Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

032. narration

TROPANG EGGCELENT
active now

irene:
sino na nasa school?

yeri:
meh.

seulgi:
ako.

irene:
nandito ka na, seulgi? saan ka banda? puntahan muna kita.

seulgi:
sa rooftop.

[ SEULGI ]


" hoy bruha! " agad akong napalingon kay irene na nasa tabi ko na pala, nilagay ko na sa bag ko ang mga sulat na nakita kong nakalagay kanina sa locker ko.

hindi kahabaan ang mga ito at halatang minadali ang pagsulat. akmang kukunin na ni irene ang mga sulat kaya hinayaan ko nalang sya.

" ano ba naman 'to! magsusulat ng love letter pero ang ikli, ang tamad naman ng nagsulat nito. " natawa nalang ako sa sinabi nya.

humarap ako sakanya at nagsalita, " ang tamad mo kasi talaga. magsusulat ka nalang ng love letter, minadali mo pa. "

" huh? " patay-malisya at nakakunot ang noo, akala nila hindi ko alam?

" diba kayo naman ang gumagawa ng love letters? nakita kita kanina na nilagay sa locker ko yung mga sinulat mo. " hindi sya nakapagsalita agad at tila gulat na gulat pa sa sinabi ko.

" huwag mong sabihin na nagkakamali ako kasi matagal ko nang alam. pinagtutulungan nyo kaming dalawa ni jimin, papalabasin nyo na sa kanya galing yun, paano ko nalaman? kasi nanggagaling yung mga sulat doon sa letrang p, a, n, d, a at k na kapag binuo ay pandak ang kalalabasan. tama ba ako? "

" hindi ako galit, irene pero sana kung gusto nyo kaming magkatuluyan ni jimim, hindi sa ganitong paraan. " agad akong naglakad paalis sa rooftop, hindi ko kasi matanggap na nagsabwatan sila para lang saaming dalawa ni jimin.

oo, ang effort ng ginawa nila pero puro pagsisinungaling rin pala. palibhasa hindi ko alam ang sulat-kamay nila, ginawa nila 'yun.

nang makaalis ako ng rooftop, papunta na sana ako sa gym pero nakita ko si rose na kasama si jimin. masaya sila, sobrang saya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com