Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

𓆩ꨄ︎𓆪39. Stupendous Saturday

"To deceive your enemy, begin with your ally."

- Hattori Heiji

-----

Chapter 39:
Stupendous Saturday

· · ────── ·𖥸· ────── · ·
ZANE

Nagising na lamang ako ng ingay na nanggagaling sa hindi ko mawaring lugar. Pagdilat ng aking mga mata ay hinayaan ko itong hanapin ang pinaroroon ng nakakairitang musika.

Halos hindi ko pa maibuhat ang aking katawan nang dahil sa mga kamay na para bang humihila sa akin pababa sa kama.

Iniunat ko ang aking kanang kamay upang maghanap hanggang sa nakita ko na lamang ang sariling nahulog sa kawalan.

"Oof!"

Lumagabog ako sa kahoy naming sahig na naging dahilan upang maibalik na ang aking atensiyon sa reyalidad.

Agad kong itinayo ang sarili, nagbabakasakaling wala namang ibang nakakita. Acting as if nothing had happened, my attention shifted to my phone lighting up.

Pagkapatay ng alarm na ako lang naman pala ang nagbigay sa aking sarili ay bumalik na rin sa akin ang mga alaala ng kahapon.

"Nasaan si Raine?" Agad kong binuksan ang aking kuwarto at saka lumabas papunta sa labas ng nakakandado palang silid ng kasamahan ko.

"Raine?" Nakailang katok ako sa kaniyang pintuan subalit walang sumagot.

Pagtingin ko sa sala ay wala na roon ang bag na nilalagay niya lang sa taas ng bookshelf na nasa gilid ng telebisyon.

Pagtingin ko sa orasan ay nakita ko ang oras na mas nagbigay sa akin ng kaba.

10:00 a.m.

"Nandoon sa siguro siya. Male-late ako nito!"

Kumaripas ako ng takbo papunta sa kusina, nagmamadaling maghanap ng kahit ano mang makakain.

Matapos kumain ng tinapay na natira noong bumisita ang kapatid ni Raine at saka uminom ng tsaang hindi ko pa rin gusto ay nagbihis na nga ako at iniayos ang aking mga gamit.

"Baon? Nandito. Ang pera ko? Nandito na rin," wika ko sa aking sarili.

Tara na, Zane!

Handa na sana akong buksan ang pintuan ng apartment namin nang may kung anong pumasok sa aking isipan na hindi ko makita nang maayos.

"Alas dose na. Ala una ang klase ko," sambit ko. "Mahirap na ang pabilisan sa sasakyan–"

Finally, it came off of me. Kinuha ko ang selpon sa aking pantalon at nakita ang schedule na nakapaskil sa bago kong lock screen.

12:29 p.m.
Sat, 12 Aug

"Oo nga pala!" bigla ko na lamang sambit na nagpahinto sa akin. "Wala pala kaming pasok ngayon. Oo, may NSTP subalit hindi pa rin sinasabi kung kailan iyon magsisimula."

Ibinaba ko ang dala-dalang bag at saka umupo na lamang sa paborito kong upuang nakaharap sa patuloy na umiikot na orasan.

Tik tok.

Nakipagtitigan lang ako sa oras habang panay ang paggalaw ko sa aking nakadekuwatrong paa.

"Boring," reklamo ko. Tatayo na sana ako upang hayaang makapag-ikot-ikot ang sarili kong punong-puno ng panibagong enerhiya nang isang mensahe ang dumating sa hawak kong selpon.

Please tell me this is not another one of those anonymous messages.

Pagkuha ko sa aking selpon ay binati ako ng panibagong mensahe galing kay Ate Elizabeth.

Pagkakataon niyo nang makausap ang asawa ni John Zamora.

"Ako lang mag-isa? Sigurado ba siya?" reklamo ko sa aking sarili.

Pagtayo ko sa aking kinauupuan ay pansin ko ang tahimik ng paligid. Maayos na ang mga bagay-bagay at para bang hindi na nangangailangan ng paglilinis.

"Darn it, sige na nga!" Agad akong pumunta sa kuwarto ko at kinuha ang mga damit upang magbihis sa sarili kong banyo.

Pagkatapos mag-ayos ay dinala ko ang aking susi at pitaka papunta sa labas kung saan nakita kong muli ang drayber ni Ate Elizabeth.

Gusto ko mang kausapin subalit hindi ito nagsasalita. Sinenyasan lamang akong pumasok bago kami umandar palayo.

࿐ ࿔*:・゚

"Oo, asawa ko nga siya," wika ng isang babaeng nakita kong nagtapon ng basura sa labas ng bahay nila. "Sino ka? Bakit mo iyan tinatanong?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niyang iyon. Alam kong maaaring mangyari ang ganoon subalit wala naman akong magagawa. Kung hindi man sumunod ay baka matanggal ako sa scholarship.

Come on, Zane. You're smart!

"Uh... Na-Nabalitan ko po yung nangyari sa kaniya at–"

"Kasama ka ba ng mga pulis?" tanong nito.

"Mga pulis? H-Hindi po," ang agad kong sagot.

"Bakit naman nandito ka?" tanong pa nito.

"Na-curious po ako sa nangyari," sagot ko na lamang.

"Huwag kang mag-alala, patuloy pa ring nag-iimbestiga ang mga pulis tungkol sa nangyari," wika nito. "Ngayon ay babalik na ako sa loob. Kailangan ko na ring mag-asikaso dahil bibisitahin ko pa ang bangkay niya."

"Saan po siya nakaburol? Hindi po ba sa bahay niyo?" tanong ko pa.

"Sa bahay nila sa kabilang kanto," sagot nito.

"Saan po?"

"Diretso lang diyan. Kilala ka ba niya?" tanong niya.

"Makikiramay lang po ako," sagot ko.

"Sige. Papasok na ako sa loob."

Sa muli ay sinenyasan ako ng drayber ni Ate Elizabeth. Sa muli ay umandar na naman kami at sa oras na iyon ay dinala niya ako sa tabing-ilog.

Ano naman kaya ang gagawin ko rito?

Pagbaba ko ay tahimik ang lahat. May mga mangilan-ngilang tao sa paligid subalit karamihan dito ay mga batang naglalaro.

"Tabing-ilog?" wika ko na lamang. "Hindi po ba–"

Napahinto ako sa paglalakad nang may isang lalaking nakaupong mag-isa ang tumayo at para bang malalim ang iniisip habang nakatingin sa medyo may kalalimang tubig.

Sino naman kaya ito?

Mula sa bulsa nito ay may kinuha siyang sigarilyo at saka ito inilagay sa kaniyang bibig. Naghanap muli siya sa kaniyang bulsa hanggang sa nagtagpo na nga ang mga titig namin.

"Sino ka?" tanong nito sabay alis ng sigarilyo niya. "Nandito ka rin ba para makipanayam ako?"

Based on his facial features, he seems to look like he is in his thirtees.

"Interview? Bakit po?"

"Matapos kong makita ang kaibigan kong wala nang buhay rito, marami na ang humihingi sa akin ng panayam," sagot nito.

Ang sabi sa akin ng Ate Elizabeth ay mga bata ang huling nakakita sa namatay. Sino ang hindi nagsasabi ng totoo sa kanila?

"Dito namatay si John Zamora?" tanong ko kasabay ng paglaki ng aking mga mata sa kaba. Kailangan ko siyang subukan.

"Ang iinit ng mga mata niyo sa akin. Kaibigan ko siya at hinding-hindi ko magagawang saktan siya," sagot pa niya.

"Sandali," pagputol ko kasabay ng paglakad ko papunta rito. "Hindi po ako nandito para husgahan ka."

Nanahimik siya nang kaunting minuto hanggang sa ibinalik niya sa akin ang kaniyang tingin. "Magtatagal ka ba rito?"

"Hindi ko po alam, e," sagot ko. Baka nandito ang USB na iyon o baka naman binigay niya sa isa sa mga pinagkakatiwalaan niya.

Go, Zane. Tapusin mo ang gawain kahit wala pa si Raine!

"Bakit naman pumunta ka rito? Pulis ka ba o reporter?" tanong niya.

"A curious individual," sagot ko.

"Hindi ko sila gusto," wika niya.

"Mga pulis?"

"Mga taong sinasabing ako ang may gawa sa kaibigan ko," sagot niya.

Dumiretso na lamang ako paghahanap. Marami ang damo sa lugar — creeping bentgrass, also known as Agrostis stolonifera.

"Hindi ko rin gusto ang mga judgmental," sambit ko. Maaaring nasa paligid lang nahulog ang USB.

"Ano ang hinahanap mo riyan?" tanong nito.

"Nung nakita mo po si John, wala naman po bang dugo sa katawan niya? Ano po ba ang nakita niyo?" tanong ko. "May mga bata po ba?"

"Tama nga ako, makikipanayam ka nga," aniya. "Pero sige, dahil pinapaniwalaan mo ako, hindi kagaya ng iba. Walang dugong nahanap sa kaniya. Hindi pagkalunod ang ikinamatay niya ayon sa mga pulis na nag-iimbestiga kahit na basang-basa siya noong nakita ko."

Ayun, kapareho sa sinabi ni Ate!

"Ako muna ang nakakita pero dumating yung mga batang naglalaro at sila ang nagsabi sa mga pulis," sagot pa niya.

"Bakit naman po kayo ang sinasabing pumatay sa kaniya?" tanong ko.

"Hindi ko alam sa kanila," sagot nito. "Magkalapit kaming dalawa kaso simula noong dumating ang nobya niya madalas na kaming hindi mag-usap. Nung gabi bago siya namatay, nagpunta pa kami noon sa bar — kami lang na dalawa. Hindi naman kami uminom, sadyang nagpunta lang sa madalas naming tambayan."

"May dahilan po ba?"

"Anong ibig mong sabihin doon? Siya ang nagyaya sa akin dahil gustong manghingi ng advise ko raw," sagot pa niya. "Plano niya na sanang mag-propose sa nobya niyang iyon."

Hindi pa pala sila kasal. Kaya siguro magkaiba ang bahay nila.

"Sino po ang hinuli ng mga pulis? Meron na po ba?" wika ko.

"Sa ngayon ay sinasabi nilang aksidente raw ang nangyari. Nakita kasi ang mga senyales na aksidente siyang nahulog sa rumaragasang tubig noong gabing iyon," aniya.

"Noong gabi pong iyon, may binigay po ba siya sa inyo? May nabanggit po ba siya tungkol sa mga files?" dagdag ko.

"Wala naman siyang binigay. Ang sinabi lang niya ay ilang beses na siyang hindi nakakatulog dahil parang may mga nakatingin palagi sa kaniya," sagot nito.

"Nakatingin?"

"Mahilig siyang magbigay ng mga bagay-bagay sa amin kagaya ng mga damit at pagkain pero kahit na ganoon ay napakapribado niyang tao," sagot nito at saka ko na napansin ang anino niyang papalayo sa akin.

"O siya," dagdag niya. "Aalis na ako. Baka may makakita na naman sa akin dito."

"Sige po," sagot ko, nakatutok pa rin ang mga mata sa paligid.

Nandito ba talaga ang bagay na iyon?

"Criminals always return to the scene of the crime." Isang pamilyar na boses ang nanggaling sa aking likuran.

"Sigurado ka ba?" Paglingon ko ay muling nanlaki ang aking mga mata sa nakita. Naroon si Raine na nakapang-sibilyan subalit dala-dala pa ang kaniyang bag.

Saan kaya ito nag-aaral na babaeng ito? Nakasibilyan?

"Sana naman nakita mo na ang mga bagay-bagay," wika pa niya. "Nakita mo na ba?"

"Kailan ka pa dumating?" tanong ko rito.

"Kararating lang pagkaalis nung kaibigan mo," sagot niya.

"Ibig sabihin mo ba ay iyong si Kuya ang tunay na pumatay o..."

"Of course not. Bakit mo naman naisip iyon?" tanong nito.

"Pero sinabi mo pa lang na–"

"Tara na. Makikiluksa tayo," wika niya at saka na naglakad papunta sa kotse ng kaniyang kapatid.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com