Chapter 21:True Color
AKIRA's POV
I was into in her kisses when I sensed someone's presence. I was caught off-guard when Selene released spikes of water and attacked me. Napangiwi ako dahil sa mga water spikes na tumama sa tagiliran ko. I looked at her. Her eyes were empty. Parang nakatitig siya sa kawalan. Agad akong lumayo sa kanya nang mapansin na handa na naman siyang umatake. Nasira ang lupang pumipigil sa mga kamay at paa niya dahil sa mga black water spikes na pinakawalan niya. Wala sa sariling tumayo siya.
"She's letting her weak heart overcome her," seryosong sabi ni Jeanne na nasa likuran ko na pala. Medyo malayo siya sa 'kin. I sharply looked at Jeanne. Mukhang siya ang may kagagawan nang mga nangyayari kay Selene ngayon. Nagulat pa ako nang sa isang iglap lang ay nasa tabi na ni Selene si Jeanne. Napansin ko ang black aura na pumapalibot kay Selene.
"Of course. I won't let you have her that easily," nakangising sabi ni Jeanne.
Mahina akong napamura. "Tigilan mo na 'to!" galit na sigaw ko sa kanya. Wala akong makitang reaksiyon sa mukha ni Selene. "Ano ba'ng mapapala mo sa ginagawa mo?" sigaw ko pa rin sa kanya. Naiinis na ako sa pagiging unreasonable niya.
"Marami at hindi ko na kailangang isa-isahin sa 'yo. Hindi mo siya makukuha mula sa 'kin. Pero kung gusto mo talaga, why not join us?" seryosong sabi ni Jeanne. Unti-unti siyang napangisi.
I gritted my teeth. Napakasama talaga niya!
"I will never do that. Ibabalik ko si Selene sa dati sa paraang alam ko," I said with conviction.
"Really? Let's see," sabi ni Jeanne. Tumalon siya patungo sa isang sanga ng puno at tumayo doon. "Selene, tapusin mo na siya," utos niya kay Selene. Naikuyom ko ang mga kamao. She's not fighting fair and square. Gumagamit siya ng mga inosenteng tao para sa kalokohan niya.
"Selene, huwag kang makinig sa kanya! Ginagamit ka lang niya!" I desperately shouted. Pero tila hindi niya ako naririnig.
Agad akong sumakay sa earth fox ko. Sunod-sunod na atake ang ginawa ni Selene. She released her black water tornado to attack me. Kasabay pa nito ang mga black water bullets na pinapatama niya sa 'kin. Bumabaon ang mga water bullets sa earth wall na ginawa ko. Nakasunod sa likod ko ang black water tornado. I made an earth wall but it was destroyed by the tornado.
Naglabas ako ng maraming earth spikes at inatake ito pero wala ring nangyari. I released a strong earth blast that can blow away the tornado. Malakas na pagsabog ang naganap. Napapikit ako dahil sa alikabok na sumama sa malakas na hangin na halos liparin ako palayo.
Agad kong pinatakbo ang earth fox upang lapitan si Selene.
"Selene!" malakas na tawag ko sa kanya. Hindi siya kumibo. "Mahal na mahal kita, Selene! Please, bumalik ka na sa 'kin," nagmamakaawang sabi ko nang makalapit ako. Bumaba ako sa earth fox. Sunod-sunod na black water spikes ang pinakawalan niya para atakihin ako.
Bumaon ang mga black water spikes sa earth shield ko. Pinilit kong lumapit sa kanya. Mahigpit ko siyang niyakap nang makalapit ako. Ininda ko ang mga water spikes na tumama sa katawan ko. Napangiwi at napasigaw ako sa sakit. Marami akong natamong sugat at ramdam ko ang dugong dumaloy doon.
"Selene, bumalik ka na. Lahat kami naghihintay sa 'yo. Hindi ka nag-iisa. Please, huwag kang magpakontrol kay Jeanne. Ginagamit ka lang niya," nahihirapang sabi ko. Tinitigan ko ang mukha niya. Napansin ko ang luhang dumadaloy sa mga mata niya pero patuloy pa rin siyang umaatake.
"Alam kong lumalaban ka! Alam kong naririnig mo ako! Mahal na mahal kita, Selene! Mahal na mahal! Kilala pa rin ako ng puso mo, 'di ba? Nangako akong hindi kita pababayaan. Hindi kita susukuan kahit kailan! Kahit ikaw pa ang pinakamasamang tao sa mundo! Naaalala mo ba?" desperadong sabi ko. Pinunasan ko ang luha niya sa pisngi. Alam kong nahihirapan na siya.
Sana bumalik na siya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nanghihina na ako at marami nang natamo na sugat. Napapangiwi ako sa hapdi ng mga sugat ko. Nagulat ako dahil mas lalong nagwala ang kapangyarihan niya. May tubig na sumakal sa leeg ko. Nakulong kami sa loob ng isang malaking black water ball. Napangiwi ako dahil pakiramdam ko mauubusan na ako ng hininga.
"S-Selene," nanghihinang tawag ko sa kanya. Nanlalabo na ang paningin ko. Unti-unti na akong napapikit. Nakaangat na ang paa ko sa lupa. Hindi ko na kaya. Marami ng dugo ang nawala sa 'kin. Hindi na rin ako makahinga. Anumang oras ay mawawalan na ako ng malay. Napahawak sa ulo si Selene at napasigaw. Napaupo siya. Pilit niyang hinahampas ang ulo niya. Unti-unting nagkakakulay ang mga mata niya pero bumabalik din sa pagiging blanko. She's fighting herself.
"M-mahal na m-mahal kita, Selene. P-please b-bumalik ka n-na!" Pinilit kong magsalita. Umaasa pa rin ako. Unti-unting nawala ang tubig na sumasakal sa 'kin. Nanghihinang naglakad ako palapit kay Selene. Patuloy pa rin siya sa pagsigaw. Hawak-hawak niya ang ulo niya. Makikita sa mukha niya ang paghihirap. Patuloy sa pagtulo ang mga luha niya. Halatang nasasaktan siya. Nagwawala pa rin ang kapangyarihan niya. Napapangiwi ako kapag tumatama ang matatalim na tubig sa 'kin.
Niyakap ko siya nang mahigpit nang malapitan siya. Natigilan siya. Napansin kong unti-unting nagiging asul ang kulay ng tubig niya. Napapikit ako. Nanlalabo na talaga ang paningin ko.
"A-Akira," mahinang sabi ni Selene. Bahagya akong ngumiti. Nawala na ang nagwawala niyang kapangyarihan. Unti-unti na siyang kumalma. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Hindi ko na talaga kaya. Tuluyan na akong nawalan ng malay.
SELENE's POV
Natigilan ako nang yakapin ako ni Akira kanina. Sobrang sakit ng ulo ko. Naaalala ko na ang lahat. Kinuha ako ni Jeanne sa island of gods. She blocked my memory using her power. Nag-alala ako dahil ang daming sugat ni Akira. Wala na siyang malay kaya hindi ko alam ang gagawin ko.
Pinaglaho ko ang waterball na pumapalibot sa 'min. Naalerto ako nang makita si Jeanne. Nakatayo siya sa malayo at nakatingin sa 'min. I can tell that she's disappointed.
"What a waste? Mukhang hindi na kita magagamit sa mga plano ko. Hindi sana kita hinayaang lumaban kay Akira. Hindi ko akalaing maaapektuhan niya ang puso mo," naiiling na sabi ni Jeanne.
I gritted my teeth. Sobrang sama talaga niya!
"Jeanne, tumigil ka na. Bakit hindi ka na lang bumalik kung saan ka nagmula? Bumalik ka na lang sa hinaharap! You don't belong here!" sigaw ko sa kanya.
"Sorry. I still have a mission to fulfill. Hindi na kita kailangan. I can still have her," nakangising sabi niya. Naalala ko si Xyra. No! Hindi siya magtatagumpay! Tiyak na gagawa ng paraan si Clauss. Hindi kami papayag na gamitin niya si Xyra. Kapag tuluyang nailipat ang kapangyarihan ni Elysha kay Xyra, mamamatay si Elysha.
Hindi ko alam ang mangyayari kay Xyra kapag nakuha niya ang kapangyarihan ng kadiliman. Hindi ko alam ang totoong balak ni Jeanne. We've been together for almost a year but she never told me anything about her plans. Sinusunod ko lang ang mga utos niya. Kailangan kong gumawa ng paraan para hindi mapagaya sa 'kin si Xyra. Mukhang mas malala ang mangyayari sa kanya dahil sa kapangyarihang matatanggap niya.
"I will let you go for now," nakangising sabi ni Jeanne. Naglaho siya sa paningin ko. Malalim akong humugot ng hininga. Sana mapigilan na si Jeanne sa mga ginagawa niya. Hinawakan ko ang ulo ni Akira. Napapikit ako. Masaya ako na hindi siya sumuko sa 'kin. Kailangan na naming bumalik sa academy para magamot siya. Sana matanggap pa ako nina Clauss. I used my water snake to carry Akira. Tumigil ako sa bukana ng kagubatan. Hihingi sana ako ng tulong nang makita ko si Troy. Nahirapan akong kumbinsihin siya na nakakaalala na ako.
Nag-alala siya nang makita si Akira. Agad niyang isinakay sa likod niya si Akira.
"Don't follow us!" banta ni Troy.
"No! Why can't you just believe me?" naiinis na tanong ko sa kanya. Sinundan ko pa rin siya. Wala siyang nagawa.
CLAUSS' POV
Nalaman na ni Bryan ang nangyari sa 'min ni Xyra. He's planning to give us secret trainings. Natapos na si Cyril sa pagpapagaling kay Xyra. Gabi na pero hindi pa rin siya nagigising. Kinakabahan pa rin ako. Hindi rin alam ni Cyril kung ano'ng oras magigising si Xyra. Si Frances ang nagbabantay sa kanya pero papunta na rin ako sa kwarto niya.
Nagulat ako nang makita si Troy na buhat si Akira. Sugatan si Akira. Nakita ako ni Troy kaya agad siyang lumapit sa 'kin. Nagtaka ako kung bakit nakasunod sa kanila si Selene.
"Where's Cyril?" nagmamadaling tanong ni Troy.
"Take him to his room. Ako na ang susundo kay Cyril," sabi ko. May mangilan-ngilang estudyante na nakatingin sa 'min. Agad na sumunod si Troy sa inutos ko. Susunod sana si Selene kay Troy pero pinigilan ko siya sa braso.
"What are you doing?" galit na tanong ko sa kanya.
"Clauss, bumalik na ang alaala ko. Kailangan kong puntahan si Akira. Baka kung ano'ng mangyari sa kanya. Ako ang may kasalanan kung bakit siya sugatan," naiiyak na sabi niya. Tiningnan ko siya sa mga mata. She looks sincere. Parang totoo ang mga sinasabi niya. Parang totoo na nag-aalala siya para kay Akira.
"What's your proof?" nagdududa pa ring tanong ko. Tumingin sa paligid si Selene. Tiniyak niyang walang nakatingin sa 'min. Inilahad niya ang isang kamay. Gumawa siya ng isang maliit na water ball na ako lang ang makakakita. Kulay asul na ito.
Tumingin siya sa 'kin.
"Naniniwala ka na ba? May importante akong sasabihin sa 'yo kapag maayos na ang lagay ni Akira," seryosong sabi ni Selene. Bahagya akong ngumiti. Binitawan ko ang braso niya. I patted her head.
"Welcome back," bulong ko sa kanya. Ngumiti siya sa 'kin. Iniwan ko na siya at pinuntahan si Cyril. Kahit napapagod, agad na pinuntahan niya si Akira. Halos maubos ang lakas niya kanina sa pagpapagaling kay Xyra. Kung may maitutulong lang sana ako, nagawa ko na.
------------
TO BE CONTINUED...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com