Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Real Desire

<November 28>

PAGKABUKAS KO ng cellphone ko ay ang text ni Farelle at ni AJ ang bumungad sa akin. Tinatanong ni Farelle kung sabay raw ba kami na pupunta sa DoroTea. Habang si AJ naman ay naggreet lang ng good morning at nag-update kung anong schedule niya sa araw na ito.

Umagang-umaga ay naglabas na ako kaagad ng buntong hininga. Makita ko lang kung gaaano kabuting boyfriend sa akin si AJ ay hindi ko maiwasang hindi maguilty at masaktan.

Araw-araw ko na nga siyang inaaway pero hanggang ngayon ay ang haba pa rin ng pasensya niya sa akin. Minsan ay sasabayan niya ang galit ko, pero makalipas lang ang ilang oras o araw ay hihingi na ito kaagad ng tawad at makikipagbati.

Why is he so stupid? Why is he like this?

Hindi ko pinansin ang text ni AJ, pero nireplyan ko si Farelle. Sinabihan ko si Farelle na sabay na lang kami.

Mga 11 AM pa naman kami magkikita para kumain sa labas. Mukhang gustong ipakilala ni Cassey ang pinagmamalaki niyang tea shop kung saan sila madalas maghangout nina Ronan at AJ. Alam na ni Farelle ang DoroTea shop na iyon pero hindi pa siya nakakapunta. Batay sa mga inuuwi na pasalubong ni Ronan galing sa DoroTea ay masarap naman daw talaga.

---

"Si AJ ba 'yan?" tanong ni Farelle nang mapansin niyang may katext ako.

Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon papunta sa DoroTea, pero hanggang ngayon ay nangungulit pa rin kasi si AJ. Hindi kasi ako nagpaalam sa kanya na magkikita kami ngayon nina Cassey. Mukhang nalaman lang niya ito dahil kay Ronan. Hindi naman ito galit dahil hindi ako nagpaalam, pero halata rin sa pagtype niya na nagtatampo ito dahil hindi niya man lang alam.

Hindi ko namalayan na nakapasok na pala kami ni Farelle sa loob ng DoroTea shop, kung hindi ko lang narinig ang boses ni Cassey. Masyado lang talaga akong abala sa pagreply kay AJ, lalo na't mukhang hindi ko kayang tiisin na hindi man lang siya replyan.

Nang matapos ako sa pagtext ay napansin kong nakatingin din ito sa akin. There's that feeling again. I don't really like seeing that kind of face.

"Cassey, right?" pagkukumpirma ko kung ang Cassey ba na kaharap ko ay ang totoong Cassey o ang artistang Cassey.

I immediately regret what I just asked. Siguro, natanong ko lang iyon dahil sa nagkahalo-halong emosyon ko ngayon.

Tuwing nakikita ko siya ay para bang nakikita ko ang sarili kong repleksiyon. Siguro, ang tanong na ibinato ko sa kanya ay tanong na rin para sa sarili ko.

Ah... This is also probably what Ronan wants me to realize before. Mukhang nakakalimutan ko na kung ano at sino ba talaga ako.

Hindi ko alam kung narinig ba ni Cassey ang tanong ko o sadyang hindi niya lang ito pinansin. Mabuti na rin siguro iyon, dahil nakakahiya naman kung sagutin niya pa ito.

Umorder kami ng pagkain. Pare-parehong pasta ang inorder namin pero bumawi naman kami sa dessert at drinks, since iyon naman talaga ang ipinunta namin dito.

Hindi ko matukoy kung bakit kailangang tanungin ni Farelle ang issue patungkol kina AJ at Cassey. Siguro, dapat pabirong tanong iyon pero mukhang sineryoso iyon masyado ni Cassey. Kahit naman ako ay hindi ko mapigilang hindi maging seryoso sa tanong niya. Alam kong hindi ganoong klaseng kaibigan si Cassey, kaya hindi ko rin maintindihan bakit kailangan kong maramdaman ang insecurity and jealousy?

"Pero sino tinutukoy mo doon sa interview mo noon na may na-appreciate ka raw na tao sa set? Ikaw ah? Hindi ka nagkwe-kwento sa amin" curious na tanong ni Farelle.

Kahit ako ay nacurious dahil isa iyon sa pinag-awayan namin ni AJ noon.

Narinig namin ang mahinang pagtawa ni Cassey na mukhang may inaalala. Ngumiti rin ito bago sumagot ng, "Just... Someone".

I can't help but to raise my eyebrow. That laugh and smile was surely not a fake one.

Tuwing naririnig ko ang pagtawa ni Cassey noon ay lagi akong naiirita. Pero sa pagkakataon na ito, it melts my heart.

Napangiti ako at masasabi kong tunay akong masaya para sa kanya. Alam kong hindi si AJ ang tinutukoy niya maliban sa inamin niya na hindi boyfriend ko 'yun ay mabilis ko rin nalaman base sa reaksiyon niya.

Iba ang ngiti na ipinakita niya. Hindi ko maexplain pero masaya ako dahil kung sino man iyong tinutukoy niya ay alam kong mabuting tao iyon. Siya ang naging dahilan para makita ko ulit ang ngiti ni Cassey na naging dahilan para mainlove ako sa kanya noon.

I really love seeing that kind of smile of hers. It was an art that I want to see everyday. I hope it stays that way for a long time.

Siguro, dahil na rin sa ngiting iyon ay mukhang nalaman ko na rin ang sagot sa lahat ng problema ko.

I also want to have that kind of smile.

I am jealous of my best friend for so long that I also keep dreaming of having everything she haves. That was a really big mistake on my part.

Kaya naman pagkatapos na pagkatapos namin ay kaagad kong minessage si Ronan para ipaalam sa kanya ang desisyon ko. Hindi ko tinanggap ang imbitasyon ni Farelle na sumama sa kanya sa mall, dahil feeling ko mas importante na masabi ko kaagad ito kay Ronan.

Gusto kong malaman ito ni Ronan dahil alam kong deserve niya ito. Siya ang unang taong tumulong sa akin, kahit na sobrang harsh ng paraan niya. Kailangan ko pa ring aminin na dahil sa ginawa niya ay natuto ako.

Ano kaya ang magiging reaksiyon niya kapag nalaman niya? Will he be proud?

I finally know what my heart truly wants. I want to break free from my toxic personality and start a new. I was already free since my mom adopted me. I was really the only one who's holding on too much from the past.

Napahawak ako sa dibdib ko nang marealize ko kung anong mga desisyon ang kailangan kong gawin para magawa ang gusto ko.

I really have to break up with him, huh?

Iniisip ko pa lang, nasasaktan na ako...

I don't want to let him go after I fell in love with him like this, but I don't have any other choice since I also need to do this for myself.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com