Chapter 15: Mysterious Girl
XYRA's POV
It's been a week, hindi pa rin namin kilala kung sino ang taong may taglay ng darkness power maliban kay Jeanne. Hindi namin alam kung kilala ito ni Jeanne. We hope not. Malaking problema lalo na't marami ang aming kalaban.
There is Angel who can manipulate dreams and Jill who can use mirror magic. Nakalaban naman nina Xander si Krisha na nakakagamit ng poison power. Samantalang nasubukan naman nina Bryan ang kapangyarihan ni Aira. She was a fear projector. Mahirap siyang kalaban lalo na't ang bagay na kinatatakutan namin ang gagamitin niya laban sa'min.
Hindi naman maintindihan ni Xavier kung sino sa mga nakalaban nila ang gumagamit ng kapangyarihan. Kambal ang nakalaban niya. They're Clark and Clent. Xavier and Frances was brought inside a virtual world. Nagagawang ng mga ito si Xavier sugatan kaya hindi niya malaman kung ano ang kapangyarihang ginagamit ng mga ito. Maaaring pareho silang may taglay na kapangyarihan.
Hindi rin kami sigurado kung sila lang talaga ang mga kalaban namin. I sighed. Pumapasok pa rin si Angel pero hindi naman namin siya magawang kalabanin dahil sa mga ordinaryong tao na nakapalibot sa'min. Normal lang ang mga kilos nila kapag minamatyagan namin sila. Mukhang wala pa silang panibagong hakbang na ginagawa.
Naglalakad na kami ni Clauss sa corridor. We are heading to the canteen. Nakikiramdam lang kami sa paligid. Nagulat ako nang mahimatay ang isang babae na naglalakad palapit sa'min. Agad namin itong nilapitan ni Clauss. Hinawakan ni Clauss ang pulsuhan ng babae at pinakiramdaman.
"She just passed out. We should bring her to the clinic for check up," sabi ni Clauss. Binuhat niya ang babae. Namumutla ang magandang mukha at labi nito. I followed Clauss. I wonder what happened to her.
The campus doctor checked the girl right away. Aalis na sana kami ni Clauss pero agad ding lumabas ang doktor. Naisipan kong itanong kung ano ang nangyari sa babae.
"Ano pong nangyari sa kanya, doc?" tanong ko.
"She passed out because of stress and fatigue. Alam niyo ba kung ano ang course niya?" tanong ng doctor. Umiling ako. Ngayon ko lang siya nakita sa campus. Imposible ring matandaan ko siya sa dami ng estudyante sa Wonderland Academy.
"Can you buy food for her? Mamaya lang ay magigising na siya. Mukhang hindi pa rin siya kumakain," sabi ng doctor. Napalingon ako kay Clauss na mukhang walang pakialam. Tumango ako sa doctor at nagpaalam na. Pumunta muna kami sa canteen para kumain. Walang magagawa si Clauss kundi ang bumalik sa clinic kahit ayaw niya.
Buti na lang may lugaw sa canteen. Siguro pwede na naman ito? Hindi yata pwede ang heavy meal? Hindi kasi nagbigay ng specific food ang doctor. Wala namang comment si Clauss sa binili ko. I think, he doesn't care at all. Bumalik na kami sa clnic.
Natawa ang doctor sa binili kong pagkain. Okay lang daw kahit ano ang kainin ng babaeng nahimatay kaya napakamot ako sa ulo. Epic. Wala naman daw itong sakit. Pagod lang. Sinabi niyang gising na ang babae at handa na ngang umalis. Hinila ko si Clauss patungo sa kwarto ng babae para makita ito.
Gising na nga ang babae at nakaupo na sa kama. Nagsusuot na ito ng sapatos. Napalingon ito sa'min nang pumasok kami. Nag-aalinlangang kumaway ako sa kanya. I even greeted her but she didn't respond. She was looking intently on Clauss like I'm something invicible.
Halatang natuwa ito nang makita si Clauss. Nabigla ako nang patakbo itong yumakap kay Clauss kaya natumba sila paupo sa sahig. Mahinang napamura si Clauss dahil sa pagkabigla. Halatang nasaktan din si Clauss sa ginawa ng babae.
"I finally found you!" tuwang-tuwang sabi niya na parehong ikinakunot namin ni Clauss ng noo.
Napaawang ang labi ko nang biglang halikan ng babae si Clauss. Natigilan din si Clauss. Gulat na gulat siya pero ang nakakapagtaka ay hindi niya itinulak ang babae. Natulala lang siya. I was waiting for him to push away the girl but he didn't. They stayed in that position for minutes and it made me sick.
"Clauss!" I shouted but he didn't move a little. It looks like he can't hear me. I gathered all my strength. Hinila ko ang babae palayo kay Clauss. Sobrang naiinis na ako at nasasaktan. I can't take the scene anymore. That's the time the girl noticed me. Biglang natauhan si Clauss sa ginawa ko. Pinahid niya ang labi niya gamit ang likod ng kamay.
"Who is she? I hate her," inosenteng sabi ng babae kay Clauss. She's saying it with a straight face. Napaupo ito sa sahig at katapat lang ni Clauss.
"The right question is 'who are you'?" kalmadong tanong ni Clauss na ikinais ko. Parang wala siyang pakialam sa'kin. He's ignoring me. Ngumiti nang matamis ang babae sa kanya. Ang sakit-sakit sa dibdib. Namumuo na rin ang luha sa mga mata ko. I started to walk out of the clinic as fast as I could. Hindi man lang niya ako hinabol o tinawag na lalong ikinasama ng loob ko.
CLAUSS' POV
I was shocked when this unknown girl kissed me. Pakiramdam ko nalunod ako sa kawalan. Nahuhulog ako sa kadiliman. It made me feel dizzy. I can't move or even call for help. I was trapped in the darkness and couldn't find my way out.
I don't know why she said that she finally found me. I didn't even know her. Gusto kong habulin si Xyra pero may kailangan pa akong malaman sa babaeng nasa harap ko.
"Who are you?" I repeated my question. Pakiramdam ko siya na ang hinahanap namin na may kapangyarihan ng kadiliman. If not, then how could she drown me in the darkness?
"Elysha," she smiled.
"Are you..." I said hesitantly. I don't know how to put it in words. Paano ko itatanong sa kanya kung siya ang nagtataglay ng kapangyarihan ng kadiliman?
"Am I?" kunot-noong tanong niya na halatang naghihintay ng kadugtong. Ilang segundo pa, biglang nagliwanag ang mukha niya na tila nakuha kung ano ang gusto kong sabihin.
"You want to confirm this?" tanong niya. Inilahad niya ang kamay at mula roon ay isang bola ng itim na usok ang lumabas. So, she's really the one. Pero nagtataka ako kung bakit ipinapakita niya ito sa'kin. She's supposedly one of our enemies. Pinaglaho na niya ang itim na kapangyarihan dahil mukhang naramdaman niya ang mga yabag na patungo sa'min. It's the doctor.
"Ayos lang ba kayo? Lumabas si Xyra at parang naiiyak. May nangyari ba?" takang tanong niya sa'min. Inalalayan ko nang makatayo si Elysha. She clinged into my arms. I sighed. Mukhang nakuha naman agad ng doctor ang nangyari. But I don't what him to get it wrong.
"It's just a misunderstanding," I said. "I think we have to go," dagdag ko.
"Pero hindi pa siya kumakain," nag-aalalang sabi ng doctor habang nakatingin kay Elysha. Tumingin ako kay Elysha. Marami pa akong gustong malaman pero hindi ko siya pwedeng kausapin dito.
"I'll take care of her. By the way, thanks," sabi ko. Naglakad na kami palabas sa clinic. Napapabuntong-hininga ako dahil sa pagkapit niya sa braso ko. Mamaya na lang ako magpapaliwanag kay Xyra. Pinagtitinginan na rin kami ng mga estudyante. Nagtataka na rin sila kung bakit hindi si Xyra ang kasama ko. They even concluded that we already broke up.
Dinala ko si Elysha sa canteen. Hinayaan ko siyang umorder ng mga pagkaing gusto niya. Ako na rin ang nagbayad. She eats a lot. Hindi halata sa katawan niya na malakas siyang kumain. Nakahalumbaba ako habang pinapanood siya. I smiled while I'm looking at her. Hindi niya ako pinapansin at patuloy lang sa pagkain. She looks harmless. Is she really capable of killing?
I looked around. Saan kaya nagpunta si Xyra? Nakalimutan ko ang cellphone ko sa dorm. Mukhang hindi rin naman niya dala ang cellphone niya. I sighed. Natitiyak ko na galit siya sa'kin.
XYRA's POV
I'm no good. Kanina pa ako iyak nang iyak sa likod ng academy. Nakakainis si Clauss! Napaka-insensitive! Hindi man lang ako sinundan! Mukhang nag-enjoy pa siya sa halik ng babaeng 'yon! Hindi man lang niya naisip ang nararamdaman ko.
Natahimik ako sa pag-iyak nang marinig ko ang pamilyar na boses.
"You're thinking of breaking up with him, right?" tanong ni Cyrus sa'kin. Nakasandal siya sa isang puno at nakatingin sa isang kamay niya.
Napakunot-noo ako nang mapansin ang kamay na tinitingnan niya na tila unti-unting naglalaho. Agad akong lumapit sa kanya.
"Ano'ng nangyayari sa kamay mo?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. I even tried to hold his hand but I can't. Wala akong nahawakan. Lumampas lang ang kamay ko sa kamay niya. Sinubukan kong hawakan ang mukha niya. Nagtataka ako dahil nahahawakan ko naman ito. Pero bakit hindi ko mahawakan ang kamay niya?
He smiled. "It's nothing serious. It's just disappearing for now. Mamaya lang ay babalik na rin ito sa normal. Basta huwag kang magpadalos-dalos sa desisyon mo. Pag-isipan mo munang mabuti," sabi niya na ikinakunot ng noo ko. Bakit naman napasali ang desisyon ko rito? Ang pinag-uusapan naman namin ay ang kamay niya.
"Bumalik ka na kay Clauss. Baka nag-aalala na siya sa'yo," dagdag pa niya. May alam ba siya?
"Sino ka ba talaga?" tanong ko sa kanya. He just smiled and didn't respond. Nakakainis! Wala ba akong matinong tao na pwedeng kausapin? Ayaw ko ngang magpakita kay Clauss! Bahala siya sa buhay niya! Hindi ko namamalayan na nakasimangot na pala ako.
"Stubborn, as always," napapailing na sabi ni Cyrus. Umupo siya sa lupa at sumandal sa puno. "Stay here if you want. I'll be watching out for you," sabi pa niya.
Umupo ako sa tabi niya. Hindi ko alam kung bakit magaan ang loob ko sa kanya. Napatingin ako sa kamay niya na parang unti-unting naglalaho. Ayos lang ba talaga siya?
------------------
AUTHOR'S NOTE:
SORRY GUYS, I'LL BE USING DIFFERENT POVs SA SUSUNOD NA UPDATES PARA MAS MAAYOS KONG MAIDETALYE ANG MGA LABAN NA MAGAGANAP. YUNG MAHAHALAGA LANG NAMAN. NAKUKULANGAN KASI AKO :D ALL CAPS PARA INTENSE LOLS. GOODNIGHT ^_^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com