Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 27

#war3wp

Chapter 27

I Will

Nakatingin ako sa mga dumadaang mga sasakyan sa kalsada. Kausap ni Adonijah si Allon habang unti-unti nang nagsisilabasan ang mga dumalo sa birthday celebration ni Dra. Ortiz. 

The restaurant is located along the highway. Looking at the people who went here to celebrate, I can see that they are not just a simple family. If Allon is a Mortega and his father is Dra. Ortiz's brother, then I assume, everyone here is a Mortega? 

"What a huge family. . ." I mumble as I watch everyone leave the restaurant. Maybe Allon takes after his mother so much. Ang mga nandito kasi, parang wala naman siyang kamukha o kahawig. 

Allon has his arms crossed while talking to Adonijah and I can't help but wonder if I should go and talk to them too. Nasa tabi kasi ako ng kotse ni Adonijah dahil akala ko, uuwi na kami kaagad pero mukhang kinausap niya na muna si Allon.

Nasa gilid sila ng restaurant hindi kalayuan sa bukana ng lugar. Adonijah's back is on me so all I can see is Allon.

Sa huli, pinili ko na lumapit din sa kanila ni Adonijah. Humahakbang pa lang ako papalapit, lumipat na sa 'kin ang mga tingin ni Allon. He still has his arms crossed and his serious gaze is making me uncomfortable. Pakiramdam ko tuloy, nanginginig ang tuhod ko habang naglalakad papalapit sa kanila. Dahil sa pagkailang, inilipat ko naman ang tingin kay Adonijah.

Halos magkasing-tangkad sina Adonijah at Allon. Hindi na tuloy nakakapagtaka na panay ng lingon sa 'min ng mga bisita kahit na papauwi na ang mga ito. May ilang mga mukhang kilala si Allon—na hindi na nakakapagtaka dahil kapamilya niya ang halos lahat ng nandito—pero hindi nila malapitan dahil kausap kami nito.

"I didn't expect you to be here. Dapat pala, isinama namin si Asiel," ani Adonijah kay Allon, ngumingisi. 

Hindi ko pa rin matingnan si Allon. Is it the way he stands? Tindig niya pa lang, para na siyang respetadong tao. Kitang-kita ang magandang hubog ng braso niya sa pagkakahalukipkip. I can smell his nice masculine perfume too—but I can tell that it is a different scent from the perfume he uses back in high school. 

Kanina, I was wondering what Allon paired with his black shirt. Now, I realize that he's wearing a simple pair of jeans and a pair of brown boots. Despite the simple attire and the raggedness of his style, why does he still look eyecatching? I bet he doesn't even want to attract too much attention. 

Pero kahit na iwasan ni Allon ang atensyon ng mga tao, aangat at aangat ang presensya niya. His presence is impossible to overlook. Too intimidating. Too masculine to be ignored. Too intense to not notice. 

No'ng nasa senior high school kami, ito siguro ang hindi ko nagustuhan sa kaniya. Masiyado niyang iniistorbo ang kapayapaan ko. Whenever he's arround, everything just feels uncomfortable. I hated his eyes the most because they are his most intimidating feature. 

Pinagmamasdan ko ang soot ni Adonijah na kuwintas para hindi ko mabalingan si Allon. Pero kahit na nililibang ko ang sarili ko sa silver na kwintas ni Adonijah na nasa ilalim ng soot niyang puting shirt, hindi ko pa rin maalis ang atensyon ko kay Allon na nasa harapan namin.

"We can still meet up with Asiel at Acerra," ani Allon at ibinaling ko ulit ang tingin sa kaniya dahil do'n.

Our gazes meet again and his intense amber eyes focus on me. They look more amber in sunlight. Yet, despite how beautiful his eyes are, they are still making me feel cramped. 

I really have nothing I like about Allon. He's too ragged. Too intimidating. Too dominant. I have always liked Jadon and Hiel's style—neat and immaculate. But despite that, I still find Allon too attractive. Para bang kahit hindi mo siya tipo, hindi mo maiiwasang hindi mahalina sa kaniya.

"You can come too," Allon tells me as if I need to be invited so I can come to ACA.

I will never want to come back to Acerra. It holds too many painful and bitter memories I want to forget. Why would I ever want to come back?

Ilang beses akong pabalik-balik do'n noon dahil binibisita ko parati si Ise. I always go there because my class usually ends earlier than Ise's. Halos lahat ng restaurant sa paligid ng Acerra at St. Agatha ay napuntahan na namin dahil sa halos araw-araw naming pagkikita.

Even the name of ACA makes me want to vomit. The fear and the anger combined. I always feel them. Para bang unti-unting umaakyat sa lalamunan ko ang takot at galit—unti-unti akong sinasakal. Pagkatapos, hahabulin ko ang paghingang hindi ko alam na napigil ko pala.

The pain and fear is suffocating. Araw-araw na lang na para bang lumalaban ako para lang makahinga. It's like breathing isn't natural for me anymore. 

"I'll go when I'm free," I say to Allon and I smile a little. 

"Next week, we will go to a race track in Tarlac. You might want to go too?" tanong sa 'kin ni Adonijah. 

Tiningnan ko siya. For the past year, I haven't gone anywhere outside the city. I always worry about Hanniel. Pakiramdam ko, may mangyayari sa kaniya sa oras na mawala lang ako sa tabi niya kahit sandali lang. Tarlac is too far. I bet that we will need the whole day going there for the car racing and going back home.

"Ipapaalam kita kay Tita," ani Adonijah, kumikindat at may ngisi sa mga labi para sa 'kin. 

Kumunot ang noo ko. Palibhasa, paborito kasi siya ni Mommy kaya kumpiyansa siyang papayagan ako kapag siya ang nagpaalam. But that's not really the case. Binigyang laya na ako nina Mommy sa mga desisyon ko. It's just that, I feel hesitant about leaving Hanniel. I'm sure I can't bring him to that place. 

Gusto ko sanang sabihin 'yon kay Adonijah pero dahil nando'n si Allon, hindi ko magawa. Tiningnan ko si Allon at naabutan ko ang pagtitig niya kay Adonijah at ang kung anong emosyon na hindi ko mabasa sa mga mata niya. 

"I'll think about it," is what I say as I watch Allon's gaze fall on his feet. Tinanggal niya ang pagkakahalukipkip at ibinulsa ang isang kamay. 

"Adonijah!" 

Sabay-sabay kaming napalingon sa papalapit na si Liana na ngiting-ngiti kay Adonijah. She's a little bit shorter than me, has fair skin, and has a slim figure. With how her eyes glimmer, I can tell that she's interested in Adonijah but I feel bad for her because I am sure that she isn't Adonijah's type. 

Adonijah likes someone a little bit more mature. Despite him being a happy-go-lucky type of guy, I notice that he likes girls who are more serious and quiet. 

I can still remember how every girl in class has a crush on him but he goes for the quietest girl in class. 'Yon ang una niyang girlfriend. Kalaunan, Adonijah discovered that the girl is the jealous type. Parati siyang pinagbabawalan. Bawal umalis kasama ang mga kaibigan. Bawal magpuyat. Bawal mag-video games. Bawal akong kausapin. Bawal makipag-usap sa ibang babae kahit sa anumang konteksto. Adonijah got tired of it and broke up with her. 

A year later, he dated another girl with the same characteristic—quiet, serious, and smart. 'Yon nga lang, tulad ng una niyang naging girlfriend ay 'yon din ang ginawa sa kaniya nito. His second girlfriend became manipulative—telling him what he should be like and what he should look like. They broke up eventually just like his first girlfriend. 

Maybe Adonijah got tired of them that he decided to remain single. Magmula nang umapak kami ng Grade 12 hanggang ngayon, hindi pa siya ulit nagkakaro'n ng girlfriend kahit na marami namang interesado.

"Don't forget to communicate with me! Magpapaturo lang ako sa 'yo tungkol sa ilang subjects," ani Liana at napatingin ako kay Adonijah. 

"Sure! Let me add you," ani Adonijah at inilabas niya na ang phone para ma-add na sa social media si Liana. 

Nang tingnan ko si Liana, nakita ko ang pagsulyap niya sa 'kin at ang maliit niyang ngiti. I feel like she's not that fond of talking to me. Kung sabagay, kanina pa ako wala sa sarili kaya naman hindi ko nagawang makipagkaibigan sa kaniya. I am just. . . I am not myself today. 

I am not myself for the past year. Sobrang dami nang nangyari sa 'kin at marami na rin ang nagbago. Kung noon, masiyado akong kumpiyansa sa lahat ng ginagawa at sa lahat ng nangyayari, nagbago na ang lahat ng 'yon ngayon. 

"Right, Allon. Hindi pa tayo friends," ani Adonijah, natatawa at ipinakita ang phone kay Allon. "What's your account?"

Because Allon is looking at Adonijah, I finally have the guts to stare at him.

"Justus Alonso Mortega," ani Allon. 

"Oh," gulat na sabi ni Adonijah at nilingon ako. "Mutual friend natin si Hanani."

Uminit ang mga pisngi ko pero hindi ako nagbigay ng reaksyon doon. I can still remember it. I used his account to add me on social media the night of my debut. Halos isang taon ko na ring hindi nabubuksan ang ilan sa mga social media accounts ko. Maybe I should check it this time and unfriend some unwanted friends. 

"You still haven't changed your profile picture, Allon. Walang mukha mo ang account mo," ani Liana sa pinsan, tinitingala ito. "Bakit ka pa nagkaro'n ng social media if you don't want to socialize?" 

Now that I look at Liana and Allon, they look completely different. With Allon's medium complexion and intense features, it's too different from Liana's soft attributes and fair skin. 

"It's fine. Girls are attracted to mysterious guys," ani Adonijah at tumawa. He caressed his buzz-cut hair with his palm, grinning boyishly. "Too bad. I am so open to the public."

Kitang-kita ko ang pamumula ng mukha ni Liana habang pinagmamasdan si Adonijah. I am sure that she already got captivated. Too bad. I pity her. Adonijah's the worst person to fall in love with because he will trap you in his friendly character. Aasa ka nang aasa pero mapagtatanto mong gano'n naman siya sa lahat at kaibigan ka lang. Hindi mo magagawang magalit sa kaniya dahil kaibigan lang naman talaga ang intensyon niya, wala nang iba. 

Maybe that's why we became friends. I am not affected by his charm because I find him stupid and he likes that I don't fall for him.

"Not the past year! You've been a little bit lowkey. Kayo ni Hanani," ani Liana, sumusulyap sa 'kin sa likod ng fringe bangs niya.

Agad akong natigilan at naramdaman ko ang panunuyo ng lalamunan ko. I knew it. She knows me and Adonijah. Hindi na nakakapagtaka 'yon dahil kilala kami sa mga kabataan. Ida Mishal has millions of followers now and a lot of people know me as one of Ida Mishal's closest friends. 

Marami ang naghahanap sa 'kin. I still post pictures online but they are only limited unlike when I was in senior high school. Halos araw-araw akong nagpo-post noon. Ngayon, minsan na lang sa isang buwan. Ganoon din si Adonijah pero mas aktibo pa rin siya kaysa sa 'kin. 

Maybe that's because Adonijah's always at our house and has no time to go anywhere else. Gustong-gusto rin kasi siya ni Hanniel. 

"Really? Maybe that's because we've been busy for freshman year," Adonijah says smoothly that even I wouldn't have doubted what he said. 

Pero totoo rin namang naging abala kami para sa unang taon namin sa kolehiyo. Mas naging abala lang kami dahil ipinanganak din ng taong 'yon si Hanniel. Ilang luha ang ibinuhos ko at ilang beses na akong muntikang huminto na lang pero hindi ko ginawa. 

The postpartum was one of the hell I had to go through. I am thankful that I had strong support from my parents and friends.

"Really? People thought that you two were together," ani Liana, still pushing the subject but I can see in her glimmering eyes and the way they stick on Adonijah that she's just trying to get closer to him.

Hindi na bago sa 'kin 'yon. Alam kong marami ang nag-isip na naging kami nga ni Adonijah lalo pa't nalaman din ng lahat na hiwalay na kami ni Ise no'ng mga panahong 'yon. 

Some people speculated that Ise and I broke up because I cheated with Adonijah or some other guy. That's how it looked like especially because Ise left the country before he can even attend graduation. Inisip ng iba na kaya umalis si Ise ng bansa nang biglaan ay dahil nasaktan ito sa panloloko ko.  

"What do you mean? Hanani and I are close friends," ani Adonijah at tumawa, nililingon si Allon na nilingon ko rin. Agad akong napaayos ng tayo nang mapagtantong nakatitig pala siya sa 'kin. "Aalis na kami. Medyo mahaba rin kasi ang biyahe pauwi."

"Be careful on your way home!" masayang sabi ni Liana. 

Allon looks at Adonijah who offered him a friendly and casual handshake. May mahinang sinabi si Allon kay Adonijah at tumango naman ang huli bago tinapik ang balikat niya. 

Tiningnan ako ni Allon at nginitian ko siya nang kaunti para magpaalam. His gaze falls down to my smile before he looks away. Iniwas ko rin ang tingin sa kaniya at tumalikod na nang tumalikod na rin si Adonijah para makaalis kami ro'n.

Nang maglakad na kami ni Adonijah papunta sa kotse niya, tiningnan ko siya nang may pagtataka. 

"What did he tell you?" I ask. 

Tiningnan ako ni Adonijah, nagtataka. "Who?"

"Allon," I say. 

"Mag-ingat daw tayo," ani Adonijah at ibinato sa ere ang hawak na key fob at sinalo ulit. Inulit niya ang pagbato no'n at ang pagsalo ulit. "He also recommended a nice cafe nearby. Baka raw gusto nating dumaan. Do you want anything?"

Iniwas ko ang tingin kay Adonijah. "Sure. We can drive-thru," I say and we continue walking to his car.

Gusto kong lingunin ulit si Allon pero ayoko rin. What the hell am I thinking? Why would I want to look at him again?

Mabuti nang nakahingi na ako ng tawad sa kaniya at mabuti na ring nasabi kong hindi ko naman sinasadyang tratuhin siya nang gano'n. Now that I finally won't get eaten up by guilt, I can breathe better. Hindi ko na kailangang makunsensya para kay Allon. We can end things here and be casual to each other if we ever do meet again. 

Tumanaw ako sa labas ng bintana at pinagmasdan ko ang patag na kaparangan ng Nueva Ecija. That's right. I don't want to be friends with him, anyway. I don't want any reminder of Ise anymore. 

When my phone pings, I look at it and I realize that I received a message from someone. Nang buksan ko ang mensahe, natigilan ako at tinitigan ko ang laman noon. 

Justus Alonso Mortega:
Ingat, Hanani. 

Nararamdaman ko ang paninikip ng dibdib ko nang maramdaman ko ang unti-unting paggapang ng ibinaon ko nang takot noon—hindi para kay Allon pero para kay Ise. 

Sa sakit na naramdaman ko. Sa pagkabasag na naranasan ko. Nadurog ako. Nawasak ako. 

Para akong ibinabalik ng alaala ko sa unang beses na nakita ko si Ise sa cafe na 'yon. How Ise went inside the cafe with his friends. How Ise's gaze found mine. How he left me months later. How he destroyed me everyday. 

Umiwas ako ng tingin sa phone at tumanaw sa labas ng bintana, tinitiis ang sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko. 

It's Ise's fault. Si Ise lang naman ang nakasakit sa 'kin. Pero bakit lahat ng taong may koneksyon sa kaniya, para rin akong tinatapakan at sinisira? Isang tao lang naman ang nang-iwan sa 'kin pero para bang daan-daan ang iniwan niyang patuloy akong sasaktan.

Napapikit ako. Nang imulat ko ang mga mata ko, bumaba ang tingin ko sa mensaheng hindi ko pa sinasagot. I start typing a reply.

Maria Hanani Cortez:
I will.

After sending it, I gaze outside the window again and I start promising myself that I won't make the same mistakes I did before. 

I won't let Ise ruin my life like this. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com