I'll Accept It
<December 31>
KATULAD NOONG pasko ay walang inaasahan si Chloe na bibisita sa kanila. Ngunit ilang oras na lang bago sumapit ang bagong taon ay may pumaradang kotse sa tapat ng bahay nila. Inakala ni Chloe na kina Divine ito lalo na't napapadalas ang pagbisita nito para turuan si Elijah. Pero nagulat ito nang makilala kung sino ang bumaba mula sa kotse.
Mabilis ang pagtibok ng puso ni Chloe nang makita si Cassey sa labas ng bahay nila. Inakala niya pa na nananaginip ito.
"Hello. Ikaw ba si Chloe Vargas?" tanong ni Marvin kay Chloe.
Tumango si Chloe, "Bakit?"
"Gusto kang makausap ni Cassey" sabi nito bago itinulak ang nahihiyang babae sa likuran niya.
Mabilis na ipinorma ni Chloe ang sarili niya nang makaharap ang iniidolo nito. Palihim nitong kinurot ang sarili para malaman kung nanaginip ba ito o hindi. Nang makaramdam ito ng sakit ay natuklasan niya na hindi iyon isang panaginip.
Mabilis din itong natauhan kung bakit nasa harap ng bahay niya si Cassey. Paniguradong pakana ito ni Divine at ikwinento ang lahat sa best friend niya. Hiling lang ni Chloe ay hindi na binanggit nj Divine ang patungkol sa nararamdaman niya kay Cassey.
Itinulak ni Chloe ang nararamdaman niya para sa dalaga atsaka kaswal na binati ito.
"Uh... Hi. Ako nga pala si Cassey Briones"
"Chloe Vargas" maikling pagpapakilala ni Chloe atsaka tinanggap ang kamay ni Cassey na nakikipagshake hands. Mabilis niya rin naman itong binawi matapos ang ilang segundo.
"Pasok muna po kayo sa loob" magalang na sabi ni Chloe kina Marvin.
Pagkapasok nila ay si Elijah ang nag-entertain sa manager ni Cassey at sa iba pa nitong kasama. Habang si Cassey naman ay inaya si Chloe na mag-usap na lang sa labas.
"Uhm... Kamusta ka pala? Naikwento sa akin ni Divine na ikaw raw ang nagligtas sa akin noon" nahihiyang tanong ni Cassey kay Chloe.
"Okay lang"
Tumango si Cassey atsaka umiwas sa tingin ni Chloe. Marahil ay naiilang din ito dahil hindi naman nila kilala talaga ang isa't-isa. Ang ginawa na lang ng dalawa ay magkatabing sumandal sa pader habang diretsong nakatingin sa daan. Sa paraan na ito ay mas naging madali para kay Cassey na kausapin ito.
"Hindi ko alam kung gaano ako nagpapasalamat sa ginawa mo. Pasensya ka na kung nadamay ka pa sa amin"
"Wala iy---"
Mabilis na pinutol ni Cassey ang sasabihin ni Chloe. "My step mother and her family had some feuds because of some land. I think, iyon ang naging dahilan para ipagawa iyon ng kamag-anak ni mommy. Sa totoo lang, wala naman akong pakialam sa away nila kaya hindi ko rin alam bakit ako nadamay. Siguro dahil inaakala nila na maapektuhan si mommy."
Huminga ng malalim si Cassey bago mapait na ngumiti.
"Sa'yo ko lang sasabihin ito. Alam mo ba na I'm really not the person what other people sees in me? I don't really want to become a model or an actress. I just want to have an ordinary life. I don't like the fame." pag-amin ni Cassey.
"But my step mother really dreams about becoming an actress before. That's probably why she forced me to become one as well. She sees me as someone who could fulfill her unfulfilled dream. It was because she was not able to become one even though their family is rich, she had no talent for it. I also don't believe that I have talent for but many people say that I do. It's just that I can't see what other's sees in me."
Napalingon si Chloe kay Cassey para tignan ito at doon niya napansin ang namumuong luha sa mga mata nito. Hindi alam ni Chloe kung bakit ito ikinukwento sa kanya ni Cassey, pero mas hindi niya alam kung paano ito papakalmahin at patatahanin.
"At some point of my life, I also thought of ending everything. Sobrang nakakapagod kasi na tumira sa expectation ng iba. Ang hirap lang. Pero noong nandoon na ako sa punto kung saan may pagkakataon na maaari nga akong mamatay, doon ko lang narealize na ayoko pa talaga. Was it fear? Or was that just really realization for me of knowing what I truly want? Katulad nga siguro ng sinasabi ng karamihan, malalaman mo lang kung anong mayroon ka kapag ito ay nakuha na sa'yo. Siguro, halos ganoon ang nangyari sa akin. I suddenly got rid of the thought of dying. I wanted to live my life.
Kung tutuusin p'wede naman akong maging masaya sa buhay ko ngayon eh. I just have to accept it. And I think that's what I'll do.
I may not have an ordinary life like what I dreamed of. I may not become an ordinary office worker like what I envy others of. But I could still do other stuff. P'wede ko pa rin naman matupad ang mga pangarap ko sa mga roles na gagampanan ko kung binayayaan ako ng ganoong role."
Mahinang tumawa si Cassey bago pinunasan ang luha na kanina pa pala tumutulo. "Sorry. Wala lang ako mapagkwentuhan. Nahihiya ako mag-open up sa mga kaibigan ko, marami na silang iniintidi eh. Atsaka, parang mas madali lang mag-open up kapag hindi mo kilala. Please, forget what I just said earlier"
Diretsong tumayo si Cassey atsaka hinarap na ng tuluyan si Chloe.
"Sorry ngayon lang pala ako pumunta. Sobrang busy lang namin sa mga events na nadelay at umuwi pa kasi kami sa probinsya nitong pasko. Mabuti nga pinayagan ako na makabisita ngayon kahit na kakatapos lang ng isang show namin ni AJ para sa countdown for newyear. Tapos na ang role namin doon kaya dumiretso na rin ako dito. I wanted to thank you before the year ends. Paniguradong binigay na ni kuya Marvin ang mga regalo ko para sa inyo sa kasama mo" pag-eexplain ni Cassey.
Tumango si Chloe pero dahilan iyon para mapatawa rin si Cassey. "Hindi ka ba talaga palasalita? Ang tipid mo sumagot simula pa kanina eh"
Mabuti na lang at madilim kaya hindi ganoon kahalata ang pamumula ni Chloe sa hiya.
"Nahihiya ka ba sa akin? Naku, h'wag. Ako nga dapat ang mahiya dahil ako ang bumisita ng wala man lang pasabi tapos anong oras na rin" pagpatuloy ni Cassey.
Umiling si Chloe atsaka sabay niyang inamin na, "You're just so different"
"I told you. I am" nakangiting sabi ni Cassey.
Umiwas si Chloe ng tingin, "I mean. I have nothing, while you have everything"
Napatigil si Cassey saglit sa sinabi ni Chloe. Ngumiti ito atsaka tumalikod ito sa kanya. Inilagay ni Cassey ang kamay niya sa likod habang tumingala para panoorin ang mga makukulay na fireworks na nasa langit.
"That may be true, but you know better how to treasure something. I wish I have that kind of trait. I don't wish to regret something from slipping away from my fingers after all"
"If you realize this now, then you'll eventually appreciate what you have now" bulong ni Chloe pero sapat na ito para marinig ni Cassey.
Mahinang tumawa si Cassey, "Haha, maybe. Anyway, thank you again for helping a stranger like me"
"Hmm" pagtango ni Chloe.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com