Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

What They've Chosen

<Five Years Later>

MINSAN KUNG ano ang mga pinipili natin ay iyon ang naglalarawan kung sino o ano nga ba tayo. Dito rin bumabase kung ano ba ang mas pinahahalagahan mo bilang isang indibidwal. Matapos mong makapili ay doon na magsisimula kung ano ang kalalabasan ng bawat desisyon na ginawa mo.

"Confirmed na raw! Nililigawan na talaga ni Julius si Cassey!"

"Hala! From reel to real na ba?"

"Sayang pa rin talaga ang Alssey"

"Wala eh. May girlfriend na. Pero ang cute pa naman talaga nila AJ at Cassey"

"Bagay din naman sila Julius at Cassey eh. Atsaka mukhang seryoso talaga si Julius kay Cassey. Subukan mong istalk si Julius sa instagram niya at Twitter, puro patungkol kay Cassey ang laman"

"Oo nga. Dati may rumor na sobrang playboy ni Julius pero mukhang na-tame kaagad ni Cassey"

Naiiling na lang si Farelle sa mga naririnig niyang usapan ng mga naghihintay para sa meet and greet nina Cassey at Julius sa araw na ito. Kasama ni Farelle ang kapatid nitong si Ronan na busy sa telepono.

"Sige, sabihan ko si Divine. Pero all goods naman na raw diba?" rinig ni Farelle na sabi ng kapatid nito sa kausap niya.

"Ano iyon?" tanong ni Farelle matapos ang pag-uusap nito sa telepono.

"Naayos na ni Chloe 'yung business permit na kailangan namin para sa small business na balak namin" pagbabalita ni Ronan.

Napalakpak naman sa tuwa si Farelle. "Talaga? Buti naman. Dati niyo pa pinagpla-planuhan ni Chloe iyon diba?"

"Oo, kaso wala palang talaga kaming pera para maipush iyon. Buti na lang nagpresinta si Divine na mag-invest"

"Oo nga pala. Nakausap mo na ba sina AJ?"

"Oo. Susunduin daw ni AJ si Divine pagkatapos nitong magturo sa school."

"Sobrang delikado naman ng balak ni AJ. Baka dumugin siya ng mga estudyante" kinakabahang sabi ni Farelle.

Nagkibit-balikat si Ronan. "Wala eh. Nagjowa si AJ ng teacher"

Natawa naman si Farelle sa sinabi nito. "Buti nga nagtagal sila eh. Ikaw nakakailan ka na, wala man lang nagtatagal sa'yo. Pinaka-matagal mo na ata ay isang taon"

"Aray ha" pabirong sabi ni Ronan.

"Ano bang problema sa'yo? Alam ko naman na sobrang bait mo sa kanila pero bakit ganoon?"

Natawa si Ronan dahil para bang problemadong-problemado talaga si Farelle sa lovelife niya. "Ikaw kaya ang tanungin ko? Bakit hindi mo pa sinasagot 'yung nanliligaw sa'yo huh? Huwag mo sabihing umaasa ka pa rin sa long-time crush mo?"

"Heh! H'wag ka. Improving na kaya si Ken ngayon. Mas nauuna na siyang magtext sa akin" pag-irap ni Farelle sa kapatid.

"Wala kang pag-asa doon. Subukan mo kaya tignan iyong nanliligaw sa'yo. Pasado na siya sa akin"

Pinaikot ni Farelle ang mga mata niya. Ang totoo niyan ay kahit naman para kay Farelle ay pasado na rin si Ian, pero hindi niya lang siguro talaga kayang magcommit pa sa isang tao.

"Si Chloe pala ba? Sasama ba sa club mamaya?" pag-iiba ni Farelle sa usapan.

Umiling si Ronan, "Hindi. Masyadong busy iyon eh. Nagpapayaman"

Natawa naman si Farelle. "Minsan ko lang makita iyon ah"

"Ako rin nga eh. Kung hindi lang dahil sa balak namin na business ay hindi siguro iyon magpaparamdam. Wala, may pinsan din kasi siya na inaalagaan"

"Parang ikaw lang 'yun dati ah?"

"Kaya nga nagclick kami eh" biro ni Ronan.

Sasagot pa sana si Farelle pero lumakas na ang sigawan, hudyat na lumabas na sina Cassey at ang kaloveteam nitong si Julius.

"Ang gwapo talaga ni Julius" bulong ni Farelle.

"Hoy" sita ni Ronan sa kapatid, pero ngumisi lang ito.

"Totoo naman ah. Ewan ko ba kay Cassey kung bakit hindi pa sinasagot iyang si Julius"

Naiiling si Ronan sa sagot ng kapatid niya pero hindi na rin ito sumagot pa. Pinanood na lang nilang dalawa kung paano magsalita sa harap sina Julius at Cassey.

"Kasama ba ulit ni Cassey si Julius mamaya?" tanong ni Farelle nang maalala nito ang plano nilang clubbing mamayang gabi.

Napagdesisyunan ng magbabarkada na magclubbing sila para sa selebrasyon ng anniversary nina AJ at Divine. Nagkabiruan lang sila ni Cassey dati patungkol sa club pero sineryoso naman ito nina Farelle at Divine. Kaya ganoon na lang ang naging plano nila.

"Oo ata. Hindi ko na masyadong tinanong eh" sagot ni Ronan.

"Hala, bale ikaw lang ang walang kadate?"

"Kailangan ba n'un?"

Nagkibit-balikat si Farelle. "Ewan ko. Basta ako isasama ko si Ian. Baka magmukha kang kawawa doon"

"Baliw" natatawang sabi ni Ronan.

"Dibale, hanap na lang tayo doon. Baka may makita rin akong gwapo"

Pinitik ni Ronan ang noo ni Farelle sa kalokohan na iniisip nito. "Umayos ka nga"

"Tch" pagnguso ni Farelle bago pinagtuonan ng pansin na lang sina Cassey at Julius.

Makalipas ang ilang taon ay masasabing madami talagang nagbago. Marami rin silang problema na pinagdaanan bilang isang indibidwal. Ngunit pare-pareho rin nila itong nalagpasan. Nasa tao lang talaga ito kung paano nila titignan ang isang sitwasyon at kung paano nila ito haharapin.

---

Thank you for reading and staying until the last volume and last chapter! I've finished the whole story at exactly 2:07 AM of December 29, 2021. I published the whole story publicly on Webnovel and Wattpad, this January 2022.

I know that at this point of time, no one have discovered this story yet nor have been reading it. I still do hope that atleast a few years from now (January 26, 2022), someone would be able to appreciate the whole story.

I deeply loved all the characters despite what they've gone through due to my plans for them. I hope you also loved them just as how much I did.

If you are a supporter of this story (from the future) then I am really grateful to you. For the last time, I am asking again for your over-all thoughts.

Again, thank you for reading and have a nice day~!

- ZelkyieANN

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com