Chapter 19: Fire vs. Darkness
CLAUSS' POV
Pinaglaho ko ang fire phoenix at seven-head fire dragon ko.
"You leave me no choice but to fight you," seryosong wika ko kay Jeanne.
Ngumiti nang nakakaloko si Jeanne. "That's what I wanted. I also want to test her ability," she said pointing to Elysha. Naikuyom ko ang kamao. How could she do this? Wala ba talaga siyang puso?
Ikinumpas ni Jeanne ang kamay niya. Nagulat ako nang magsimulang kumilos si Elysha. Jeane was controlling her. She started to throw blasts of dark energies at me. I released my fire phoenix and dodged it. Napangiwi ako dahil sa sobrang lakas ng pag-atake niya. Unti-unti akong napapaurong. I gathered all my energy to blew her attack away. Nagtagumpay naman akong maibato sa ibang direksiyon ang dark enery blasts niya.
Nagulat ako sa sunod na ginawa ni Jeanne. Iniba niya ang direksiyon ng dark energy blasts at pinatama sa black box kung nasaan si Xyra. I heard Xyra scream in pain. I can't control my anger now. I was about to attack Jeanne with my fire phoenix but Elysha stopped me by throwing dark blades on my direction. Nag-aalala ako sa nangyayari kay Xyra sa loob.
Elysha was running towards me, now. Mukhang nagmamadali siyang tapusin ako. I released my double fire dragon. Inatake ko si Elysha kahit ayaw kong gawin. I don't want to hurt her but I think this is better. Tiyak na mas masaya siyang mamamatay sa kamay ko kaysa makontrol siya ng kadiliman.
She dodged it by a shield of darkness. I gathered all my strength to destroy it and I did succeed. Tumagos sa shield niya ang double fire dragon. Tumilapon siya palayo at bumagsak sa lupa. Bahagyang nasunog ang kanang braso niya.
Wala siyang naging reaksiyon. Tila hindi siya nasasaktan. Tumayo siya. She looks like a puppet. I was pissed. Si Jeanne ang may kasalanan ng lahat ng ito.
Elysha was now surrounded by darkness. She directed strong blasts of darkness that splitted into multiple fragments on my direction. I released my seven-head fire dragon but she suddenly stopped attacking me. Jeanne stopped her.
"I got a better idea," she said. I looked at her angrily. Ano na naman ang binabalak niya?
"Aira! Clark!" Jeanne called.
Mula sa likod ng mga puno, lumabas ang dalawang tinawag niya. What was she planning? Siguro alam niyang hindi siya mananalo sa 'kin nang ganoon kadali kaya tinawag na niya ang mga kasama niya?
"Elysha, take care of Xyra. Don't you think it will be exciting if she will be one of us? Aira and Clark, alam na ninyo ang dapat gawin," nakakalokong sabi niya.
Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. "Jeanne!" malakas na sigaw ko sa kanya. I wanted to stop her badly. I can't let them hurt Xyra. I feel so helpless and I don't want this!
Kinabahan ako nang maglakad patungo sa black box sina Elysha at ang dalawa pang kasamahan ni Jeanne. I surrounded them with fire but I was stunned when Jeanne negate my power. Naglahong parang bula ang apoy ko. Nilamon ito ng kadiliman.
Natauhan ako nang makalapit sina Elysha sa black box. I used my seven-head fire dragon to attack them but Jeanne intervened. She stopped and dodge my attack by a beast made of darkness.
"I'll be your opponent," nakangising sabi ni Jeanne. I was so frustrated. Tuluyan nang nakapasok sina Elysha sa loob ng black box. I can't even tell where and how they entered. Matalim na tingin ang ipinukol ko kay Jeanne. Hindi ko siya mapapatawad kapag may nangyaring masama kay Xyra. I'll be the one who will dig for her own grave. Uunahan ko na siya!
"Do I need to lend you a hand?" aliw na aliw na tanong ni Selene na kanina pang nanonood sa 'min. I gritted my teeth. Minamaliit ba nila ako?
"No need. I can handle him on my own," umiling na sagot ni Jeanne.
She attacked first using her dark beast. It started to emit beams of darkness towards my seven-head fire dragon. My seven-head fire dragon released fire bombs that made the beams explode. I released my fire phoenix to attack Jeanne but she dodged it by her dark snake.
Halos dalawang oras na kaming naglalaban ni Jeanne. Sunud-sunod na pag-atake na ang ginagawa ko sa kanya pero nagagawa pa niyang maiwasan at labanan ito. I'm already using three techniques at the same time against her but it's still no use. Masyadong malakas ang kapangyarihan niya.
Natigilan ako nang marinig ang malakas na pagsigaw ni Xyra sa loob ng black box. Kailangan ko nang magmadali! I ran towards Jeanne. Hinayaan kong maglaban ang seven-head fire dragon at ang dark beast.
I used my fire inferno to destroy her but she used a big black hole as her counterattack. Napangiwi ako dahil nahihirapan akong talunin ang black hole niya. Maging siya ay nahihirapang pigilan ang fire inferno ko. Inipon ko ang buong lakas ko para palakasin ang fire inferno. I'm already desperate to end this.
"Tumigil ka na Jeanne!" sigaw ko sa kanya. I pushed harder. Isang malakas na pagsabog ang nangyari sa pagitan namin. Nilipad kami nang malakas na puwersa palayo sa isa't isa. Pareho kaming bumagsak sa lupa. Ramdam ko ang dugong dumaloy sa kanang kamay ko. Hindi ko ininda ang sakit at nanghihinang tumayo.
Sugatan din si Jeanne. Her hands were also bleeding. I tried to burn her but she surrounded herself with darkness. Narinig ko na naman ang malakas na pagsigaw ni Xyra kaya naikuyom ko ang kamao ko. Bakit wala akong magawa? Hindi ko pwedeng atakihin ang black box dahil mapapahamak si Xyra.
"You can't beat me by yourself," nakangising sabi ni Jeanne. Na-realize kong tama siya. What should I do? Hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Xyra! Are you alright?" malakas na sigaw ko. Malakas na tumawa si Jeanne.
"She can't hear you. But I purposedly let you hear her. Para malaman mo kung gaano kasakit ang pinagdadaanan niya. I'm sure she's already tortured mentally by those three. Don't you think they're a great combination? A fear projector, a virtual world manipulator and a girl with the power of darkness," nakangising sabi ni Jeanne.
Damn her! Muli akong sumugod sa kanya. Hindi ko na kaya ang mga bagay na ginagawa niya! I can't lose to her.
XYRA's POV
Natigilan ako nang maramdaman kong hindi lang ako ang tao sa loob ng madilim na silid na kinaroroonan ko. Agad akong tumayo para ihanda ang aking sarili. Kanina lang ay may umatake sa 'kin. Hindi ko sila nakikita kaya mahihirapan ako kung sakaling umatake sila.
I feel dizzy all of a sudden. Pakiramdam ko umiikot ang paningin ko at nahuhulog ako sa isang malalim na lugar. Napapikit ako dahil sa pagkahilo. Sobrang lalim ng binabagsakan ko.
Dahan-dahan akong nagmulat nang mawala ang nakakahilong pakiramdam. Namalayan ko na lang ang sarili na nakahiga sa lupa. Agad akong bumangon dahil sa kaba. Maliwanag na ang buong paligid. Nandito na ako sa isang malawak na kapatagan. Ito ang lugar kung saan namin nakita si Elysha at si Jeanne.
Inilibot ko ang paningin sa paligid. At nagbabaka sakaling makikita ko si Clauss. And there I saw him. Nakahandusay sa lupa, punong-puno ng dugo sa katawan. Napatutop ang nanginginig kong kamay sa bibig. Tatakbo sana ako palapit sa kanya pero isang black dagger ang pumigil sa 'kin. Muntik na itong dumaplis sa mukha ko.
Si Elysha ang pumigil sa 'kin. Natakot ako nang lapitan ni Jeanne si Clauss. Binalot niya ng kadiliman si Clauss. Hindi ako pwedeng manood lang! I released my air eagle and attacked Jeanne but Elysha dodged it for Jeanne. She attacked me by blasts of dark energies.
Lumipad ako palayo para mailagan ito. Nawala ang kadilimang pumalibot kay Clauss. Natuwa ako nang bumangon siya. Nawala ang mga sugat niya na ipinagtaka ko. It was like he was reborn anew. There's no expression registered in his eyes. It was cold and dark.
Kinabahan ako nang maglabas siya ng isang itim na apoy sa kamay. He looked up at me like he wants me to die. Tila nakuha ko na ang nangyayari. He was already controlled by the darkness. No! This can't be happening.
Nagulat ako sa kadilimang pumalibot sa paa ko. I was dragged down the ground. Malakas na humampas ang katawan ko sa lupang binagsakan ko. Malakas akong napasigaw sa sakit. Paulit-ulit na humampas ang katawan ko sa lupa. It was Elysha who's attacking me.
I used my air spear to cut the darkness grasping my feet. I stood up. Puno ng sugat at galos ang katawan ko. Nananakit ang buo kong katawan at pakiramdam ko nabalian ako ng buto.
I was stunned when Clauss attacked me with his double black fire dragon. I used my air dragon to counter it. Sobrang lakas ng kapangyarihan ngayon ni Clauss kaya napapaurong at napapangiwi ako. I tried to remove the oxygen in Clauss' fire but it was no use. Darkness was still present there.
"Sumuko ka na," bulong ni Elysha na hindi ko namalayang nasa likod ko na pala. Natigilan ako. I released my air eagle and desperately attacked her. Nakangising lumayo sa 'kin si Elysha.
"Pabigat ka lang sa mga kasama mo. You're so weak that they need to protect you. They're already fed up with your weakness. Mag-isa ka na lang," Elysha mocked.
Malakas na tumalsik ako palayo dahil sa malakas na puwersang inilabas ni Clauss. Tumama ang katawan ko sa isang puno. Napadaing ako sa sakit. Bumagsak ako sa lupa. Nagkaroon ako ng pag-asa nang makita kong dumating sina Xavier, Akira at ang iba pa.
Pinilit kong tumayo. Lalapitan ko sana sila pero nabalot na silang lahat ng kadiliman.
"You're useless," narinig kong wika nila. Naiiyak ako. Hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari. Napaurong ako nang magsimula na silang lumapit sa 'kin. Handa na silang atakihin ako.
"Come and join us," bulong na naman ni Elysha mula sa likod ko.
"No! This can't be real!" I shouted to her. Hinarap ko siya at malakas na sinampal. Halatang natigilan siya sa ginawa ko. But I think, I did a wrong move. Unti-unti siyang nabalot ng kadiliman.
Lumipad ako palayo sa kanya.
"You'll regret what you've done," galit na sabi ni Elysha. Isang malaking itim na ahas ang inilabas niya. Ikinumpas niya ang kamay at inutusan ang ahas na sugudin ako.
I used my air dragon to counterattack but it was eaten by the dark snake. Nauubusan na ako ng lakas upang lumaban. Ano'ng nangyayari sa mga kasamahan ko? I used my air shield to protect myself from the snake. Pero nasira nito ang pananggalang ko.
Napasigaw ako nang malakas nang makagat nito ang kaliwang tagiliran ko. Bumaon ang malalaki at matatalim na pangil nito. Sobrang sakit ng nararamdaman ko na tila anumang oras ay mawawalan na ako ng malay. Nagtaka pa ako nang itigil nito ang pagkagat sa 'kin.
I fell on the ground. Ramdam ko ang masaganang dugo na dumadaloy sa parteng kinagat ng ahas. Napahawak ako ng mahigpit sa tagiliran ko nang maramdaman ang matinding pagkirot doon.
Lumapit sa 'kin si Elysha.
"Slowly, you'll be eaten by darkness," seryosong sabi niya habang nakatingin sa tagiliran ko. Naalarma ako. Pinilit kong silipin ang sugat sa tagiliran ko. Nagulat ako nang mapansin ang itim na bagay na unti-unting kumakalat sa katawan ko.
"No!" naiiyak na sabi ko. Hindi pwedeng mangyari 'to!
Nagulat ako nang mapunta ako sa ibang lugar. Sugatan pa rin ako at nakahandusay sa lupa. Madilim na ang paligid at mapusyaw ang liwanag na nagmumula sa bilog na buwan. The color of the moon was red as blood.
Nanlalabo na ang paningin ko pero nakakita ako ng mga bangkay sa buong paligid. But I saw someone standing in a mountain of deads. Lumingon siya sa 'kin. My eyes grew wider. It was me. I was covered with blood all over the body. It seems like I'm enjoying the sight of the dead bodies all over the place.
Tuluyan na akong nawalan ng malay. Maybe it's just a nightmare. Sana paggising ko wala na ang nakakatakot na panaginip na ito.
-------------------
TO BE CONTINUED...
AUTHOR's NOTE
Ang bigat sa pakiramdam. Haha. Nakapag-decide na ako sa magiging outcome ng story lols. Sana kayanin nila :D Thanks sa mga nagbabasa ng story ko.. Lovelots mwaah.. Ingat kayo and God Bless. Hart hart..
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com