IV•Hidden Feelings
Courtney
Argh! Bakit ba ang sakit pa rin? Dapat wala na akong pakialam sa lalaking 'yon eh!
Napakamapaglaro talaga ng tadhana, kung kailan naman... Aish!
"Oh, bakit naman nakasimangot ka diyan?" tugon ng lalaking boses na nagmumula sa aking harapan.
"Kabayong palaka!" Liningon ko si Brylle na nakatayo na pala sa harap ko. Bakit ba sulpot siya nang sulpot kung saan-saan? Kabute ba siya?
"Broken ka?" tanong niya
"Hindi naman," pagsisinungaling ko.
"Naku, naku, naku! Humahaba 'yan ilong mo oh, parang si Pinocchio kapag nagsisinungaling." Umupo siya sa tabi ko saka ako mariing tinignan.
"Tigilan mo nga ako, Brylle!"
"Asus, siya ba ang dahilan?" Bumuntong hininga ako saka siya tinignan.
"Ano ba kasing sadya mo dito?" pag-iiba ko ng usapan. Ayaw ko nang maalala pa 'yong taong 'yon.
"Muntik ko nang makalimutan, magpapaalam lang pala ako." Tugon niya na siyang ikinakunot ng noo ko.
"Bakit? Aalis ka ba?"
"Oo eh, uuwi muna kaming probinsiya kaya alagaan mo ang sarili mo ah. 'Wag ka nang malungkot diyan." Ginulo niya 'yong buhok at naglakad na paalis.
"Nakakaantok," bulong ko at isinandal ko ang likod ko sa upuan saka hinayaang sakupin ako ng kadiliman.
Kenlhe
Kakatapos ko lang maligo nang maisipan kong magbukas ng RP account. Naupo at napasandal ako sa swivel chair ko malapit sa may study table at malalim akong napabuntong hininga bago ko buksan ang gc sa Axtreous.
Luther :: Co Founder added Charles Jaden to the group.
Luther :: Co Founder
Welcome, pare...
Charles Jaden
Thanks, man.
Kiesha :: Lead
Yo, Charles, welcome to the hood! By the way, nasaan na 'yong iba?
Charles Jaden
Thanks, pero bakit kailangan mo pang humanap ng iba kung nandito naman ako?
Luther :: Co Founder
'Yon oh!
Lexie :: Foundress
Ship! Ship! Ship!
"Tsk, kabago-bago niya, ganyan na siya kung makabanat." Inis kong bulong saka binato ang cellphone ko sa kama.
Pinaikot ko ang swivel chair at tumingala sa dingding. Napaisip ako bigla sa mga nangyari... ano ba 'tong nagawa ko?
Tama si Brylle sa sinabi niya, duwag nga ako. Isa akong malaking duwag! Bakit ba kasi ako binalot ng takot sa mga sinabi ni Brylle? I know he's just testing me, yet I failed that test.
Ipinikit ko ang mga mata ko at inalala ang mga alaala ng nakaraan...
Kenlhe Collera
"Tinanong mo ako kung mukha kang ale, 'di ba?"
Kiesha Reign
"Naalala ko pa 'yon, haha."
Kenlhe Collera
"Actually, no. May mas kamukha ka,"
Kiesha Reign
"Sino?"
Kenlhe Collera
"Future wife ko."
Natawa ako nang maalala ko kung paano siya "kinilig" sa corny na banat na 'yon. I was lost in my thoughts to the point that I didn't even realized that my mother entered my room.
"Kairo? Are you okay, Son?" Tinapik ni Mama ang balikat ko kaya nabaling ang atensyon ko sa kaniya.
"Yes, Ma?" patanong kong tugon. Hindi pa ako sigurado kung sasabihin ko ba ang totoo kay mama, o patuloy nalang akong magsisinungaling.
"You seem lost in your thoughts, huh. Umiibig na ba ang anak ko?" Bahagya siyang tumawa saka umupo sa dulo ng kama.
"There was this someone who always makes me smile... who always stayed by my side..." putol-putol kong tugon, dahil this past few days I can't say a long sentences. It's like i'm having a shortness of breath.
"Oh, who's the lucky girl, hmm?" tanong niya.
"Parang hindi nga po siya maswerte sa akin eh...”
“Nasaktan ko siya,” pagtuloy ko pa at ngumiti lang ng mapait. It was as if I could feel thousands of knives stabbing into my heart giving me intense pain in my chest. Kaya napahawak nalang ako sa aking dibdib.
"For sure may dahilan ka naman, hindi ba? I know you, my son, hindi ka gagawa ng kahit na anong makakasakit sa iba kung wala kang dahilan." Pagpapatahan niya.
"Natatakot ako, ma... Natatakot ako na mas masaktan ko siya...” mas sumisikip ang dibdib ko sa tuwing maalala ko kung ano 'yong sinayang ko dahil lang natakot ako.
Shit, I can't breath. Again...
Inhale... Exhale...
Mas humigpit ang pagkakahawak ko sa aking dibdib.
Buti nalang at hindi pa napapansin ni mama, sa totoo lang gusto kong ayusin ang lahat bago ako umalis, pero hindi ko alam kung paano. Isa akong malaking duwag...
Naramdaman ko ang presensya ni mama sa harap ko. Isang mahigpit na yakap ang bumalot sa akin na siyang kailangan ko.
I, then, promised my self...
"I have to fix this... maybe not today or tomorrow, but I can't live like this..."
©️Miss A and Kya Santem...
Comment na kayo para sa chapter na ito. Use #UEncounter, i-tweet na 'yan...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com