Chapter Thirty-Four
"Pagod ako sa biyahe Hades, matutulog na ako..." Putol niya sa akin, nahiga na ito sa kaniyang kama bago nagtalukbong nng kumoy.
Napatingin sa akin ang dalawang higher year sa tabi niya, napangiti ako ng mapait at tumango nalang bago bumalik na sa kama ko at nag kumot na rin. Baka nga pagod lang siya, pagod lang siya, Hades. Siguro'y bukas makaka-usap mo ko na siya, bukas.
"Papasok na ako..." 'Yan lang ang sagot sa akin ni Yago, kanina ko pa siya kinakausap, maaga akong gumising para talaga makapag ayos agad at maka-usap siya, pero ang pag-aakala ko na makaka-usap ko siya ay hindi nagkatotoo.
"Wait, Yago," Habol ko sa kaniya, lumabas na siya ng kwarto at nakasunod ako, nilagpasan niya ang ramp papuntang room a.
Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ako, "Mauna kana, kila Code ako sasabay." Seryoso niyang turan, bahagya pa akong natakot sa boses niya dahil sa lalim nito. Napalunok ako ng laway bago tumango.
"Morning Hades!" Bati ni Lora na nasa baba kumukuha ng pagkain sa snack box niya, si Sofia naman nasa isang tabi lang. Hala! Deja Vu!
"Tara na!" Akit ni Lora kay Sofia. Saka ko lang nakita sila Athena, Tasia, Fatima, at Mati na kasabay nila.
"Thana all..." Bulong ko at nagpaalam na sa matron na papasok.
Anim silang sabay-sabay na nasa unahan ko, tawang-tawa sila at ang iingay. Na miss talaga nila ang isa't isa. Eh sa akin kaya? Si Renz lang ang naka-miss?
Hindi ko pa nakikita si Rive at iba ko pang kaibigan.
Pumasok na ako ng main building at kumain, hindi naman ako mag-isa kumakain, kasama ko sila Lora. Yun nga lang may sarili silang pinag-uusapan.
"Ano kayang section ko?" Narinig kong tanong ni Lora,
"Ay sus! Gusto mo lang sa isang section d'yan at gwapo ang adviser!" ani ni Tasia, natawa naman ako. Si Sir Felix... yung nakita ko kahapon. Crush siya ni Lora.
"Pero malay niyo hindi... kasi last year...-"
Hindi na ako nakinig pa sa mga sinasabi nila, kumain nalang ako. Napatingin ako sa gawing kanan ko at doon nakita sila Yago, Code, at Lux.
Nagtagpo ang mata namin ni Yago pero inalis rin niya iyon. Dumaan sila sa harap ko at kumuha na ng pagkain saka umupo sa malayo.
Narinig ko pang nag tanong si Code kung bakit hindi nalang sila sa may sa amin umupo pero narinig ko ang 'ayoko' na sagot ni Yago. May kumirot sa dibdib ko. Bakit? Ayaw niya?
Natapos ako at inilagay ang pinagkainan ko sa hugasan. Kumuha ako ng baso at kumuha ng tubig sa dispenser. Saktong pagharap ko ay siya rin dating ni Yago sa harap ng dispenser dahilan para magkabanggaan ang mga dibdib namin.
"Thorry..." Ani ko at umalis na. Gusto ko siyang kausapin, gusto ko siyang komprontahin at tanungin kung may nagawa ba akong kasalanan?
Pero hindi ko kaya, hindi ko kayang tanungin, dahil baka... baka lalo akong masaktan. Lalo akong madurog. Hahayaan ko nalang mabulok ako sa kakaisip kung bakit ganun? Bakit bigla siyang nagbago? Bakit bigla siyang nanlamig?
Muli akong naupo sa silya at nag cellphone, wala pa namang classroom kaming pupuntahan dahil wala pang naka-assign na section at rooms.
"Hades..." Nag angat ako ng tingin kay Drake,
Bahagya ko itong pinanlakihan ng mata, "Bakit?" tanong ko rito,
Nakita ko itong napakagat sa kaniyang pang-ibabang labi, "Kapag nakita mo si Genesis umiwas ka at sabihin mo sa 'kin." ani niya at kumunot ang noo ko.
"Bakit?" Taka kong tanong.
"Basta." ani niya at tumango lang ako, ayaw ko naman itong kulitin, baka pati siya ay makulitan sa akin. Tumango nalang ako, bahagyang gumuhit ang maliit na ngiti sa kaniyang labi bago tumango at umalis na.
Anong meron? Dahil doon sa mga pinopost ni Gene sa SV University Free Wall? Yung mga picture ng mga lalaking magkakasama? Yung mga pagpaparinig niya?
"Good morning, everyone! Today is another year, another year for us to gain more knowledge that we, you, will bring in the future..."
Same lang naman, katulad ng ginawa namin last year. Wala masyadong special, natapos na ang pag a-assign ng sections ng first year.
Sa second year, there are only two sections, lahat naman. Arcturus at Adhara, sa classroom ng Adhara ay may aircon kaya medyo bet ko doon.
"Here are the students for second year Arcturus..." Panimula ni Sir Felix.
Natapos ang pag-aasign at pinasunod na kami ng adviser namin sa classroom.
"Okay good morning Arcturus, I am Felix Alejandro Gamboa. And I'll be your adviser for this year. I'll be the one handling you all as one, I know this will be hard like last year dahil you guys go to different classrooms and take different classes pero I hope, you feel at home here at Arcturus." ani niya at natahimik lang kami, college is not like highschool. Hindi iisa ang schedule at pinag-aaralan naming lahat. Naghihiwa-hiwalay din kami dahil sa ibang schedule at subject, pero ang classroom ang nagsisilbing homeroom namin.
Hindi na kami nag introduce yourself siyempre, halos yung iba dito kilala ko na.
"Hey Hades... nahulog..." Tumingin ako kay Cai na nasa tabi ko at ini-abot sa akin ang Bench n Bath ko. Ngumiti ako sa kaniya, medyo awkward pa kami. Pero magkasama naman kami sa Dance Club kaya medyo okay rin kami.
Natapos ang first day nang hindi ko siya nakakausap, nakita ko siya ng lunch at recess, but he act as if I'm not there. We did connected eyes, pero he would look away immediately.
"Uy! Parang ang tahimik mo kanina, akala nga ni Rive may sakit ka." ani ni Renz at tumango lang ako.
Nagsusulat kasi ako ng mga notes namin kanina... re-write actually.
Nag-kwentuhan pa kami ni Renz sa loob hanggang sa parehas na kami dalawin ng antok at natulog.
Kinabukasan ay wala akong ganang kumain, kaya dumiretso na agad ako sa classroom, bukas na iyon at may mga ilaw na rin, pag pasok ko ay laking gulat ko nang makita ko si LOra.
"Morning!" Bati niya at ngumiti ako, nasa likod ko siya at isang bangko lang ang agwat namin sa isa't isa.
"Hindi ka nag breakfast?" tanong niya at tumango ako.
"Hala! Kumain ka! Mag kakasakit ka niyan." ani niya at nilingon ko siya.
"Eh ikaw? Kakain ka?" Ttnong ko pabalik at umiling siya.
"Kita mo na, edi hindi rin ako." sagot ko at tumalikod na siya.
"Iba ang case natin Hades, nag skip ako ng meals dahil mataba ako. Ikaw hindi, ang ganda-ganda nga ng katawan mo. I envy you sometimes." ani niya at natawa ako bago umiling. Wala talaga sa amin ang kumain, parehas lang kaming nagpa-umaga sa classroom.
When classes started, sa Arcturus ang classes ko ngayong umaga, magkasunod na subject ay dito. Ang iba ay umalis na pagkatapos ng unang klase habang ako ay nanatili rito.
"Okay everyone turn your book to page 96 and analyze the table." ani ni Sir at kaniya-kaniya kaming nagbasa, natawa kaming lahat ng kumain si Sir Felix sa harap.
"Sir sabi niyo bawal kumain dito..." ani ni JC, lalo tuloy kaming natawa.
"Bawal nga kumain dito. Pero kapag ako pwede." ani niya bago napahagikhik, narinig ko ang ilang pag-rereklamo ng iba habang si sir ay patuloy na kumakain sa harap
"Unfair..." Bulong ni Cai sa tabi ko, "Oo nga..." Pag sang-ayon ko.
Recess na at nag si labasan kami, kasabay ko si Cai sa paglabas ng classroom, para siya na yung nagiging bago kong kasabay kumain.
"Wait lang, may pupuntahan lang ako sa Adhara." ani niya, tumango naman ako a sumunod nalang sa kaniya.
Pumasok siya sa loob at sumunod ako, doon ko lang napagtanto kung saan siya pumunta. Pinuntahan niya si Lux at may ibinigay dito, narinig kong nag thank you si Lux at tumawa si Cai. Then I caught his eyes, si Yago, tumingin siya sa akin at nagtagpo ang mata namin, agad niya itong inalis at ang sunod niyang ginawa ay parang nanghina ako.
"Una na kami ni Marga sa pagkain, tara na." ani ni Yago at hinawakan sa pulso si Marga bago umalis.
Nanghina ako, sobra, bakit ganun? Ayaw na niya? Saan? Saan siya umayaw? Ano bang meron kami? Walang kami! Pero bakit ako nag kakaganito? Bakit ang sakit...?
Cai's POV
Ilang linggo na ang nakakalipas nang muli kaming bumalik sa pag pasok. Ayos lang naman eh, maliban lang na noong first week ay may project agad. Pero ayos lang talaga ako. Kinaya ko naman, hindi namna ito ganoon kahirap. Tsaka medyo sanay na rin naman kami sa hirap dito sa university.
Tapos may mga events agad, meron ngang Acquaintance party para sa nga first year. It was fun that day tho. Sumayaw din kaming mga Dance Club Cover Groups. Tsaka we get to meet new students kahit medyo nakakahiya. Yes, ako pa talaga ang nahihiya, ako na senior nila ang nahihiya sa kanila.
"Ay, ano yan bold?!" Agad akong nagtaas ng tingin at itinago ang phone ko.
"Uy bawal yan, bawal bold dito." ani ni Lux at umupo sa tabi ko, nasa garden ako ngayon, vacant kasi namin malapit lang ang building namin sa garden kaya dito muna ako pumunta.
"B-Bold ka diyan?! Yuck! Kadiri ka! Baka ikaw nanonood nun!" Inis kong turan sa kaniya,
"Bakit wala ka sa classroom niyo? Mainit dito." ani nito bago tumingon sa paligid ng garden.
"Hindi naman ah, malilom naman dito." Sagot ko sa kaniya, nasa ilalim kasi kami ng malaking puno dito kaya natatabingan nito ang araw.
"Kulit!" ani niya at nagkamot ng parteng paahan niya, parehas kasi kaming naka-upo sa damuhan.
Muli akong nanonood sa cellphone ko ng isang Dance practice ng kpop group. Yung assigned group na gagawan namin ng mga covers.
I was in the middle of the video nang marinig ko si Lux na umuungot. Napakunot ang noo ko at ipinause ang video. Nang tingnan ko siya ay kinakamot niya ang ibaba ng binti niya.
"Oh my God! Lux!" Sigaw ko at hinawakan ang kamay niya para tumigil ito sa pag kakamot.
"Huh? Bakit?" Taka niyang tanong, nanlaki pa ang mata nito.
"Bumalik na kana sa classroom niyo." ani ko at isinilid sa bulsa ko ang phone ko.
"Huh?! 'Wag na, dito nalang tayo. Gusto ko rin dito, maingay sa classroom namin." ani niya at umiling ako.
Tumayo ako at hinawakan siya sa braso para siya'y itayo.
"Uy Cairo!-"
Parehas kaming nagulat nang hindi ko kayanin ang bigat niya at parehas na kaming bumagsak sa damuhan. Nakapikit pa ako at siniguradong hindi tumama ang salamin ko sa kaniya. Panigurado na masasaktan siya kapag tumama sa kahit anong parte ng mukha niya ang salamin ko.
Nang imulat ko ang mata ko laking gulat ko nang mag tagpo ang paningin namin. Saka ko lang napagtanto ang posisyon namin.
"Shit!" Mura ko at tumayo na mula sa pagkakahiga sa ibabaw niya.
"Bumalik kana sa inyo, bakit ba wala ka doon? Hindi ba't may klase ka dapat ngayon? Vacant din ba kayo kaya ka andito?" tanong ko rito habang nahihiyang umiiwas ng tingin.
"Ah, wala pa kasi ang prof. Nakita ko na wala ka sa classroom niyo at nakita kita dito kaya pumunta ako." sagot niya at napakamot pa ito sa batok niya.
"Sige, sa classroom na ako. Dapat ikaw rin." ani ko at naglakad na palabas ng garden.
Pagkabalik ko sa classroom ay hindi ito gaano kaingay. Ang mga maiingay lang ay yung mga nag lalaro ng mobile games sa bandang likod. Wala rin bang mga klase ang mga ito kaya dito nakatambay.
Umupo ako sa bangko at muling binuksan ang phone ko, naagaw ang atensyon ko nang tingnan ko si Hades na naka subsob sa arm chair niya. Tumingin ako sa paligid, kanina pa ba siya naka ganito? Tulog ba siya?
Tumayo ako at pumunta sa likod kung nasaan sila Rive at Renz, mga kabarkada ni Hades.
"Uhm, Renz kanina pa ba naka subsob si Hades sa armchair niya?" tanong ko kay Renz, nilingon ni Renz si Hades at nagkibit balikat.
"Hindi ko alam pero sabi niya kanina before niya kami iwan, nahihilo raw siya." Sagot niya sa akin at tumango ako bago bumalik sa bangko at tingnan si Hades.
"Hades?" Tawag ko at tinapik ang balikat niya, "Hades?" Napakunot ang noo ko nang mahawakan ko ang braso niya, ang init.
Hinawakan ko rin ang batok niya at maski ito ay mainit rin.
"Hades? Nilalaganat ka ba? Gusto mo dalhin kita si clinic?" ani ko at niyugyog siya, nagsimula na akong kabahan. Heavy sleeper ba siya at kahit niyuyugyog na siya ay hindi parin siya nagigising?
"Hades? Hades?! Uyy, dadalhin kita sa clinic ang init mo." ani ko at saka siya nagising at nag-angat ng tingin.
"Thai..." Tawag niya at agad ko siyang dinaluhan.
"Bakit? Anong masakit sayo? Gusto mo dalhin kita sa clinic?" tanong ko at tumango siya. Tumayo na ako at tinulungan siya tumayo mula sa bangko.
Kayanin-kaya niyang maglakad nang ganito kainit? May payong naman akong dala pero malayo pa ang main building, ilang metrong lakarin pa.
Sa paglalakad namin ni Hades ay inaalalayan ko siya. Mabuti at nasa first floor lang ang clinic sa main building.
Nakarating kami roon, laking gulat ng aming school nurse dahil si Hades ay halos buhat ko na dahil hindi na siya makapag lakad ng ayos.
"Hala! Anong nangyari diyan?" tanong ng nurse, agad ko naman ini-upo si Hades sa kama.
"Hindi ko po alam eh, nakita ko nalang po siya na nakasubsob sa arm chair tapos sabi ng nga kaklase namin nahihilo daw po siya kanina." Pagpapliwanag ko sa nurse namin,
"Ah sige sige, may klase ka pa ba? Bumalik kana sa classroom niyo." ani ni nurse at nagsimula nang tingnan si Hades.
"Ah, wala naman po. Pwede po bang bantayan ko siya?" Nag-aalala kong tanong dito.
"Anong oras ang next subject niyo?" tanong niya sa akin, gumingin ako sa orasan sa phone ko.
"3:45 po," sagot ko sa kaniya,
"Forty five minutes nalang ah. Sige d'yan ka muna. Sabihin mo kapag aalis kana." Malambing niyong turan at tumango ako.
Umupo ako sa isang mono block chair at pinanood kung paano i-check up si Hades. Halata sa mga mata ni Hades na pagod na pagod ito. Namumutla rin siya at tila namamayat ito.
"Kumakain ka ba nang maayos?" tanong ng nurse namin. I saw how Hades pursed his lips at umiling.
"Kailan ang huli mong kain?" tanong ulit ni nurse.
"Ano po, Friday, lath week..." Nanlaki ang mata ko, nasisiraan na ba siya?! Thursday na ngayon! Mag-iisang linggo ng hindi siya kumakain?!?
"Naku tutoy, masama 'yan! Alam ba 'yan ng magulang mo? Ng teacher niyo? Sinong adviser niyo?" Tarantang tanong sa amin ng nurse.
"Si Sir Felix po..." Sagot ko at tumango si nurse.
"Tutoy, tawagin mo si sir Felix nasa faculty." ani niya at tumango ako bago lumabas ng clinic.
Pumunta ako sa pinakamalapit na faculty at kung saan din madalas manatili si sir Felix kung wala siyang klase o kung wala siya sa tunay niya na faculty.
Kamatok muna ako bago pumasok, nang pumasok ako ay hindi karamihan ang guro dito. Pero andito si sir Felix.
"Oh, Cai bakit?" tanong niya nang pumasok ako sa faculty.
"Pinapatawag po kayo ni nurse sa clinic." ani ko at napakunot ang noo ni sir.
"Huh? Bakit daw?" Taka niyang tanong bago bahagyang napatayo.
"Si Hades po kasi, may problem po sa kaniya." ani ko at nagkatinginan ang mga prof sa loob ng faculty bago si sir lumabas at sumunod nalang ako.
Nang makarating ako ay kausap na ni sir si nurse, tungkol ito sa lagay ni Hades. Napansin ko rin na mahimbing na natutulog si Hades sa kama.
Nang matapos mag-usap si sir at si nurse ay umalis muna si nurse bago humarap sa akin si sir.
"Cai..." Tawag niya at napatayo agad ako.
"Y-Yes sir?" Kabado kong tanong. Baka kasi tungkol ito kay Hase, what if may sakit na pala siya tapos malala na?
"Close ba kayo ni Hades?" Tanong niya at nilingon ko si Hades, close naman kami diba? Sapat na sigurong dahilan na magka-grupo kami para maging close kami.
"Yes sir... bakit po?" Nag-aalala kong tanong,
"Pwede bang bantayan mo si Hades sa pagkain? Hindi pa naman niya kailangan na kumain ng heavy meals since ilang araw na siyang hindi kumakain baka mabutas ang bituka niya." ani ni sir at tumango ako nakatingin pa rin kay Hades na nahihimbing na natutulog sa kama.
"Siguro mamaya after class akitin mong kumain ng biscuits or snacks. Hindi ba talaga siya kumakain kahit recess?" tanong ni sir at napa isip ako sandali, noong first day naman nag-aakit pa siya. Pero noong mga nakaraang linggo, hindi na.
"Before po kasi nag-aakit pa siyang kumain. Pero nitong mga nakaraang linggo hindi na po." Sagot ko at tumango si sir..
"Kapag kakain ka akitin mo siya, ha? Sabihin mo utos ko 'yon. Hindi pwedeng hindi siya kakain, dormer kaba?" Bahagya akong nagulat sa huling tanong ni sir,
"P-Po?" Nauutal kong tanong,
"Kung dormer ka kamo, para masubaybayan mo rin ang pagtulog niya." ani niya at saka ko lamang ito naintindihan. Naka-focus kasi ang attention ko sa maaring dahilan ni Hades sa hindi niya pagkain.
"Ah hindi po, eh." ani ko at tumango siya sir bago nag-isip.
"Sino ba mga dormer na kilala mong lalaki?" tanong niya,
"Si Conde po..." Yun agad ang naisagot ko, natigilan ako sa sariling sagot ko, ginalitan ko sa utak ko ang sarili ko. Sa dami-dami kasing dormer na lalaki ay siya pa talaga?!
"Ah diba Adhara yun? Baka hindi sila magka kilala." ani ni sir at napatango ako.
Isa oang pumasok sa akin si Renz, "Si Amilton sir, dormer kaso nasa room A siya Room B po kasi si Hades." Dagdag ko pa,
"Pwede na yun, pakisabi kay Amilton na after class pumunta siya sa faculty ko, ha?" turan ni sir at tumango ako, tumingin siya sa wrist watch niya..
"Malapit na ang kasunod kong klase, ikaw rin, pumunta kana sa klase mo. Kapag hindi pa nakabalik si Hades bago matapos ang klase, sunduin mo siya dit,o okay?"Ani ni sir at tumango ako, lumabas na siya ng clinic.
Lumapit ako kay Hades na nahihimbing ang tulog... bakit ganun? Bakit siya nag kakaganito? Namumutla siya maski ang labi niya, nangangayayat din siya at ang laki na ng eyebags niya.
Umalis na ako ng clinic dahil five minutes nalang bago ang next subject ko. Pumunta muna ako sa room para kunin ang mga gamit ko.
Umupo ako sa bangko ko at nakita kong magulo ang gamit ni Hades. Inayos ko ito para mamaya kung sakaling kusang bumalik siya ay kukunin niya nalang ito. At kung hindi naman ay bibitbitin ko nalang ito.
"Uhm Cai... kumusta si Hades?" Tanong ni Renz,
"Nasa clinic siya, almost one week na pala siyang hindi kumakain kaya siya nag kakaganon. Pinapasabi nga pala ni Sir Felix na pumunta ka sa faculty niya mamaya." ani ko ag tumango siya, Umalis na ako ng homeroom at pumunta sa aking next subject.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com