Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

II•Can I Stop This?

Kenlhe

I was busy scrolling on my news feed when a notification suddenly flashed at the top of my screen.

I was caught in my chest at the sudden end of my breath, and I coughed several times. When my coughing stopped I immediately read the notifications that came out.

'Brylle Rhauf sent you a friend request.'

Brylle? Agad kong pinindot ang notification at tinignan ang profile nito. Napatigil ako nang makita ang isang pamilyar na pangalan. Kiesha is also a friend of his?

A sudden feeling of uneasiness entered my whole system. Baka naman nagkataon lang...

Ito nanaman, bumigat nanaman ang dibdib ko. It's always like this when I'm feeling something emotionally, so if at all possible I don't think too negatively.

After looking at his account, I decided to accept his friend request. Wala naman sigurong masama doon, 'di ba?

A smile automatically crept on my face as her name flashed on my screen- Kiesha. Akala ko kapag umamin ako, lalayo na siya. Pero sa tingin ko nagkamali ako sa bagay na 'yon. It's been around a month since I confessed my feelings for her and started courting her.

Kiesha is different from any other girls I have met. Medyo matagal na rin kaming magkakilala, at habang tumatagal, mas lalo niya akong napapahanga sa kung gaano siya ka-unique sa ibang tao.

Even though it was hard for me to get up, because I was having trouble breathing again, I stopped coughing when I read Kie's message. Suddenly a small smile drew on my lips.

Kiesha Reign
Hoy, bumangon ka na! Magagalit si Nescafe niyan, bahala ka.

Kenlhe Collera
Dinamay mo pa 'yong kape, haha. Ito na, nakatayo na.

Kiesha Reign
Mabuti naman kung gano'n.

Kenlhe Collera
How's your sleep, m'lady?

Kiesha Reign
Maganda, napanaginipan kita eh.

Kenlhe Collera
Talaga? Ano namang nangyari sa panaginip mo?

Kiesha Reign
Naging palaka ka daw dahil sa sumpa ng isang masamang witch, */evil laugh.

I unconsciously laughed at her joke. She never failed to make me smile and feel at ease with her corny stories. At isa 'yon sa mga dahilan kung bakit ko siya nagustuhan.

With her, I feel like everything is possible. Pero meron akong isang kinakatakot... her rejection.

Brylle

'Kenlhe Collera accepted your friend request.'

'Yan ang bungad sa akin nang magbukas ako ng RP account ko. Hmm... I'm curious about this Kenlhe Collera. Imessage ko kaya siya?

Brylle Rhauf
Hi.

Ilang minuto matapos kong pindutin ang send button ay tumunog ang cellphone ko.

Kenlhe Collera
Hello.

Brylle Rhauf
May itatanong lang sana ako, pre.

Kenlhe Collera
Ano 'yon, dre?

Brylle Rhauf
Kaano-ano mo si Kiesha?

Kenlhe Collera
You mean Kiesha Reign?

Brylle Rhauf
Oo siya.

Kenlhe Collera
I'm her suitor, why?

Nasa "ligawan" part na pala sila, tss. Hindi ko alam kung may karapatan ba ako o wala, pero nagseselos ako. Yes, I like Courtney... ever since we were kids.

Brylle Rhauf
Wala lang, akala ko kasi magkaibigan lang kayo. Hindi niya kasi nabanggit na may nanliligaw na pala sa kaniya.

Kenlhe Collera
Ah, gano'n ba?

Brylle Rhauf
Alam mo, pre? 'Yang si Kiesha, family oriented kasi 'yan. Uunahin niya ang pag-aaral kaysa sa love dahil isa sa mga pangarap ng mga magulang niya para sa kaniya ay 'yong makapagtapos siya ng pag-aaral.

Kenlhe Collera
Bakit mo sinasabi 'yan sa akin?

Brylle Rhauf
Para lang aware ka.

"Sinasabi ko 'yan sayo para tignan kung susuko ka ba o hindi," bulong ko sa hangin. Dahil 'yon naman talaga ang dahilan bakit ko sinabi 'yon sa kaniya. He doesn't deserve Courtney if he will stop courting her once I told him that.

Kenlhe Collera
Sige, salamat.

Courtney

"Ay naku! Sayang talaga 'yang anak nina Berting! Dapat kasi hindi niya muna inuna 'yang pag-ibig na 'yan. E'di sana nakapagtapos siya ng pag-aaral." Mahabang salaysay ni mama habang kumakain kami.

"Hon, hayaan mo na sila. Siguro naman ay may dahilan ang anak nila kaya nagawa niya 'yon." Pagpapatahan ni papa kay mama.

"Oo na." Sumubo si mama ng kanin at ulam saka tumingin sa akin. "Kaya ikaw, ha, 'wag ka munang pumag-ibig. Mag-aral ka muna."

Natahimik ako nang mabaling ang usapan sa akin. Bigla akong nakonsensya sa sinabi ni mama. Tama naman siya, kailangan ko munang mag-aral. Dapat ko bang ipatigil ang panliligaw ni Kenlhe? Ayaw ko siyang masaktan... bahala na nga!

Matapos kumain ay lumabas muna ako at tumambay sa terrace nang makareceive ako ng mensahe mula kay Kenlhe.

Kenlhe Collera
Hey, did you eat already?

Kiesha Reign
Yeah, you?

Kenlhe Collera
Tapos na din, wala ka yata sa mood?

Kiesha Reign
Medyo lang naman.

Kenlhe Collera
Kiesha, may sasabihin nga pala ako sayo.

Kiesha Reign
Ano 'yon?

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Ano naman kaya ang gusto niyang sabihin?

Kenlhe Collera
Can I stop this?

Kiesha Reign
Stop what?

Kenlhe Collera
Courting you...

Kiesha Reign
Bakit naman?

Kenlhe Collera

Sa akin na lang 'yon...

Matutuwa ba ako o ano? My problem was solved yet it feels as if something in me went missing. Iginala ko ang mga mata ko sa paligid at tinignan ang kalangitan. I don't know what to reply, pero kailangan.

Fine, akala ko iba ka sa iba, pero pare-pareho lang pala kayo, haha. Ang tanga, tanga ko lang kasi hindi ko agad narealize 'yon.

Kiesha Reign
Sige, kung 'yan ang gusto mo.

Matapos 'yon ay sinara ko na ang cellphone ko saka bumalik sa loob. Ang bigat sa pakiramdam... pero mukhang 'yon ang dapat mangyari.

©️ Miss A and Joy Delos Santos...


Comment na kayo para sa chapter na ito. Use #UEncounter, i-tweet na 'yan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com