Night Time
“Ma’am it’s go time?” paalala sakin ng isa kong tauhan.
“That time already?” gulat kong tanong, parang kanila lang umaga pa ngayon gabi na pala? Time sure does fly pag nalilibang ka.
“Yes Ma’am marami na rin naka-line up” dagdag pa nito.
“Open it up, do the usual, inform me when something goes wrong” utos ko sa tauhan ko.
“Yes Ma’am” sagot niya at lumabas na ng opisina ko.
Tumayo ako sa kina-uupuan ko at pumunta sa mini fridge ko para kumuha ng isang blood bag.
I bare my fangs out and bit the blood bag and sucks it dry. Medyo hindi ko type ngayon ang naka-stock na mga blood bags na ito pero kailangan kong pag-tiisan, I need blood to replenish myself konti lang naman ako uminom ng dugo once a month lang ito, kaya yung mga blood bags na naiistock sa fridge ko minsan nawawala na nung natural taste nito.
Nilukot ko ang blood bag at nag-ala basketball player at ishinoot ito sa trash can, pero waley hindi pumasok. “Tsk!” nag-mukha lang akong tanga, lumapit ako sa trash can pinulot ang nakalukot na blood bag at tinapon ito, ayaw ko kasi ng makalat ang opisina ko.
Lumabas na ako ng opisina ko at bumunyag sakin ang malakas na sounds na pinapatugtog ng DJ. ‘Lively as usual’
“Good evening Jade!” bati sakin ni Charlotte, isa sa mga ka-coven ko.
“Evening Char” bati ko pabalik.
“May new target ba tayo ngayon?” inosenteng tanong niya habang naka-ngisi na parang mad-woman. ‘Minsan nakakatakot itong babaeng ito, hindi niya lang alam’
“Ako nakakatakot? Kailan pa Jade?” tanong niya sakin, walang hiyang babae ito binasa ang isipan ko.
“Tumigil ka nga sa pagbabasa ng isipan ng iba, you're trespassing alam mo ba yon?” galit kong sabi sa kanya.
“Eh ikaw dyan nag-baba ng depensa mo eh!” pag-tatanggol niya sa sarili niya.
“Eh di ako na may kasalanan!” sigaw ko pabalik.
“Ayan nanaman ang aso’t pusa!” biglang singit ni Rose, ngayon ko lang napansin presensiya nito loka! Nawala ang pagiging alertness ko! Nakaka-asar kasi itong si Charlotte eh!
“How the hell you got here?!” gulat na sambit ni Char, eto kasing si Rose ay isa teleporter, while si Charlotte naman ay isang telepath. Iba iba ang mga kakayahan namin, dahil having an ability is one of a kind sa isang bampira, well if you are a level four vampire.
There are five categories how to determine a vampire.
Level one, eto ang mga bampira out of control sila ang madalas na pumapatay ng mga tao dahil gutom sa dugo.
Level two, these are decent vampires who ascend as a level one at naging level two kung saan medyo kontrolado na nila ang gutom nila sa dugo, pero madalas nasa mga underground lang ito katulad sa underground train station, under the bridge or kung saan madilim mo sila makikita.
Level three, eto ang mga bampira na madalas mo na ng makikita nakikisalamuha sa mga tao, sila yung gusto magkaroon ng co-existent sa mga tao at madami ang mga uri na ito.
Level four, dito na papasok ang isang uri ko, kung saan meron kang kakayahan or abilidad katulad nalang ng pagbabasa ng isipan, pag-teleport sa isang lugar to another, or control fire. Kami yung mga bampira ilang decades ng nabubuhay.
And last one, level five. Royal blood line, mahirap na silang makita dahil sa angkin nilang lakas, kagandahan at kagwapuhan, silayung timpong isang beses mo lang makikita at madalas hindi mo agad malalaman na bampira pala ito.
“Ano paba? eh di nag teleport! hindi ka na nasanay sakin Char!” sagot ni Rose kay Char.
‘Makaalis na nga’ umakyat ako ng hagdanan papuntang first floor at kita kong puno ito as usual, always a great business tuwing gabi.
Ang dami narin mga tao dito, hmm.. sana naman sumusunod ito sa requirements na pi-nost ko sa entrance or else matitikman nila ang lupit ko! Sadista ata ako!
Let’s see kung anong meron ngayon, I smirked at pumunta sa entrance.
“Good Evening Ma’am!” bati sakin ng bouncer ko.
“As usual?” tanong ko. Nag-nod lang siya sakin, lahat ng mga workers dito ay tauhan ko minsan bampira sila minsan mga tao na may status, at itong bouncer ko ay isang bampira.
“Wala naman sigurong lumalabag ng rules dyan?” tanong ko ulit at tiningnan ang mahabang linya ng mga customers.
“Wala ho Ma’am, takot silang maparusahan mo” ngisi nito, kita ang mga matutulis na pangil. Napa-smirked nalang ako kasi gusto ko talaga ang mga ganitong tauhan, kayang manindak sa isang ngisi lang.
“Good” puri ko sa kanya, aalis na sana ako at papasok na ulit sa loob ng may masagi ang mga mata ko sa hindi kalayuan.
‘Newborn’ ito agad ang pumasok sa isipan ko. Delikado ito, bakit walang nag-inform sakin tungkol dito? Ako ang namumuno sa distritong ito, kaya dapat lahat ng nangyayari sa lugar na ito ay irereport sakin.
Napansin rin ni Jules ang nakita ko, Jules nga pala ang pangalan ng bouncer ko.
“Ma’am” sa tinig palang ng boses niya, alam ko na mag kakaroon ulit ng kaguluhan sa lugar ko.
“Just do the usual, ako na bahala dito” utos ko at pumasok na sa loob.
‘Charlotte, Rose... office now’ sabi ko through our mind-link.
‘Anong meron?’ tanong ni Char.
‘Pumunta ka nalang sa office, Char’ sagot naman ni Rose.
Pagkadating ko sa opisina ko nakita ko na ang dalawa.
“Newborn” eto agad ang sinabi ko.
“Yikes! wala nag-inform?” tarantang tanong ni Char.
“Oo wala! may alam ba kayo?” galit kong tanong sa dalawa.
“I have information pero rumors lang ito...” sambit ni Rose.
“Go on” pag-uudyok ko sa kanya.
“Jamie the level three vampire is trying to mate with his donor, Lucy.. that’s what I heard” kalmang sagot sakin ni Rose.
“Jamie?! that abusive L3V? Oh god! panira naman ng gabi oh?!” angal ni Char habang winawagayway ang mga kamay sa ere.
“What does Lucy look like?” tanong ko kay Rose, at dinedma ko si Char.
“Long black hair, 5’3 ft. short, she was sexy before pero nang maging donor siya para kay Jamie pumayat ito” tungon ni Rose.
“Siya nga” tumumpak ang description ni Rose, hindi ko iyon ikaka-ila dahil ang isang bampira ay may enhance eyesight kaya malinaw ko nakita ang buong katawan ng newborn na yon.
“Anong gagawin mo?” seryosong tanong ni Rose.
“The usual, sige kayo na bahala sa mga customer natin dito... I’ll deal with Lucy” pagkatapos kong sabihin iyon, ginamit ko ang enhance speed ko para makapunta agad kung nasaan si Lucy, at ang eksenang nakita ko ay sure hindi magugustuhan ng mga tao pag nakita nila ito.
She already got a victim, “Tsk!” isisisi nanaman ito sakin, damn that Jamie!
“Lucy” tawag ko sa kanya, lumingon ito, her face covered in blood yung pangil niya nakalabas and her eyes is blazing red, she bare her fangs out to me. “Raaawr!”
Pag hindi magaling umasikaso ang isang bampira sa kanilang newborn, hindi nila kayang kontrolin ito, kaya minsan sinasaktan sila ng mga newborn nila. Madalas pa nga napapatay sila ng mga ito dahil sa katangahan nila.
Pero bumalik ito sa pag suck ng dugo sa lalaki at hindi ako pinansin. Ignoring me is your worse decision girl.
Mabilis lang ang pangyayari, hindi ko naman ito papatayin kung meron silang permission sakin na pwede siyang maging bampira, pero wala eh.
My eyes turns red as I rush to her, I hold her head in my arms and in one swift twist, *Crack* her head falls off, blood spluttered all over me. The moon came out as the clouds pass by, ang madilim na kapaligiran lumiwanag dahil sa ilaw ng buwan.
Under the moon, I was soaked in blood. Okay na sana eh, dahil hindi naman madalas daan ito ng tao ang lugar na ito, pero malas... may nakakita sakin.
Kita sa kanyang mga mata ang gulat at takot dahil sa eksena nakita niya pati narin dahil sa akin, pero iba yung napansin ko.
Yung sweet smell na naaamoy ko, hindi sa dugong nakakapit sa katawan ko kung di ang dugo ng lalaking nakatingin sakin ng may takot sa kanyang mga mata.
“My beloved” ang mga salitang lumabas sa akin bunganga. At isang malakas na sigaw ang sumunod.
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Hi guys! update! ano po tingin niyo sa chapter na ito?
Leave a comment of what you think, criticization is open pero yung wag naman po yung uber ah?! ^^
May isa pa pala akong nakalimuytan ilagay, excluded kasi ang level ng isang Vampire Council member :)
“Click the star!”
~jaye
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com