Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 32

#war3wp

Chapter 32

Deserve

"There," I say as I point at a nail salon.

Tiningnan naman ni Allon ang pink na pink na salon na puno rin ng mga babae at bading na customer at staff. He nods and walks with me towards the salon. Tiningnan ko siya, nagtataka.

"You'll wait inside?" I ask.

Napatingin sa 'kin si Allon, nagtataka rin sa tanong ko.

"Can't I do that?"

Tumikhim ako. Matagal siyang maghihintay kung gano'n!

"Sigurado ka ba? It will take a long time."

"I know." He gives me a small smile.

"Why? You've been here with your ex-girlfriends before?" I ask.

Tiningnan na naman ako ni Allon na para bang alam niya kung ano ang sinusubukan kong gawin. I'm not even trying to do anything! Nagtataka lang ako kung bakit alam niya. Siguro, may nasamahan na rin siyang babae sa salon noon!

"No."

"No? You don't go with them?"

"I didn't go with anyone because I never had one," aniya at namilog ang mga mata ko sa gulat.

Huminto ako sa paglalakad at gano'n din siya. Allon pockets one of his hands and faces me.

"You didn't?" I ask.

Imposible!

"No."

"Why?" mabilis na tanong ko ulit.

"Because I don't want to," aniya.

I don't get it! Sa mga mata niyang 'yan na kulang na lang ay mabasa pati ang isipan ko sa lalim kung tumingin? With his thick eyebrows, narrow nose, and his soft lips? Sa ganda ng hubog ng panga at mga balikat? Sa tangkad niyang 'yan?

He can have any girl he wants. Kahit na sino! His good physique and good record will make any girl chase after him. I know it! Kasi kahit akong nag-iisip na na hindi na magkaka-interes pa sa kahit na sino, narito, kumakabog ang dibdib para sa kaniya.

"Why?" I ask.

"Because I don't want to," ulit niya at tinitigan ako na para bang sapat na ang sagot na 'yon.

Bakit ngayon, gusto na niya? Bakit sa 'kin?

"Madaling pumili ng kahit na sino," aniya nang hindi ako nakasagot. "Maraming tao sa mundo. You can go after anyone. You can love anyone you want to love. You can give anyone your everything. But I don't want it to be just anyone."

Bahagya kong kinagat ang labi ko at iniwas ko ang tingin.

Siguro, ro'n ako nagkamali. Siguro, no'ng panahong nakilala ko si Ise, masiyado akong nasilaw ng lahat ng mga pangarap kong magmahal at mahalin din. Na dahil tumibok ang puso ko para kay Ise, inisip ko na siya na ang para sa 'kin. Nang maging kami, inisip ko na siya na hanggang sa huli.

I was wrong to believe that.

Akala ko, dahil no'ng simula ay tinrato ako ni Ise nang tama, senyales na 'yon na siya nga ang para sa 'kin. Kasi naging mabuti siya sa 'kin. Kasi pakiramdam ko, minahal niya ako. Dahil puro magaganda ang nakita ko, hindi ko na napansin ang ibang mga bagay na dapat kong kinonsidera.

Masiyado akong nagpabulag sa nararamdaman ko na naniwala ako kaagad sa lahat at pinanampalatayanan ko kaagad ang lahat ng mga pangako niya sa 'kin.

I shouldn't have rushed. Dapat, naghintay pa ako. Parang mangmang kong ibinigay ang lahat kay Ise, umaasa na tutuparin niya ang lahat ng mga pangako niya at maabot namin ang mga pangarap ko para sa aming dalawa kahit na wala naman akong konkretong pinanghahawakan. Kaya saan ako pinulot sa huli? Rito. Durog at nasasaktan.

Allon doesn't want it to be just anyone. Hindi ko mapigilang isipin na sa haba ng panahong sinubukan niyang hanapin ang babaeng gusto niyang sugalan, bakit ako pa ang pinili niya?

Kulang na ako. Durog na ako! Nakita niya ang lahat ng 'yon. Bakit ako pa rin ang gusto niya?

"Niligawan? Wala ka bang niligawan?" Nagpatuloy na ako sa paglalakad at gano'n din siya.

"Wala," aniya at napatingin ulit ako sa kaniya.

"Bakit?"

"I lose interest when I learn that they like me too."

Agad akong napairap pero hindi ko naman mapigilan ang tumawa. Nanatili namang seryoso si Allon.

"If you like her and she likes you too, bakit hindi mo pa sinubukan?" I ask. "Nalalaman ba nilang gusto mo rin sila?"

Kumunot ang noo ni Allon na para bang sinusubukan niyang alamin kung ano naman ang sinusubukan kong hulihin mula sa kaniya ngayon. Napangiti ako dahil wala naman akong ibang intensyon!

"I just got interested in one girl in junior high school. I didn't tell her. Days later, she announced that she likes me. I lost interest," he says flatly and I laugh.

"So, gusto mo ng mga babaeng pakiramdam mo, hindi ka gusto?" tanong ko at huminto na kami sa tapat ng salon. Tiningnan ko si Allon at humalukipkip, hinihintay ang sagot. "At kapag nagustuhan ka kahit hindi nila alam na gusto mo sila, ayaw mo na?"

Seryoso rin akong tiningnan ni Allon na para bang tinatapatan niya ang titig ko sa kaniya. "No."

"What if you like me because you think that I have no feelings for you?" tanong ko, tinutudyo siya nang kaunti. "At paano kung nagustuhan kita pabalik? Aayawan mo na rin ba ako?"

Tinitigan ako ni Allon at para bang nakuha ng huling sinabi ko ang atensyon niya.

"Try me," aniya at natahimik ako. "Because I think, if you do like me back, gagawin ko ang lahat para mahalin mo naman ako."

I shift my weight and my cheeks start to burn. "What if I don't?"

Allon takes a step closer to me. Kinailangan kong tumingala para makita ang mukha niya. He's staring right into my eyes.

"Then tell me to go away," halos ibulong ni Allon. "Tell me to stop coming after you. Doon lang ako titigil, Hanani."

Umiwas ako ng tingin at hindi nakasagot.

Pumasok na kami sa loob ng nail salon at napansin ko kaagad ang tinginan ng mga nandoon sa aming dalawa nI Allon. Uminit ang mga pisngi ko. They probably saw us talking outside the shop!

"Good afternoon, Madam," ani bading na kahera sa nail salon.

Inipit ko ang takas na buhok sa likod ng tainga ko at damang-dama ko pa rin ang maiinit na mga pisngi. Parang sasabog ang mukha ko at hindi ko kayang lingunin man lang si Allon na tiyak na nasa likuran ko lang.

Inangat ko ang tingin sa kahera at nakita ko ang panay na tingin niya kay Allon. Tumikhim ako kaya ibinalik niya ang tingin sa 'kin. Sinabi ko kaagad ang gusto kong ipagawa.

Pinaupo ako sa isa sa mga sofa at habang naghihintay kami ng nail technician ay kinausap na muna kami ng kahera.

"Kay sir po, Madam. Wala po ba siyang ipapagawa?" tanong nito habang sinusulyapan si Allon na nakatayo lang sa gilid ko.

Inangat ko ang tingin kay Allon at naabutan ko ang titig niya sa 'kin. "May ipapagawa ka rin ba?" I ask him.

"No need. I just want to wait for you," aniya.

"Naku, sir. Matagal pa si Ma'am. Baka gusto niyo pong maglibot na muna. Iwan niyo na po muna si Ma'am dito sa 'min at aalagaan naman po namin siya," ani kahera at ngumiti sa amin.

Allon raises an eyebrow as he continues to stare at me. "Hihintayin ko na lang siya rito," sagot niya at napanguso ako.

"Sige, Sir! Upo na lang po kayo r'yan sa tabi ni Ma'am. Wala pa naman pong masiyadong customer."

Sinunod nga 'yon ni Allon at naupo sa tabi ko. His presence is really something! Talagang agaw-atensyon at mabigat ang presensya niya. I doubt that he can stay out of people's attention.

Matagal bago natapos ang appointment ko sa nail salon. Wala namang ibang ginawa si Allon kundi ang panoorin ang mga ginagawa sa 'kin at mag-phone paminsan. I can't talk to him because I still can't get over what he told me before we went there.

Nang nasa salon na, ganoon din ang nangyari. Hinintay niya ako sa waiting area ng hair salon habang ginagawa sa 'kin ang hair treatment na ipina-schedule ko.

"Boyfriend mo, Ma'am?" tanong ng babaeng hairdresser habang nilalagyan na ng pang-treatment ang buhok ko.

Sumulyap siya sa waiting area kung nasaan si Allon para ipaalam na ito ang tinutukoy niya. Napatingin din tuloy ako kay Allon na tahimik lang na naghihintay doon.

Umiling ako. "Hindi."

"Manliligaw po?" she asks.

Nanliligaw ba si Allon? I don't know! Kapag tinanong niya ba ako kung pwede siyang manligaw, papayag ako? Hindi!

"Hindi rin," I say.

"Talaga, Ma'am? Ang gwapo po ng kasama niyo. Akala ko po, boyfriend niyo kasi bagay po kayo," aniya at natahimik lang ako. "Sayang naman po."

Ngumiti lang ako nang tipid at tiningnan ang sarili sa salamin.

Matagal bago tuluyang natapos ang treatment. Nahihiya tuloy ako nang makalapit na ulit kay Allon.

From his phone, he raises his gaze to me and my now treated two inches shorter hair. Mas makintab na 'yon at mas unat.

"Done?" he asks me.

Tumango ako at tumayo na siya mula sa pagkakaupo.

"Gutom ka na ba? Do you want to eat?" he asks me and I don't know why my heart feels ticklish.

Tumango ako bilang sagot kay Allon.

We go to a restaurant I picked myself. Ako kasi ang pinapili niya at ayaw ko namang matagalan pa kami kaya pumili na rin ako ng restaurant kaagad. Ang tagal niya rin kasing naghintay sa 'kin kaya alam kong gutom na rin siya.

Umupo kami sa pandalawahang table. Agad na may lumapit na waiter sa amin at binigyan kami ng menu.

"Do you always make appointments like this?" tanong ni Allon sa 'kin at napatingin ako sa kaniya.

Agad akong nakaramdam ng hiya. "Just today," I say.

Dati, no'ng wala pa si Hanniel ay parati akong nagpapa-appointment sa mga salon. Naturuan din kasi ako ni. . .Ate Irina, Ise's sister. Bukod pa ro'n, bata pa lang ako, mahilig na rin talaga akong mag-ayos ng sarili.

But ever since Hanniel came, I had to reorganize my priorities. Alam ko namang sina Mommy ang gumagastos para sa aming dalawa ni Hanniel kaya hindi magiging maganda kung ipinagpapatuloy ko pa rin ang mga luho ko.

It's just that, today, "I wanted to reward myself for doing great in the past practical test." Kinagat ko ang labi ko pagkatapos kong sagutin ang tanong niya at ibinaba ko ang tingin sa menu na hawak.

"Kung gusto mo ng kasama sa susunod, you can ask for my company," ani Allon at napatingin ulit ako sa kaniya.

Bumalik sa isipan ko ang tanong ng hairdresser sa akin kanina. Nanliligaw ba sa 'kin si Allon? Hindi ko alam. Iniisip ko rin kung dahil ba hindi niya naman naranasang manligaw, alam niya kaya kung pa'no 'yon gawin?

He's so pure for someone who looks so ragged and ruthless. I didn't expect him to be like this at all. Ang akala ko nga ay marami nang babae ang dumaan sa kaniya.

"Ganito parati katagal ang mga appointments ko," I tell him. "At minsan na lang naman ako kung pumunta rito."

"Okay," aniya at pinagmasdan ko siya. He stares back at me. "Ayaw mo bang samahan kita?"

"It's not that. . ." I trail off.

"I waited for you today and I'm fine with it," ani Allon at ngumiti sa 'kin nang kaunti. "Don't worry about me, Hanani," aniya bago ibinaba ang tingin sa menu at hindi ko mapigilang mapansin na parang nagustuhan niya ang iniisip na nag-aalala nga ako para sa kaniya!

Uminit ang mga pisngi ko at tumingin din sa menu. Um-order na rin kami kaagad. Mabilis kaming nakapili at mabilis din naman 'yong kinuha ng waiter.

"Anong mga pagkain ang hindi mo gusto?" Allon asks me after the waiter leaves.

Agad akong napaisip. "Mapapait. I don't like things that are super sweet too," I say. "There are vegetables I don't like," sabi ko at agad na inisa-isa ang mga gulay na hindi gusto. "How about you?"

"I can eat anything."

"Kahit gulay?" I ask.

"I grew up in a farm. Hindi ako naging mapili sa mga pagkain," aniya.

Agad akong naging interesado roon. "Your father's farm?" I ask.

Tumango si Allon. "Marami siyang pananim sa farm. It's not that big for mass production of vegetables and fruits but enough to maintain the whole land."

"Is it in Nueva Ecija too?" I ask.

"Yes," ani Allon. "You can come with me if you want to see it."

Parang gusto kong tumikhim. If I go with him, that means I'm going to meet his family too, right? Ano kaya ang hitsura ng mommy niya? For sure that she's really pretty! Allon is the living proof.

I wonder how she raised him too. Allon is a good guy. Hindi man kami malapit sa isa't isa, kitang-kita ko na 'yon sa lahat ng mga kilos niya at taong nakapaligid sa kaniya.

He has such good set of friends. He has good principles too. At isa pa, ni hindi ko siya naringgan ng kahit anong pagmamalaki sa sarili niya kahit alam kong marami siyang pwedeng maipagmayabang.

"Maybe in the future," I answer.

Because maybe, in the future, we become close friends and I can visit their farm along with our other friends. Hindi ngayon na alam kong. . .may gusto siya sa 'kin.

Allon doesn't press on it much anymore. Dumating ang mga pagkain at kumain na rin kaming dalawa.

Paminsan ay nag-uusap kami at naging maayos at magaan naman ang lahat ng 'yon. Nang magbabayad na, sinabi kong ako na ang magbabayad para sa aming dalawa pero sinabi niyang dahil siya ang nag-aya, gusto niyang siya na muna ang magbayad noon. I let him.

Hinatid niya rin ako pauwi sa amin.

Allon has been good the whole time. Parati siyang nakikinig sa mga ikinukwento ko at sumasagot kung kailangan. He also talks about the things he thinks I can relate with at kung hindi naman, ipinapaliwanag niya ang lahat ng 'yon.

Hindi ko nga akalain na kaya pala naming mag-usap ni Allon nang magaan lang. The past few days and weeks, parating mabibigat na pakiramdam at pag-uusap ang mayro'n sa 'ming dalawa. It's refreshing to know that we can actually talk about something easy.

I notice that he's passionate about cars and planes. Nabanggit ko rin kasi ang tungkol sa karera nila sa Tarlac dahil 'yon ang naisip kong parehas naming napuntahan at kuryoso rin naman ako patungkol sa mga sasakyan.

However, even though he's trying to explain it to me, I seem to not understand it still. Pero kahit na gano'n, pinakikinggan ko pa rin si Allon dahil parang 'yon na yata ang pinakamahabang nasabi niya sa tagal na naming magkakilala.

"Cars are just one of my hobbies," ani Allon at tumango ako.

"Do you like to do something else?" I probe.

Tumango si Allon. "I can't see myself racing as a profession."

"If not cars, what do you plan to do in the future?" I ask.

"If I don't become a pilot, I'm probably in Nueva Ecija inheriting the farm," aniya at napaisip ako roon.

Being a pilot suits him. . . But hearing him talk about his stepfather, I have an inkling that he will choose the farm. Base sa mga kwento niya, mukhang tanggap na tanggap nga siya nito bilang tunay na anak. Kung walang ibang pamamanahan, kanino pa nga ba ibibigay ang farm na 'yon?

I wonder if he prefers to be a pilot more than anything. Inilipat ko ang tingin sa mga kamay kong pinaglalaruan ko sa ibabaw ng mga hita. Gusto ko sanang abutin ni Allon ang mga pangarap niya. Sana, mapunta siya sa mga bagay na magpapasaya sa kaniya. Kung farm man 'yon o pagpipiloto, sana matagpuan niya ang kasiyahan sa mga bagay na 'yon.

Because he deserves to find his happiness.

Nang makarating kami sa bahay, agad na ipinarada ni Allon ang sasakyan sa tapat noon at nilingon ako. I look at him too but I immediately turn my gaze away from him.

Tinanggal ko ang seatbelt. "Thank you for today."

"Anytime," he says.

I purse my lips and I hold his car lever to open the door but I halt when he calls my name. Nilingon ko siya ulit at naabutan ko ang titig niya sa 'kin.

"Can I text you once I'm home?" he asks me seconds later.

"Yeah," I answer almost immediately and I feel my cheeks heating up. "Yeah, sure." Umiwas ako ng tingin.

Itinulak ko na pabukas ang pinto ng sasakyan pero hindi pa muna ako bumaba. Nilingon ko siya ulit at ngumiti ako.

"Ingat ka, Allon," I tell him and he stares at me with his intense gaze. Bumaba ang tingin niya sa ngiti ko at tumango siya.

"I will text you once I'm home," he tells me and my heart flutters at how adorable it is for him to repeat his words.

Nang tuluyan na akong bumaba at makapasok sa bahay, agad din namang umalis si Allon. Nang bisitahin ko si Hanniel na naabutan kong tulog, hindi na mawala-wala ang ngiti ko.

Bakit? Why am I smiling like this?

Hinawi ko ang buhok ni Hanniel at unti-unting napanis ang ngiti ko. Bakit hinahayaan ko ang sarili kong ngumiti ulit nang ganito?

Uminit ang gilid ng mga mata ko at pinagmasdan ko ang marahang pag-angat at pagbaba ng dibdib ni Hanniel dahil sa paghinga.

Kinagat ko ang labi ko at umiling ako.

I can't. Ayoko nang umasa sa ganitong pakiramdam ulit. Para kang inililipad sa pinakamataas na kaya mong abutin. At pagkatapos, bibitawan ka nang biglaan at walang pasabi. Bubulusok ka pababa at madudurog pagkatapos na bumagsak.

Alam na alam ko na ang susunod na mangyayari. Magmamahal ako. Then I will get hurt after. Because love is always followed by a heartache. Hinding-hindi magkakahiwalay ang dalawang bagay na 'yon sa isa't isa.

Nang tumunog ang phone ko at nakita ko ang text ni Allon doon, agad akong nakaramdam ng takot para sa sarili.

Dahil ito na naman ako.

Justus Alonso Mortega:
I'm home safe. Thank you for today, Hanani. I had a great time.

Ito na naman ako. Tumitibok na naman nang kakaiba ang puso ko.

"Hanani?"

Napalingon ako sa pinto ng nursery room at naabutan doon si Mommy. Agad akong lumapit at hinalikan ang pisngi niya.

"Kauuwi mo lang?" she asks me.

"Opo, 'Mmy." Umiwas ako ng tingin at ibinalik ang atensyon kay Hanniel. "Kanina pa po siya tulog?"

"Kani-kanina lang. Baka magising siya mamayang gabi," sabi ni Mommy at tumango ako.

"Ako na ho ang magbabantay sa kaniya," I say.

Natahimik kaming dalawa. Makalipas ang ilamg minuto, naglakad si Mommy papunga sa sofa at napatingin ulit ako sa kaniya. Nagtama ang mga tingin naming dalawa at naramdaman kong may gusto siyang itanong sa 'kin.

"Ibang kotse ang naghatid sa 'yo kanina. Hindi ko kilala. Is it a friend of yours?" she asks me with a small smile.

Tumango ako. "'Yong pumunta po rito no'ng birthday ni Hanniel. Si Allon po."

Tumango-tango si Mommy. "Siya ang kasama mo kanina?"

"Siya po at ang tita niya," I answer.

Tumango si Mommy. "How long have you been friends?" she asks again and I think I know why she's asking a lot of questions.

And she has the right to. Because the last time I am with someone who's not Adonijah, Hiel, Asiel, Ida Mishal, or Jadon, everything became a mess.

Hindi ko rin siya masisisi. Nagkamali ako. At hindi lang basta pagkakamali. Malaking pagkakamali. Hindi lang ako ang nahirapan sa pagsalo ng lahat ng resulta ng pagkakamali ko noon. Pati na sina Mommy.

We love Hanniel and I am grateful that we had him but I can't deny that he arrived too early. Kung siguro, hinintay ko ang tamang panahon, mas maibibigay ko kay Hanniel ang mga bagay na dapat ko lang namang ibigay sa kaniya.

But maybe it was meant to happen. Dahil kung sa ibang pagkakataon, baka hindi na si Hanniel ang ibigay sa 'kin. Everything happened because it had to. Kung hindi ko minahal si Ise, hindi ko mararanasan man lang na masilayan at mahawakan si Hanniel.

"Kilala ko na po siya no'ng senior high school pero ngayon lang po kami naging magkaibigan."

Tumango si Mommy at hindi na dinugtungan pa 'yon. I feel like she wants to add something else but is contemplating if she should or not.

"Hindi ho niya ako nililigawan," sabi ko at napatingin sa 'kin si Mommy.

Ngumiti ako sa kaniya. Bumuntonghininga si Mommy bago tumayo at lumapit sa 'kin. Agad niya akong niyakap.

There's something about my mother's hug that always bring me to tears. Para kasi akong kinakalinga. Para bang may kakampi ako laban sa lahat. Hindi ako mag-isa. May kaagapay ako at may magtatanggol sa 'kin.

That's what I want to give Hanniel. Kaya sa pagpapalaki ko sa anak ko, gusto kong ibigay sa kaniya ang klase ng pagiging magulang na ibinigay sa 'kin ng mga magulang ko. O kung hindi man ay mas higit pa ro'n.

I want Hanniel to have a good secured life.

"Hanani, I'm being like this because I don't want you to get hurt anymore," aniya. "You have a big heart, Hanani. Ang dami mong magbuhos ng pagmamahal at kahit sinong makatanggap no'n, swerte dahil minahal mo sila. I know because I experienced it first hand. Alam kong may magmamahal sa 'yo ulit at magmamahal ka ulit. . . pero ang hinihiling ko lang, sana, sa pagkakataong 'to, sigurado ka na at tama ang lahat."

Nagtubig ang mga mata ko at hindi ako nakapagsalita.

"May mga taong madaling magkagusto sa iba at madaling makuha ang atensyon. Aakalain mong mahal ka nila pero hindi pala. Dahil sila mismo, akala nila, minahal ka nila. Pero kapag dumating na ang oras na kailangan nilang tatagan ang pagmamahal nila para manatili, hindi na nila magawa. Dahil umpisa pa lang, hindi naman pagmamahal ang naramdaman nila. Pagkagusto lang." Hinaplos ni Mommy ang buhok ko. "Gusto kong mahanap mo 'yong pagmamahal na kayang tapatan ang lahat ng bagay. Hanani, many will try to fool you. They will give you every beautiful thing they can give. But only a few will give you something genuine."

"How do I know if it's genuine?" I ask.

"Remember? Love will bear all things, believe all things, hope all things, and endure all things. It will never end," she quotes and I smile a little as she brushes my hair with her hand. "You don't need to rush love because it will endure all things and come to you in the end."

Maybe I got all my idealistic tendencies and optimism from Mom. Kaya siguro dati, halos hindi na ako magising sa reyalidad dahil kahit si Mommy, sobrang ganda ng tingin niya sa mundo kahit na dinuduraan na siya nito nang harap-harapan.

"Sinabi niya pong gusto niya ako," I tell my mother when we let go from the tight hug.

Tiningnan niya ang mga mata ko at inipit ang takas na buhok sa likod ng tainga ko. She holds both of my arms.

"Gusto mo rin ba siya pabalik?" she asks me.

Namuo ang mga luha ko habang tinititigan si Mommy. Hindi ko alam. Ayoko pero may parte sa aking alam kong may nararamdaman para kay Allon.

Ayoko pero puso ko na mismo ang nagpapamukha sa aking may nararamdaman nga ako para sa kaniya.

"I'm starting to," I mumble and my voice shakes a little.

Because I'm scared. I don't want to love anymore.

"Hanani. . ." my mother calls me. "Bring him here and let us know him. And even if he's good, pray for it. Let yourself doubt him because feelings can fool you. A boy will tell you he loves you. But a man will prove his words."

Anyone can spit words but not anyone can put it in action. I know that. And my mother is right.

I cannot tell the future and what tomorrow holds. I can't be as careless as I was before.

I am no longer the Hanani who easily gives in to her ideals. I will no longer be foolishly deceived by the lies that hides behind beautiful things.

So, for the next days, I tried limiting the times I reply to Allon. Sinubukan kong ituon ang atensyon ko sa pag-aaral at higit sa lahat, mas bigyan pa ng oras si Hanniel.

Maraming bagay akong naiisip patungkol kay Allon. Iniisip ko na siguro nga ay totoo ang nararamdaman niya, pero hindi ko maiwasang makaramdam ng konsensya na maayos niyang hinintay na magmahal pero ako, nagkaroon na ng iba bago siya dumating.

I know that it's just my ideals talking. But if I can turn back time, susundin ko na lang ang lahat ng mga plano ko noon. Allon deserves someone who reserved herself because that's what Allon did himself.

But I can't turn back time now, can I? Ang magagawa ko na lang ay hindi na magkamali pa ulit. To not repeat the same mistakes again and to do better than how I did before.

I can't let Ise ruin my life. Hindi na lang sarili ko ang iniisip ko ngayon. I have Hanniel now. I have to be strong for my baby.

"Are you avoiding me?"

Napatingin ako kay Allon isang hapon nang makalabas na ako ng coffee shop matapos bumili ng kape. Nakita ko siya sa loob ng cafe kanina nang um-order ako at hindi niya naman ako napansin kaagad kaya nagpanggap akong hindi siya nakita.

Magpapanggap na sana akong hindi talaga siya napansin pero heto siya ngayon, tinawag ang atensyon ko at tinatanong ako kung iniiwasan ko ba siya.

"Allon," sabi ko, nagpapanggap na nagulat na makita siya pero mukhang hindi niya pinaniniwalaan ang pag-arte ko.

"You saw me, didn't you?" he asks me.

Soot niya ang uniporme ng Acerra College of Aeronautics. Amoy na amoy ko ang bango ng pabango niya at damang-dama ko ang intensidad ng presensya niya. His thick eyebrows are a little bit furrowed and he's staring at me with his piercing gaze. The way his jaw tenses makes me feel like he's upset with me.

"I didn't," I lie.

"Did I do something wrong?" he asks me.

Did he do something wrong? Talagang itinatanong niya sa 'kin 'yon? Wala siyang ibang ginawa kundi maging mabuti sa 'kin. I just. . . I just want to protect myself!

Because I feel like Allon will destroy me more that how Ise did. Kapag minahal ko si Allon at sinaktan niya ako, mas matindi pa ang sakit na mararamdaman ko sa kaniya kaysa kay Ise.

Alam ko. Nararamdaman ko.

"No. I just really have to go home early," I say.

Allon stares at my eyes. Para bang hinahanap niya sa mga mata ko kung nagsasabi nga ba ako ng totoo.

"Then. . .if I message you, will you reply?" he asks me.

"I reply to you, Allon," I say.

"You reply to me twice per ten messages," aniya at agad akong natigilan. "I always wait two to three hours for a text back. I understand. I am not forcing you to reply. Pero iniiwasan mo ako, Hanani."

Lumapit siya ng isang hakbang at tumigil yata ako sa paghinga.

"Did I do anything that upsets you, Hanani?"

Tiningnan ko ang mga mata ni Allon at lalong uminit ang mga pisngi ko.

No, you didn't.

I just. . .think that I don't deserve you.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com