Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Revelation

[ R O N A N ]

<November 23>

NAG-AAYOS NA ako ng gamit ko para umuwi pero nagulat ako ng bigla kong nakitang pumasok si AJ sa loob ng shop. Sa itsura pa lang ng ekspresyon ng mukha niya ay alam ko ng may balak itong gumawa ng eksena. Kapansin-pansin din ang mga taong nakalingon sa direksiyon ni AJ na tila ba nacucurious kung ano ang ginagawa niya dito.

Magsasalita pa lang sana si AJ pero kaagad ko na ito pinutol ng masigla kong pagbati. "Pare! Buti napadaan ka dito! Dadalhin ko pa lang sana iyong hinihingi mo sa akin noon"

Kapansin-pansin ang pagkunot ng noo niya. Malamang ay nagtataka kung ano ang tinutukoy ko.

"Madaming nakasunod sa'yo na fans mo ata. Bakit ka ba pumunta dito?" pabulong kong tanong.

Mukhang ngayon niya lang narealize ang mga taong nakatingin sa kanya. "Tch" iritable niyang sabi.

"Sa DoroTea muna tayo? Mukhang may gusto kang sabihin eh. Saktong may gustong ipabili sa akin si Farelle doon. Nagustuhan niya ata 'yung dinala ko dati" suhestiyon ko.

"Salamat! Dala mo na ba?" Matalim niya ako tinignan pero mabilis din niya itong pinalitan ng isang masiglang ngiti.

Yeah, the actor's smile.

Siguro, dahil halos lagi-lagi akong nakakakita ng mga pekeng ngiti at masyado ko nang kilala itong si AJ ay alam ko na kaagad kung totoo ba ang ngiti niya o hindi.

"Hindi man eh. Ipangreregalo mo ba ito? Saktong katatapos ko lang sa trabaho. Samahan mo na akong kunin"

"Sige, tol"

Pagpeke namin sa usapan naming dalawa. Hindi naman sa talagang peke ito, pero alam naming dalawa na hindi ito ang totoong pakay niya. Totoo na mayroon itong ibinilin sa akin na bilhin para kay Divine ata. Nabili ko na ito at bukas ko pa sana ibibigay sa kanya pero dahil andito na rin naman siya ay 'yun na lang ang ginawa kong dahilan. Hindi rin totoo na hindi ko ito dala. Dala ko ang necklace na pinabili niya at nakatago na ito sa bag ko. Pero dahil kailangan namin ng dahilan para maialis lang si AJ mula sa mga mata ng mga fans niya ay nagsinungaling ako.

Sinundan niya ako sa paglakad. Kumuha na lang ako ng grab dahil alam kong hindi magiging komportable si AJ kung magje-jeep kami.

Mula sa likod ko ay ramdam ko ang nakakasunog niyang tingin. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mailang. Did I do something wrong?

Tahimik lang kami sa buong byahe papunta sa DoroTea. Ni hindi rin siya umimik ng makapagtake out na ako ng pasalubong ko kay Farelle. Mukhang wala naman itong balak na mag-usap sa loob ng tea shop kaya hindi na ako nag-aya pa na magstay kami doon.

Hinayaan ko na lang siya na tahimik akong sundan at hinintay na lang kung kailan niya balak magsalita. Wala naman nang ibang taong nakatingin eh.

Nasa labas na kami ng tea shop at naghihintay na lang ako ng p'wedeng sakyan. Hindi ko makaya ang awkward na katahimikan kaya nagtanong na ako.

"Kamusta kayo ni Divine? Parang kailan lang nung binisita mo ako dahil nag-away kayo eh. Okay na ba kayo?"

Hindi ko naman inaasahan na hindi ko pala dapat iyon tanungin, dahil mas lalo lang pala siya maiinis sa'kin.

"Ayun, magkaaway pa rin kami. Masaya ka na niyan?"

Napakunot ako ng noo sa taka kung bakit niya iyon natanong. "Huh?"

"Malamang sa kaloob-looban mo ay masaya ka na hindi kami ayos diba? Baka kasi may tiyansa na maging kayo ulit?"

Doon ko narealize kung ano ang pinaparating niya. Did Divine told him about what happened to us before?

"Gago ka ba? H'wag mong sabihin na ako naman ang dahilan ng pag-aaway niyo? Ano nagseselos ka dahil sa'kin?" natatawa kong sabi.

Napatingin ako sa kamao niya na mahigpit na nakakuyom. Mukhang hindi nga ito nakikipagbiruan lang. Mukhang nagpipigil na nga lang siya na hindi ako suntukin dahil nasa publiko kami eh.

Bumuntong hininga ako. "Tapos na kami ni Divine. Atsaka, AJ, nakamove on na ako sa kanya. Matagal na. Kung ang tinatanong mo ano ang nararamdaman ko tuwing naririnig kong nag-aaway kayong dalawa, malamang ay nasaktan ako para sa inyo. Bakit ko naman gugustuhin na nag-aaway kayo?"

"Eh, bakit hindi mo man lang nabanggit sa akin na naging kayo pala?!"

Tinignan ko siya saglit bago ako diretsong tumingin sa harap para iwasan ang matalim niyang tingin. Kalmado kong sinagot ang tanong niya, "Kasi hindi naman importante. Hindi ko nakikitang kailangan mo pang malaman. Ang mahalaga ay 'yung ngayon, diba?"

Hindi sa gusto kong itago ang naging relasyon namin ni Divine dati, pero dahil nakita ko kung gaano kamahal ni AJ si Divine. Kung sa best friend ko lang din mapupunta si Divine ay mas okay na iyon kaysa sa ibang taong hindi ako sigurado kung pahahalagahan ba talaga siya.

I might've wanted to keep Divine, pero alam kong hindi ako ang kailangan niya. I know I can't do anything to help her. I can't be her strength. I'm not the guy who could lead her to a bright future she's always been dreaming of.

I noticed the pains and scars she have. The flaws that she keeps trying to hide. I can't help but feel guilty and feel sad for her. Gusto ko man siyang tulungan siya, pero ang gusto niyang klaseng tulong ay ang paraan kung saan ay hindi niya alam na mas masasaktan lang siya.

Ayokong mas maging dahilan para sa ikakasira niya. That's why I let her go.

I thought if she was with my best friend, she would be happier. Maybe, she'll be able to learn more about herself. Maybe, she'll be able to learn what "love" truly is.

Alam ko kasi na hindi siya sasaktan ni AJ.

Kaya hindi ko na sinabi sa kanya ang tungkol sa amin ni Divine, noong nalaman ko na sila na pala. Ayokong ako ang maging dahilan kung bakit hindi sila magwo-work.

If both my bestfriend, and the person that I love and care for are happy, then that's enough for me.

I'd lie if I say it didn't hurt. Sobrang masakit siya, pare. Tuwing nagkwe-kwento sa akin si AJ tungkol sa girlfriend niya ay hindi ko alam kung ano ang emosyon ang dapat kong pairalin. Selos ba o dapat ba akong matuwa.

Pero para sa ikakasaya nilang dalawa, I buried my feelings deep inside me. I kept everything in hanggang sa napansin ko na nagiging tolerable na.

Kaya ang tanong ni AJ ngayon kung masaya ba ako? He shouldn't have asked that. Ni hindi nga iyon pumapasok sa isip ko eh. Gusto ko nalang matawa, haha. Hindi ba siya natatakot na baka biglang sumulpot ulit ang binaon ko nang nararamdaman?

Pagkauwi ko ay nasa isip ko pa rin ang sinabi ni AJ kanina. Huminga ako ng malalim atsaka tinext si Divine. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com