Different
BAKIT SIYA nandito? Ang laki-laki ng mundo pero bakit siya pa ang Cassey na target nila? Joke time ba ito ng mundo?
May sariling utak ata ang dalawa kong paa dahil bigla na lang itong sinundan si Cassey na palabas na ng subdivision.
"Kuya!" tawag sa akin ni Elijah na hinihingal na kakatakbo para lang makasunod sa akin.
Doon lang ako natauhan na napabilis pala ang paglakad ko. Halos makalimutan ko na kasama ko nga pala ang pinsan ko.
"Sorry," paghingi ko ng pasensya sa kanya.
"Okay lang. Sinusundan mo ba siya?" tanong niya sa akin habang nakatingin kay Cassey na palayo na nang palayo.
Nagdalawang isip ako nang itanong 'yun ni Elijah. Bakit ko nga ba siya sinusundan? Kailangan ko ba siyang sundan? Para saan?
Muli kong tinignan ang palayo na palayong pigura ni Cassey.
Eh, kahit naman siguro magpakilala ako sa kanya ay iba ang iisipin niya kung bakit ako lumapit sa kanya. Paniguradong matatakot at mandidiri lang 'yun.
Ibang-iba ang mundo niya sa mundo namin kaya kailangan kong makuntento na nakita ko pa siya sa personal ngayon. Kahit na hanggang malayuan lang.
"Tara na kuya! Bilis! Nakakalayo na siya oh!" paghila sa akin ni Elijah.
Gusto ko sanang tumanggi kay Elijah at sabihin na umuwi na lang kami, pero hindi ko rin alam bakit hinayaan ko pa rin siyang tangayin ako.
Palapit na kami nang palapit sa kanya hanggang sa...
May isang lalake na tumawag sa kanya mula sa likuran namin ni Elijah.
Hindi ko sigurado kung nagtama ba ang paniningin namin ni Cassey nang lumingon ito, pero alam kong nag-init ang katawan ko dahil lang doon.
"Ronan! Anong ginagawa mo dito?" rinig kong tanong ni Cassey sa lalake na nalampasan na kami at naglalakad palapit sa kanya.
"May ibang jowa pala. Flash news!" mahinang sabi ni Elijah na halatang pinipigilan ang tawa niya.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya dahil tila wala na akong ibang marinig simula nang panoorin ko ang dalawa na mag-usap sa harapan ko. They are so close...
Bakit ako ang layo ko sa kanya? Ilang hakbang na lang at ilang salita lang ang kailangan, pero bakit parang ilang milya pa rin ang layo?
"Kuya, para kang ewan diyan. Hanggang bukas ka ba na nakatayo lang diyan? Nakakalayo na 'yung dalawa oh!" reklamo ni Elijah.
Mahina akong tumawa atsaka ginulo ang buhok ni Elijah. "Uwi na tayo."
Buo na ang desisyon ko. Hindi nga talaga kami kailanman p'wedeng magtagpo. She'll just remain as a star in the night sky that I could never even dream of reaching. She may give me a little bit of light and bring a tiny bit of hope, but there's no denying that she's above while I remain here in the ground.
Ngumuso ito pero hindi na sinubukan na magreklamo pa. Mabuti na lang at kilala niya ako dahil ayoko na magsalita pa.
Naglakad kami hanggang sa palapit na kami nang palapit kung nasaan sina Cassey at ang kasama nito na nakatayo lang sa isang gilid. Mukhang may pinag-uusapan itong dalawa ng seryoso, dahil napansin ko kung paano yumuko at ngumiti ng mapait si Cassey.
Sinubukan kong umiwas ng tingin at hindi sila pansinin habang nilalampasan namin ang dalawa, para lang makapunta sa sakayan ng mga jeep.
"...isda na sa isang fishbowl. I don't know how to swim. I may be a model pero I don't want to remain as a picture. Minsan gusto ko na lang mawala ng parang bul---Ah--!Namiss ko lang siguro yung isda na yun at gusto ko rin pumunta kung nasaan siya."
Gusto kong huminto sa paglalakad at lingunin kung nasaan si Cassey para makita kung anong itsura niya ngayon habang sinasabi iyon. What is she talking about? Is she's fine? Was she serious when she said that?
Huminga ako ng malalim para mas patatagin ang sarili ko na lumayo kung nasaan sila at hindi makinig sa usapan nilang dalawa.
----
Pagkauwi namin ni Elijah ay pinatulog ko na ito kaagad. Habang ako naman ay umakyat ulit sa bubong namin para magpahangin at magpalipas ng oras.
Hanggang ngayon ay nasa isip ko pa rin ang mukha, boses, at mga salitang narinig ko mula kay Cassey.
Naisara ko ng mahigpit ang kamao ko.
"How could she utter those words? Hindi niya ba alam kung gaano siya kaswerte kaysa sa amin?" Iritable kong bulong sa sarili ko.
Bigla na lang din pumasok sa isip ko ang mga matang nakita ko kanina. Kung gaano ito kalungkot at kung gaano ito kawalang-ganang mabuhay.
I could tell... She's dying.
Ganoon ang mga mata na araw-araw kong nakikita sa lugar namin dito. Minsan na rin naging ganoon ang kulay ng mata ko. Pero, bakit parang mas matindi ang pagkalungkot ng mata niya kaysa sa mga taong andito?
I don't understand...
"Does that mean, kung ano ang pinagdadaanan namin dito ay magaan palang kaysa sa pinagdadaanan ng mga taong mayayaman at swerte sa buhay?" naguguluhan kong tanong.
Hindi ko alam sa sarili ko kung nag-aalala ba ako para kay Cassey, o naiinis dahil sa pag-iisip niya, o sadyang makasarili lang ako dahil pinagkokompera ko ang sitawasyon naming dalawa?
Pumikit ako ng mariin atsaka ginulo ang buhok ko sa sobrang pagkalito. "Fuck!"
Ilang minuto akong nanatiling nakayuko habang hawak ang buhok ko para pakalmahin ang sarili ko. Makalipas ang ilang oras nang naramdaman ko na kumakalma na ako ay tumingala ako para hanapin ang buwan na nagtatago sa likod ng mga ulap.
"I should stop this..." bulong ko sa sarili ko na tinutukoy ang pagkukumpera sa sarili ko sa kanya.
Iba ang buhay niya sa buhay namin. Malinaw naman 'yun. Alam ko naman yun. Our life was different from the start. Kaya malamang ay iba-iba rin ang timbang ng problema namin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com