Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

A Little Talk

<November 28>

KAKATAPOS LANG ng lunch break namin at kapansin-pansin din ang mga padami nang padami na customers sa labas na nagca-canvas ng mga instrumento o supplies sa iba't-ibang shop. Sa tapat namin ay ang pinaka-malaking retailer o supplier ng medical supplies kaya mas marami ang nakapila doon, Pahirapan din kami sa pagbenta dahil nga marami kaming kalaban.

Akala ko ang papasok na babae sa shop namin ay isang customer. Nagulat na lang ako nang mapansin kong si Divine pala ito.

Ano bang mayroon dito sa dalawang magjowa na ito at lagi akong pinupuntahan dito? Hindi ba p'wedeng itext man lang nila ako, para naman sana hindi ako nagugulat.

"Hindi ka nagreply sa text ko" bungad na sabi nito.

Napakurap ako ng dalawang beses para iproseso ang sinabi niya, "huh?"

Nagtext siya? Lumapit ako kung saan nagcha-charge ang phone ko. Doon ko lang din napansin na nagtext nga ito.

"Sino 'yan, Ronan? Girlfriend mo?" pang-aasar ng kasamahan ko.

Natatawa akong umiling, "Baliw. Hindi"

Kung dati, oo.

"Napapunta ka dito? Anong meron? Akala ko ba magkikita kayo nina Farelle?" Tanong ko kay Divine.

"Tapos na. Anong oras ka ba matatapos? Sabi mo gusto mong mag-usap diba?"

Napakamot ako sa pisngi ko. Sinabi ko nga 'yun noong 23. Ilang araw niya ako hindi nireplyan kaya hindi ko naman ineexpect na ngayong araw niya pala balak na mag-usap.

"Mamayang 4 pm pa tapos ko dito, eh"

"Sige. Hintayin na lang kita" sabi niya.

Naguguluhan akong tinignan siya, hanggang sa narealize ko kung ano ang balak niyang gawin.

"Ay hala! H'wag ka diyan. Pumasok ka na lang muna" sabi ko atsaka hinila siya patayo nang akmang uupo ito sa labas.

Napansin ko naman ang pagngiti nito na para bang nagtagumpay ito. I should've known.

Haa... Ano bang gagawin ko dito sa babaeng 'to?

Pinaupo ko siya sa isang gilid sa loob ng shop. Mabuti na lang ay okay lang sa may-ari. Hindi rin naman nakakagulo si Divine dahil tahimik lang ito na nagcecellphone.

Maya-maya lang ay naalala ko na kailangan ko palang itext si Farelle. Ang alam ko kasi ay may balak itong sunduin ako dito. Mabuti nang malaman niya na may iba akong plano ngayon. Pagkatapos kong isend ang message ay nilapitan ako ni Sean, ang isang kasamahan namin.

"Hindi mo man lang ba kakausapin 'yung kaibigan mo? Mukhang nabuburyo na eh. Wala rin naman tayong gaanong ginagawa ngayon" bulong nito sa akin.

Sinilip ko si Divine pero busy lang ito sa pagkalikot sa cellphone niya. Ngumiti ako kay Sean atsaka umiling. "Mamaya na"

---

Pagpatak ng alas kwatro ay nagpaalam na ako sa boss namin. Inaya ko na rin si Divine dahil uwian na rin naman namin. Pumunta kami sa isang malapit na kainan para doon na kumain ng pang-maagang hapunan. Ako ang nagbayad para sa pagkain naming dalawa.

Pagkatapos kong sabihin ang order namin sa waiter ay nilingon ko si Divine na kanina pang nakangiting nakatititig sa akin. "Bakit?"

"You're still the same, huh?" sabi niya habang nakakulumbaba sa mesa.

Taka ko siyang tinignan. "What do you mean?"

"You know, I really like watching and looking at you" pag-amin niya na dahilan para kabahan ako.

Mabuti na lang ay mabilis niya rin itong dinugtungan. "It's because you are the definition of a free person"

Hindi ako umimik. Hinayaan ko lang siya na ituloy pa ang kanyang sasabihin.

"Hey, do you have a dream?" biglaang tanong niya.

Doon ako napaisip, pero walang pumapasok sa utak ko. "Nothing in particular, I guess? Satisfied na ako sa anong mayroon ako ngayon eh. Alam mo naman sitwasyon namin ni Farelle dati, diba? Mahalaga lang sa akin ay ang makapagtapos si Farelle at maging maayos buhay niya"

"I knew you would say that. Ikaw kasi ang tipo ng tao na sobrang selfless. I envy you" sabi niya habang nakangiti.

"I think you are the type of person who are free from this feeling. Envy or greed. You're just a really nice person. Hay nako, kung sino talaga makakatuluyan mo ay sobrang swerte. "

Umayos ito ng upo atsaka yumuko. "That's why the people I'm with were never lucky. Paano kasi, ako ang taong puno ng inggit, sobrang makasarili at hindi kayang makuntent----"

"Hey, hey. Stop thinking that way, Divine." pagputol ko sa sinasabi niya.

Tumingala siya atsaka nagpakita ng isang totoo pero malungkot na ngiti. Hindi siya nagsalita at hinayaan lang na binaba ng waiter ang mga pagkain namin.

Pagkaalis ng waiter ay doon lang tinuloy ni Divine ang sinasabi niya.

"I'm planning to break up with Allan" diretsong sabi niya.

Napatigil ako atsaka gulat siyang tinignan. Why is she saying this to me?

"Why?" iyon lang ang tanging nasabi ko.

"It's suffocating"

"What is?"

Doon ay nakita ko ang pagkaseryoso at malungkot niyang mata. The pain from her eyes that I rarely see since she hide it really well from everyone else. "Everything" sagot niya.

"Alam mo sino ang nagtulak ng desisyon ko na ito?" tanong niya sa akin.

Umiling ako bilang sagot.

"Ikaw at si Cassey"

Magsasalita sana ako para magtanong pero sinagot niya rin kaagad ang katanungan na balak ko palang itanong.

"You were the first one who pushed me to make myself realize what's wrong. Habang si Cassey naman...." bumuntong hininga siya bago umiling na tila ba sobrang dissapointed ito.

"Noong nagkita kami kanina, narealize ko na I should really stop what I'm doing. Siguro, nakita ko ang sarili ko sa kanya. I thought it's something that has to be done. Ayoko na ng ganito. Ayokong maging makasarili kay AJ. Ayoko siyang saktan pero kapag nagstay ako ay alam kong masasaktan lang siya dahil sa akin. Ayoko 'yung feeling na lahat ay siya at wala man lang ako magawa pabalik para sa kanya. Ayoko 'yung feeling na nakikita ko kung gaano niya ako kamahal pero hindi ko man lang ito maibalik ng totoo" mahabang sabi niya.

Sinubukan ko iabot sa kanya ang panyo ko nang makitang umiiyak na ito. Umiling ito atsaka ginamit ang sarili niyang panyo.

Ah...

Ibinulsa ko ang panyo ko atsaka maliit na ngumiti.

She finally learned how to love, huh?

I guess, I'm happy for her. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com