Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Three

Hades's POV
"Go! Go Red Bulls ! Go Red Bulls ! Go firing firing bulls!"

Cheer ng house namin na Bulls sa instrams, may sari-sarili rin kaming color ng houses, Eagles na kulay blue, Bulls na red, Tiger na yellow, at Cobra na green. At ako naman ay nasa bulls, kasama ko si Lora, na  parang baliw may hawak na pulang tela at sumasayaw sa harap ng pila.

Sinasayawan niya ang cheer ng house namin, 'yong mga seniors na katabi ko tawang-tawa, isa kasi sa mga kilalang estudyante dito si Lora. Katabi naman namin ang Eagles. Kung saan house ni Code, kasunod ay Tigers, mula sa pagkakatayo ko ay kita ko si Yago. Dahil nagmula kami ni Yago sa iisang ay mas naging close kaming dalawa.


"Good morning students!" Pagbati ng principal namin.

"So this is the first day of our school intramural, so I'm hoping for a safe and happy day, good day and enjoy!" Hindi na niya pinatagal ang speech which is great dahil excited na ako. May nagtitinda ng milktea sa labas tapos may Greenwich din dito.

Nang magsimula ang intrams ay iba't-ibang laro ang naganap. May woman's basketball, then laro ng lahi, patintero na pinapasali ko si Grey pero kung tutuusin nahila lang siya. Pagala-gala lang eh, kulang ang representatives ng Bulls. Then nakita ko siya kaya hinigit ko na.

"Naman Hades! Hindi nga ako sanay sa larong 'to!" ani niya sabay kamot sa ulo, nagmamaktol ito dahil sa hinigit ko para maglaro.

"Hay nako! Filipino kaba or what?! Baklang 'to!" Pagbibiro ko bago hinampas ang braso nito.

Natigilan ito sa pagmamaktol at tiningnan ako, "Hoy! Hindi ako bakla!" singhal niya.

"Oh sthya sthya! Sthige na maglaro na kayo! Goodluck!" Itinulak ko na si Grey papunta sa mga maglalaro ng sack race.  Napapangiwi ako habang nanonood maglaro ng mga babae. Napa-iling ako, ang tatanga nila. Mga pabebe tumalon!

Sa huli Eagle ang nagwagi. Sumunod ang mga lalaki na maglalaro. At sa oras na ito ay sumali ako.

"Ready set go!!" Sigaw ang isang teacher, nagsimula na ang laro at ako itong nakafocus sa panonood ng mga nauunang player sa akin.

Bilisan mo! Bilisan mo!

Sabi ko sa isip ko nang ako na ang kasunod, nang makarating sa harap ko ang kakampi ko ay agad kong hinubad sa kanya ang sako at isinuot sa akin.

Talon, talon, talon!

Binilisan ko ang talon hanggang sa maka-abot ako sa dulo. Sa huli Eagles muli ang nanalo at 2nd kami. Nang matapos ang laro ay bahagya lang akong pagod.


"Seryoso 'yong sakit, seryoso 'yong kaba, sayang 'ypng efforts ko, talo naman." ani ni Lora habang papalabas kami ng garden. Natalo kasi sila sa tug of war.

"Gaga ka, taposth naman na." turan ko dito, hindi pa kasi ito maka get-over sa laro.

"Kunin nalang natin 'yong order natin na milktea." Dagdag ko pa dito,

 "Hala! Oo nga, tara kunin na natin." Akit niya at tumango kami, pumunta kami sa may entrance ng school,doon kasi nakatayo ang milktea stall.

Nang makuha namin ang mga order namin ay pumunta kami sa women's basketball.

Napapatawa kami nang kung saan-saan tumatalsik yung bola. Pero halos maluugan ako ng pearl nang kay Lora tumama ang bola, laking-laking babae takot sa bola.

Natapos ang basketball, bukas pa talaga ang mga main sports, pumunta ako sa classroom namin, nakakapagod mag-gala. Pag pasok ko ng classroom ay walang tao, pumunta ako sa aking upuan at kinuha ang tubigan ko.

"Ano nang event sa baba?" Naluugan pa ako ng tubig nang makita ko si Yago na nakahiga sa sahig. Ang mga kamay niya ay nakapatong sa kanyang tiyan.

"Hoyyy!" Muli niyang kinuha ang aking atensyon, nag-angat siya ng tingin mula sa ka niyang cellphone at tiningnan ako, ang mga mata niya, kahit may salamin ay ang ganda nila.




Grey's POV
Hapon na ngayon ng unang araw ng intrams, andito ako ngayon ay nasa library. Ito kasi ang parang naging backstage ng Bulls sa mga dancers namin, hip-hop, cheer dance, ballroom, tapos Waltz. Pero ni isa dun wala akong sinalihan, sa hip-hop dance sana kaso ang hihirap ng steps, lagi pa ako nabubungangaan ni Lora, liit na liit pero mabunganga. Kasama ko rin siya sa dance club kaya hindi na ako bago sa pagbubunganga niya.


"Uy Grey! Mukha kang may dahon sa ulo." Sita ni Lora, nagising naman ako sa katotohanan, napatingin ako sa kanya, napahawak ako sa ulo ko naalala ko nagpuyod nga pala ako ng sanriyo kanina sa ulo. Ito talagang babaeng 'to!

Napairap ako kay Lora at itinuon na lamang ang atensyon ko sa cellphone ko.

"Luh, attitude ka girl?!" Sabi niya sabay irap din, lumabas nalang ako ng library at pupunta sana sa classroom namin ngunit ng papasok ako sa punto ay nagulat ako, sa classroom nga pala namin nakabase ang Eagles.


"Uyy Grey!" Gulat ko nang may biglang umakbay sa 'kin.


"Kasali kaba sa hip-hop dance ng Bulls?" Tanong sa 'kin ni Code.


Umiling ako, "Hindi ah, nag back-out ako." Sagot ko habang sinisilip ang loob ng classroom namin na puno ng players ng Eagles ngayon.

 
"Ay sayang, kasali pa naman ako sa Eagles." ani niya sabay sinayaw ang routine nila.

Napatawa ako ng pagak. "Parang kang tanga, ang pangit mo sumayaw." ani ko sabay tulak ko sa kanya at tumawa siya.

"Goodluck sa inyo mamaya." ani niya at kumunot ang noo ko.

"Sabing hindi nga ako-

"Nag go-goodluck lang masama?" May halong tampo sa boses niya, natigilan naman ako.

I pursed my lips, "Goodluck," Bulong ko sabay alis patakbo pabalik ng library. Umupo ako sa kanina kong inu-upuan, napatingin sa akin si Lora at Marga, kasama ko sa Bulls.

"Para kang hinahabol ng Bulls." Biro ni Lora na narinig ng ibang freshman at ikinatawa nila.

"Baka Tiger." Biro ulit ng isa pa naming kasama.

"Naku! Eagle 'yan!" Biglang tumingin si Lora  sa 'kin at inalon-alon ang kilay niya, mukhang tanga.

"Alam niyo si Grey at Code laging magkasama." ani ni Lora na animo'y inaanunsyo sa iba namin na kasama sa sillid.

"Si ate Lora talaga, grabe." ani ni Marga sabay iling.

"'Wag kayong masyadong mag sama, may mga nakikinig akong something tungkol sa inyo." ani ni Lora sabay kuha ng phone nya.

My brows furrowed, "Nakikinig na ano?" I confusedly ask.

"Na-"

"Wala Grey, wala." Putol na Marga kay Lora na pilit inaalis ang kamay ni Marga sa bibig niya.

"Parang tanga Marga." ani ni Lora. sabay tawa, napailing lang ako at hindi na sila pinansin.











"Go! Go Red Bulls ! Go Red Bulls ! Go firing firing bulls!"

Cheer ng aming house, nasa activity area na kami para sa laban, ang mga hip-hop dancers at cheerleaders namin ay nasa labas, nag uusap.

" FLY HIGH! SORE HIGH! EAGLE'S HERE SAY GOODBYE!" Sigaw naman ng house ni Code, palitan ang bawat houses ng cheer nila para sa kanilang cheerdance. Tiningnan ko ang house nila, hinahanap ko si Code pero wala nang napatingin ako sa isang gilid ng kumpol nila ay nakita ko siyang nakatingin sa 'kin, fuck! Hinahanap ko siya pero ako pala ang nahanap niya.

Agad akong tumingin sa ibang direksyon at nakagat ang pang ibaba kong labi.

"Uy~ si Grey may tinatarget." Pang-iinis sa 'kin ni JC, isa pa sa mga kasama ko sa Bulls.

Napatawa ako ng mapait, "Hindi ah! Siraulo ka!" Singhal ko sabay tayo sa kinauupuan ko at dumiretso sa water dispenser kumuha ako ng malamig na tubig at agad ininom ito.

"Nahuli kita doon." Nasamid ako sa tubig at nagsimula akong umubo. Damn that sucks!

Ibinaba ko ang baso at tiningnan ng masama si Code, "Bakit ba ang hilig mong mang gulat?!!" Galit kong turan kay Code.


"Magugulatin ka lang talaga." sagot niya, huminga ako ng malalim at pinigilan ang sarili na makipag away sa lalaking 'to.

"Bahala ka nga." Inilagay ko sa lagayan ng baso ang ininuman ko at  nagsimula nang maglakad palayo.

"Uy, Grey!" Tawag niya sa 'kin, tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kaniya.

"Pumunta kana doon, baka hinahanap ka nila." Seryoso kong turan at patuloy naglakad, bago bumalik sa upuan ko.

Nang makarating ako ay andoon na ang mga dancers.


"Nakakainis Grey! Kinakabahan ako!" Panay ang punas ni Lora ng palad niya sa pantalon niya.

"Malamang, buong school manununuod sa inyo." ani ko at tumingin na sa harap.

Nang magsimula ang sayaw ay vice versa, hip-hop, cheerdance, hip-hop, cheerdance and so on.

Natapos ang Bulls at muli naming isinigaw ang aming cheer.

Kasunod nila ay ang Eagles. Napakunot ako nang makita si Code na pumunta na sa gitna para mag perform ng cheerdance. Pero akala ko hip-hop si Code, bakit kasama na agad siya? Sinungaling talaga.

Patuloy ang hiyaw ng mga Eagles habang sumasayaw ang kanilang dancers. Hindi ko naman maalis ang aking tingin kay Code, parang fan cam na ang mga mata ko dahil automatic na itong hinahanap kung nasaan siya.

Nang matapos sila ay maski ako na napa palakpak. Ang galing nila, may succession at iba pa. May papatay-patay pa sila ng ilaw and stuff like that. Halatang pinag handaan.

Napatingin ako sa aking relo nang marinig ko ang tiyan ko na kumulo, 2:32pm. May recess na for sure, pumunta ako sa cafeteria at pumila. Di na alintana kung anong pagkain. Kumuha ako ay pumunta sa isang sulok, nang may narinig akong tumawag sa'kin.

Agad akong napalingon upang makita lamang ang pagod na Code.

"Did I startled you this time?" he softly asked, 

I shake my head, "No," Tipid kong sagot.

Our eyes met for few seconds before I look down on my food, no longer want to look into his eyes, "I'd just like to say sorry if I startled you a lot, I just really find it cute when you're startled and mad." he softly said and I rolled my eyes, 'Oh? Tapos?'







Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com