𓆩ꨄ︎𓆪24. Cookie Crumbles
"You may escape from your problem for now. But sometime later, you will have to face it. The inevitability is clear. You can take as many detours as you like, but the destination will still be the same."
- Luthor Mendez, from Project Loki
-----
Chapter 24:
Cookie Crumbles
· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANE
Pagbukas ng aking mga mata ay binati ako ng kulay pulang dingding na may mga disenyo at ng isang orasang analogo.
6:00 a.m.
"Buenos días." Pagtingin ko sa kanan kong bahagi ay naroon ang kasama ko — nakaupo, nakatingin sa akin, at kumakain ng kanin.
Matapos ang ilang araw ay dumating na rin ang araw ng Huwebes. Noong mga nakaraang araw ay hindi ko nakita si Aliza pati na rin ang Papa niya. Kung nagpahinga man siya ay ayos lamang ang isang araw na iyon na wala kaming pasok.
Sana naman ay ayos lang siya at pati na rin ang pamilya niya.
Pag-unat ko sa aking mga kamay ay natagpuan ko ang aking sarili na nakaupo sa sofa. "Teka, dito ba ako nakatulog?"
In the past few days, Raine and I were busy with a pile of assignments. Thankfully, no new problematic cases came our way.
"Ano sa tingin mo?" tanong nito. "Pagkatapos mong uminom ng tsaa, nakatulog ka agad. I understand, as what happened in the past few days was no small matter — dealing with that case and then the stressful assignments."
"Oo nga, e. Sana ayos na si Ali," wika ko.
"Just be prepared for whatever reaction she might have when you see her again. It happens quite often," pabulong niyang wika. "Ngayon ay bilisan mo na riyan kasi may klase pa tayo."
"Pero alas nueve pa naman yun. Ang aga pa, e," reklamo ko naman.
"Doon na lang tayo tatambay sa library. At least we will not be late for our first subject — Fluid Mechanics," wika niya.
In the past few days, a female substitute teacher has taken over for Professor Tan. I wonder what’s happening with them.
࿐ ࿔*:・゚
Matapos ang mahabang oras ng pakikipagsiksikan sa minibus ay nakarating na rin kami sa wakas sa eskuwelahan.
Pumasok muna kami sa library na mas malaki pa sa inasahan ko. May mga bilog na ilaw na nakabitin sa salaming bubong sa itaas at nababalot ng iba't ibang tinta ng kulay kayumanggi ang paligid.
Abot sa ikatlong palapag ang gusali at halos lahat ng parte ng dingding na kita sa labas ay gawa sa matigas na uri ng salamin. Kakaunti pa lamang ang naroon kaya naman ay makakapili pa kami ng magandang upuan at mga libro.
Pagkatapos maiwan ang aming bag at ipakita ang library card sa librarian ay umakyat na nga kami ng hagdanan papuntang ikalawang palapag.
Naupo kami sa may parteng malapit sa bintana at sa isang aircon na nakatapat sa akin.
"Hindi ka ba kukuha ng libro?" tanong ko sa babaeng naupo sa aking harapan.
"Magsusulat ako ngayon," sagot lamang nito kasabay ng pagbukas ng kaniyang laptop.
"Bahala ka." I stood up and wandered to the fiction section of the library where my eyes were drawn to a novel in the thriller genre.
Handa na sana akong basahin ito nang hindi ko napigilang maalala ang mga sinabi ni Raine noong Lunes.
"What did you mean by what you said about your reader?"
"The one who said you’re quite feminine?" tanong nito na nagpatuloy lang sa kung ano man ang sinusulat niya. As my eyes shifted, they landed on the name 'Zane'.
"Ako ba iyang nasa sinusulat mo? Ano ba iyan?" Ibinaba ko muna ang libro ko at saka tumayo sa kaniyang likuran.
"Nobela ko," sagot nito.
Both of their hands were tied behind their backs. Zane had nothing to do but to watch his beloved Alyssa–
"Zane? Alyssa?"
"Zane Ramirez at Alyssa Lee. May problema ba?" Natigil siya sa pagsusulat at nabaling ang tingin sa akin.
"Kung ganoon ay sinusulat mo pala ang mga nagawa mong kaso?" tanong ko pa.
"May nakapagsabi sa akin na makabubuti ito sa akin. At saka, kung gusto mo itong basahin para malaman mo kung ano–"
"Who said that to you?"
"Hindi mo na kailangang malaman. Umupo ka na lang diyan ang mag–"
"Raine, nandito na ako, damay na sa mga nangyayari sa paligid mo. Kung alam mo lang sana kung gaano kalala ang naramdaman kong takot noong Lunes para lang pagtakpan ang tunay mong lokasyon," wika ko at saka umupo sa kaniyang tabi upang malaman niyang hindi siya nag-iisa.
"Zane, huwag mong sasabihin ang mga pangyayaring iyon sa ibang tao rito sa eskuwelahan. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari kung ganoon ang mangyayari," malumanay niyang paliwanag habang nabaling sa akin ang kaniyang mga titig.
"Don't worry, I promise to keep this a secret on our school," wika ko rito sa mahinahon kong tono.
"In our school," pagsabat niya sa mahaba ko pa sanang talumpati.
"Huh?"
"In dapat at hindi on our school," pagpapaliwanag niya. "Sige na. Sorry."
"Despite how terrifying it is, I won't even share it to my family–"
"With."
"Ano naman ang namali ko doon?"
"With my family dapat," sagot niya na nakatitig pa rin sa akin at hindi pa nagta-type.
"Ah, okay. Now, since we'll be together for four years, consider me as your knight in shining armor," pagpapatuloy ko.
"Kahit na magkaroon ka pa ng girlfriend?" tanong niya.
"We're not sure when I'll find one, but even in that scenario," sagot ko.
Isang ngiti ang namuo sa kaniyang mga labi kasabay ng pagtango-tango nito sa akin.
"Hindi ka na nagsalita. Wala na ba akong mali?" pabiro kong tanong, umaasang palagi na lamang siyang masaya.
"Bilisan mo nang magbasa, maya-maya lang ay aalis na tayo," wika niya sabay pindot ng isang letra sa kaniyang keyboard.
Tumayo ako sa aking inupuan at bumalik sa dati kong puwesto. Habang nagbabasa ay ramdam kong mas gumagaan na ang loob ko sa kaniya... tamang-tama lang para mas pagkatiwalaan pa niya ako.
࿐ ࿔*:・゚
8:30 a.m.
Matapos ang ilang minuto ay bumaba na rin kami sa hagdanan para bumalik na sa silid na gagamitin namin.
Habang naglalakad ay nabaling sa babaeng paakyat ng hagdan ang aking mga titig.
"Aliza!" Naroon ang bago kong kaibigan — nakasuot ng kaniyang uniporme na mayroong kulay kayumangging bow tie at saka may hawak-hawak na libro. "Ayos ka na ba? Anong–"
Mabilis siyang lumapit at saka tinakpan ang bibig ko habang tumitingin-tingin sa paligid. Matapos umakyat ng mga kasamahan niya ay noon lamang siya nagsalita.
"Zane, huwag na nating pag-usapan ang nangyari noon. Hindi lang iyon dahil sa sinabi sa akin ng mga pulis, kung hindi ay dahil din sa ayoko nang makabalik pa doon," wika niya na may namuong luha sa kaniyang mga mata.
"Pero kaya naman nating iyong lampasan. Nandito naman kami para sa iyo," sagot ko.
"Zane, or whoever you really are, I trusted you, but you didn’t tell me the truth," dagdag pa niya na sinabayan ng pagtulo ng isang luha pababa sa kaniyang pisngi.
"We're so sorry–"
"Alam mo, gusto ko pa naman kayong dalawa — lalo ka na kasi iba ka sa mga nakilala kong lalaki," pagpapatuloy ni Aliza. "Pero niloko niyo ako, e. Pangalan niyo na nga lang, hindi niyo pa sinabi sa akin, paano pa kaya ang mga bagay-bagay tungkol sa inyo!"
"Ali–"
"And I don’t know why my sweet aunt, as my uncles described her to me, would be interested in finding you, Lorraine," wika pa ni Ali na nabaling ang mga titig kay Raine. "Bakit nadamay pa siya sa kung sino man na may gustong maghanap sa iyo? Dinamay mo pa kaming dalawa pati na sila Tito at Papa!"
Matapos ang pagtulo ng isa pang luha ay dumiretso na siya sa paglalakad. "Aliza!" Gusto ko man iyong lakasan subalit alam kong bawal kaming mag-ingay sa library.
Para bang nawasak ang aking puso sa aking narinig mula sa taong akala ko ay magdadala na sa akin ng kaligayang panghabang-buhay.
"Tara na," wika ko na lamang kay Raine na hindi na nga nagsalita pa.
࿐ ࿔*:・゚
Naunang umuwi sa akin si Raine matapos ang aming klase. Bumalik ako sa library upang kausapin sanang muli si Aliza subalit sa paglipas ng maraming minuto ay walang dumating.
Inabot din ako ng maraming segundo sa paghihintay ng masasakyang minibus kaya naman ay sumakay na lamang ako sa jeep kahit na siksikan na roon.
Pagdating sa entrance ng gusali ni Tita ay hinubad ko ang coat kong kulay mapusyaw na kayumanggi na hindi ko naman masyadong pinansin noon. Tumingin ako sa salamin sa gilid ng common room at noon ko lamang napansin ang ganda ng aking kasuotan.
"Coffee-colored coat followed by a long sleeve, white shirt plus another coffee-colored trousers," sambit ko habang tinitingnan ang suot ko. "Ali's wearing a medium mocha beige bow tie, just like me and Raine. Kung naaalala ko pa, ang nakita ko kay Ate ay may pagka-pula."
Hay, Zane! Ginagawa mo lang iyan dahil pagod ka at hindi masaya.
Matapos ang pag-iinspeksiyong iyon ay bumalik na ako sa loob ng apartment. Pagbukas ko ng pinto ay sinalubong ako ng isang parang dart na muntik na akong mahagip sa pisngi bago ito tumama sa nakalagay na target board sa dingding.
Hahanapin ko na sana ang pinanggalingan nito nang isa pang dart ang tumama sa pader na nagpatigil sa aking paggalaw.
Matapos nun ay nakita ko si Raine na nakatayo sa pasilyo papunta sa mga kuwarto namin at daanan papunta sa balkonahe. Hawak-hawak niya ang kaniyang dart gun at nahinto lamang dahil nilalagyan pa lamang niya ng panibagong bala.
"Anong nangyari? Bakit–"
"Umalis ka riyan, baka madamay ka pa." Sa muli ay nawala na naman ang kaniyang masayang ekspresyon at naibalik sa malamig niyang mga titig.
"Paano kung may matamaan kang iba niyan–"
"Kaya nga umalis ka riyan. Hindi ko naman sinabi sa inyong pumasok kayo habang ginagawa ko ito, e." Itinutok niyang muli sa dingding ang kaniyang munting dart gun at saka na ako pumunta sa kusina upang makaiwas.
"Anong nangyari? Nakikita kong parang may iniisip kang malalim?" tanong ko. "May bago ka bang kaso? Galit ka ba?"
Isang dart ang tumama sa bull's eye kasama ng nauna pang tatlo. "Naiinis!" sagot niya. "Naiinis ako dahil sa mga nangyayari!"
"Naiinis ako dahil hindi ko makontrol ang sarili ko!" Sinabayan ito ng panibagong pagtama ng dart sa dingding.
"Naiinis ako dahil ang dami-dami nang nadadamay at hindi sapat ang pagtatago!" Isa pang bala ang lumabas mula sa baril.
Nang dahil sa ubos na naman ang bala nito ay alam kong pagkakataon ko nang kunin sa kaniya ang baril at itago muna iyon bago siya makapanakit pa ng sarili niya o ng ibang taong papasok sa pinto.
"Tama na niyan. Delikado ang bagay na iyan, muntik mo na nga akong mabaril sa ulo!" sermon ko rito sabay kuha sa hawak-hawak na dart gun.
"Alam mo, kung gusto mong maging eksperto sa ganito at sa mga kasong ginagawa mo, bakit hindi ka na lang nag-criminology?" tanong ko pa. "Ngayon ay parang konsumisyon ka lang sa pulisya tsaka nadadamay pa ako," pabiro kong dagdag.
"Ayaw ng magaling kong Ate — delikado raw at saka kaya nga hinayaan niya si Detective Ferrer na isama na lang ako para magkompirma lang ng mga bagay-bagay," sagot niya.
"Kung iyon naman ang gusto mo, bakit hindi mo pa kinuha?"
"Sinong may sabing hindi?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com