Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Twenty-Two


Hades's POV
"Hoy Hadi, gising na!" Isang ungot ang kumawala sa labi ko nang sigawan ako ni ate Alexa.

Bakasyon na bakasyon pero grabe kung makapang-gising. Hindi man lang ako bigyan ng konsiderasyon sa buhay.

"Alas diyes na nang umaga! May pagkain na rin sa baba, kumain kana." Nabuhayan ako nang dugo nang may nabanggit na pagkain, agad akong napa-upo sa kama.

"Hugasan mo na rin yung pinagkainan namin kanina." Agad akong napasimangot nang tawanan ako ni ate at umalis na sa kwarto.

Napakamot ako sa ulo ko bago nag-tantrum sa kama na parang bata. Pero agad ko rin inayos ang nagulo ko dahil baka makita pa ako ni ina ay siguradong magagalit iyon. 


"Oh, gising na pala ang uniko hijo ko, eh." Bati ni ama nang makalabas ako ng kwarto.

Hindi ito nakatingin sa gawi ko dahil busy ito sa diyaryo na binabasa niya habang nakabukas ang TV. Tama ba 'yon?

"Mag-aalmuthal po muna ako." Paalam ko habang inaantok pa na naglakad papuntang hapag.


Pagdating ko sa lamesa ay agad kng binuksan ang natatakpan. Isang hotdog na buo at isang kalahati nalang, may itlog at tatlong pirasong tinapa. Iyan ang almusal ko ngayon.


Sumandok na ako ng sinangag na halos masunog-sunog pa. Paniguradong si Ate Mikee ang nagluto nito dahil sa kinahinatnan ng sinangag.

"Oh, Hadi, gising kana pala, aalis muna ako, ha? Hugasan mo nalang 'yong mga pinggan at baso." Utos ni ate Mikee habang nagsasapatos ito.

"Opo," Walang kagana-gana kong sagot.

"Anong gusto mong pasalubong?" Agad nabaling ang attensyon ko sa kaniya.

"Milk tea! Winter melon 100% thugar, large." sagot ko agad dito na parang bata.

Napatawa si ate, "Sige sige, baka hapon pa ako maka-uwi hintayin mo nalang." sagot niya at umalis na.

"Saan daw papunta si Ate Mikee?" tanong ni ate Ella na kakalabas lang din ng kwarto nila. Naka-ayos din ito at bihis panlabas, kabaliktaran lang ni ate Mikee na naka off-shoulder, si ate Ella naman ay naka-polo.

"Awan, ikaw may pupuntahan ka?" tanong ko dito habang ngumunguya.

Tumango ito habang inaayos ang buhok niya sa harap ng salamin. "Doon lang sa kaklase ko." sgaot nito.

Nginitian ko ito nang nakakaloko, "Kaklathe? O girlfriend mo?" Pang-aasar ko rito, nilingon ako nito at sinamaan ng tingin.

"Bahala ka, Hadi." turan nito bago ako nilayasan sa hapag.

Nagpatuloy lang ako sa pagkain, dahil tanghali na ay mabilis kong natapos ang pagkain ko lalo na at gutom na gutom na ako kanina. Pagkatapos ay dinala ko na sa lababo ang pinagkainan ko at nagsimulang maghugas.

Sa gitna nang paghuhugas ko ay lumapag ang isang plastic na baunan. Puro mantika ito at halatang mahirap linisin.

"Linisin mo na rin 'yan." Utos ni Ate Alexa, 'yong bwiset kong kapatid na wala nang ibang ginawa kundi awayin at kawawain ako. Cinderella moment ko na ba? Ang kaibahan lang ay tunay ko siyang kapatid.

"Dipa kahapon pa 'to? Ba't hindi mo kagabi hinugathan? Ikaw ang toka kagabi, ah!" Inis kong turan.

Nagkibit balikat ito habang hawak-hawak ang kaniyang cellphone, "Eh, alam kong mahirap hugasan 'yan eh, kaya mo na 'yan, aalis na ako. Anong gusto mo?" tanong nito sa akin, isa pa pala itong may lakad, ang lalayas naman ng mga kapatid ko.

Napa-ismid ako, may milktea na ako kay ate Mikee, pagkain naman.

"Burger-"

"Bumili ka! Paalam mahal kong bunsong kapatid! Goodluck!" Putol niya sa akin at umalis na. Kumaway-kaway pa ito habang naglalakad, nang-aasar.

Napadabog ako sa kusina, ang mga paa ko ay nagmartsa-martsa pa sa sahig. Inaapi ako ni ate! Maglalayas na talaga ako!

"Kawawa naman ang bunso ko, napaghugas nanaman, hayaan mo na kapag nasa school ka naman ay hindi ka naghuhugas." Bungad ni ina nang makapasok siya ng kusina.

"Thaan po kayo galing?" tanong ko habang binabanlawan na ang mga hinuhugasan ko.

"Nag walis-walis lang ako sa harap. Tapos 'yong mga kapit-bahay natin, ayun sangkataerbang chismis nanaman." sagot ni ina matapos umupo sa bangko.

Kung maka-chismis naman iyang mga kapit-bahay namin na 'yan. Parang hindi nila ka chismisan si ina kahapong hapon.

Natapos akong mag hugas at nagpahinga na sa kwarto. Matatapos nanaman lang ang araw na ito nang wala akong nagagawa nang matino.

Kinuha ko ang cellphone ko na kagabi pa nakasaksak.

"The fuck?!!" Nanlaki ang mata ko nang hindi ito mabuhay, tiningnan ko ang outlet na dapat pinagsasaksakan ng charger ko.

"Bwithet talaga!" Napakamot ako sa ulo ko nang charger ni Ate Alexa ang nakasaksak. Pero wala namang cellphone na nak- connect, tanging charger lang ang nakasaksak dito.

Padabog kong hinugot ang charger ni Ate at sinaksak ang phone ko. Nang mabuhay ito ay 1% lang, binitawan ko nga pala ito kagabi ng 0%. Tapos sinaksak ko pero hinugot din pala ng magaling kong ate.

Bumangon ako sa kama at na hanap ng maisusuot. Hindi ko naman magagamit ang phone ko at 1% palang. Kumuha nalang ako ng  short at T-shirt na mula sa ArtWork. Nagtungo na ako sa banyo at naligo.

Nang matapos ako ay muli akong bumalik sa kama at tiningnan na ang cellphone ko.

45%, ayos! Hindi pa ako nakakapag suklay ay nag cellphone na agad ako. Una kong tiningnan ang messages sa groupchat namin na magkakabatch.

Yago_the_pogi:
Sinong gising pa?

Thursday, 00:35am.

Kumunot ang noo ko, ano na bang araw ngayon? Hindi ko na namamalayan ang araw dahil wala naman na akong pake dito. Basta alam ko na basta umaga na gising ko, walang pasok.

Napatingin ako sa kalendaryo sa kwarto ko. Thursday pala ngayon?!! April 30?!? Nasa kalahati na kami ng bakasyon?!?


Lora_kyot:
Grabe ka Yago, ala una ng umaga gising kapa?

Thursday, 6:48am.


Sana all maaga magising. Eh, halos alas dos na ako naakatulog. May notification na nag pop up sa phone ko. Tiningnan ko naman iyon agad. Chat pala ni Yago nag-aaya ng gala.


from Yago🐵💙:
Tara gala!

to Yago🐵💙:

Saan tayo pupunta?



from Yago🐵💙:
Awan... saan mo ba gusto?

to Yago🐵💙:

Tayong dalawa lang? Magsama ka ng iba.



from Yago🐵💙:
Si Drake kaya?

to Yago🐵💙:

Sige sabihan mo na, sunduin niyo ako.



from Yago🐵💙:
Susunduin ka pa man! Ano ka bata?

to Yago🐵💙:

Edi hindi na ako sasama kung hindi mo ako susunduin.



from Yago🐵💙:
Bumaba kana, andito na ako sa bahay niyo.


Napabalikwas ako sa kama. Seryoso ba siya?!? Dali-dali kong ibinalik ang towel na nasa balikat ko at nagsuklay. Makakapag-ayos pa ba ako ng sarili ko?! Kinuha ko na ang wallet ko at Bench n Bath at saka nagtatarang na bumaba. Pagbaba ko ay andoon na nga si Yago sa sofa namin katabi si ama.

Napatawa ako ng kauntian. Halatang-halata na nahihiya si Yago. Baka naiipit na ang kung ano niya sa pagitan ng hita niya dahil kipit na kipit ito kung umupo.

Tumikhim ako at parehas kong nakuha ang attensyon ni ama at Yago.

"Kanina ka pa?" tanong ko kay Yago, si ama naman ay umalis at hindi ko alam kung saan pumunta.

"Thi Drake?" tanong ko sa kaniya at naglibot pa ng tingin dahil baka nasa labas o di kaya ay nagbabanyo lang ito.

"Hindi raw siya makakasama, busy Yata." Sagot niya sa akin, bumagsak ang ekspresyon ko.

"Edi tayong dalawa lang...?" Malungkot kong tanong.  Tumingin siya sa paligid na parang may hinahanap saka lumapit sa tenga ko.

"Ayaw mo ba? Masosolo mo ako?" Bulong nito at bahagyang nanlaki ang mata ko.

"Gago ka!" Itinulak ko siya at hinampas.

"Aray naman! Biro lang, eh!" sagot nito, hinanap-hanap ko pa si ama para magpa-alam buti nalang ay dumating din ito.

"Ama aalith na po kami." Paalam ko, tumango si ama at uminom ng kape, hindi pa niya ubos 'yon?

"Hindi ka hihingi ng pera?" Palabas na sana kami nang magtanong si ama, humaripas ako ng takbo pabalik

"Sabi ko na nga ba." Patawa-tawa pa si ama habang dumudukot ng pera wallet niya.

"Oh... 'wag mag papagabi, mag ingat." Inabot niya sa akin ang 150 pesos at nagbilin.

"Opo, lamat po." Lamat ay pinaikling salamat,  bulol ako sa 's' so ayon, lamat nalang.

"Ina, aalsth na po kami." Paalam ko sa nanay ko na nagsasampay sa bakuran namin ng mga nilabhan niya.

"Sige mag-iingat, nakahingi ka sa ama mo ng pera?" tanong sa akin ni ina ay tumango ako.

Umalis na rin kami kalaunan dahil nagtatanghali na rin.

"Thaan tayo pupunta?" tanong ko habang naglalakad kami sa bayan ng Tayabas.

"Awan, saan mo ba gusto?" tanong niya, hindi agad ako nakasagot. Madali sanang magsabi kung nasa Maynila kami, pero Tayabas ito at walang gaanong mapapasyalan. Maliban nalang sa SM sa Lucena na isang sakay pa ng jeep.

"Alam ko na kung saan tayo magtatanghalian." turan nito mula sa kawalan kaya agad akong napalingon sa kaniya.

"Buthog pa ako Yago, kakakain ko lang ng almuthal." sagot ko dito, nakaka-isang oras palang yata ang nakakalipas noong kumain ako.

"Sabagay, pero ang sinasabi ko ay sa tanghalian. Ngayon saan mo gusto pumunta?" tanong niya ulit at napakamot ako sa aking batok. Hindi ko nga alam, eh.

"Diba may cafe daw dito na may mga video gameth?" tanong ko sa kaniya, napatigil siya sa paglalakad kaya maski ako ay napatigil din.

Pinanliitan ako nito ng mata, "Gamer ka?" tanong niya at napatawa ako at napakamot sa batok.

"Mobile Legendth at Adorable Home lang nilalaro ko." Nahihiya kong sagot, napasapo ito sa kaniyang mukha bago humagikhik.

"Naku pu~" Irit nito na ikinatawa ko.

"Grabe ka naman thakin, tha bookthore nalang tayo." Pag-aaya ko sa kaniya.

"Anong bibilhin mo doon?" tanong niya habang nagpatuloy kami sa paglalakad. Siguro books? Bookstore nga diba?  

"Pero thabagay, hindi naman ako mahilig tha mga aklat, tha gift thop nalang tayo." Pagbabago ko ng isip.

"Malayo pa birthday ko, Hades." Loko nitong sagot at napa-irap ako.

"Ah batha! Tha tindahan ng kung ano-ano." Inis kong turan, konti nalang ay babatukan ko na ang lalaking 'to

"Sari-sari store ba? Marami naman dito-"

"Bwithet ka Yago!" Inis kong turan at napahagikhik ito.

"Sige na, sige na, joke lang. Tara na tatanghaliin na tayo." Titigil din pala siya.

Sumakay kami ng jeep at sumakay papunta sa bayan ng Lucena. Pwede naman sana na sa SM kami pero malayo-layo at traffic papunta doon kaya sa bayan nalang kami. 

"Diba fan ka ng kpop? Ayan oh bili ka." Tumuro siya ng mga poster ng kpop groups na nadadaanan namin sa loob ng store.

"Wag na, thithirain lang 'yan ng  kapatid ko." Turan ko at nagpa uli-uli.

"Ano ba gusto mo talagang bilhin?" Tanong niya habang sinusundan lang ako.

"Awan, wala yata, eh. Tara kain na tayo." Pag-aaya ko rito, natigilan ito at napatingin sa akin na animo'y hindi makapaniwala.

"Wala eh, wala akong type. Tara tanghalian na." Pag-aaya kong muli bago inilagay sa loob ng bulsa ko ang aking kamay.

"Sabi mo busog ka pa?" tanong niya pero nagkibit balikat ako.

"Gutom na ako ngayon kaya tara na." Akit ko at lumabas na rin kami. Medyo nakakahiya na pumasok kami doon tapos wala naman kaming binili. 

Sumakay kami ng tricycle papunta sa sinasabi na kainan ni Yago, dapat lang ay masarap ito.

"Moonlight Restaurant." Basa ko sa malaking sign board sa harap ng kainan.

"Masarap daw dito sabi nila Lora at Marga." Turan niya bago ako hinigit paloob.

"Ano daw masarap dito?" tanong ko sa kaniya, nag-kibit balikat siya at patuloy na nakatingin sa menu.

"Ate, isa po ng Chicken Barbecue sa akin." Order ni Yago, napakagat ako sa pang-ibaba kong labi habang nakatingin sa menu.

"Iyon din po akin." Order ko rin, hindi ko naman alam ang masarap dito, pero kung gusto ni Yago ay baka magustuhan ko rin.

"Iyon lang po?" tanong ng waiter at napatingin ako kay Yago.

"Mamaya nalang po kami o-order ng ice cream." Ibinalik na ni Yago ang menu sa waiter.

"O-order ka ng ithe cream? Athaan?" Tanong ko at inikot ang tingin ko.

"Ayun oh." Turo niya sa freezer ng ice cream. Tumango ako ay nanahimik na.

Habang naghihintay kami ay parehas lang kaming busy sa mga cellphone namin. Ako ay naglalaro ng kahit anong laro habang siya ay may pinapanood. Nang dumating ang order namin ay parehas kaming tahimik habang kumakain. May mga biruan tungkol sa group chat ng batch pero hindi ganoon karami para tumagal kami sa pagkain..

"Ano gusto mo na flavor?" tanong niya sa akin habang namimili siya ng ice cream.

"Coffee Crumble," sagot ko at tumango siya. Binayaran niya ang ice creams at naglakad na pabalik sa table.

"May thakit ka?" Pagbibiro kong tanong dito. 

Napakunot ang noo niya habang inilalapag sa harap ko ang ice cream "Bakit?" Taka niyang tanong.

"Himala kathi, nanlibre ka." Pang aasar ko, napatawa siya habang kumakain ang ice cream niya.

Nagkwentuhan pa kami ng sandali habang inuubos ang ice crean. Nang matapos ay nagbayad na kami, hindi kamahalaan ang pagkain pero worth it din naman ang binayaran. Baka bumalik ako sa susunod.

"Excited na ako sa second year natin." turan ko na naka-agaw ng atensyon ni Yago. Nasa Parke na kami ngayon ng Lucenan, hapon na at kanina pa kami naglilibot-libot.

Wala kaming mapuntahan.  Gabi pa kasi nagbubukas ang perya dito sa Lucena sa may Pacific Mall kaya hindi kami makapunta ngayon. Hindi rin naman kami pwede magpa-abot ng gabi. Tamang tawanan lang kaming dalawa.

"I-uuwi na kita." turan niya at napatigil ako sa paglalakad,

Napatingin ako sa oras sa cellphone ko, "Gago ka, alath thingko palang." sagot ko rito.

"Kahit na, baka magalitan ako ni tito. Kagawad pa man din siya." ani nito at napatawa ako bago tumango. Lumabas na kami ng parke at sumakay ng jeep papuntang Tayabas.


Medyo natagalan ang biyahe pabalik ng Tayabas. Traffic kasi sa bayan ng Lucena, pero nang nasa Eco Road na kami ay maluwag na rin naman. Medyo malamig na ang simoy ng hangin nang maka-uwi kami.

"Ang daming chismosa sa inyo." Bulong ni Yago sa akin habang naglalakad kami malapit na sa bahay. Mabuti na rin pala na inakit niya ako pauwi, natagalan kasi kami sa biyahe. 

"Alam ko na 'yan, sige na umuwi kana. Bye bye... thalamat." Ani ko at tumango siya bago kumaway at naglalakad na paalis. 

Iyong mga kapit-bahay namin ay sige ang tingin at bulongan, may problema ba sila?

Pagpasok ko ng bahay ay andito na si Ate Mikee. Iyong milk tea ko!

"Nasa ref na." Agad na bungad sa akin ni ate nang makapasok ako.

"Yeyyy!" Nagtatakbo ako papuntang ref, andoon nga ang pasalubong ko!

"Thank you ate!" ani ko at umakyat na sa kwarto.

Nak higa lang ako sa kama ng biglang pumasok ang pinto at pumasok si ina.

"Kumusta ang araw ng bunsuan ko?" tanong niya at umupo sa paahan ng kama ko.

"Ayoth lang po ina, mathaya." Sagot ko at tumango-tango siya.

"Bunso, 'wag ka munang sasama sa kaklase mo na 'yon ha." Malambing na turan ni ina at napakunot ang noo ko. Kay Yago? Bakit naman? 


"Bakit po?" Taka kong tanong na may halo rin na kaba. Ano kaya ang napag-isipan ni ina?

"Kasi napagkakamalang bakla ang bunsuan ko, nagalit ang ama ninyo kanina at narinig niyang pinagkekwentuhan ka kanina ng mga kapit-bahay, kaya mabuti nang umiwas ka muna, ha?" Hinimas-himas niya ang buhok ko. Wala akong ibang nagawa kundi sumunod. Pero ang babaw naman ng dahilan nila. 



Drake's POV
I was scrolling through my Facebook feed, it was a peaceful afternoon until something caught my eye.

Nathalie Genesis Mexillano invites you to SV University Free Wall.


Napakunot ang noo ko at napa-ayos ng upo sa aking kama. This is clearly our university but... Free what?

Tiningnan ko ang page kung saan ini-invite ako ni Gene.

Kung ano-ano ang mga andito, 'yong iba nga rants, iyong iba naman ay mga pamimintas. Free Wall nga. But something mainly caught my eye, it was only text yet I already know what Genesis is talking about.


Nathalie Genesis Mexillano: 

Guess the students! 

~A boy who dance and a boy who sings!  Caught hugging?! 

~Remember the guy who's helping this basketball player with his sweats? Yes him! And the basketball player, may something!

~Who's this! Who's this?! Snob guy x funny guy! 

Hint: Parehas anak ng businessman!

😮😆135 people
Matilda Thea Marquez:
Hala! Parang kilala ko 'to!!

Fatima Ysabelle Mendaro:
Ay! Ako rin!

Trixie Tiffany Mae Celeste:
Sino po? Iyong iba lang kilala ko.

View more comments...

My eyes widened, "What the fuck?!" I hissed before sitting up straight on my bed. There are more comments, most of them knows some of it but some are asking for hints. But me... I totally knew who she is talking about.


The next day I told my parents I'll be going at Gene's place. I'm glad that they didn't ask much and just gave me the permission to go. It is also a relief that their house is few blocks away from our, not a hassle. 

"Good morning po tito, tita, si Gene po?" tanong ko sa mga magulang niya.

"Nasa taas pa, akyatin mo na, just keep the door open hijo." ani nito at napahagikhik pa, pagak ako tumawa at tumango.

"Gene?!" May bahid na ng inis sa tono ng pananalita ko.

"Gene open the door!" Kumatok ako nang malakas, nang hindi siya nagbukas ay binuksan ko na ang pinto. 

"What the fuck, Drake!" Irit niya, akala ko ba ay tulog ba siya?. Pero naka ligo na ito at nakabihis?

"Delete your post!" Matigas kong turan.

Pinanliitan niya ako ng mata, "What post?" Nag patay malisya pa ito.

"You know what I'm talking about, Gene! Those are my friends!" sigaw ko rito. 

"Or else what? Pfft! We know you can't do anything about it." Sagot niya at napatawa pa, this girl is getting on my nerves!

Napasapo ako sa noo ko, "Or else... lalo kitang kakamuhian. Oo, mag pinsan tayo pero if you continue whatever you're doing to my friends, ididistansya ko ang sarili ko sayo. Stop what you're doing. You're being such a kid." 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com