27. Five Orange Pips
"The moon does not mourn over the dead. What it does is shine light on the truth."
- Shinichi Kudo
Chapter 27:
Five Orange Pips
· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANE
"What do you mean by he? Ang ganda kaya ng calligraphy na iyan!" wika ko.
"It could indeed be a woman, but the police would be better equipped to determine that for certain," sagot niya habang dahan-dahang ibinabalik ang mga laman ng pulang sobre sa loob nito. "Ang amoy lang kasi ang nagpakumbinsi sa akin na tama ang kutob ko."
Inilapit niya ang kaniyang hawak sa akin, at sumingaw ang amoy ng isang mamahaling pabangong panlalaki, na agad pumasok sa aking ilong.
"Kung sino man ang nagpadala niyan ay baka tagahanga mo," sambit ko na lamang.
"Ano pala yung nasa selpon ko?" tanong niya. Sa muli ay nagsimula na naman kaming maglakad. Napahinto lang ako nang pumasok siya sa kaniyang kuwarto.
"Hindi ko mabuksan dahil sa PIN," wika ko. Sa ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang kaarawan niya.
Matapos mailagay ang sobre sa isang clear plastic at hubarin ang kaniyang gloves, kinuha niya sa akin ang selpon. Pagkabukas gamit ang kaniyang fingerprint, bumulaga sa amin ang parehong mga litrato na natanggap namin sa loob ng sobreng iyon.
"Tara na!" yaya ni Raine.
"Teka lang, magbihis muna tayo. Baka mapagalitan–"
"Sige!"aniya.
Without any warning, she shut the door to her room. I could sense her urgency, so I quickly headed to my own room and changed out of my uniform as well.
࿐ ࿔*:・゚
"Ipinatingin pa namin iyon sa mga eksperto."
Mula sa kayumangging pintuang nasa kaliwang bahagi namin ay lumabas si Kuya George. Nang dahil sa maaaring hindi kami pwedeng pumasok sa mga opisina nila ay nanatili lamang kami sa waiting area sa labas ng isang silid sa ikalawang palapag.
Halos kalahating oras na kaming nakaupo roon bago siya nagpakitang muli sa amin.
"Baka matagalan pa–" dagdag niya na naputol nang dahil sa muling pagbukas ng pinto.
"Sige, papasukin mo sila rito," ani ng dumating. Sa pagkakaalala ko ay siya ang guwardiya noon doon sa una naming pinuntahang kaso ni Raine.
Sinamahan nila kami sa loob na kung saan ay marami pa kaming nakitang pulis na may kani-kaniyang ginagawa sa mga puwesto nila.
Dumiretso lamang kami hanggang sa nakarating sa kuwarto na nasa kaliwang parte ng gusali. Sa may pinto ay may nakapaskil na Interview Room.
Kagaya ito ng mga nakita ko na noon sa palabas kung saan nila tinatanong ang mga posibleng suspek. "Bakit tayo nandito?" pabulong kong tanong kay Raine.
Mayroong isang pulis na nauna na sa amin doon at may tinitingnan sa kaniyang laptop. Naupo ito sa isa sa tatlong upuang naroroon. Sa kaniyang vest ay may nakalagay na badge at sa kabilang parte naman ay ang kaniyang apelyido: Lee.
"Siguro ay may nalaman sila," pabulong namang sagot ni Raine sa akin.
Nabaling ang mga mata ko sa kaparehong USB na galing sa sobre na nakalagay sa laptop nito.
"Just in case the memory stick has any virus, we used a specialized computer," wika ng lalaking pulis na iyon. "Tingnan mo ang nakita namin."
Sa screen ay mayroong encrypted Ms. Word file na mayroong mga nakasulat na salitang may font size na 80 at kulay pula rin. Ang background naman nito ay kulay itim.
Do I have your attention now?
"That's the only thing in the single folder on the memory stick given to you," dagdag pa nito. "The only file."
"May hinala ka ba kung sino man ang nagpadala niyan sa iyo pati yung ipinakita mong mga litrato?" tanong kay Raine ng lalaking nagpapasok sa amin. "At bakit pala kasama ka na naman?" Nalipat ang atensiyon nito sa nananahimik kong sarili.
"Uh, sinamahan ko lang po ang kaibigan ko," sagot ko na lamang.
"Hindi ko po alam kung sino ang nagpadala niyan o kung paano man iyan nakapasok sa apartment pero malakas po ang loob ko na may kinalaman ito sa mga nangyaring kaso noong mga nakaraang araw," sagot ni Raine.
"Mga kasong hindi mo naman dapat pinakielaman?" tanong ng masungit pa rin na lalaking may apelyidong Aguilar.
"Tini-trace na namin ang numero ng nagpadala sa iyo at saka hinahanap na rin ang mga CCTV footages na puwedeng magpakita kung sino man ang nagbigay niyan sa inyo," wika ni Officer Lee.
"Sigurado ka bang wala nang ibang pumasok sa bahay ninyo maliban na lang sa Ate mo?" tanong ni Kuya George.
"Wala po pero sa pagkakatanda ko ay naroon na iyon bago pa man dumating ang kapatid ko," sagot ni Raine.
"Idadagdag din namin iyon sa imbestigasyon," wika pa ni Officer Lee sa kaniyang maamong tono. "Plus, we also have to wait for the handwriting analysis."
"Malaki ang posibilidad na matagalan ito lalo na't walang fingerprints sa sobre, USB, at maging sa mga photocards," wika ni Kuya George.
"Mag-a-update na lang kami sa iyo ng mga resulta, Raine. Sa ngayon, mag-iingat ka palagi at isama mo lang iyang kasama mo para may tagabantay ka," ani Officer Lee na napatingin sa akin ang medyo singkit niyang mga mata.
Iyon naman po talaga ang gagawin ko, Officer.
"Pinapatawag ako sa field ngayon. Sasama ka na rin ba, Detective Inspector?" tanong ni Officer Aguilar.
"Sige," sagot ni Kuya George.
"Mabilis lang kami, Ms. De Verra. Siguro naman ay alam mo na kung saan kami pupunta, hindi ba?" tanong pa ni Officer Aguilar.
"Yung sa ilog po?" wika lamang ni Raine.
"Sinasabi na nga ba, alam mo na. Baka mamaya nandoon ka na namang bata ka!" ani Officer Aguilar.
"Basta kapag si Detective Ferrer ang ipinatawag, nandiyan iyang si Raine," pabirong wika ni Officer Lee.
"Basta bukas may klase tayo. May laboratory activity kaya hindi ka dapat mag-absent," sambit ni Officer Aguilar bago umalis sa silid kasama si Kuya George.
"Sige po, Kuya Ron. Mauna na po kami," wika ni Raine na natirang pulis sa loob.
"Sige. Mag-iingat ka, a!" sagot nito na binigyan kami ng isang malugod na ngiting nagpasingkit pa sa kaniyang mga mata.
Nang dahil doon ay hindi ko napigilang maalala na naman si Aliza.
"Tara na."
Paglabas namin sa police headquarters ay naalala ko kung ano ang nangyari noong bumisita ang Ate ni Raine sa amin. "Alam nila ang tungkol sa Ate mo?" tanong ko sa kaniya. Gaano ba kataas ang tungkulin nito?
"Yup," sagot ni Raine.
"Napansin din ba ng Ate mo ang naroong sobre?" dagdag ko pa. "Napansin niya nga agad ang mga bagay tungkol sa akin, e, iyon pa kaya?"
"Sinabi niya lang sa akin na may tagahanga na raw ako," sagot pa niya.
As we walked towards the terminal for vehicles which would take us back to the suburbs, someone on a motorbike stopped near us, clad in a helmet with a black visor.
"Excuse me." Hinubad nito ang kaniyang helmet at saka ko nakita ang kaniyang mukhang maamo. "May nagpapabigay sa iyo."
Base sa kaniyang itsura ay nasa ika-dalawampu't limang taong gulang na ito o higit pa. Iniabot niya ang isa pang pulang sobre kay Raine at kita ko sa kaniyang mga mata na kalmado ito.
"Kanino iyan galing?" tanong ni Raine.
"Hindi ko kilala, e. Basta ang sabi lang niya ay ibigay ko ito sa babaeng nasa litratong ipinakita niya," sagot ng lalaking nakamotor.
Binuksan niya ang kaniyang selpon na may kaunting basag na at saka ipinakita sa amin ang litrato ni Raine na nasa library. Wala ako roon subalit sa pagkakatanda ko ay nangyari pa lang iyon kahapon.
"Hindi ba–" wika ko na naputol kaagad nang dahil sa panibagong tanong ni Raine.
"Ano pa po ang sabi niya? Paano mo po nakuha ang litratong iyan?" tanong nito sa nakamotor.
"Pinasa niya sa akin sa pamamagitan ng Bluetooth," sagot nito. "At saka may pinabasa lang siya sa akin."
"Pwede po bang makita ang file?"
"Sige pero pakibilisan lang kasi may trabaho pa ako," wika ng lalaki sabay bigay sa kasamahan ko ng selpon niya.
Pagpindot niya ng notipikasyong iyon ay naroon ang ilang detalye tungkol sa litrato.
Receiver.jpg. Sender. 1.57 MB. Received complete.
Pagkatapos mapindot itong muli ay naroon na nga ang malaking litratong nagkokompirmang siya nga iyon.
"Salamat po," wika ni Raine kasabay ng pagbalik niya ng selpon nito. "Ano po ang itsura ng nagbigay po niyan sa iyo?"
"Hindi ko nakita ang mukha niya dahil may suot siyang shades at sombrero. Hindi ko rin narinig ang boses niya dahil pinabasa lang niya ang nakasulat sa screen ng tablet niya," sagot nito. "Sabi niya roon ay hindi raw siya nakakapagsalita kaya ganoon ang nangyari–"
Isang pagtawag mula sa selpong iyon ang pumutol sa kaniyang pagsasalita. Boss.
"Kailangan ko nang umalis. Mauna na ako." Sa akin niya iniabot ang pulang sobre kasabay ng paglaho nito kasama ang mga nagsidaang mga sasakyan.
"Weird!" sambit ko na lamang.
Ibinigay ko kay Raine ang sobre. Sa oras na iyon ay wala na ang calligraphy.
"Ano bang nangyayari rito?" tanong ko pa.
Pagbukas niya nito ay mayroon na namang litratong nakalagay sa photo paper.
Isang litrato — isang dalagang nakasuot ng kulay pulang Sunday dress at nasa loob ng isang silid na kaparehong-kapareho ang ayos sa mga apartment ni Tita.
Mukhang luma na ito at saka walang timestamps. Pinahawak muna ito sa akin ni Raine at saka kami sinalubong ng mga buto ng kung anong citrus na prutas.
Nanlaki ang mga mata ni Raine na para bang nakakita ng multo. "Anong nangyari, ano iyan?" Sinabayan pa ito ng pag-ring ng kaniyang selpon.
"Hello, Lorraine De Verra." Isang pamilyar na boses ang nagsalita roon.
"Paano mo po nalaman ang pangalan ko?" tanong ni Raine na para bang itinatago ang kaniyang takot.
"Siya ba yung kanina?"
Tinanguan niya ako at saka pinalakasan ang volume ng kaniyang selpon.
"Hawak ko ngayon ang... una kong biktima... n-na... ma-mamamatay nang da-dahil sa iyo," dagdag pa nito na napalitan ng pagkatakot ang kaninang kalmado niyang boses.
"Sino ka? Bakit mo ito ginagawa?" tanong pa ni Raine.
"Gusto k-ko lang na ipagpatuloy ang... larong nasimulan," sagot pa nito. "Binibigyan kita ng dalawampu't apat na oras pa-para ma-malutas ang kasong iyan. Mag-Magsisimulang muli... ang... dati nang na-nasimulan."
Beep.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com