Fated Day
<December 20>
KATULAD NANG ginagawian ni Chloe ay muli itong nagtanong kina Gian patungkol sa ano na ang balak ni Mar. Habang pinapatagal ni Mar ang commission nito ay mas lalong kinakabahan si Chloe dahil baka mamaya mayroon pala itong nakaligtaan.
Hindi na rin pinapansin ni Chloe ang mga pagkantyaw nila Gian at Bryan at hinayaan na lang sila na mag-isip ng anu-anong dahilan kung bakit parati siyang nagtatanong patungkol sa commission ni Mar. Noong una ay may kaunting takot pa si Chloe na baka malaman at mahalata nila na masyadong nag-aalala ito para kay Cassey, ngunit natutunan niya rin pagkatapos ng ilang araw na h'wag na lang isipin kung ano man ang iisipin nila.
"Ang balita ko kanina ay gagawin na ni Martin bukas. Hindi ko lang sigurado kung bago o pagkatapos ba ng event" sabi ni Bryan pagkapasok ni Chloe sa tambayan nila.
Napatigil si Chloe sa ginagalawan niya nang marinig ang balitang iyon.
"Sa SM North EDSA ang event" dagdag ni Gian na tila alam na niya kung ano pa ang gustong malaman ni Chloe.
Napabuka ng bibig si Chloe para sana magsalita pero isinara niya rin ito. Nailing si Gian nang mapansin ito.
"Alam mo Chloe, kung may gusto ka mang gawin dapat ginagawa mo na lang kaysa nagdududa ka pa"
Hindi pinansin ni Chloe ang dinagdag na sinabi ni Gian dahil masyado na itong kinakabahan sa mangyayari kinabukasan.
---
<December 21>
Halos hindi makatulog si Chloe sa pag-aalala nito. Hindi niya rin alam kung ano pa ang p'wede nitong gawin at kung tama lang ba na makisali siya sa business ng iba. Kung tutuusin ay wala naman talaga itong karapatan at wala siyang responsibilidad, ngunit hindi niya rin kayang tiisin ang konsensya nito.
Kaya naman kahit pinangako na ni Chloe sa sarili niya na hindi na muli susundan si Cassey, nandito siya ngayon nakabuntot sa kanya. Hindi rin alam ni Chloe kung bakit niya ito ginagawa, ang alam niya lang ay para na rin ito sa ikakahinahon ng kalooban niya.
Kasalukuyang nasa parking lot na sina Cassey. Hindi rin kalayuan ay natanaw na ni Chloe sina Martin at ang iba nitong kasamahan.
Mabuti na lamang ay tumawag na si Chloe kaagad ng pulis pagkapasok nila sa parking lot. Nito niya lang naisipan na tumawag pagkatapos ng ilang argumento ni Chloe sa sarili niya.
Napalaki ang mata ni Chloe nang makita ang baril na hawak ng isang kasamahan ni Martin. Kinabahan ito at mabilis na tumakbo sa likod para ikutan kung nasaan ang mga ito.
Hindi rin alam ni Chloe kung ano ang ginagawa niya pero nakita niya na lang ang sarili na nakikipagsuntukan sa kasamahan ni Martin pagkatapos ilayo ang baril. Nagtataka si Chloe kung paano nila naipasok ang baril na iyon pero hindi na niya itong masyadong inisip, dahil sobrang abala na ito sa kakaiwas sa iba pang kasamahan ni Martin na pinagtutulungan na rin siya.
Dalawa lang ito pero hirap na hirap si Chloe na kalabanin ito. Hindi naman kasi nakikipaglaban talaga si Chloe. Siya lang ang madalas na gumawa ng plano pero ni minsan ay hindi ito nakipaglaban sa iba.
Sa gilid ng mata ni Chloe ay natanaw niya na malapit na sa likod ni Cassey si Martin. Sakto pang nakatalikod ang manager nito kung nasaan si Cassey.
"Fuck!" mura ni Chloe bago ito tumakbo kung nasaan si Cassey. Mabilis na sinipa ni Chloe ang kutsilyo na hawak ni Martin na isasaksak na sana kay Cassey.
"Ahh!" sigaw ni Cassey sa takot nang mapansin niya kung ano ang nangyayari.
Naalarma na rin si Marvin dahil sa sigaw ni Cassey at ang tunog ng pagkabagsak ng kutsilyo sa lapag. Mas lalong natakot si Cassey sa pagputok ng baril. Doon lang din naramdaman ni Cassey ang hapdi sa braso nito. Mukhang nadaplisan ito ng bala.
"Nandiyan na ang pulis!" sigaw ng isang kasamahan ni Martin. Dahil doon ay mabilis na nagtakbuhan ang tatlong taong tumatarget sa buhay ni Cassey.
Nang marinig din iyon ni Chloe ay mabilis din itong tumakbo. Ayaw niyang madamay sa mga katanungan ng pulis. Mabuti na lang ay eksperto ni Chloe ang pagtakbo at ang pagtatago.
Matagumpay na nahuli ng mga pulis sina Martin at ang dalawa nitong kasamahan, ngunit hanggang ngayon ay hinahanap pa rin ng mga pulis kung nasaan si Chloe. Sinigurado naman nina Marvin at Cassey na hindi ito kabilang sa tatlo. Sinabi pa nito na siya ang tumulong sa kanila. Ngunit hindi rin sigurado sina Marvin at Cassey kung sino ito. Hindi nila ganoon nakita ang itsura nito dahil nakatalikod ito at nakaharap kay Martin.
Hindi na masyadong tinanong sina Marvin at Cassey, dahil napansin nila na mas importanteng dalhin sa hospital si Cassey.
Samantala kakarating lang din nina Ronan at Divine sa SM North EDSA. Mabilis ang paglipad ng balita dahil ikinansela rin ang event nina AJ at Cassey. Nagtaka ang karamihan kung ano ang dahilan hanggang sa marinig nina Ronan ang mga bulungan ng ibang tao na nandoon.
"May barilan daw sa parking lot kanina"
"Seryoso?"
"Oo. Nandoon pa ata ang mga pulis"
"Hala, iyon kaya ang dahilan kung bakit ikinansela ang event?"
"Hindi ko sure. Nahuli na rin naman daw kaagad ang mga suspect"
Biglang kinabahan si Ronan sa narinig niya. Naalala nito kaagad ang letter na natanggap nito noon. Kahit si Divine ay kinabahan dahil sa takot nang marinig na may barilan daw.
"Shit!" mura ni Ronan at mabilis na umalis sa crowd. Kaagad nitong hinugot ang cellphone sa bulsa niya para tawagan si Cassey.
"Bakit? Anong mayroon?" kinakabahang tanong ni Divine. Hindi nakasagot si Ronan kaagad dahil abala ito sa pagtawag kay Cassey, ngunit hindi ito sumasagot.
"Tawagan mo nga si AJ. Tanungin mo kung nasaan si Cassey" natatarantang utos ni Ronan kay Divine habang patuloy pa rin na tinatawagan si Cassey.
Mabilis naman kumilos si Divine. Ilang beses din sinubukan ni Divine na tawagan si AJ ngunit hindi rin ito sumasagot. Pagkatapos ng pang-anim na tawag nito ay doon palang sumagot si AJ.
"Sorry, papunta kami ngayon sa hospital. Natamaan ng baril si Cassey" pagbabalita ni AJ kay Divine pagkasagot nito sa tawag.
"What?! Paano?" gulat na tanong ni Divine.
"I don't know. Sa tingin ko related ito sa tumatarget sa kanya noon pa lang. Nakatanggap si Ronan noon ng letter na may balak daw pumatay kay Cassey. Akala namin prank lang iyon"
Doon lang din naalala ni Divine ang sinabi ni Elijah noon sa kanya. Was that only a coincidence?
"Punta na rin kami diyan ni Ronan. Saan ba kayo? Kamusta si Cassey?"
"Isend ko sa'yo yung hospital. Wala pa rin akong ganoong balita dahil sina Kurt at Marvin lang ang nag-uusap mula sa telepono. Magkaiba rin kami ng kotse na gamit ni Cassey eh"
"Sige sige. Sunod na lang kami diyan"
----
Kakatapos lang na linisin ang sugat ni Cassey. Mabuti na lang at hindi ito tumama kung saan magiging delikado ang buhay niya. Ngunit tinitignan pa rin ito ng mga doctor dahil normal lang na matakot ang isang bata. Kahit na sabihin na hindi nasa panganib ang buhay niya ay nakaranas pa rin ito ng nakakatakot na pangyayari kung saan may nagtatangka ng buhay nito.
Mabilis na pumasok sa loob ang mga kaibigan ni Cassey na sina Ronan, AJ, at Divine sa loob ng kwarto nang sabihin ng doctor na p'wede na. Natagpuan nina Ronan si Cassey na kinakausap ni Marvin at tila pinapakalma ito.
Napansin ni Divine kaagad na hindi ito umiiyak pero nanginginig ang mga kamay nito. Hinawakan niya ang kamay ni Cassey na nanginginig at siya ang umiyak para sa kanya.
"I'm glad you're safe" naiiyak na sabi ni Divine habang hawak ang kamay ni Cassey.
Tumawa si Cassey pero alam ni Divine na pinipilit lang nito na pakalmahin din ang sarili niya. Napansin din ni Ronan kung paano sinusubukan ni Cassey na maging matapang kaya naman malumanay niya itong tinawag at niyakap.
"Cassey... You could cry" pabulong na sabi ni Ronan.
Hinayaan nina Divine at AJ na mag-usap muna silang dalawa dahil umiiyak na rin si Cassey. Doon lang din naalala ni Divine na kailangan niyang balitaan si Farelle.
Lumabas ito saglit sa kwarto atsaka tinawagan si Farelle.
"Hello? Nagsisimula na ba?" tanong ni Farelle.
"Hindi. Nakansela ito"
"Huh? Bakit?"
"May tumangkang patayin si Cassey"
"Do you mean... Attempted murder?" pagkukumpirma ni Farelle.
Napakagat sa labi si Divine. "That's why, come here in the hospital instead if you're already on your way"
Napalingon si Divine kay AJ nang tawagin siya nito. Mukhang hinahanap pala siya ni Cassey.
"I got it" rinig ni Divine na sabi ni Farelle mula sa kabilang linya.
"Please be careful. May mga reporters na rin dito sa labas" pagpapaalala ni Divine sa kaibigan.
Pagkatapos ng call ay pumasok na ulit si Divine para samahan si Cassey. Halata sa mga mata niya ang pamamaga nito dahil sa kakaiyak.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com