Unfortunates People Can't Dream
[ C H L O E ]
<October 27>
ANG NATUTUNAN ko sa lahat ng napagdaanan ko, ang buhay ay isang uri ng pagsusugal. Ang daling tumalon sa saya kapag ikaw ay swerte sa mga natanggap mong baraha, pero mas madali pa rin talagang sumuko kapag malas ka. Anong p'wede mong magawa kung ang binigay lang sa'yo ay isang bato, habang ang iba ay mayroong iba't-ibang uri ng nagmamahaling hiyas.
"Jah! Kain na!" tawag ko sa pinsan ko pagkalapag ko ng pinggan na may laman ng kaunting kanin na natira kaninang almusal.
Patakbo na pumasok si Elijah sa maliit naming bahay. Agad itong umupo sa pwesto niya atsaka nagdasal bago kainin ang parte nito. Alam ko kung gaano ito kagutom dahil wala itong kinain kaninang tanghalian.
Haaa...
Kailangan ko na talaga makakuha na ulit ng pera para pambili ng pagkain namin. Habang kumakain si Elijah ay tumigil ito saglit atsaka tinignan ako.
"Hindi ka kakain kuya?" inosente niyang tanong.
Umiling ako, "Kumain na ako kanina sa labas. Ubusin mo na 'yan"
I lied...
Elijah is a growing child. Mas kailangan niyang kumain kaysa sa akin. Ako ang mas matanda sa aming dalawa kaya dapat lang na mas alagaan ko siya. Kung hindi lang ganito ang sitwasyon namin, sana mas maganda ang buhay niya.
Hindi ko mapigilang hindi maisara ng mariin ang kamay ko. May iba pa ba akong p'wedeng magawa?
"Oo nga pala, kuya! Nakita ko si Cassey kanina sa TV. Ang ganda niya nga. Siya yung hinahangaan mo diba?"
Napaubo naman ako sa sinabi ni Elijah. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya 'yun.
"Paano mo nalaman?" tanong ko habang nararamdaman kong umiinit ang tainga ko.
Totoo ang sinabi niya na hinahangaan ko si Cassey, iyon ay dahil gusto ko rin maging katulad niya. Minsan ko lang makita sa telebisyon si Cassey, pero tuwing may pagkakataon para makanood ako ng isang palabas ay siya lang talaga ang pumupukaw ng atensyon ko. Iba ang dating para sa akin kung paano siya umarte. That's when I knew, she's a talented and a lucky person.
Hindi katulad ko...
"Palagi mo kaya siya kinukwento sa akin. Pero kuya may kalove-team na 'yun eh. Give up ka na d'un, wala kang pag-asa dun"
Tumawa na lang ako ng pilit para i-entertain siya.
Kahit naman gusto ko si Cassey ay alam ko kung hanggang saan lang talaga ang isang katulad ko. I'm nothing compared to Alann. Impossible rin naman na magkita o makausap ko sila. Kaya hindi na kailangan akong paalalahanan ni Elijah. Simula pa nung una ay hindi na ako umaasa kaya hindi ko na kailangang sumuko dahil wala naman sa plano ko ang lumaban.
Umupo ako sa tapat ni Elijah habang pinapakinggan ang mga kwento niya hanggang sa may naalala ako sa sinabi niya. "Saan ka nanood?" gulat na tanong ko.
Napatigil ito sa pagsubo ng kanin atsaka dahan-dahang umiwas ng tingin. Napangisi na lang ako nang makita ko ang pamilyar na galaw na iyon. Ito ang lagi niyang ginagawa tuwing nag-iisip ito ng p'wedeng idahilan sa akin.
Ginulo ko ang buhok niya. "Sa susunod magpaalam ka sa akin kung saan ka pupunta para naman alam ko kung sino sisisihin ko kapag nawala ka"
"Hala!"
"Biro lang. Siyempre para alam ko kung saan kita hahagilapin. Atsaka delikado sa lugar na ito, alam mo naman 'yun diba?" nag-aalala kong sabi sa kanya.
Yumuko ito atsaka ngumuso. "Hmm"
Tinulak ko ang pinggan niya bago ako nangalumbaba para panoorin siya. "Ubusin mo na ito"
Naalala ko tuloy noong kaming dalawa na lang ang naiwan para magdamayan. Sobrang bata pa kami noon at wala pa alam kung paano mabuhay mag-isa. Siya ay 2 years old pa lang noong namatay ang nanay niya habang ako naman ay 7 years old.
Noong panahon na 'yun wala akong maintindihan at iyak lang ako nang iyak dahil namatay sa harap ko ang nanay ni Elijah. May isa lang itong binilin sa akin bago ito mamatay. Ito ay ang alagaan ko ng mabuti ang anak niya. Wala na itong ibang sinabi. Hindi man lang niya sinabi kung paano o ano ang dapat kong gawin.
7 years old pa lang ako noon, pero yun ang pangatlong beses ko na maiwanan ulit. Noong una ay noong 2 years old ako, iniwan kami ng tatay ko. Pangalawang beses ay noong iniwan naman ako ng nanay ko noong 4th birthday ko sa isang parke. Ang sabi niya ay babalikan niya ako pero lumipas ang ilang oras ay hindi pa siya bumabalik. Naalala ko pa noon kung paano ko pinigilan ang luha ko pero bumigay din ako nang makita ko ang kapatid ng nanay ko. Niyakap niya ako atsaka dinala sa bahay nila. Simula noon ay nakitira na ako sa kanila.
Pero hindi ko naman inaasahan na maiiwanan ulit ako pagkatapos ng tatlong taon.
Hindi ko alam kung paano ako tumahan atsaka tumayo para manghingi ng pagkain sa kapit-bahay para pakainin lang ang pinsan ko. Siguro dahil nairita ako sa iyak nito, o siguro dahil naiintindihan ko ang nararamdaman nito. Hindi na kasi gumigising ang nanay nito. Akala lang namin ay natutulog ito pero ilang araw na ang nakalipas pero hindi pa rin ito tumatayo.
Makalipas ang ilang taon ay doon ko mas naiintindihan kung gaano kahirap mabuhay. Minsan ay naiisip ko kung anong pakiramdam ng mahiga sa isang kama at magpahinga na lang katulad ng ginawa ng nanay ni Elijah.
Pero sumasagi rin sa isip ko kung ano ang mararamdaman ni Elijah kapag ginawa ko iyon. Ayokong maramdaman niya ulit ang pakiramdam ng maiwanan.
"Kuya" tawag sa akin ni Elijah.
Doon ko napansin na tapos na pala ito kumain. Kinuha ko ang pinggan niya atsaka dinala sa lababo para hugasan ito nang hawakan niya ang dulo ng sando ko.
"Bakit?"
"Ako na maghugas" pagpresinta niya kaya naman hinayaan ko ito.
Nang matapos ito ay dumiretso kami sa kwarto. Dumiretsa siya sa kama habang ako naman ay kinuha ang lapis at notebook ko na nasa drawer.
"Hindi ka pa matutulog?" tanong niya sa akin.
Umiling ako bago ako lumabas at umakyat sa bubong namin. Binuksan ko ang notebook ko kung saan nakita ko ulit ang mga pinagsusulat ko na kanta at mga iba kong sketches.
Napangiti na lang ako ng mapait.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com