Chapter 27: Anniversary
XYRA
I don't have the time to watch him walked away. Wala na akong nagawa kundi ang habulin siya. Gusto kong batukan ang sarili ko dahil nakalimutan ko ang anniversary namin. Kaya siguro tinakot niya ako kanina dahil gusto niyang maalala ko ang araw kung kailan naging kami. Kung hindi yata dahil sa mga wolves, hindi magiging kami.
"Clauss!" malakas na tawag ko sa kanya. Hindi siya lumilingon. Patuloy pa rin siya sa paglalakad.
"Sorry na! Naaalala ko na!" sigaw ko. Hindi ko nga lang masabi na naaalala kong anniversary namin ngayon. Naramdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya nang tama. It should be in a romantic way, right? Ang problema, hindi ako ready. Nagalit pa siya sa 'kin. Kung alam ko lang, bumili sana ako ng regalo para sa kanya.
Mahinang tinampal ko ang noo ko. Bakit ko ba kasi nakalimutan? I sighed. Hindi pa rin niya ako pinapansin kahit sumigaw ako nang sumigaw. Hindi ko napansin ang isang ugat na nakaharang sa dinaraanan ko. I tripped and fell down. Bumagsak ako sa lupa. Napangiwi ako. Mabuti na lang hindi ako nagkasugat pero may kaunti akong gasgas. I looked at Clauss but he's not even looking back at me.
I have no choice but to stand up and follow him. Nang tumayo ako, napangiwi ako nang maramdamang masakit ang isang paa ko. Siguro may naipit na ugat. Paika-ika na lumakad ako upang sundan siya. Hindi ako makapaglakad nang maayos dahil sa sakit.
"Clauss! Sorry na! Can you please stop walking?" sigaw ko sa kanya. Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil ayaw pa rin niya akong pakinggan. Mukhang kailangan ko na talagang gawin ang dapat kong gawin. Although this is embarassing, I have to. Tumigil ako sa paglalakad. Inilagay ko ang dalawang kamay sa bibig ko upang sumigaw nang malakas.
"Happy Anniversary Clauss! Sorry! Masyadong maraming nangyari noong mga nakaraang araw. I forgot. But I can't make that as an excuse. I'm really guilty. Sorry na! I love you!" malakas na sigaw ko. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Nahihiya ako. Mabuti na lang walang ibang tao sa lugar na ito kundi wala na akong mukhang ihaharap.
Tumigil siya at lumingon sa akin. Lalong namula ang mukha ko. Nakakahiya! Tinakpan ko ang mukha ko ng dalawang kamay. Ayaw kong tumingin sa kanya. Kasi naman may pagwo-walk-out pang nalalaman si Clauss. Ang drama kasi niya. Ang bilis ng tibok ng puso ko sa sobrang kaba. This is embarassing. Kung pwede lang maglaho na parang bula, ginawa ko na.
"May sinasabi ka ba?" pang-aasar ni Clauss. Hindi ko napansin na nakalapit na pala siya sa 'kin. He's trying to remove my hands covering my face but I resisted. Mas idinidiin ko sa mukha ko ang kamay ko para hindi siya magtagumpay. Tumalikod ako sa kanya para pigilan siya sa ginagawa pero pumunta siyang muli sa harapan ko para alisin ang mga kamay ko.
"Huwag mo na akong tingnan!" nahihiyang sabi ko. My hands were still covering my face. I couldn't face him. Hiyang-hiya ako.
"Come on. I want to see your funny face," natatawang sabi niya. May gana pa talaga siyang mang-asar. I frowned. Tumalikod ulit ako sa kanya. I heard him sigh.
"Seriously? Bakit ka ba nahihiya?" tanong niya mula sa likod ko. Pakiramdam ko kasi pagtatawanan niya ako sa mga sinabi ko. Hinawi niya ang buhok sa batok ko. He kissed my nape. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko lalabas na ito sa dibdib ko.
Niyakap niya ako mula sa likod. "Happy Anniversary," he whispered. Inalis ko na ang mga kamay ko sa mukha ko.
"Happy Anniversary," nahihiyang wika ko. He laughed. Nakakainis naman siya. Hiyang-hiya na nga ako tapos tinatawanan lang niya ako.
"Anyway, I got something for you," he said. Napangiwi ako. Wala akong maibibigay sa kanya. Wala akong nabiling kahit ano. Palpak talaga ako. Ihinarap niya ako sa kanya. Nagtatakang tiningnan niya ako.
"Bakit ganyan ang itsura mo?" tanong niya.
"Wala akong dalang kahit ano para sa 'yo. To follow up na lang," nakangiwing sabi ko.
He grinned. "Sure. A baby boy will be fine. You can't produce it right now. So, you can follow it up," he said. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Balak na ba niyang gawin 'yon? Bahagya akong napaurong sa sinabi niya. Pinagkrus ko sa katawan ko ang dalawang kamay.
"Don't tell me...." I almost whispered. He grinned from ear to ear. Humakbang siya palapit sa 'kin. Patuloy lang ako sa pag-urong. Naramdaman ko ang pagkirot ng paa ko kaya nawalan ako ng balanse. Muntik na akong matumba pero nasalo niya ako.
"You, naughty girl. What were you thinking?" nang-aasar na tanong niya sa 'kin. Ang lapit-lapit ng mukha niya sa mukha ko. There's only a few inches left before our lips could meet. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.
"Wala akong iniisip," nahihiyang sabi ko sa kanya.
"Don't worry. I won't do it right now. Your not fully developed yet. You're almost flat chested. I think Selene's body is better than yours," pang-aasar niya. Hindi naman ako flat chested! Bulag na talaga si Clauss. Pero mas maganda naman talaga ang katawan ni Selene sa 'kin. He's so cruel. How could he compare me with Selene? Pinanlakihan ko siya ng mga mata.
"Edi kay Selene ka na lang! Humanap ka ng fully developed," naiinis na sabi ko sa kanya. Tumawa lang siya. Bahagya ko siyang itinulak pero sumakit ang isang paa ko. Napangiwi ako. Nagtatakang tumingin siya sa 'kin.
"May masakit ba sa 'yo?" nag-aalalang tanong niya.
Sumimangot ako. "Wala. Umalis ka na nga. Kay Selene ka na!" inis na sabi ko. Inalalayan niya akong tumayo nang tuwid. He looked so worried but I didn't mind him. Nagsimula akong maglakad palayo pero epic. Paika-ika pa rin ang paglalakad ko. I can't even have a normal exit in this scene. Nakakaasar! Si Clauss lang ba ang may karapatang mag-walk out? Malas!
"Come on, Xyra!" sabi niya. Nagulat ako nang bigla niya akong buhatin. "Ano'ng nangyari sa 'yo?" takang tanong niya.
"Nadapa ako dahil sa paghabol sa 'yo!" frustrated na sabi ko sa kanya.
"Oh! Sorry," he said. Nagsimula na siyang maglakad. Kumunot ang noo ko.
"Saan mo ako dadalhin?" takang tanong ko sa kanya. Naglakad kami pababa sa kabundukan. Napahawak ako sa t-shirt niya dahil ang awkward ng sitwasyon namin.
"We should make a baby boy now. I think you're already fully developed," pang-aasar niya sa 'kin.
"Clauss!" sigaw ko sa kanya. Tumawa si Clauss.
"Just kidding. I told you. I got something for you. Just stay still," he said. He even winked at me. I flushed red. Tumahimik na ako. Malayo na ang nilakad ni Clauss. We stopped in an open field. Ibinaba niya ako sa damuhan. He checked my foot. Hinilot niya ito.
"I wonder why you're always tripping your foot," naiiling na sabi niya. Parang gusto niyang sabihin na ang lampa-lampa ko. Napangiwi ako nang mahawakan niya ang masakit na parte ng paa ko. He sighed. Patuloy lang siya sa ginagawa. Unti-unting nawala ang pagkirot ng paa ko.
Tumigil na siya sa ginagawa nang masigurong maayos na ang paa ko. Inalalayan niya ako upang tumayo. He smiled at me. I frowned. I still don't forget how he compared my body with Selene. He cupped my face.
"Still upset?" he asked. Hindi ko alam. If he's acting like this, how could I still be upset? Hindi ako magaling na artista kaya hindi ako makapagsinungaling sa kanya.
Nagulat ako nang may biglang sumingit sa pagitan namin. Ang ulo ni Baby Xyra. Tumawa nang malakas si Clauss habang naiiling.
"Hindi na sila nakatiis," napapakamot sa ulo na sabi ni Clauss. Lumabas na rin si Baby Clauss.
"Where's Akira's dragon?" takang tanong ko.
"I don't know. Siguro kasama nilang dalawa," sagot ni Clauss.
"Dalawa?" takang tanong ko.
"Si Akira at Selene," he answered. I see. Marahan akong tumango. Hinaplos ko ang katawan ni Baby Xyra.
"Is this what you're talking about? The thing you got for me?" tanong ko kay Clauss.
"No. Isinama ko lang sila dahil mukhang bored na bored na sila sa pinagtataguan nila," naiiling na sabi ni Clauss.
"So, there's something else," pang-aasar ko sa kanya. He blushed and looked away. Lumapit ako sa kanya. "So, what is it?" I asked him. He sighed. Mula sa bulsa ng pantalon niya, may dinukot siya. May inilabas siyang kahon. I don't think it's a ring base on it's size and shape.
He opened it. There's a gold bracelet covered with white gems. Kinuha niya ang kaliwang kamay ko at isinuot doon ang bracelet na hawak niya. May hawak siyang isang maliit na gold key and he locked the bracelet on my wrist.
"There. You can never take this off unless you use this key. Of course, I will keep this," he said. Hinubad niya ang kwintas niya at inilagay doon ang gold key. Muli niyang isinuot ang kwintas. I looked at the bracelet. I'm so happy that I can't take this off. It will surely help me a lot if ever I lose myself to the darkness. Wala na kasi ang singsing namin. At least now, I have something to remember him.
Napansin kong malapit nang lumubog ang araw. Hindi ako nakapagpaalam kina Mom na gagabihin ako.
"Is there something wrong?" Clauss asked.
"No. Nakalimutan ko lang magpaalam kina Mom at Dad," nag-aalangang sabi ko. Baka mag-alala na sila sa 'kin.
"Don't worry. Ipinagpaalam na kita sa kanila. I told them that I will bring you home before nine. May pupuntahan pa tayo. I think, they're already done with the preparations," he said. Kumunot ang noo ko. Magtatanong pa sana ako pero kinuha na niya ang kamay ko. Inalalayan niya ako patungo kay Baby Xyra. Wala na akong nagawa nang alalayan niya akong sumakay sa likod nito.
"Saan tayo pupunta?" takang tanong ko sa kanya.
"Just follow me," he said. Sumakay na rin siya kay Baby Clauss. Nauna na silang lumipad. Sumunod naman ako. Madilim na nang makarating kami sa isang maliit na isla. Bumaba na kami. Wala akong makita sa paligid dahil sobrang dilim. Humawak ako kay Clauss dahil baka may mababangis na hayop sa lugar na ito.
In my surprise, isa-isang naglabasan ang mga maliliit na fire balls. Naglakad kami patungo sa tinutumbok nitong daan. There were rose petals on our way. There's a small green garden on the end of the path. It was almost perfect. Pero kumunot ang noo ko nang mapansin sina Claudette, Xavier, Felicity, Akira, Selene at Troy na mukhang may pinagtatalunan pa. Halatang hindi pa nila kami napapansin.
"The table and chairs must be made of ice," sabi ni Troy.
"Lalamigin sila. It must be made of earth," pagkontra ni Akira.
"An underwater date was better," sabi naman ni Selene. Napansin kong napailing si Clauss. Nahihiyang ngumiti sa 'kin si Clauss.
"I think they're not done yet," naiiling na sabi niya. Mahina akong tumawa.
"They're be killed if you do that," naiiling na sabi ni Akira.
"But it's a romantic way to die," pang-aasar ni Selene. Binatukan siya ni Akira. Napahimas siya sa ulo niya habang nakasimangot. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa pinagtatalunan nila. Actually, everything was already perfect here. Natutuwa ako sa effort na ginagawa nila.
Napansin kami nina Claudette na nag-aayos ng pagkain sa mesa. The table was made of woods. Tiyak na lalamig agad ang pagkain kapag gawa sa yelo ang mesa.
"Hey! Nandito na sina Kuya!" nagpapanic na sigaw ni Claudette. Hindi na nila kailangang mataranta dahil na-witness ko na ang ginagawa nila. Nagulat silang lahat at hindi malaman ang gagawin.
"I think we should get out of here," sabi ni Selene. Hihilahin na sana niya si Akira pero pinigilan niya si Selene.
"Nahuli na tayo. Maybe we can just join them in their date," sabi ni Akira. Sa isang dako, gumawa si Akira nang isang round table at dalawang silya gamit ang kapangyarihan niya. Doon sila umupo ni Selene.
"Felicity, date na rin tayo," sabi ni Troy. He made table and chairs made of ice.
"I don't want to freeze to death," mataray na sabi ni Felicity. Inirapan niya si Troy. Napakamot siya sa ulo. Tahimik lang sina Claudette at Xavier. She's wearing something weird. It looks like she's having a maid cosplay.
"Let's go," bulong ni Clauss. Inalalayan niya ako patungo sa table namin. "Sorry. I thought it will be good if I asked their help," he said when we took our seats.
"Kuya Clauss, nagsisisi ka ba? The set up was almost perfect! Pinaghirapan namin ito," sabi ni Claudette. Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Sumimangot naman si Clauss. Halatang hindi siya sumasang-ayon sa kapatid.
"May kulang pa," Troy said. He made an ice fountain made of two swans forming a heart through their necks.
"And the water," Selene said. May lumabas na tubig mula sa fountain. Ang weird naman ng set up namin. Gumawa pa si Akira ng ilang tables para kina Claudette. Hindi na ipinilit ni Troy ang ice chairs and tables niya. We started eating. May background music pa talaga. Mas lumiwanag sa paligid dahil sa fireballs na ginawa ni Clauss.
"Thanks for this night, Clauss," nakangiting sabi ko nang matapos kumain.
"Huwag mo muna akong pasalamatan. It's not yet over," he said. He stood up and asked me for a dance. I accepted it. Ang lapit nang katawan namin sa isa't isa. I hope we can stay like this forever. Like we got no problems at all. I closed my eyes. Isinandal ko ang ulo ko dibdib niya.
"Pagod ka na ba?" tanong niya sa 'kin. Umiling ako. Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Pakiramdam ko hindi na ito mauulit. Hindi ko alam kung bakit. I wished I was wrong. Inalis ko iyon sa isip ko.
"At first, I thought of you as an arrogant and conceited guy. You're irritating and stubborn at times. Hindi ko maintindihan ang ugali mo dahil pabago-bago. Hindi ko rin alam kung kailan ka mabait at kung kailan ka masungit. Nakakainis! I fell for you because of those things. But I'm really happy to meet you. I'm happy to love someone like you," I said. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko 'yong sabihin. It's as if malapit na akong umalis at natatakot akong hindi ko na 'yon masabi sa kanya.
"Why does it sound that you'll leave after this? Weird," he said. Does it really sounded like that? I didn't noticed.
"Ang boring!" Narinig kong sabi ni Selene. Nagulat kami nang biglang sumabog ang tubig mula sa fountain. Halos lahat sila nabasa maliban samin ni Clauss. We shielded ourselves by our power.
Sumimangot sa 'min si Selene. "Ang KJ niyo naman," sabi niya. Pinisil ni Akira ang mukha niya. Ngumiti ako sa kanila. Napailing naman si Clauss.
"Mali talaga na dinala ko sila rito," nakasimangot na sabi niya. In an instant he made a wall of fire surrounding the two of us.
"Kuya Clauss! What do you think you're doing?" sigaw ni Claudette mula sa kabilang parte ng pader. Clauss sighed.
"They're invading our privacy," he whispered on my ear. He held my chin so that I could face him. Napapikit ako nang maramdaman ko ang labi niya sa noo ko. He kissed my noseline and then down to my lips. I responded.
Tumigil kami nang makarinig ng ingay mula sa kalangitan. I could see colorful fireworks. Wala nang nagawa si Clauss kundi ang alisin ang fire wall na ginawa niya.
"Happy New Year!" pang-aasar nina Claudette sa 'min. Napakamot na lang ako sa ulo. Binigyan niya kami ng tig isang lucis. Sumakay na lang kami sa trip nila. Although, matagal pa ang new year. Nakakatuwang pagmasdan ang makukulay na fireworks sa kalangitan.
"Mukhang palpak ang first anniversary natin," bulong ni Clauss. He's not looking at me but he's looking at the sky.
"You think so? Well, I think it isn't. It's just perfect because you're with me," nakangiting sabi ko sa kanya.
Ngumiti sa 'kin si Clauss. Umakbay siya sa balikat ko.
"Yeah. That's what matters now," he said smiling.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com