Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ice Queen Return's and Jade's Secret

Ice Queen Return and Jade’s Secret

Amari !!! on the top!

“Sa wakas! nakabalik narin ako” masayang sigaw ni Eliza, naglalakad sa direksyon papunta sa Vampires Club.

Habang naglalakad ito, ang paligid na madaanan nito ay tilang lumalamig at nag-kakaroon ng yelo, si Elizabeth Blackwood isang level four vampire, ability; Ice, isa sa ka-coven ni Jade Ward.

“Ang dami parin nakapila, anong oras naba?” tumingin ito sa wrist watch nya at napataas nalang ang kilay, ‘12 midnight na pala dinaanan lang ni Eliza ang mga tao at bampirang naka-pila at pumunta sa entrance ng Vampires Club.

“Hoy wag kang sumingit!” sigaw ng isang bampirang naka-pila kasama ang kanyang human.

“Oo nga, ang tagal namin naka-pila tapos ikaw basta singit ka lang” angal pa ng isa.

Napatingin lang si Eliza sa mga ito, Tsk, noisy pinalamig ni Eliza ang paligid at tila nag-yelo ang kapaligiran.

“Ano nangyayari?!” tarantang tanong ng isang bampira. Natawa nalang si Eliza sa mga reaksyon ng mga ito, at dahil dito lalo pang lumamig ang kapaligiran.

“Miss Blackwood” bati ni Jules ng ma-mukhaan na nya ang bampirang tumatawa, nagulat nalang at natahimik ang mga bampirang naka-pila, “Miss Blackwood daw?“ bulong nung sumigaw na bampira kanina, “Oo, babe... Si Miss Elizabeth Blackwood nga” takot nasabi ng human nya sa kanya. Shit

“Hi Jules!” masayang bati ni Eliza kay Jules, pinapasok kaagad ni Jules si Eliza at ang bumungad kaagad kay Eliza ay ang malakas na tunog ng tugtugin pinapatugtog ng DJ, Dessert.

Nakita nya ang mga bampira at taong may mga status nagsasayaw sa dance floor, yung iba nakatambay sa bar counter, ang mga staff members naman pabalik balik sa mga booth para i-serve ang mga order, may nakita rin sya pumunta sa private booth, isa lang ibig sabihin non... may ganap na mangyayari.

Lumamig ang loob ng club pero hindi tumigil sa kasiyahan ang mga nandito, nakita ni Eliza si Charlotte kausap si Vincet sa bar counter, naisipan nya wag muna guluhin ang dalawa at dumiretso na sa opisina ni Jade, bumaba na sya sa underground kung saan ang opisina ni Jade at nakita nya si Lily may hawak na champagne glass puno ng dugo, napatingin agad si Lily sa pwesto nya at napa-ngiti ito, “Eliza” bati ni Lily.

“Lily, long time no see ah” sabi ni Eliza, after three years nakita na nya ulit si Lily, na-miss nya ang loka!

“Yeah” ngiti lang ni Lily, sabay inom ng dugo.

“Himala ah, hindi ka kaagad umalis?” tanong ni Eliza kay Lily, madalas kasi pag nakatapos na ng request si Lily kukuha ulit ito ng bago at aalis na kaagad, siguro napag-sabihan ni Jade kaya nag-stay put.

“Wala eh hindi ako binigyan ni Jade, oo nga pala ano yang dala mo?” tanong ni Lily sa naka-supot nadala ni Eliza, siguro isa nanaman ito sa ni-request ni Jade kuwain.

Wings Essence sagot ni Eliza, “Wings Essence?” takang tanong ni Lily, “Request yan ni Jade?” dagdag pa nito.

“Oo, sya ang pumili sa request na yon kasi yung reward na ibibigay ay kailangan nya” sagot ni Eliza.

“Eh ano yang wings essence na yan?” tanong ni Lily.

“Galing ito sa fallen angel na pinaslang ko, ayon kasi ang nakalagay sa request” pinakita ni Eliza ang papel kung saan nakalagay ang request kay Lily.

Request: Please Help! Fallen Angel is taking lives! binasa ni Lily, tumingin sya kay Eliza, “Pinaslang mo talaga? baka magkaroon nanaman tayo ng digmaan sa ka-uri non!” prangkang usap ni Lily, “Ano kaba! Fallen Angel nga diba? ibig-sabihin lang non, itinakwil na sya, ang mahirap pa don instead na gumawa sya ng mabuti para ma-redeem nya ang pagkakamali nya, kasamaan pa ang ginawa nito, kung nandun ka lang sa lugar na pinuntahan ko naku! parang ghost town!”

“Patingin nga ng essence” bago pa makita ni Lily ang nasa loob ng supot, bigla nalang ito hinablot ni Jade sa sobrang bilis hindi nila namalayan kanina pa pala nakikinig si Jade sa kanila.

Jade gulat nasabi ng dalawa.

Ngumiti ito, her signature smirked. “Welcome back Eliza!” yakap nya kay Eliza, “Hehe, nandito na ulit ako!”

“Jade para saan ba yang essence na yan? sakin Ore gems tapos kay Eliza Wings essence, yung kay Shay?” curious na tanong ni Lily, “Malalaman niyo ito sa takdang panahon, kaya mag party party na nga muna kayo sa taas, shoo!” takwil ni Jade sa dalawa at bumalik na sa opisina.

Nang sigurado na si Jade na tumaas na ang dalawa, binuksan nya ang isang secret passage kung saan sya lang ang nakaka-alam sa loob ng opisina nya, isang spiral stairs pababa ang bumunyag sa secret passage, sinindihan ni Jade ang isang torch at lahat ito ay nabuhay.

Bumaba sya dito at sa dulo nito ay isang malaking room puno ng libro at sa gitna ay isang pabilog na bowl na gawa sa marble na may tubig.

Amari Cabot, one of the Salem sisters may I speak to you she recites.

A beautiful lady with long blonde hair and ruby red eyes appeared on the water.

Jade Ward her voice is like a bell chiming, soothing and smooth.

“The Wings Essence” pinakita ni Jade ang hawak n’yang supot at inilabas ang isang maliit na bote na kumikintab ang laman.

I see, now four more ingredients and the potion will be done

“Yes”

Drop it utos ni Amari, hinulog ni Jade ang maliit na bote sa tubig at bigla itong nawala, at nahawak-hawak na ito ni Amari.

“I trust you Amari, keep this a secret to your sisters” Jade warned, her eyes turning golden red.

Of course my Queen Amari slightly bow to show some respect, “Do not call me that, I'm no longer a Royal at sa isang hawi ni Jade sa tubig nawala na ang imahe ni Amari.

Bumalik na si Jade sa opisina nya at sinarado ang nakatagong lagusan, bumalik sa pagka-upo sa swivel chair nya at napatingala.

Mabubuhay muli kayo

~

"Char!” sigaw ni Eliza ng makita nya si Charlotte nandun parin sa bar counter kausap si Vincent, walang kamu-ang mu-ang na bampira.

“Eliza! nandito kana?!” tanong ni Char, “Ay Char, wala pa... wala pa!” sarkastikong sagot ni Eliza, si Lily natatawa nalang sa pagiging lutang ni Charlotte, nandyan kasi si Vincent eh... malamang lutang nalang lagi ang isip.

“Sige, maiwan ko muna kayo...” paalam ni Vincent at pumunta sa kabilang side ng bar counter.

“Si Shay nalang ang kulang!” usap ni Charlotte, “Oo nga eh, wait nasaan si Rose? diba mag-kasama kayo?” takang tanong ni Eliza, dahil alam nya na iisa lang ang request na kinuha ni Rose at Charlotte.

“Private booth, feeding” kibit-balikat ni Charlotte, “Bakit kasi hindi siya kumuha ng donor, tuloy kung sino sino lang ang pinagkakagat nya” sabi ni Eliza.

“Syempre hindi parin maka-get over sa huli n’yang donor na pinag-palit sya sa isang impokritang bampira” biglang singit ni Lily sa usapan ng dalawa.

“Oo nga noh...” sang-ayon ng dalawa.

Biglang hindi mapakali si Lily sa kina-uupuan nya, dahil may isang amoy na sobrang pamilyar ang nalalanghap nya. ‘Impossible?!’ sigaw nito sa isipan nya.

“Oh Lily anong problema?!” takang tanong ni Charlotte, napansin ang hindi mapakaling galaw ni Lily.

“He’s here?!” bulong nito sa dalawa.

“You mean? Rhaey?!” hindi  makapaniwalang tanong ni Eliza at Charlotte.

“I don’t know! pare—” hindi natapos ni Lily ang mga sasabihin nya ng makita nya ang bampirang hinahanap nya, pero ang pagkaka-iba lang nito.

“Bakit tao sya?!” napasigaw si Lily sa nalaman nya.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Update! Update! Update!

Once a week ang update but don't have an exact date!

Comment? Feedback?

Click the STAR?

~jaye

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com