Chapter 32: New Moon
CLAUSS
We went back on our posts. Lahat kami ay tahimik at maingat na nagmamasid sa buong paligid. Alas singko na. Lalong bumibigat ang tensiyon sa paligid. Unti-unti nang kinakain ng kadiliman ang liwanag. Walang liwanag na hatid ang bilog na buwan. It was like its light was already eaten by the darkness. It was a dark new moon. Maulap din ang kalangitan. Pakiramdam ko may mangyayari talagang hindi maganda.
Mabilis at malamig ang simoy ng hangin na tumatama sa balat ko. It made me more nervous. Lahat kami ay naghihintay. Lahat kami ay nakahanda na. Maging ang mga dragon ay lumilipad at nagmamatyag din sa buong paligid ng academy.
Walang eksaktong oras na ibinigay sa 'min si Frances. Hindi namin alam kung kailan lilitaw at susugod ang mga kalaban. And worst, we didn't know all our enemies. May iba pang kalaban maliban sa grupo nina Jeanne. It's bothering me especially the King of Darkness.
Hindi ko naiwasang alalahanin ang pinag-usapan namin kaninang umaga lalo na ang binanggit ni Frances.
"Everyone, listen. I visited the old library for the past few days. I did some research. Naalala ko na may isang libro na naglalaman ng ilang impormasyon tungkol sa King of Darkness. I thought it was just a myth before. Pero dahil sa nangyayari kay Xyra, naniniwala na ako na hindi ito gawa-gawa lang. It was actually Wanda's book. Her parents were researchers. They wrote it. They also got special powers for collecting data," she said.
Tahimik lang kaming nakikinig sa sinasabi niya. We were listening attentively. We knew this information will probably be useful.
"Ang kapangyarihan ng kadiliman ang isa sa gustong makuha ni Enzo kaya niya kinuha ang ama't ina ni Wanda. On our time walang nagtataglay ng kapangyarihan ng liwanag at kadiliman. Or maybe someone already did. Hindi lang sila nawalan ng kapangyarihan dahil hindi sila sakop ng mga elemental gods. Natalo natin ang death god kaya nagawa natin siyang ibalik sa lugar kung saan siya nararapat manatili. Hindi na siya makapanggugulo sa mundo natin. According to the book, there's still two sources of power. Light and Darkness. Under ng king of darkness ang death god. Because of Enzo' greediness of power, he planned to oppose the king of darkness and stabbed him on the back using the powers he could get from us. But he failed because he was defeated. Now, let's go to the King of Darkness. According to the book, he's an immortal being. That means we can't probably kill him. But it was stated that his power can be sealed off using the combined powers of the chosen ones. He can be sealed for thousand of years. Actually, hindi detalyado ang impormasyon na ibinigay ng magulang ni Wanda. Halatang hindi nila natapos ang research. They were killed for some unknown reason. They disappeared without a trace. Imposibleng si Enzo ang gumawa nu'n. Hindi nabanggit kung sino ang chosen ones pero sa tingin ko it's the elemental power users. Maybe the heaven power user is involve too. Kung makukuha si Xyra, we can't seal the dark king. I really don't know what to do but I hope this information can help us. For now, let's focus on saving Xyra," she said.
Bumalik ang diwa ko sa kasalukuyan nang may mapansin akong mga anino na papalapit sa academy. Naningkit ang mga mata ko. They're already making a move. I focus my gaze on them. Nakasakay sa isa sa mga dragon sina Claudette upang malayang makapagmasid.
"They're approaching. May tatlo sa harap. Dalawa naman sa likod, Claudette announced.
"Lima lang ba sila?" nagtatakang tanong ko.
"Yes. They're the newbies. Wala si Jeanne. Maybe she's planning to keep us busy," she answered. Kinabahan ako. Tama siya. Tiyak na si Xyra ang target ni Jeanne. Hindi talaga siya nag-aaksaya ng oras. Pakiramdam ko, gusto ko nang tumakbo patungo sa basement. Mahigpit na naikuyom ko ang kamao.
Nagulat ako nang mag-ingay ang mga dragon sa kalangitan. I saw flocks of bats and crows. Sobrang dami nila na halos mapuno ang kalangitan.
Nagliparan patungo sa direksiyon namin ang mga uwak at paniki. Lahat kami ay sinugod nila maging sina Claudette. Kahit paulit-ulit namin silang atakihin ay tila lalo lamang silang dumarami.
Malakas na bumuga ng apoy si Baby Clauss maging ang ibang dragon ay gumamit na rin ng kanilang kapangyarihan.
Marahas ko namang itinataboy ang mga paniki gamit ang apoy ko pero hindi sila nawawala. Muli lang silang nabubuo. They were made of darkness. Pakiramdam ko lalong dumilim sa paligid dahil natatakpan ng mga uwak at paniki sa himpapawid ang natitirang malamlam na liwanag ng buwan.
"The newbies already tresspass inside the academy. Follow them," I said when I noticed that they're running now towards the entrance of the building. Agad na sumunod sina Selene, Troy at Akira sa mga ito. I released my fire phoenix.
"How's the situation there, Clauss?" tanong ni Xavier.
"Ayos lang ba kayo, Clauss?" nag-aalalang tanong ni Xyra. I sighed. Hindi ko alam kung tama bang ipaalam namin sa kanya ang nangyayari. Lalo lang siyang matatakot at mag-aalala pero wala na akong magagawa. Kailangan naming harapin ang lahat ng ito.
"A group of bats and crows are attacking us now. We can't manage to kill them. Mas lalo lang silang dumarami," I explained. "Kumusta kayo? Be careful. Hindi pa namin nakikita si Jeanne," nag-aalalang sabi ko. Patuloy lang ako sa ginagawang pag-atake sa mga paniki at uwak. May ilan na nakalusot sa depensa ko at nagawa akong atakihin. Nagtamo ako ng maliliit na sugat sa braso. They're too many to handle.
"Everything's still fine here. Wala akong nararamdamang kakaiba sa paligid," Xavier answered.
"Bats? Made of dark energies?" takang tanong ni Xyra. Kumunot ang noo ko. I was still attacking the bats and crows using may fire phoenix.
"How did you know?" tanong ko kay Xyra.
"Yes. Inatake na ako noon ng mga paniki na 'yan. This is disturbing. According to Cyrus, it's not Jeanne's power. It's the power of the dark king," nag-aalalang sabi ni Xyra. Natigilan ako. "Listen. To defeat them, you have to find the source of their energy. Their weak spot. It was a shiny black stone. Destroy it," sabi ni Xyra.
Naiinis ako dahil hindi niya sinabi sa 'kin na may nakalaban siyang mga paniki noon. But it's not the right time to argue with her. Sinunod ko ang sinabi niya. Nagiging usok lang ang mga paniki at uwak kapag tinatamaan ng kapangyarihan ko. Muli silang bumabalik sa dating anyo kaya nauubos na ang pasensiya ko. Hindi ko makita ang sinasabi ni Xyra.
I looked up. Marami pa sa itaas na nakikipaglaban sa mga dragon. It's a pain. Sobrang dilim ng paligid kaya tiyak na hindi ko makikita ang hinahanap ko.
"Everyone, find that shiny black stone," mariing utos ko.
"Ako na ang maghahanap," sabi ni Bryan. "Sumunod ka na lang kina Akira. Tiyak na nakapasok na sina Jeanne sa loob," sabi ni Bryan.
"That's what I really want to do. Thanks," I answered. Sumakay ako sa fire phoenix ko. Lumipad ito pababa sa entrance ng building. Natigilan ako nang makita ang likod ng isang lalaki. Nakatayo siya sa harap ng entrance. He's wearing a black polo and pants.
Agad akong bumaba sa fire phoenix ko.
"Who are you?" seryosong tanong ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan sa dahan-dahang pagharap niya sa 'kin. His deep dark eyes stared at me emotionlessly. He put his hands inside his pockets. Hindi pamilyar ang mukha niya sa 'kin. Ngayon ko lang siya nakita sa academy. He looked like he's at the age of twenties.
"Hindi na mahalaga kung sino ako. I'm here for my queen," he seriously said. Hindi siya ngumingiti. Natigilan ako. Siya na ba ang king of darkness? Wala sa itsura niya. He's wearing an innocent but serious face. He doesn't look like a villain. I gritted my teeth. Looks can really be deceiving. And his queen? Si Xyra ba ang tinutukoy niya? Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya. Xyra was not his queen. She belongs to me. I won't let him have her.
Tila naramdaman yata niya ang nararamdaman kong galit para sa kanya. Agad na pumalibot sa kanya ang mga paniki para ipagtanggol siya. He just stared at me. Tila wala siyang pakialam sa gusto kong gawin sa kanya. He was not taking me seriously. Agad kong inilabas ang seven-headed fire dragon ko.
"You can't defeat me with that power," he said while looking at the seven-headed fire dragon. I know he's stronger than me. Mukhang tama nga si Frances. Hindi namin matatalo ang dark king kung hindi namin pagsasama-samahin ang mga lakas namin. Pero ayaw kong sumuko! Agad ko siyang inatake gamit ang seven-headed fire dragon. Nagulat ako nang maglabas siya ng technique na katulad ng sa 'kin. Instead of fire, it was darkness.
"I'm waiting for midnight to strike. Maybe, I will play for a while. I really don't know what's holding my queen this long. She should have come to me by now," tila naiinip na sabi niya. Maybe, it's because of the iron handcuff. Her dark powers were sealed. May nakikita pa akong pag-asa. Hangga't hindi naaalis sa kanya ang iron handcuff, hindi siya makukuha ng kadiliman.
Napangiwi ako dahil sa lakas ng dark dragon na ginawa niya. Malakas na nagbabanggaan ang mga dragon. Inilabas ko ang fire phoenix ko para sugurin ang dark king pero naglabas lang din siya ng dark phoenix. He's playing with me that irritates me more. I'm really no match for him. This sucks. Dahil sa malakas na pagbabanggaan ng mga kapangyarihan namin, isang malakas na pagsabog ang naganap. Halos mayanig ang lupang tinatapakan namin. Nasira din ang entrance ng building ng academy. Nagliparan ang mga nagkabitak-bitak na semento sa paligid. Gumamit ako ng fire wall para iwasan ang mga ito. Mukhang wala ng babalikan ang mga estudyante pagkatapos ng laban na ito.
Hindi natinag ang dark king sa kinatatayuan niya nang humupa ang pagsabog.
"What's that explosion?" sabay-sabay na tanong nila sa isip ko. Muntik nang sumakit ang ulo ko.
"I'm with the dark king," tanging sagot ko. Tiyak na nakuha na nila ang mensaheng ibig kong iparating.
"What?" gulat na react ni Claudette.
"Hindi mo siya kaya nang mag-isa," nag-aalalang sabi ni Xyra.
I gritted my teeth. I know that's why I'm frustrated. I can't even do anything to stop him. Naglaho na ang mga techniques namin. Tanging ang isang paniki na lang na nakadapo sa balikat niya ang natira. Kung hindi ko siya matatalo, tiyak na makukuha talaga niya si Xyra.
"Shit! Narito na si Jeanne!" sigaw ni Xavier sa isip namin. Nakaramdam nang mas matinding pangamba. What should I do? Naguguluhan na ako.
"Damn! Protect Xyra at all cost. I'll be on my way after dealing with the dark king," I said. Kahit ako nagdududa sa sinabi ko. Could I really deal with him. Ni wala ngang nagawa ang mga techniques ko sa kanya.
"Akira, Selene, where are you? I need a hand," sambit ko sa isip ko. Maybe we can manage to defeat him if there were three of us.
"I'm sorry, Clauss. Nahulog ako sa bitag nila. I can't lend you a hand," nahihirapang sabi ni Selene.
"I'm not finished with my target yet. I can't help you too. Mukhang plano talaga nilang paghiwa-hiwalayin tayo," naiinis na sagot namin ni Akira. Mariin kong naikuyom ang palad. Wala na akong choice. I have to fight him alone. Kailangan kong ibigay ang lahat para manalo. Kahit buhay ko pa.
"Clauss! Siguro mas makabubuting ibigay na ninyo ako sa kanila. Para hindi na kayo masaktan," nag-aalalang sabi ni Xyra.
"Mas masasaktan kami kung makukuha ka nila. Mas masasaktan ako. Especially now that he's claiming you as his queen. I can't give away my queen," naiinis na sabi ko. I know I'm being stubborn. But this was how I felt. Lalaban ako kahit anong mangyari.
"Clauss..." malungkot na tawag ni Xyra sa pangalan ko. Naiinis ako dahil tila sumusuko na siya. Pakiramdam ko may pumipiga sa puso ko dahil sa pagtawag niya sa pangalan ko. Was she giving up?
-----------------------
TO BE CONTINUED...
Authoor's Note:
Hello! Hahahaha! Wala lang.. ingat kayo. Ang tagal ng update ko :D hahaha.. Thanks sa pagbabasa <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com