Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23

#war3wp

Chapter 23

Not Mine

Ilang beses kong sinubukang tawagan si Ise pero paulit-ulit niyang hindi sinasagot ang tawag ko. Bumalik ulit ako sa Acerra College of Aeronautics para hanapin siya at kausapin pero parating hindi ko siya makita. 

Ang parati kong nakikita ay sina Fidel at ang iba pa niyang mga kaibigan na natatakot na akong kausapin pa dahil sa pangyayari noong nakaraan. 

Para akong tangang naghihintay sa labas ng university nina Ise para lang makausap siya. Para akong tangang umaasa na sana, sagutin niya ang tawag ko dahil kailangang-kailangan ko siyang makausap para sabihin sa kaniyang alam na ng mga magulang ko ang totoo. 

Na siguro, pwede na rin naming sabihin sa mga magulang niya ang totoo dahil baka maintindihan nila ang sitwasyon. Na mas magandang malaman nila ang totoo kaysa itago namin na may nabuo kaming dalawa. 

But Ise's friends keep on lying to me. Parati nilang sinasabi na absent si Ise, na wala si Ise, na hindi nila alam kung nasaan si Ise. Paulit-ulit na lang ang mga sinasabi nila at alam kong sinasabi lang nilang lahat 'yon dahil gusto nilang pagtakpan si Ise. 

Wala si Ise. Absent si Ise. Hindi ko alam kung nasaan si Ise. Inihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko at napaupo ako sa isang bench sa ilalim ng waiting shed malapit sa main gate ng Acerra College of Aeronautics. I don't know why Ise's trying to get away from me. Dahil ba may iba na siya? Paano ang anak namin? Hindi niya ba naisip ang anak naming dalawa?

"Ise already left."

Inangat ko ang tingin sa nagsalita at naabutan ko si Allon na nakatunghay sa 'kin. Sukbit niya sa isang balikat ang bag at seryoso ang mga mata niyang nakatitig sa 'kin. 

Agad akong tumayo pero hindi pa rin sapat ang tangkad ko dahil sa laki ng itinangkad niya sa 'kin. Kinailangan ko pa ring tumingala para makita ang mukha niya. 

"You saw him?" I ask. 

Tumango si Allon at pinagmasdan ako nang mabuti. "Pumasok siya kanina pero hindi siya um-attend sa mga klase," he tells me. "He did some things with the registration and admission office." 

They lied to me! Ise's friends lied to me. Namuo ang mga luha sa mga mata ko. 

"Where did he go?" I ask, my voice breaking. 

I cannot smell any perfume on Allon anymore. Hindi tulad no'ng huli kaming mag-usap, hindi na ako nakakaramdam ng pagduwal. 

"I don't know where he went but he left with Fidel and the others," aniya at kinagat ko ang labi ko.

He's ignoring me. His friends are covering up for him. Ano pa ba ang hindi ko alam?

Allon stares at me with his worried eyes but my vision starts to get blurry because of my tears. I feel scared and helpless and pitiful. Magdadalawang buwan na. Ganito na lang parati ang nararamdaman ko. Ganito na lang parati ang naiisip ko.

Please. Please. Please. I've prayed that multiple times already. Please. Please, don't do this to me.

Parati na lang akong humihiling sa langit na alam kong nagkamali ako, pero pwede bang 'wag nang gawin sa 'kin 'to? Alam kong nagkamali ako pero pwede bang 'wag akong masaktan nang ganito?

Allon holds both my shoulders when I almost fall because of my weak knees. 

"Allon," I beg and I hold his polo. "Allon, please help me. I just need to talk to Ise," I stutter and I close my eyes. Wala na akong pakialam sa iisipin ni Allon. I just need to talk to Ise. Pagkatapos nito, hinding-hindi na 'ko lalapit pa sa kaniya o kahit kanino mang malapit kay Ise. "I just need to talk to him. After this, I won't ask anything from you anymore."

"I don't know where Ise is," ani Allon at napapikit ako nang mariin.

He's lying to me! I know it. Pinagtatakpan niya rin ang kaibigan niya! Just like that Fidel! Like everybody else!

Ano ba'ng meron sa pagkakaibigang mayro'n sila? Will you cover up for your friend even if he's hurting someone else cruelly? Kahit na hindi makatarungan ang sakit na ibinibigay niya sa iba?

"I can try calling his number. He's not here, Hanani. I'm not lying." His deep voice sounds careful and it makes me look at him. Pinunasan ko ang mga mata ko at nakita ko nang malinaw ang mukha ni Allon na nag-aalala para sa 'kin. 

I purse my quivering lips and I stare at him helplessly.

Please. Please. "Help me," I tell him.

Allon stares at me and he slowly nods before he fishes for his phone inside his pocket. He starts dialing on his phone and when he raises the phone to his ear, I immediately walk closely to him and Allon's gaze falls on me. Pinagmasdan ko ang mga mata niya, tinitingala ang katangkaran niya at tinitigan niya ako pabalik.

I hear the faint sound of someone from the other line of the phone call. Agad na parang nagliwanag ang paningin ko dahil doon at nakaramdam ako ng kaunting pag-asa.

"Ise," tawag ni Allon sa nasa kabilang linya habang nakatitig siya sa 'kin. I can see the anger in his eyes. They look dim and dangerous and I don't know if it's because he's mad for my sake or because of what the other person on the line is telling him. "Where are you?"

Narinig kong nagsalita si Ise sa kabilang linya pero hindi ko maintindihan 'yon. 

"Can I go there?" Allon asks. "I just have something to tell you . . . Alright."

Nanatili pa rin sa 'kin ang mga tingin ni Allon kahit nang ibinaba niya na ang tawag. Tinitigan ko pabalik ang mga mata niya at hinintay ang sasabihin niya. He continues to stare at me. Eventually, he sighs like he doesn't want to tell me anything but he has to.

"He's at the tennis court with Fidel and the others," aniya.

Hope immediately surges up my chest and I reach for Allon's hand. Allon stares at me and his jaw clenches. Wala na akong pakialam kahit na nagsinungaling sa 'kin ang mga kaibigan ni Ise. I just need to talk to him. I just need to explain to him that everything is going to be okay. 

Namuo ang mga luha sa mga mata ko. 

If Ise is scared, I will tell him that he won't face everything alone because he has me. If Ise feels pressured, I'll tell him that he can do this with me and he doesn't need to bear everything alone. 

If Ise does have somebody else . . . maybe . . . maybe that's because he got scared of the sudden responsibility and he thought that he doesn't want me anymore. Baka nalilito lang siya. Baka naman hindi niya sinasadya.

And although that sounds ridiculous even to my own ears, I still try believing them because I keep on trying to justify Ise's actions. Kasi mahal ko siya. Kasi tingin ko, hindi ko kaya kapag nawala siya.

"Thank you," I say. "Thank you," ulit ko at pinunasan kaagad ang luhang tumulo bago umamba nang tatalikod para makapunta na sa tennis court na tinutukoy ni Allon.

But before I can even take my third step, Allon holds my wrist to stop me from my tracks. I look at him. He looks conflicted as he stares at me.

"I'll drive for you there," he tells me.

"Thank you," I tell him sincerely. If it is a normal day, I will decline his offer. But I need to get to where Ise is as soon as I can.

He's avoiding me. I know it. He must be feeling scared. Ako rin naman. I feel scared too and I want us to be by each other's side as we figure everything out.

May nararamdaman akong galit para sa kaniya. Kay Ise. Dahil bakit hindi niya ako magawang harapin? Akala ko ba, mahal niya ako? I know that my pregnancy isn't something we both expected. We didn't plan this out. Pero hindi ba, kung mahal niya ako, sasamahan niya ako kahit ga'no siya katakot?

Hindi ba, gano'n ang pagmamahal?

Panay ang buhos ng mga luha ko habang nasa sasakyan at tumatanaw na lang ako sa labas ng bintana para itago kay Allon ang pag-iyak ko. Pero kahit yata itago ko 'yon kay Allon, nakita pa rin niya ang pagbuhos ng mga luha ko. 

Napatingin ako sa inabot ni Allon sa aking panyo at umangat ang tingin ko sa kaniya. He glances at me and he looks at the handkerchief he's handing over to me. 

"There's no perfume on it," aniya. 

Tiningnan ko ulit ang panyo at kinuha 'yon. "Thank you," I tell him and I look outside the window again. 

Nang makarating kami sa kung nasaan ang tennis court, agad na dumagundong ang puso ko dahil sa kaba. Ipinarada ni Allon ang sasakyan niya malapit sa entrance ng court at natatanaw ko ang mga lalaking naroon nga sa loob. 

Yumuko ako at hindi agad binuksan ang pinto para bumaba. Nilingon ko si Allon at nakita kong nakatanaw siya sa kung nasaan sina Ise. Ibinaba niya ang tingin sa 'kin at nagtama ang mga mata naming dalawa. 

I watch his amber eyes and my eyes start to water once again. I feel grateful for Allon and what he did for me. In exchange, I want to answer the unspoken question in his eyes because despite the hatred I feel towards him and his gaze, I can't deny that there's a part of me that trusts him. 

"I . . ." I start to say. "Thank you. For bringing me here."

Hindi sumagot si Allon. Nanatili ang titig niya sa 'kin. 

Hindi na ako nagsalita pa. Binuksan ko na ang pinto at agad na bumaba para kausapin si Ise. Hindi ko alam kung sinundan ba ako ni Allon, kung hinintay niya ba ako, o kung umalis na siya pero ang mahalaga sa 'kin ay makausap si Ise. 

Fidel sees me first. Nang makita niya ako, agad na may ngising gumuhit sa mga labi niya na tila ba para sa kaniya kaya ako nagpunta rito. 

"Hanani!" he calls my name and smiles at me but I ignore him and I try to find Ise. 

I see Ise on one of the benches, bowing his head and he looks dazed. Agad akong naglakad papunta sa kaniya at nang makatayo na ako sa harapan niya, gulat niyang iniangat ang tingin sa 'kin at nanlaki ang mga mata niya nang makita ako. 

Ikinuyom ko ang panga ko sa nagbabadyang mga luha. 

"Ise," I call his name. "Why aren't you answering my calls?" I ask. 

Napaawang ang mga labi ni Ise. His hair is longer than how I remember it to be. He stands up and I had to look up just to see his face. 

Narinig ko ang ingay ng mga kaibigan niya sa malayong likuran ko at umangat ang tingin ni Ise sa kanila. He frowns then he brings his eyes back to me. 

"Let's talk somewhere private, Hanani," aniya bago siya tumalikod at naglakad na palayo. 

Sinundan ko si Ise. Nagpunta kami sa kung nasaan ang mga lockers, hindi na tanaw ng mga kaibigan niya o ng kung sino man. Hindi ko maalis ang tingin kay Ise. I can see the dark circles in his eyes and he looks gloomy and different. 

"Bakit hindi mo na ako kinakausap?' I ask. "I always call you and text you but you're not answering any of it."

Ipinasada ni Ise ang kamay sa buhok niya at hindi sumagot. He looks drustrated and he looks like he doesn't want to have a conversation with me. 

"And your friends! They're lying to me just to cover you up, Ise!" I say and my voice breaks.

Hindi pa rin siya nagsalita at napapikit ako nang mariin, humihigpit ang dibdib dahil sa sakit na ibinibigay niya sa 'kin.

"May iba ba?" I ask and I look at him again. Ise frowns at me. "May ibang babae ka ba?"

"Ako talaga ang tinatanong mo niyan, Hanani?" he asks me. 

Lumambot ang ekspresyon ko at nanalangin akong sana nga ay itanggi niya na mayro'n nang iba. Totoo man 'yon o hindi, maniniwala ako. Kahit sabihin niyang wala, maniniwala ako. Lulunukin ko ang kasinungalingan niya, sabihin niya lang na walang iba. 

"Hindi ba, ikaw nga ang madalas na sumasama kay Adonijah!" aniya at hindi makapaniwala ko siyang pinagmasdan.

"What the hell are you talking about, Ise?" hindi makapaniwalang tanong ko. 

"Tama na, Hanani. Alam kong si Adonijah naman talaga ang gusto mo!" galit na galit niyang sigaw sa 'kin. "Maybe that's not even my child! Maybe that's Adonijah's!"

"What the hell, Ise!" I yell at him. 

Ano ang sinasabi niya? Na si Adonijah ang ama ng dinadala ko at hindi siya? Ano ba ang tingin niya sa 'kin? Na kaya kong magsinungaling sa kaniya? Ang tagal nang naging kami! Does he really think that I can do that to him?

"I gave myself to you!" galit na sigaw ko at bumuhos ang mga luha ko. "You were my first and I let you have me! Pa'no mo nasasabi sa 'kin 'yan, Ise?" 

Bumuhos ang mga luha ko at naramdaman ko ang pamimilipit ng dibdib ko sa sakit. 

"Maybe you lied to me! Maybe that's not my child, Hanani! Paanong ako ang magiging ama niyan kung si Adonijah na lang parati ang iniisip mo?" he asks me. 

"Ise, you were the one who skips my check ups! Wala ka sa tuwing kailangan kita! Wala ka sa tuwing naninikip ang dibdib ko sa sakit at takot! Wala ka sa tuwing nahihirapan ako sa pagsusuka ko tuwing umaga!" I cry. "Kaibigan ko ang nando'n Ise. How can you accuse me of cheating on you? Tinutulungan ako ng mga kaibigan ko. Tinutulungan lang ako ni Adonijah." 

Napaupo ako at ikinuyom ko ang kamay ko sa ibabaw ng dibdib ko, lumalakas ang pag-iyak dahil hindi makapaniwalang kayang sabihin ni Ise na niloko ko siya!

"Isn't you who's cheating on me? You're cheating on me, Ise! May nagsabi sa 'king nakita ka niyang may kasamang ibang babae!"

Narinig ko ang mura ni Ise pero agad akong napatili nang bigla siyang bumagsak at humandusay sa sahig nang may sumuntok sa mukha niya. Nanlalaki ang mga matang umangat ang tingin ko kay Allon na malalim ang bawat paghinga at nag-aapoy ang tingin para kay Ise. 

"Ise!" I call his name. 

Agad ko siyang nilapitan at hinawakan ang magkabila niyang pisngi. Nakita ko ang pagdudugo ng gilid ng labi niya dahil sa suntok ni Allon. Napatili ako nang hatakin ni Allon ang kuwelyo ng soot na polo ni Ise paangat. Hinawakan ko ang braso ni Allon para pigilan siya pero hindi niya ako tinitingnan. 

"Did you cheat on Hanani?" he asks angrily. 

"Allon!" I cry. 

Ise curses Allon and pushes him away. "I didn't cheat on her!" galit na sigaw ni Ise at nakita ko ang pamumula ng mga mata niya. "She cheated on me!"

"I didn't cheat on you!" sigaw ko. 

I should calm down. It will be bad for me. It will be bad for the baby. 

Inilipat ni Ise ang tingin sa 'kin at kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya. Napatakip ako sa bibig ko nang kuwelyuhan siyang muli ni Allon. 

"You got her pregnant didn't you?" Allon asks and my tears continue flowing. "You're doing this to free yourself from the responsibility, Ise."

Ise curses Allon and pushes him off him. "Don't meddle with our business, Allon!" galit na sabi niya. 

"Allon, please," I say and shake my head. 

Natahimik si Allon. Hindi niya inalis ang tingin kay Ise pero kitang-kita ko sa mga namumula niya nang mga mata at kumukuyom na panga ang galit niya. 

Nilapitan ko si Ise. I try to hold both of his cheeks and I make him look at me. Bumubuhos ang mga luha ko habang pinagmamasdan ang mga mata niya, hinahanap ang katotohanan mula ro'n. 

"Ise, I won't cheat on you," I tell him. "I won't cheat on you."

Pero habang tinititigan ko ang mga mata niya, nakita ko ang pag-aalinlangan niya ro'n. Kitang-kita ko na handa na siyang bitawan ako. Na ayaw na niya. Na kahit ano pa ang sabihin ko, ayaw niya nang manatili sa 'kin.

Hindi ko alam kung dahil pa rin ba sa iniisip niyang mayro'n akong iba o dahil ayaw niya na talaga sa 'kin. 

Lalong bumuhos ang mga luha ko. 

Dahil tingin ko. . . tama si Allon. Hindi ito tungkol kay Adonijah o kahit sino pa mang ibang lalaki. He's doing this because he doesn't want to be responsible of me anymore. 

"Ise, kaya naman natin." My voice breaks. "We'll fight this war together," I mumble and I wrap my arms around him, desperate to make him stay with me. "Kung natatakot ka, kaya naman natin. We just have to be there for each other."

"I don't want to fight this with you, Hanani," walang emosyong sabi ni Ise. 

"Ise." My voice breaks and I feel weak when Ise slowly pushes me away. 

When I meet his emotionless eyes, my fears finally resurfaced. Damang-dama ko ang takot at ang pamimilipit ng dibdib ko sa sakit. 

"Ise, please," I mumble.

"It's not mine, Hanani," aniya at para akong binagsakan ng langit dahil sa sinabi niya. 

Hindi ko alam kung ano ba ang mas masakit⁠—na wala na ang dati niyang paraan ng pagtingin sa 'kin o na iniisip niyang may ibang lalaki akong pinagbigyan ng sarili bukod sa kaniya. 

Umiling ako at unti-unting bumagsak sa lupa, lumuluhod. Baka sakaling pakinggan niya ako. Baka sakaling maisip niya na hinding-hindi ko 'yon gagawin sa kaniya. 

Allon immediately tries to pull me up but I push his hand away. 

"Ise. Please. I can't do this without you," I say and my tears fall. 

"Hanani," Allon calls my name. 

"Ise," I call him as I stare at him but he doesn't spare me a glance. "Ise, please!"

And when he starts to leave, I cry harder. Dahil nararamdaman ko ang panliliit. Because it hurts that he doesn't want to be in this anymore. That he doesn't want me anymore. 

Gano'n lang pala kadaling masira ng isang pangako. Gano'n lang pala kadaling talikuran ang mga salitang nasambit mo na. Gano'n lang pala kadaling mang-iwan. 

Gano'n mo lang ako kadaling iniwan, Ise.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com