Wishing Stars
ILANG MINUTO ko tinitigan ang panghuling pahina ng notebook ko na may nakadrawing na mukha. Sketch ko 'yun ng mukha ni Cassey na ang basehan ko lang ay ang memorya ko.
Napabuga ako ng hangin bago humiga. Ramdam ko ang lamig ng yero mula sa likod ko pati na rin ang malamig na simoy ng hangin. Pero wala ito sa lamig ng pakiramdam noong naintindihan ko na iniwanan ako ng nanay ko. Wala ito sa lamig noong naintindihan ko na hindi na muli makakabangon si tita mula sa kama. Wala ito sa lamig sa mga pinagdadaanan ko ngayon. Malamig pero para bang nasa impyerno ako.
Si Elijah lang ang dahilan bakit nagpapatuloy pa ako. Pero, simula noong nakilala ko ang artista na si Cassey, tila ba nagsilbi itong kandila para sa akin. She gave me a reason for me to hope. But, one candle is not enough to drag me out from this cave.
Para bang pinaalala niya sa akin kung ano nga ba ang mga pangarap ko sa buhay. Para bang nakakita ulit ako ng liwanag at parang gusto kong subukan na abutin ang mga bagay na alam ko na magpapasaya sa akin. Gusto kong maging isang katulad ni Cassey.
Isang taong magpapasaya sa iba gamit ang mga talento na taglay ko. Isang taong kilala ng lahat at hindi minamaliit lamang basta-basta. Isang tao na magbibigay inspirasyon din sa iba. Isang taong malayang gawin ang mga bagay na gusto nitong gawin.
Ewan ko ba kung anong nagawa ko sa dati kong buhay at naging ganitong klase ng buhay ang ibinigay sa akin. Para bang may galit sa akin ang tadhana. Hindi ko alam kung sobrang malas ba talaga ako o sadyang sobrang hindi lang talaga patas ang mundo.
Mabilis at isang malaking "hindi" ang isinasagot at isinasampal sa akin ng mundo tuwing magsisimula akong humakbang. Tila ba pinipigilan akong umalis sa binigay nilang posisyon ko sa mundo. Makikita mo sa mga mata ng tao ang diskriminasyon at pagdududa sa katauhan ko dahil hindi lang ako nakapag-aral, o wala akong karanasan, o wala akong perang pambayad.
Sabi nila, "hard work beats talent when talent doesn't work hard". Pero sa tingin ko sa panahon ngayon mas tamang sabihin na : "money defeats both effort and talent".
Naalala ko tuloy na tuwing lumalabas ako para maghanap ng pagkukuhanan ng makakain namin ni Elijah, 'yung inggit sa puso ko mas lumalaki lang. Sana kami rin may nakakain na ganoon kasarap na pagkain. Sana kami rin may pagkakataon na magawa iyon. Sana kami rin p'wedeng makapunta sa lugar na 'yun. Sana kami rin nakakapag-aral. Sana kami rin may gamit na ganoon. Sana kami rin at sana kami naman ang maging swerte.
Pero alam ko naman na ang mga katulad namin ay walang karapatan para humiling ng ganoon kalaki. Sadyang malas lang talaga siguro kami para ipanganak ng ganito.
Kung hindi siguro kami mahirap, siguro nakakapag-aral na si Elijah. Mas madami na itong mga kaibigan. Nagagawa nito ang mga gusto niya sa buhay. Siguro, ganoon din ako. Siguro mas may pag-asa pa na maging katulad ko si Cassey. Siguro...
Haaa...
Gusto kong makita ulit si mama at makilala si papa. Gusto kong malaman kung bakit nila ako iniwan. Gusto kong malaman kung tama pa ba ang ginagawa ko. Gusto kong malaman kung dapat pa nga ba talaga ako nandito. Pero takot din ako sa mga maririnig kong sagot. Dahil gusto ko rin silang sisihin sa buhay ko ngayon. Gusto kong ilabas at sabihin ang galit na nararamdaman ko ngayon. Kaso wala rin naman ako magagawa.
Gusto ko rin itanong sa tadhana o mundo, kung bakit kami? Bakit kailangan pa namin maghirap ng ganito? Bakit ako pinanganak ng ganito? Ganito lang ba talaga ang magiging buhay ko? Talaga bang papel ko lang sa buhay ay ganito?
Madaling sabihin na kailangan mo lang tumayo ulit tuwing nadadapa ka, pero hindi naman ito ganoon kadali. Lalo na kung paulit-ulit na. Minsan nakakasawa na... Mahapdi at masakit pakinggan ang paulit-ulit na rejection. Hindi madaling magpanggap na wala lang sa akin ang mga salitang kanilang binabato.
Kaya ngayon, gusto ko na lang makuntento sa kung ano meron ako. Gusto ko na lang maamin na hanggang dito lang nga talaga ako. Gusto kong tanggapin ang isinulat ng tadhana para sa akin.
Mapait akong ngumiti atsaka mapaklang tumawa. Hinayaan kong tumulo ang mga luha ko. "Sino ba niloloko ko?"
Pinagmasdan ko ang mga bituin na kumikinang sa langit. Itinaas ko ang kamay ko akmang inaabot ang langit. Umaasa na baka sakaling maabot ko ito.
"I have nothing to lose..." pag-amin ko sa sarili ko para pagaanin ang mabigat na nararamdaman ko sa dibdib ko.
"...but that also just mean that I want to have a lot of things"
Bumuntong hininga ako atsaka dahan-dahang ibinaba ang kamay ko. Napatingin ako sa hawak kong notebook bago tumingin ulit sa mga tala.
"They say if I wish upon the stars, it'll come true. I have thousand of wishes, I doubt they'll ever be heard" bulong ko.
Bumangon na ako para sana bumaba. Maaga pa ako bukas para maghanap ulit ng p'wedeng pasukan na trabaho. Pagkababa ko galing sa bubong ng bahay namin ay napatingala ulit ako nang may maalala ako na narinig ko sa iba noon. Sabi nila ang bituin ay nagsisimula rin bilang "pag-asa".
Napailing na lang ako nang maalala ko iyon. "Hope, huh?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com