Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Same Work

<December 15>

NAG-AAYOS NG gamit si Chloe habang ang may-ari naman ng car shop ay kinakausap ang unang customer nila. Maya-maya lang ay mayroon isa ulit na kotse ang pumarada sa harap ng carshop. Inakala ni Chloe na customer ulit ito ngunit hindi niya inaasahan kung sino ang bababa dito. Kaya hindi namalayan ni Chloe na napatagal ang pagtitig nito sa lalake.

Nakaramdam ng pagkailang si Ronan sa lalake na kanina pa nakatingin sa kanila simula ng makababa ito ng kotse. Inakala pa nga ni Ronan noong una ay napansin ng lalake si AJ sa loob ng kotse kaya ganoon ang pagkatingin niya.

"Salamat sa paghatid, babe" malaswang biro ni Ronan sa kaibigan.

"Siraulo. Oo nga pala, hihingi ako dito sa tinapay na papabigay mo kay Cassey ah"

"Ikaw bahala, basta magtira ka para sa kanya"

"Kung may matitira pa" sagot ni AJ bago kumuha ng tinapay sa plastic.

"Lagot ka kay Farelle kapag hindi 'yan nakaabot kay Cassey"

Tinawanan lang naman ni AJ ang kaibigan nitong si Ronan. "Mauna na kami" paalam nito nang mapansin na nagmamadali na si Kurt, kung sino ang nagda-drive ng kotse.

"Sige, salamat ulit" paalam din ni Ronan.

Nakaalis na ang kotse nila AJ pero ramdam pa rin ni Ronan ang pagtingin ng lalake sa kanya.

Habang si Chloe naman ay nagtataka pa rin kung anong ginagawa ni Ronan sa carshop. Mas lalo itong nagtaka ng maligayang sinalubong at binati ng may-ari ito.

Hindi na nakatiis si Ronan atsaka nilapitan na si Chloe para batiin ito. "Hi! Bago ka dito?"

"Ah. Oo" mabilis na sagot ni Chloe nang matauhan ito.

"Anong ginagawa mo dito?" wala sa sariling tanong ni Chloe. Nang marealize niya kung anong klaseng tanong ito ay kaagad niya binawi ito. "Sorry, ang ibig kong sabihin ay---"

"Madalas lang akong tumulong dito tuwing Wednesday. Hindi lang ako nakapunta dito noong mga nakaraang linggo dahil sa schedule ko kaya hindi mo ako nakikita noon" nakangiting sagot ni Ronan sa tanong ni Chloe.

Tumango si Chloe atsaka bumalik sa una niyang ginagawa.

"Dito ako unang nagtrabaho noon kaya kahit na may dalawa pa akong trabaho sinusubukan ko na makatulong pa rin dito kahit minsan. Para na ako pinalaki ni Boss Arlie eh" pagkwento ni Ronan.

Saglit na tumingin si Chloe kay Ronan bago tumango. "Ahh"

"Ronan nga pala" pagpapakilala nito.

"Chloe"

Magsasalita pa sana ulit si Ronan para mas kilalanin ang bagong hinire ni Arlie pero tinawag na siya ni Arlie.

Nagpatulong si Arlie kay Ronan pero habang nagtatrabaho sila ay nagkwekwentuhan din ang dalawa. Hindi rin tuloy maiiwasang hindi marinig ni Chloe ang pinag-uusapan nila.

"Kumusta si Cassey? Kayo na ba?"

"Boss naman! Pati ba naman ikaw? Kaibigan ko lang si Cassey"

"Talaga ba?" Naiiling na lang si Ronan sa pang-aasar ni Arlie sa kanya.

"Pero seryoso, kumusta si Cassey? Naikwento mo sa akin noon 'yung letter, ano na nangyari doon?"

Nagkibit-balikat si Ronan dahil ilang araw na ang nakakalipas pero wala pa namang ibang kakaiba ang nangyayari sa paligid ni Cassey.

"Sa tingin namin ni AJ na prank lang talaga siya"

Napatigil si Chloe sa narinig niya. Hindi man halata pero araw-araw ay kumukuha siya ng impormasyon patungkol kay Mar lalo na sa kung anong plano nitong gawin. Ayon sa mga nakakalap niya ay tuloy pa rin ang commission nito sa pagtarget sa buhay ni Cassey.

Bumuntong hininga si Chloe at sinubukan na hindi na lang isipin iyon. They'll figure something out.

Pumatak ang 12 ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin sila tapos sa kotse na nililinis nila. Pero pagkatapos ng ilang oras na lumipas ngayong umaga ay mas nakilala na ni Chloe si Ronan. Nalaman niya na sobrang pala-kaibigan ito dahil kanina pa nitong sinusubukan na bumuo ng conversation sa kanya.

Sobrang daldal ni Ronan ngunit kahit na gustuhin man ni Chloe na mairita dito ay hindi niya ito magawa. Sobrang komportable lang kasi talaga niya kasama at tila alam niya lang talaga kaagad kung ano ang p'wede at hindi p'wedeng pag-usapan. Kung mayroon man na ikakainis si Chloe kay Ronan ay iyon siguro kung gaano kaclose ito kay Cassey. Ngunit alam ni Chloe na hindi ito dapat maging immature dahil lang sa nararamdaman nito.

"Hey, random question lang. Alam kong narinig mo rin naman 'yung pinag-usapan namin ni Boss kanina"

Takang nilingon ni Chloe si Ronan ngunit kaagad itong nagsisi nang makita niya ang pag-aalala sa mga mata ni Ronan. Alam niya na kaagad kung ano ang itatanong nito.

"Anong gagawin mo kung may natanggap ka na letter at nakasulat doon na nasa delikado ang buhay ng kaibigan mo?"

Sinubukan ni Chloe na maging kaswal. Nagkibit balikat ito sabay sabing, "hindi naman masama kung maging mas maingat."

Yumuko si Ronan atsaka tumango. "Sabagay"

Mapait na ngumiti si Chloe. "You really care for that friend of yours, huh?" bulong ni Chloe sa sarili.

"Hmm?" pagpapaulit ni Ronan sa sinabi ni Chloe pero umiling lang ito.

"Ganito ka ba talaga sa lahat ng tao? Masyadong pala-open sa iba?" tanong ni Chloe.

"Hindi naman. Depende lang sa tao. Siguro, masyado lang ako naging komportable sa'yo. Atsaka maganda ang mata ni boss Arlie pagdating sa mga tao kaya alam ko na kaagad na mapagkakatiwalaan kita"

"H'wag" mabilis na sabi ni Chloe.

"Huh?"

Bumuntong hininga si Chloe atsaka naglakad palayo para kunin ang pamunas.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com