na ako sa banyo, agad akong namutla nang maabutan ko si Mommy sa tapat ng closet ko, may hawak-hawak na isang pregnancy test na alam kong kitang-kita pa rin ang dalawang linyang ngayon ay mas malalim na ang kulay kaysa sa kulay nitong pula noon.

She's staring at it silently and I feel like she cannot sink what is happening in. Agad akong tumakbo papalapit kay Mommy at kinuha ang pregnancy test palayo sa kaniya. Namuo ang mga luha sa mga mata ko habang nakatitig kay Mommy, takot at kinakabahan. 

Her tears fall and she looks at me.

"Ma . . ."

"Is it why you didn't have your period for two months? The reason why you always look guilty?" she asks me and I don't know why she knows I haven't got my period yet. "Kung bakit parating nakakandado ang kwarto mo?"

Bumuhos ang mga luha ko.

"Kailan pa?" Mommy asks me.

"Ma," I call and my voice breaks.

"Kailan ka pa buntis?"

Napapikit ako at tinakpan ko ang bibig ko nang kumawala na ang mga hikbi.

"Kailan pa, Hanani?"

"Almost two months, Ma," basag ang boses na sagot ko.

Mommy gasps when she hears my answer. Umiling siya at tinakpan ang bibig, hindi makapaniwala. 

"Hanani," she says but stops. Umiling si Mommy at agad na umalis ng kwarto ko.

Agad akong napaupo sa sahig at lalong bumuhos ang mga luha, nararamdaman na naman ang pag-iisa. Na para bang walang makakatanggap sa 'kin. Na parang idinura ako ng mundo. Na para bang itinakwil ako ng lahat.

Napapikit ako at kinagat ang labi habang lalong nararamdaman ang pagsisisi sa lahat. I shouldn't have trusted so easily. I shouldn't have trusted my recklessness.

Ngayong alam na ni Mommy, alam kong malalaman din agad 'yon ni Daddy! I don't know what my dad will do. I should tell Ise. Our parents will know. His parents will know.

Hindi ko alam kung bakit sikretong gumaan ang puso ko roon. Maybe because I secretly want our parents to know. Because hiding the truth makes me feel so anxious.

Tama si Adonijah. Hiding the truth isn't good for me.

Nang pumasok ako, panay ang tanong sa 'kin ni Adonijah kung bakit namamaga ang mga mata ko. Hindi ko sinabi sa kaniya ang tungkol sa mensahe sa 'kin ng unknown number dahil gusto kong kausapin na muna si Ise patungkol doon. 

I just tell Adonijah half of the truth⁠—that my mom finally discovered my pregnancy and in no time, I know that my dad will know about it too. 

Nakaupo si Adonijah sa tabi ko at tahimik kaming nag-uusap. Nakikita ko ang ilan naming mga kaklase na panay ang lingon sa amin at ang mga mapaghinala nilang pagmamasid. Iniwas ko ang tingin mula sa kanila at nag-focus na lang kay Adonijah na mukhang hindi napapansin ang lahat ng 'yon dahil nasa akin ang atensyon niya.

"Okay ka lang?" Adonijah asks me, his serious gaze sticking on me. "I know that you're not . . . but physically, are you okay?"

Napangiti ako at tumango. "I'm trying my best not to stress about it," I tell him. 

Tumango si Adonijah. "Tell me if you need me," aniya. "I know that they'll understand you."

I know that my parents will. Tumingin ako sa labas ng bintana at naramdaman na naman ang paninikip ng dibdib ko. Alam kong maiintindihan ako nina Mommy pero hindi ko maiwasang makaramdam ng kunsensya. Kasi alam ko kung ga'no ako kasuwerteng sila ang naging mga magulang ko . . . pero pakiramdam ko, nagkamali ang Diyos na ibigay ako bilang anak nila.

They've been nothing but good to me. Kahit kailan naman, hindi sila nagkulang sa 'kin. Pero heto ako, nagkamali. Because I rushed. Because I made a wrong choice. 

Hindi pa panahon. Hindi pa ako handa. Hindi pa kami handa ni Ise. Inisip ko lang ang kasiyahan ko—namin. Hindi namin inisip nang mabuti ang magiging resulta. 

A second of foolishness has brought me a huge consequence. Ang panandaliang saya, nagdulot sa 'kin ng pangmatagalang parusa. 

At kahit kailan, hinding-hindi ko na maibabalik ang oras. Hinding-hindi ko na mababago ang mga nangyari. Hinding-hindi ko na maitatama ang mga nagawa nang pagkakamali. 

I just have to deal with the consequences. 

Sana . . . sana nag-isip ako nang mas mabuti. Sana, pumili ako nang mas maayos. Sana, hindi ko na lang inisip ang sayang maidudulot sa 'kin ng sandaling pagkakataon.

My temporary happiness blurred my right judgment. Naging padalos-dalos ako⁠—kami. Naniwala ako sa mga pangakong wala namang pundasyon. Inilagay ko ang pananampalataya ko sa isang bagay na wala namang kasiguraduhan. 

Hindi ko naman alam kung ano ang mangyayari sa bukas kaya bakit ako naniwala sa mga pangakong alam kong malaki ang posibilidad na hindi magkatotoo? 

"Uy, Hanani," ani Fidel nang makita ko sila sa cafe malapit sa Acerra College of Aeronautics nang pumunta ako roon pagkatapos ng klase. 

Kanina ko pa sinusubukang tawagan si Ise pero hindi niya sinasagot ang mga tawag at texts ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kaniya. Dahil din sa ginagawa niya, hindi ko maiwasang isipin na totoo nga ang sinabi sa 'kin ng unknown number na 'yon na may iba na siyang babae!

Tumitig sa 'kin si Fidel at napansin ko ang kakaibang ngiti niya sa 'kin. "Napadaan ka rito?" he asks me as if he doesn't know that I only go here for Ise. 

"Nakita niyo ba si Ise?" I ask them and I purse my lips. 

Nilingon ko ang iba niyang mga kaibigan na nagsisikuhan at mahinang nagtatawanan patungkol sa kung ano. 

Kakaunti ang tao sa cafe. Saktong pagpasok ko ro'n kanina, naabutan ko na sina Fidel malapit sa counter dahil mukhang kararating lang din nila.

"Si Ise? Ah! Hindi pumasok si Ise!" sabi ng isa sa kanila na tumawa pa nang kaunti. 

Natahimik ako at kinagat ko ang labi ko. With the way they're smiling, I know that they're lying to me. Pero kahit na pakiramdam ko, hindi nila sinasabi ang totoo sa 'kin, nagpatuloy pa rin ako sa pagtatanong.

"Bakit daw? Is he at home?" I ask. 

"Hindi rin kami sigurado, e," sabi ni Fidel at tumawa. "Hindi sinabi ni Ise kung sa'n siya pumunta. Tawagan mo na lang siya." He smiles at me sensually at nakita ko ang pagbaba ng tingin niya sa dibdib ko. 

Agad na umakyat ang pandidiri sa sistema ko at pakiramdam ko, tumatagos ang tingin niya sa damit na soot ko. I have the sudden urge to cover myself from his perverted eyes. Para ulit akong masusuka. Kilabot ang naramdaman kong gumapang mula sa braso ko paakyat sa batok.

"Kung gusto mo, sumama ka sa 'kin. Hahanapin natin si Ise," ani Fidel at alam kong may iba siyang pahiwatig sa sinasabi. 

Nagmura ang isa sa magkakaibigan at nagtawanan. Namuo ang mga luha sa mga mata ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin o sasabihin ko. Lima silang magkakaibigang magkakasama. Puro lalaki. 

I shouldn't have asked them. Una pa lang, hindi ko na gusto si Fidel at ang mag kaibigang madalas niyang nakakasama. Bakit ko nga ba naisip na sa kaniya magtanong?

"Hanani."

Agad akong napalingon sa nagsalita at nakita ko si Allon na nakapamulsa ang isang kamay at may sukbit-sukbit na bag sa isang balikat. Kapapasok niya lang sa cafe at mukhang hindi niya inaasahang makita ako.  He's staring at my eyes and I can see that he's trying to read the situation. 

Kumuyom ang panga ni Allon makalipas ang ilang sandali at agad siyang lumapit. 

"Tara na," aniya sa 'kin nang makalapit siya. 

I don't know if I should go with him or not. Is it better to go with him than leave by myself? Pero isa lang ang nararamdaman ko, I shouldn't be with Fidel and his friends. 

"Allon!" tawag ni Fidel nang magsimula na akong maglakad papaalis kasama si Allon.

Allon halts and looks at Fidel and the others. Hindi na ako lumingon dahil nararamdaman ko ang panginginig ng kamay ko sa takot na nararamdaman. Kumuyom ang kamay ko sa palda ng uniform ko sa St. Agatha University. The above the knee skirt suddenly feels too short. 

"Alam ba ni Ise na kasama mo ang girlfriend niya?" I hear Fidel say. 

Humigpit ang hawak ni Allon sa pulso ko bago niya ako tuluyang hinila paalis nang hindi sinasagot ang tanong ni Fidel. 

Hinila ako ni Allon sa kung saan. Ni hindi ko na inisip kung sa'n niya ako dadalhin dahil hindi pa rin matigil ang takot na nararamdaman ko. Nang tingnan ko kung saan kami pumunta, nakita kong nakapasok na pala kami sa Acerra College of Aeronautics at papunta na sa parking area ng college nila. 

Nang makarating kami sa parking area, Allon brings me to a bench and he lets me sit. Agad kong sinubukang pakalmahin ang panginginig ng mga kamay ko at ang takot na nararamdaman. Tiningnan ko ang mga kamay kong nanginginig at bigla ko na namang naalala ang mga mata ni Fidel at ang pagbaba ng tingin niya sa katawan ko. 

It feels like he touched me with his disgusting hands even when he didn't. Sa tingin niya pa lang, para na akong nahubaran at nabastos. 

Allon sits beside me and he takes a bottle of water from his bag. Napatingin ako sa kaniya nang ginawa niya 'yon at nawala sa isip ko ang nangyari kanina sa cafe. Allon opens the cap of the water bottle and hands it over to me. 

"Hindi ko pa 'yan naiinuman," aniya, tinutukoy ang bote ng tubig.

Inangat ko ang tingin kay Allon at tinitigan niya ako pabalik. The way he looks is still the same. Para bang nakikita niya kung ano ang nasa isipan ko. Para bang alam niya ang lahat ng sikreto ko. And I hate it because I do have something to hide. 

Makalipas ang ilang segundo, kinuha ko ang tubig at uminom ako ro'n. Nang matapos, patuloy ko lang na hinawakan ang bote at pinagmasdan ko lang 'yon sa mga kamay kong unti-unti nang nawawala ang panginginig. 

I am wondering how I can contact Ise. Dapat bang puntahan ko na siya sa bahay nila? But he doesn't want me to go there. 'Yon ang ayaw niyang gawin ko magmula nang malaman naming nagdadalang-tao ako. He doesn't want his family to know.

Nang umihip ang hangin, agad kong naamoy ang pabango ni Allon at nanlaki ang mga mata ko nang makaramdam ako ng pagduwal. I immediately cover my mouth with my hand and look at Allon. 

He frowns at me when he realizes that I want to vomit. Dumuwal ulit ako at agad na napatayo para lumayo sa kaniya. 

Nasa sandalan ng bench ang kaliwang braso niya. Ang kanang kamay naman ay nakahawak sa kanan niyang tuhod. Nakatingala siya sa 'kin at punong-puno ng pagkalito ang mga mata niya. His clean cut jet blak hair looks a bit messy pero mukhang 'yon talaga ang style ng buhok niya.

"Are you okay?" he asks. 

Tumango ako. "Thank you," I stutter. "I have to leave."

Tumayo si Allon at hindi niya inaalis ang tingin sa 'kin na para bang alam niyang nagsisinungaling ako. Humakbang ako ng isa palayo at bumagsak ang tingin niya sa mga paa ko. He licks his lip and raises his gaze back to me. 

"Sino ang naghatid sa 'yo rito? Kasama mo ba ang mga kaibigan mo?" tanong niya sa 'kin. 

Umiling ako. "I went here by myself."

"Taxi? Bus?" 

Umiling ako. "I booked online."

Tumango si Allon. "Will you book a ride again? Parating na ba ang susundo sa 'yo?"

Why does he ask so many questions? He doesn't even talk to me before.

"Kaya kong umuwi mag-isa," I tell him, not answering his questions.

Allon purses his lips and I notice that he has amber eyes. Kumuyom nang kaunti ang panga niya at bumaba ang tingin niya palayo sa mga mata ko. I notice how narrow his nose is.

"Do you . . ." I trail off. Umangat ulit ang tingin sa 'kin ni Allon. "Do you know where Ise is?" I ask. 

Tumitig sa 'kin si Allon. Pakiramdam ko, naiisip niya nang may problema nga kaming dalawa ni Ise. Pakiramdam ko, alam niyang hinahanap ko si Ise dahil hindi ako kinakausap nito. 

Maybe this is why I find Allon annoying. Because he looks like he knows everything about me when I don't even know everything about myself. 

"I don't," ani Allon at agad akong nakaramdam ng galit para sa kaniya. 

Dahil parehas lang siya kina Fidel. Maybe they're hiding Ise from me! Maybe they're trying to cover up for Ise! 

Ano nga ulit 'yong mga pangako ng lalaki sa isa't isa? Bros before hoes? 

"I'm not friends with Ise," ani Allon habang pinagmamasdan niya ang mga mata ko. He looks like he's trying to read them but the frown on his forehead is telling me he doesn't like what he can see in my eyes. "You don't believe me."

"Absent ba si Ise?" I ask. 

Natahimik si Allon at tinitigan ako. I hate it. I hate that he doesn't answer me whenever I ask him. 

"Pagtatakpan mo rin ba si Ise?" I ask. 

"I won't," ani Allon. "He's not my friend so why would I?"

"Then why don't you answer me?" I yell at him. 

"Because you won't believe me," ani Allon, mahinahon pa rin ang boses kahit na wala naman akong karapatang magalit sa kaniya.

Lumalim ang paghinga ko at naramdaman ko ang pamumuo ng mga luha ko. 

"Absent si Ise. I don't know where he is," dugtong ni Allon habang patuloy na pinagmamasdan ang mga mata ko. 

Liar! 

Bumuhos ang mga luha ko at patuloy na naramdaman ang frustration para sa lahat ng mga nangyayari. He's hiding from me! Ise is trying to avoid me! Bakit? Dahil ba totoong may iba na?

Pinunasan ko ang mga luha ko at kumawala na ang mga hikbi ko. Allon must have walked to me because I get a whiff of his perfume once again. Agad akong naduwal at inangat ko ang kamay ko para itulak ang dibdib niya palayo. Tiningnan ko si Allon at nakita kong halos dalawang dangkal na lang ang layo niya sa 'kin. 

Kunot na kunot ang noo niya at naguguluhan sa pagtulak ko sa kaniya palayo. Agad akong lumapit sa isang basurahang malapit at sinubukang dumuwal doon pero wala akong inilalabas na kahit ano. 

"Are you sick?" tanong ni Allon nang lapitan ako pero lalo lang akong nahilo sa amoy ng pabango niya. 

"Your perfume," I say and I look away. "I don't like your perfume."

Agad na natigilan si Allon. Makalipas ang ilang segundo, agad siyang umatras palayo sa 'kin.

"Does that help?" tanong niya sa 'kin matapos niyang humakbang palayo.

I can still smell a little bit of his perfume but it does help that he stepped away. Tumango ako at pinunasan ang labi bago uminom sa tubig na siya rin ang nagbigay kanina. Uminit ang mga pisngi ko dahil sa nararamdamang hiya para sa kaniya. 

"Sorry. I'm sensitive with smells so⁠—"

"Are you pregnant?"

Agad akong natigilan sa tanong ni Allon at napatitig ako sa mga mata niya. How did he know?

"No, I'm not. I'm just sensitive with smells," I tell him. 

Patuloy akong tinitigan ni Allon at alam kong hindi niya pinaniniwalaan ang sinabi ko pero hindi na siya nagtanong pa. Hinayaan niya akong umalis nang mag-isa pagkatapos no'n. Wala na siyang ibang sinabi pa nang magpaalam ako sa kaniya at magpasalamat. 

'Yon ang iniisip ko hanggang sa pag-uwi ko. Allon probably speculates that I am pregnant. Paano kung sabihin niya ang hinala niyang 'yon sa iba? Ikinuyom ko ang kamao ko at kinagat ko ang labi ko. Paniguradong lalong mag-aapoy ang spekulasyon ng iba na buntis nga ako. 

If people discover the truth, I am sure that they wouldn't accept it well. Paano na lang din ang imahe ng mga kaibigan ko? They will fall along me. Paano si Ida Mishal? Her rising career?

My parents? How about my parents?

I am their only child . . . but I failed on giving them honor. 

"Nagpa-check up ka na ba?" tanong ni Mommy at napayuko ako sa mga daliri kong kanina ko pa pinaglalaruan. 

Tahimik at magkatabi silang nakaupo ni Daddy sa sofa sa sala ng bahay. Kauuwi ko lang at sinubukan nila akong kausapin. Hawak-hawak ni Daddy ang kamay ni Mommy at si Mommy naman ang tanging nagsasalita sa kanilang dalawa. 

I feel embarrassed. Ni hindi ko maiangat ang tingin sa kanila dahil sa kahihiyang nararamdaman.

"Opo," I mumble. 

"Saan?" tanong ni Mommy. "Nabigyan ka na rin ba ng mga gamot?"

Tumango ako, hindi pa rin magawang iangat ang tingin sa kanila. "Sa Nueva Ecija po," I say. 

"Bakit malayo?" tanong ni Mommy. "Hanggang kailan niyo balak ni Ise na itago sa 'min ang totoo?"

Namuo ang mga luha sa mga mata ko at kinagat ko ang labi ko. 

"Hanggang sa manganak ka na? Kapag halatang-halata na ang tiyan mo?" tanong ni Mommy at narinig ko ang pagkabasag ng boses niya. Bumuhos ang mga luha ko at bumigat ang paghinga ko. "Paano ka namin aalagaan kung hindi namin alam ang kalagayan mo?"

Madiin kong ipinikit ang mga mata ko at tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawang kamay habang bumubuhos nang patuloy ang mga luha.

"Sorry po," basag ang boses na sabi ko. 

Narinig ko ang pagtayo ni Mommy at ang paglapit niya sa 'kin. Nang maramdaman ko ang pagbalot ng mga bisig niya sa 'kin, lalong bumuhos ang mga luha ko. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at naramdaman ko ang paghaplos niya sa braso ko. 

"Mula ngayon, hindi ka na magtatago sa 'min ng Daddy mo, naiintindihan mo ba?" aniya at tumango ako, humihikbi pa rin at hindi mapigilan ang mahinang hagulgol. "We'll take care of the baby, okay? 'Wag kang matakot kasi hindi ka nag-iisa, anak."

Hagulgol ang bumalot sa sala ng bahay namin dahil hindi ko mapigilan ang pag-uumapaw ng halu-halong nararamdaman ko. 

Takot para sa bukas na hindi ko nalalaman. Pagsisisi sa nakaraang hindi ko na mababago pa. Galit para kay Ise dahil sa lahat ng mga pangakong hindi niya natupad. Saya para sa pamilyang ibinigay sa 'kin. Kunsensya para sa mga magulang kong tinanggap ako sa kabila ng lahat ng pagkakamali. 

Pero hindi ko maikakaila na sa lahat ng bagay na nararamdaman ko, may kaunti pa rin akong pag-asa . . . na sana . . . sana hindi ako iwan ni Ise. I will try everything⁠—anything⁠—to fix our relationship. Because I love him and I want to do what I can to make him stay with me. 

Hindi na lang sarili ko ang kailangan kong alalahanin. I should try my best not only for me . . . but also for the baby.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com