Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Facts and Question about the Story

Sa chapter pong ito, ipapaliwanag ko ang mga words na lalabas sa mga susunod na chapters at facts about sa Status Humans, Vampires Levels, at nung ibang hindi pa nababanggit, alam ko pwede itong maging major spoiler, pero para narin po ito sa mga susunod na chapters.

~

Aruta = A special unique ability or skills. Ang pwede lang magkaroon ng ganito ay ang mga Level Four, Royal, Elder Vampire.

Aruhiek = Elder Vampire, Elder Generation.

Blood Parent = A vampire who gave blood to a human. Can also be called a Beloved.

Renfield = A human who receive a blood of a vampire. Eto ay naiiba sa status na, Slave at Donor, pero may pagka-parehas sa Newborn.

Renfield; isang taong naging bampira, unlike sa newborn na hindi ma-kontrol ng bampirang gumawa sa kanya, ang isang Renfield ay kontrolado naman ng kanyang Blood Parent, wala itong kakayahan na kontrollin ang kanyang mga galaw at parang isa itong puppet. 

Ang ibang Renfield ay may will to control themselves dahil may permission sila sa kanilang Blood Parent, pero madalas, halos lahat ng Renfield ay just mindless puppet being control by their Blood Parent.

Question: Ano ang mas gusto mo, isang Newborn? or Renfield?

Absorbire = Equivalent to Vampire Cannibalism.

Absorbire, eto ay pagkain ng sariling kauri. Vampire to Vampire, pero kung isa kang level three pababa at ginawa mo ito, may possibilidad na yung kinain mong bampira ang kumontrol sayo.

Ginagawa ito ng mga higher level, like Level Four, Royal, at Aruhiek para mapalakas pa nila ang kanilang kakayahan o para makamit ang ability or lakas ng bampirang kinain nila.

Question: Would you do this, if you were a vampire?

(I got this reference sa Manga na Blood Alone)

Status for humans; ( alam ko sa una palang pinaliwanag ko na ito, refers to chapter; Vampires Club pero uulit ko na po ulit dito with more details :D )

Slave = Alam na kung ano ang ibig sabihin n’yan, your Master’s every wish kailangan mong tuparin. You will either become his meal, his maid, his sexual partner, or all. Lagi ka dapat nasa tabi nya although hindi lang ikaw ang slave nya, ang isang bampira kasi hindi lang isang tao ang nagiging taste yan, because one human cannot satisfy a vampire. Wag ka lang magkakamaling umibig sa Master mo, masasaktan ka lang.

Donor = may pag-kaparehas ito sa Blood Parent, kung saan ang bampira ang nag bibigay ng dugo sa tao para maging bampira ang tao pero kabaliktaran ito ng donor, ang donor sa word palang halata na, nag-bibigay ka ng dugo sa bampira, it's either for pleasure and ecstacy or because you want to be with that vampire, ito ang pinaka-madaling status sa tatlo.

Beloved = This can be a vampire or a human, depende na sa akin(Author) kung ano ang ibibigay ko sa character ko :D ang beloved may isa pang term yan, Mate, parang sa werewolves, ang mate ay kanilang half, ang kanilang mamahalin, ang kanilang forever (Lily: Pero walang forever no!) Ssssh!

Ang beloved ay pwede rin maging Renfield or Newborn depende na yan sa bampira nila, Pwede rin syang Blood Parent, kung bampira siya :)

Merun pang isang Status, pero secret muna :)

Question: Ikaw anong gusto mong status?

Daybringer = Nabanggit ko ito sa unang chapter, ito ay yung mga bampira na hindi tinatablan ng araw, depende na ito sa dugo ng bampira, madalas mga Royals ang mga ganito.

Vampires Level; nabanggit ko na rin ito sa chapter; Night Time, well si Jade ang nag paliwanag (Jade: Yes, yes I am) 

Level one Vampire/Lv1 = Pare-parehas naman lahat ang mga bampira sa kwento pero ayon nga lang I categorize them. Ang bampirang ito ay pinaka-delikado kasunod sa Newborn, dahil ito ay hindi mag-dadalawang isip na pumapatay, papatay ito ng papatay para sa dugo.

Higure from Blood Alone(Manga) said and I quote “That Vampires are Immortal is nothing more than an illusion, In the end, if a Vampire’s fate is to turn into a mindless monster, living forever becomes meaningless”

Kaya madalas pinapatay agad ito ng kapwa bampira nila or be assassinated by a Hunter.

Level two Vampire/Lv2 = Sa totoo lang nag dadalawang isip ako na tanggalin ko nalang ang level 2 vampire at italon nalang sa 1,3,4 at Royals which is 5 pero kailangan. Kaya Lv2, eto ay yung mga bampirang makikita mo sa mga madidilim na area, pero hindi sila kasing sahol ng mga Lv1 pero ingat parin kasi madalas mga gutom ito, if you see one, just run, don’t look back.

Level three Vampire/Lv3 = eto na ang mga bampirang madalas mo ng makikita, pero tuwing gabi lang ito nakiki-salamuha sa mga tao, dahil takot ang bampira sa araw, you need a Daybringer’s blood to be able to walk out when the sun is up!

Level four Vampire/Lv4 = eto na ang mga bampirang matagal na namumuhay, siguro mga 100 years na, nag-evolve na sila dahil don kaya nagkaroon sila ng Aruta. (Ang ikli ng paliwanag ko dito xD)

Level five Vampire/Lv5/Royal/Aruhiek = eto ang mga bampirang 200 years ng namumuhay, sila ang mga bampirang madami ng pinag-daanan, ubod ng ganda at gwapo, galing sa iba’t ibang sulok ng mundo pero madalas sa Europe madami, sila yung tipong isang beses mo lang makikita.

Extra: Vampire Council Members, their level is between the level four and level five.

Question: Kung isang kang bampira, anong gusto mong level?

Character’s Introduction;

Jade Ward = Isang bampira with long silver hair and silver eyes, ano ang itsura nya yung tao pa siya? Her hair is short and it’s jet black, her eyes is already silver. Family background? secret muna siya na ang mag-ri-reveal sa inyo(Readers). “Tama yan Miss Author, wag mo kaming pangunahan” Jade.

Rosary Quartz/Rose = Binago ko ang appearance ni Rose, pero syempre hindi ko pa nadi-describe sila. She is a lolita gothic vampire (mapapatay ako ng kaibigan ko nito!) Her hair is jet black, her eyes is green, she is short. Human appearance? yung mata lang ang nagbago kasi mata nya ay brown nung tao pa sya.

Charlotte Draayer/Char = Long orange hair tied in fish tail, light brown eyes, at isa sa pinaka-childish na member sa coven ni Jade.

Liliana Devereux/Lily = Red long hair matches her scarlet eyes, isang tao humingi ng tulong sa isang bampira. Siya ang kasalukuyan nasa cover :)

Elizabeth Blackwood/Eliza = Short light blue hair, frosty blue eyes, the Ice Queen of the coven.

Alam ko ang iiksi ng introduction nila, pero makikila niyo sila ng mas mabuti sa mga susunod na chapters.

Mga character’s na magpakikita sa mga susunod na chapters.

Rhaey = ?

Blair Crow = ?

Amari = One of the Salem Sisters Witches. Well actually nagpakita na sya.

Scarlet Black = ? 

Dito na natatapos ang Facts about the story!!!

Happy 200 reads!!! :D 

Sagutan niyo naman nung mga question :) sa comment box niyo i-sagut please? :D

Kung merun po kayong tanong, please don’t hesitate to comment! Thank you!!!

~jaye



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com