Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 47

#war3wp

Chapter 47

Rest

"Thank you for helping us again, Hanani."

Agad akong ngumiti kay Tita Lucy nang sabihin niya 'yon sa 'kin. I feel a bit shy now that she knows her son is courting me.

When she messaged me about another charity work at a different barangay within the city, kinabahan ako dahil akala ko ay tungkol sa amin ni Allon ang sasabihin niya. Nang sabihin niyang tungkol 'yon sa panibagong feeding program, agad akong nakahinga nang maluwag. 

But all I see in Tita Lucy's eyes is compassion and adoration.

Kahit kanina, nang dumating ako kasama sina Allon at Hanniel, sinalubong niya kami nang may malawak na ngiti at excited ding sinalubong si Hanniel na mukhang natuwa rin nang makita siya. Walang ibang sinabi si Tita Lucy. Masaya niya lang kaming inalalayan sa kung ano ang mga pwede naming maitulong sa ginagawa nilang pagpapamigay ng mga pagkain.

Marami nang mga bata at mga magulang ang nandoon. Tumutulong si Allon sa pagbubuhat ng mga kahon ng pagkain at mga silya habang si Hanniel naman ay nakita kong nakikipaglaro sa ibang mga batang nandoon din. 

"Sa inyo nga po dapat ako magpasalamat. Kung hindi po dahil sa inyo, hindi po ako makakatulong nang ganito sa ibang tao," I say to Tita Lucy.

Napangiti siya at tumango dahil sa sinabi ko. Gusto ko siyang tanungin tungkol kay Allon pero hindi ko mahanap ang lakas ng loob na kausapin siya tungkol doon. Mabait si Tita Lucy pero hindi ko lang talaga mapigilan ang mahiya sa kaniya.

Hindi ko alam kung paano niya ako tatanggapin. My experience with my past relationship isn't great. . . Kaya ngayong pumapasok na naman ako sa ganitong situwasyon ay nagpapakaba sa 'kin.

"Mamaya, may isang nanay rito, ka-edad mo rin, na gustong magpa-counsel. Okay lang ba sa 'yo kung sa 'yo ko siya ipapakausap?" tanong ni Tita Lucy.

Bahagya akong nagulat na sa 'kin niya ipagkakatiwala ang trabahong 'yon. Pumayag ako at mukhang natuwa si Tita Lucy dahil doon.

Ipinakilala niya nga ako sa isang babaeng halos ka-edad ko rin. Hindi lang halata ang edad niya dahil walang ayos. Magulo ang naka-ipit na buhok, kitang-kita ang itim sa paligid ng mga mata, at mukhang parating nabibilad sa araw ang morena niyang balat dahil sa mga pekas sa mga pisngi niya't ilong. Maputla ang mga labi niya at walang kaayos-ayos pero sa kabila no'n, nakikita ko pa rin ang bakas ng ganda sa mukha niya.

Nakasoot siya ng daster kaya naman lalo siyang nagmukhang mas matanda kaysa sa edad. May katabaan din siya at tingin ko, dahil 'yon sa may tatlo na siyang anak ngayon at magkakasunod pa ang mga edad. Ang isa sa mga anak niya nga ay kalaro ni Hanniel sa hindi kalayuan.

"Good morning po, Ma'am," aniya.

Ngumiti ako sa kaniya at binati siya pabalik bago kami naupo sa mga upuan. She's Anacel. Kinumusta ko siya at sinabi niyang maayos naman sila bukod sa hirap sa buhay dahil tatlo ang anak niya at wala pa ang tatay ng mga ito dahil nagkaro'n na raw ng ibang babae.

She starts to tell me about her struggles and how she tries to do her best every day to give her children the future she wants them to have. She starts to tell me how hurt she is to learn how her husband left her despite her trying her best to maintain the relationship.

"Gano'n yata talaga, Ma'am. Kung manloloko, manloloko talaga," aniya sa kabila ng naluluhang mga mata. "Ang ganda-ganda ko ho noon, Ma'am. No'ng 'di pa ako nagkaka-anak, sumasagala pa ako at lumalaban sa pageant diyan sa bayan. Pero no'ng nabaliw sa pag-ibig, heto na ako ngayon." Ipinakita niya ang katawan. "Halos dumoble na ang timbang ko. Hindi ko naman po magawang asikasuhin ang sarili ko kasi tatlo po ang anak kong kailangan kong buhusan ng oras."

I reach for her hand, and I give her something she can wipe her tears with. Nagpasalamat siya at kinuha 'yon para punasan ang sariling mga luha.

She's right. After giving birth, our bodies changed. Kahit ako man, hindi ko na maibalik ang dating katawan. Mas tumaba ako at mas bumigat din. Nagkaro'n man ng korte ang dibdib at balakang, the belly and arms are not the same as before anymore.

Sabihin man ni Ida Mishal sa 'kin na bumagay sa 'kin ang katawan at mas gumanda raw ako no'ng nanganak, hindi ko pa rin 'yon mapaniwalaan dahil hindi na tulad ng dati ang nipis ng mga braso ko at beywang.

Anacel keeps thanking me after we talk about her struggles and after I remind her that she's strong for being capable of raising her children on her own. The courage of a single mother to raise her children on her own cannot be compared to anything. I keep telling her that having to raise children on her own doesn't mean that her life ends there. She's so much more than what she thinks.

Dahil kung kaya niya ngang itaguyod nang mag-isa ang mga anak niya, ibig sabihin ay kayang-kaya niyang gawin ang kahit na ano. People think that raising children alone is such a huge flaw. . .but they don't see how much courage and strength a single mother can have for her child. 

I also reminded Anacel not to forget to take care of herself. Because I heard this once, that the best gift we can give our children is to stay healthy. Dahil sa mga magulang tumitingin ang mga anak sa panahon na masaya sila, nalulungkot, natatakot, o naghahanap ng makakapitan. I always try to be like that for Hanniel and I can say that it helped him be the compassionate, obedient, and polite kid that he is today.

I realize that if I want to give Hanniel a future that is full of hope, love, and joy, I should give that to myself first. I cannot give Hanniel something I do not have. Kung maayos ako, maayos ko ring mapapalaki si Hanniel.

I don't need to always be perfect. I have my own flaws. I have my bad days. But I always try to give Hanniel a better version of myself. 

My parents taught me that to influence the next generation to be better, we should better ourselves first. They don't fail on reminding me that parents always have a huge impact on their children, that's why parents have the greatest responsibility for them.

Whatever I am today, I owe it to how my parents raised me. Kaya lagi ko 'yong isinasaisip sa pagpapalaki kay Hanniel nang mag-isa. Raising him alone doesn't mean Hanniel cannot have a nice future. 

"Thank you po, Ma'am," ani Anacel habang nakatingin sa 'kin nang may ngiti sa mga labi.

Her eyes look a lot different now than before we started talking to each other. Her face looks brighter and I realize that she just needs someone to talk to about her problems. Sometimes, people just really need to release the unsaid words. 

Napangiti ako. "Hanani na lang, Anacel."

Nagpabalot ako ng mga ekstrang pagkain na pwedeng iuwi ni Anacel para sa pagkain nilang mag-iina mamaya. She keeps thanking me for everything.

"Ito ang number ko. Kung gusto mo ng kausap o mapagsasabihan, tawagan mo lang ako," sabi ko kay Anacel habang inaabot sa kaniya pabalik ang phone niyang ginamit ko para i-save ang number ko.

"Naku, Ma'am. Salamat po."

Habang nagpapasalamat ulit si Anacel sa 'kin, nailipat ko ang tingin sa likuran niya at nakita ko sa 'di kalayuan si Allon na nagbubuhat ng ilang kahon na mukhang may laman pang ibang mga pagkain. Ipinapatong niya ang kahong dala sa isa pang kahon at mukhang babalik pa siya sa L300 na nasa 'di kalayuan para kumuha pa ng ibang supplies. 

Pero ang naalis sa kaniya ang atensyon ko nang makita ko ang isang babaeng nakasoot din ng puting shirt na may print ng charity nina Tita Lucy—the same shirt we are all wearing for this volunteer work. May hawak siyang bote ng tubig at inaabot niya 'yon kay Allon.

Nakita ko na kanina ang babae at ipinakilala rin siya sa amin kasabay ng iba pang volunteer worker pero hindi ko na maalala pa ang pangalan niya dahil lagpas sampu rin silang tumutulong dito.

Allon nods at the woman before taking the bottle of water. Ngumiti ang babae at may sinabi kay Allon na tinanguan ulit ng huli. May sinabi pabalik si Allon at nakita ko ang pagkawala ng ngiti ng babae at ang paglingon niya sa gawi ko.

Agad akong natigilan. The woman smiles at me before bringing her eyes back to Allon, telling him something again. Sumagot si Allon at umalis na. Pinagmasdan ko ang babaeng sinundan naman ng tingin si Allon bago tuluyang bumalik sa iba pa niyang kasamahan.

Ibinalik ko ang tingin kay Anacel at tinanong ko siya kung gusto niya bang makausap din si Tita Lucy. She agrees and I bring her to Tita Lucy who gladly talked to Anacel.

Pinuntahan ko na muna si Hanniel habang nag-uusap pa sina Tita Lucy at Anacel para ayain siyang kumain na muna o uminom ng tubig dahil kanina pa siya nakikipaglaro sa ibang mga bata. Halos ang kapatid ni Hiel na si Ady lang ang nakakalaro ni Hanniel sa labas ng eskwela. Hindi naman siya mahilig na lumabas ng bahay para makipaglaro sa mga kapitbahay namin. Kaya ngayong nakikita ko siyang nakikipaglaro sa ibang mga bata, nakakaramdam ako ng tuwa.

"Hanniel, kain muna tayo?" malambing kong tanong sa kaniya nang kunin ko ang atensyon niya.

"Okay po, Mama," aniya at nagpaalam sa mga batang kalaro niya.

Habang pinagmamasdan ko si Hanniel na nagpapaalam sa mga kalaro niya, nagulat ako nang dumating si Allon sa tabi ko. Soot niya rin ang puting shirt na may print na katulad ng sa lahat ng volunteers na nandito ngayong araw. Gano'ng shirt din ang soot ko. But why does the shirt look so good on Allon than the rest of us? Maganda ang hapit ng sleeves ng shirt sa mga braso niya at ang luwag noon sa bandang sikmura. 

His medium-length hair is brushed back. Despite his casual attire, he still looks magnificent in his simple white shirt, dark jeans, and pair of white rubber shoes.

"Are you hungry? I already prepared food for both of you," ani Allon at inabot sa 'kin ang isang bote ng tubig na nakabukas na ang cap. 

Nilingon ko ang 'di kalayuang mga tables kung saan nakalagay ang mga gamit namin at siyang lugar para sa 'ming mga volunteers. Galing din doon si Allon at siguro, nando'n ang mga pagkaing inayos niya para sa 'min.

Tiningnan ko ang tubig at naalala ang babaeng nag-abot din kay Allon noon kanina. Tahimik ko 'yong tinanggap at inangat ko ang tingin sa kaniya.

"Do you want to eat?" tanong ni Allon, his eyes on me.

Tiningnan ko ang noo niya at kinuha ko ang panyo mula sa bulsa ng pantalong soot ko bago ako tumingkayad para abutin ang noo niyang may pawis na dahil sa dami ng ginawa niya. It seems like he's used to going to charities like this too and it's probably because of his mother.

Allon bows a little so I won't have a hard time reaching for his forehead. He watches me as I wipe his forehead for him. Naamoy ko na naman ang mabango niyang pabango.

"Yes. Kumain ka na ba?" tanong ko pabalik.

Umiling si Allon. "Hinihintay ko kayo," aniya. He tucks some of my hairstrands behind my ear and my cheeks heat up.

Nawala lang ang atensyon ko kay Allon nang may humila ng t-shirt ko. Bumaba ang tingin ko kay Hanniel na nakakunot ang noo at nakatingala sa amin ni Allon. His chinky eyes look more like a slit now that he's looking at us like he's upset about something. Humahaba ang nguso niya dahil sa simangot.

Agad akong umatras palayo kay Allon at dinaluhan ang anak na nakatingin pa rin sa kaniya.

"Kain na tayo?" malambing na tanong ko kay Hanniel. Hinawakan ko ang likuran niya para tingnan kung basa ba siya ng pawis.

Tiningnan ako ni Hanniel at lalo siyang lumabi. Sinulyapan ko si Allon at naabutan ko ang paghawak niya sa batok habang tinitingnan din ang anak ko. 

"Mama, I'm hungry," ani Hanniel kaya naman bumalik ulit sa kaniya ang tingin ko.

Is this a tantrum? Nagtataka kong pinagmasdan si Hanniel.

"Kain po tayo, Mama," ulit niya at ipinulupot niya ang mga braso sa leeg ko, gustong magpakarga.

Agad kong binuhat si Hanniel at naramdaman ko ang bigat niya. Gusto sanang kunin ni Allon si Hanniel sa akin para siya na ang kumarga rito pero mahigpit ang kapit ni Hanniel sa leeg ko kaya naman hindi ko siya mabitawan. Umiiling din si Hanniel sa tuwing sinusubukan ko siyang ilipat kay Allon.

Karga ko si Hanniel nang lapitan namin sina Tita Lucy. Nakatingin kaagad siya kay Hanniel pagdating namin at mukhang nag-alala siya nang makitang kapit na kapit ang anak sa leeg ko.

"Why? Is something wrong?" nag-aalala niyang tanong at agad kaming dinaluhan.

Tita Lucy caresses Hanniel's back. Tahimik pa rin ito at hindi sumasagot. Kumuha si Allon ng upuan at agad na ibinigay sa akin. I smile at him and I sit on the chair. Pinaupo ko si Hanniel sa kandungan ko pero mahigpit pa rin ang kapit niya sa leeg ko.

"Hanniel, are you okay?" malambing na tanong ni Tita Lucy kay Hanniel pero hindi ito sumagot.

Agad kong hinaplos ang buhok ng anak at nahihiyang ngumiti kay Tita Lucy. "Baka po pagod na siya. Saka mukhang gusto na rin po niyang kumain."

Napatingin ako kay Allon nang lumapit siyang may dala nang pagkain. Our eyes meet as he places a chair beside me and sits there. Nakaramdam ako ng hiya lalo pa't nakikita ni Tita Lucy na pinagsisilbihan ako ng anak niya pero mukhang wala lang ito kay tita Lucy dahil na kay Hanniel din ang atensyon niya.

"Hanniel," Allon calls, placing a hand on Hanniel's back, trying to catch my son's gaze. "Are you hungry? Let's eat first then I will buy you ice cream. Do you want ice cream?" he asks. 

Pinigilan kong mapangiti sa tono ng boses ni Allon habang kausap si Hanniel. Nang hindi sumagot si Hanniel, nagpatuloy sa pagsasalita si Allon. 

"Anong flavor ang gusto mo? We can buy fruit-flavored ice creams. Berries? Mango?" He caresses Hanniel's back. "We will buy any flavor you want but you need to eat first."

"I want to go home," Hanniel mumbles, shaking his head. 

Nag-aalala kong hinigpitan ang yakap kay Hanniel. "What's the problem, baby?" I ask worriedly. "May umaway ba sa 'yo?"

Umiling si Hanniel at hinigpitan ang kapit sa leeg ko. 

Hinayaan kong makatulog sa bisig ko si Hanniel habang si Allon naman ay nagpatuloy na sa pagtulong sa iba pang mga volunteers sa pagliligpit dahil sa katatapos lang na pagpapamigay ng mga pagkain. 

Habang nakaupo ako at kalong si Hanniel nakikita ko si Allon kasama ang iba pang mga volunteers na nagliligpit ng mga upuan. Nakita ko na naman ang babaeng nagbigay sa kaniya ng tubig kanina na lumapit sa kaniya at nakipag-usap. 

The girl is laughing this time after telling Allon something. Si Allon naman ay tumango at nagpatuloy sa pagpapatong-patong ng mga upuan. Tumulong din ang babae habang kinakausap pa rin si Allon.

Hanniel adjusts to his sleep and distracts me from watching Allon and the woman he's with. She looks pretty with her fair skin, slim figure, and tall height. Halos kasing-katawan ng babae si Ida Mishal. 

I sigh. Ida Mishal has a model-like figure. . . Hinaplos ko ang likod ni Hanniel at lalong nakaramdam ng pait sa lalamunan ko habang iniisip ang kaibahan ng hitsura ko sa babaeng kumakausap kay Allon. 'Di hamak na mas maganda at balingkinitan 'yon kaysa sa 'kin. . .

Nang ibalik ko ang tingin kina Allon, nakita ko siyang may sinasabi sa babae na agad na nabura ulit ang ngiti. Kumunot ang noo ko sa kuryosidad kung ano ba ang pinag-uusapan nila. Allon nods at the woman before he starts to walk towards me. Iniwas ko ang tingin ko. 

Nang makalapit si Allon, umupo ulit siya sa tabi ko at nakita kong tinitingnan niya si Hanniel. Inangat niya ang tingin sa 'kin pagkatapos. 

"Are you hungry?" tanong niya sa 'kin. Ang isang braso niya ay nasa sandalan ng monoblock na inuupuan ko at ang isang kamay niya naman ay nakahawak sa tuhod niya.  

Umiling ako. "Mamaya na ako kakain kasabay ni Hanniel. Ikaw. Kumain ka na rin," I tell him. 

Tumango si Allon at ngumiti nang kaunti sa 'kin. "Mamaya na rin ako," aniya at ibinalik ang tingin kay Hanniel. "I can carry him for you so you can rest."

Hinayaan kong kunin sa 'kin ni Allon si Hanniel. He carries my son in his arms and Hanniel comfortably adjusts his head on Allon's shoulders. Sinuklay ko ang buhok ng natutulog na anak at napabuntonghininga sa pag-aalala. 

"I don't know what made him upset. . ." I mumble. 

"Don't worry. He might feel better after sleeping and eating," ani Allon. 

Tumango ako at napatitig sa kaniya. Allon gives me a small smile. Napatingin ako sa ngiti niya at pinigilan ko rin ang ngiti. 

Why would I feel bad seeing him with a woman who clearly has an interest in him when he smiles this way only to me? When he looks at me with a different look in his eyes? When he takes care of me differently than anybody else? When he cares this much about the people I care about?

Bakit ako nakakaramdam ng selos kung si Allon mismo ang nagpaparamdam sa 'kin na kahit ga'no man kaganda ang babaeng kasama niya, dahil ako ang mahal niya, ako lang ang titingnan at pipiliin niya nang paulit-ulit?

He doesn't even have to say it to me anymore. The look in his eyes and his actions are too loud to not understand. 

"Do you want to rest too?" Allon asks me. 

Tumango ako at napangiti bago isinandal ang ulo ko sa balikat niya. Ipinakita sa 'kin ni Allon ang isang kamay niyang hindi nakahawak kay Hanniel at kinuha ko naman 'yon para pagsiklupin ang mga kamay naming dalawa. 

I sigh and I close my eyes. Naramdaman ko ang paghalik ni Allon sa buhok ko at itinago kong muli ang namumuong ngiti. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com