Frequent Quarrels
<November 18>
HINDI KO pinansin ang tawag ni Kurt atsaka iritable kong shinut down ang cellphone ko para hindi na ako makareceive ng tawag. Malamang ay hinahanap na ako. Paano ba naman kasi ay tumakas ako ulit para sa isang pictorial namin ni Cassey na nakaschedule ngayon.
Ewan ko ba! Kapansin-pansin ang pagdami ng mga opportunity para sa amin ni Cassey, pero tuwing makikita ko ang mga feedbacks ng mga tao tungkol sa amin ay hindi maiwasang hindi maguilty para kay Divine.
Itinulak ko ang pinto papasok sa shop na pinagtatrabuhan ni Ronan. Sa labas pa lang ay makikita na ang mga nakakalat na mga boxes. Kasalukuyan din silang nagpapackage ng mga instrumento. Hindi ko alam kung ito ba ay para ipapadeliver o sadyang itatabi lang nila.
"Uy, AJ?! Akala ko ba may pictorial kayo ni Cassey ngayon?" gulat na bati sa akin ni Ronan pagkakita sa akin.
Ngumiti ako sa mga kasama ni Ronan nang makilala nila ako. Mabuti na lang ay wala pa silang customer ngayon at sila-sila pa lang ang nandoon. Mukhang napansin naman ni Ronan kung ano ang ipinag-aalala ko kaya hinila niya ako papasok sa likod ng shop nila para makapag-usap kami.
"Anong ginagawa mo dito? Gago, hinahanap ka na niyan panigurado"
Napakamot ako sa batok ko. "Kailangan niyo ba ng tulong dito?"
Tinignan ako ni Ronan na tila tinatanong kung seryoso ba ako sa tanong ko. "Just get to the point. Ano na naman ba nangyari?"
Bumuntong hininga ako. "Nag-away na naman kasi kami ni DIvine kagabi"
Napabuka ng bibig si Ronan na para bang may gustong sabihin pero itinikom niya na lang ang bibig niya atsaka tinapik ang balikat ko.
"Ikwento mo sa akin 'yan mamaya. May trabaho pa ako. Pumunta ka na rin muna sa shoot niyo. Madami kang naaabala sa trabaho sa ginagawa mo ngayon, AJ" seryosong sabi ni Ronan.
Umiwas ako ng tingin at mukhang napansin naman ni Ronan ang pag-aalinlangan ko.
"Ayaw mo man o gusto, kailangan mo pa rin pumunta doon. Hindi lang sa'yo umiikot ang mundo. Deal with it for now" pagsampal sa akin ni Ronan ng katotohanan.
Masakit man ang pagsasalita niya ngayon pero totoo naman ito. Naiintindihan ko naman ang gusto niyang ipunto.
"Ang sabi sa akin ni Cassey kagabi ay wala naman kayong shooting para sa teleserye niyo ngayon diba? Bale, itong pictorial lang ba ang schedule mo ngayon?"
Tumango ako.
"Ayun naman pala eh. Tapusin mo muna ang responsibilidad mo bilang artista. Kausapin kita mamaya" sabi niya bago ito naglakad pabalik sa pwesto nito kanina para magpackage ulit.
Sinundan ko siya atsaka itinapik siya sa likod. "Salamat, tol" sabi ko bago naglakad palabas.
Nagpalipas ako ng ilang oras sa paglalakad-lakad lang. Hindi pa rin kasi maalis sa isip ko ang pag-aaway namin ni Divine kagabi. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako kinakausap.
Binuksan ko ang cellphone ko at ang tawag na bumungad sa akin ay galing kay Cassey.
Ah... Isa rin pala siya sa naaabala ko noh.
I feel more guilty.
Sinagot ko ang tawag niya. "Sorry, papunta na ako" mabilis kong sabi pero nagulat ako sa bungad na bati niya sa akin. Akala ko ay tatanungin niya ako kung nasaan ako pero iba ang tinanong niya sa akin.
"Okay ka lang?"
Three words that melts my heart.
"Oo naman. Sobrang galit na ba ni Kurt?" pabiro kong sabi.
Ilang segundong tumahimik ang kabilang linya pero maya-maya ay sumagot din ito. "Oo eh. Kasalukuyan namin shino-shoot yung part ko muna kaya may oras ka pa" sabi nito.
"Hmm. Malapit naman na ako. Pasensya na"
----
Nilapitan ko sina Cassey at Ronan na nagkwe-kwentuhan sa isang gilid. Mukhang hinihintay lang talaga nila ako matapos sa pagkuha sa akin ng mga litrato. Kanina pa kasi tapos ang parte namin ni Cassey at nung solo niya. Kaya kanina pa talaga dapat p'wedeng umuwi si Cassey pero mukhang mas pinili niya na hintayin ako at ientertain panandalian si Ronan nang dumating ito.
"Ang aga mo ata matapos sa trabaho mo ngayon?" tanong ko kay Ronan.
Mapang-asar siyang ngumisi sa akin, "Paano kasi may isang lalake ang halos maiyak-iyak na bumisita sa akin kaninang umaga"
"Gago" mura ko sa kanya na tinawanan lang ako.
"Sige, mauna na ako. Mukhang may importante kayong pag-uusapan" paalam ni Cassey.
"Hatid muna natin siya, AJ. Tapos diretso na rin tayo sa bahay namin. Mayroon pa akong shift kasi mamayang gabi. Doon muna tayo sa amin tumambay" suhestiyon ni Ronan.
"Si Marvin ba?" tanong ko.
"Pinauna ko na kasi may iba pa itong hinahawakan na artista." sagot ni Cassey.
Nagpahatid kami kay Kurt. Sila Ronan at Cassey ang nasa likod ng kotse habang ako naman ang sumakay sa passenger seat. Napangisi na lang ako ng makita kong nakakunot pa rin ang noo sa akin ni Kurt. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ito sa akin sa ginawa ko kaninang umaga.
---
"So? Bakit kayo nag-away na naman? Dahil ba sa loveteam niyo ni Cassey?" tanong kaagad ni Ronan pagkapasok namin sa bahay nila.
Komportable akong umupo sa sofa nila. "Isa na iyon pero kahit ang maliliit na bagay kasi ay halos pinag-aawayan na rin namin. Hindi ko na nga maintindihan eh"
"Baka naman naghahanap lang ng lambing sa'yo" pabiro niyang sabi habang pumapasok sa kwarto niya.
"Ewan ko. Dati ay okay lang naman talaga kami sa set up namin. Alam ko na nagseselos siya sa amin ni Cassey pero parati ko naman sinasabi na trabaho lang ang lahat"
"Malamang ay naiinsecure rin 'yun. Kayo ang kilala na 'couple' sa buong bansa eh"
Bumuntong hininga ako sa sinabi niya. "Kaya nga eh. Simula pa lang ay ayoko na pasukin ang ganitong set-up. Hindi ko man lang kayang ipagsigawan ang pangalan ni Divine. Puta, ang hirap!"
Lumabas si Ronan na nakabihis para sa susunod niyang trabaho mamayang gabi. Iba kasi ang uniform nito kaya kailangan niya talagang magpalit.
"Do you love your work?"
"Oo naman. Pangarap ko iyon eh" mabilis kong sagot.
"Do you love your girlfriend?"
"Oo!" mas mabilis kong sagot. Nakita ko ang maliit na pag-ngiti niya.
"The both of you need to realize that when you want to get something, there'll always be a sacrifice that have to be made"
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Is he suggesting that, "I can't sacrif----"
Pinutol niya ang sasabihin ko. "That's what the both of you need to decide what sacrifice that is. Hindi lang naman career or love ang sacrifice eh. Minsan pride o minsan kailangan lang ng pag-iintindi"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com