Chapter 33: Lost in the Darkness
XYRA
Naalerto kami ni Xavier nang unti-unting bumukas ang pinto ng silid na kinaroroonan namin. Natigilan kami nang pumasok si Jeanne sa loob ng silid. Mag-isa lang siya. Agad na lumapit sa 'kin si Xavier. He was trying to guard me. Nag-aalala ako para kay Clauss. He can't handle the dark king on his own. Tiyak na masasaktan lamang siya. Kasalanan ko kung bakit nangyayari ang mga ito.
Kahit sabihin kong ibigay na nila ako sa mga kaaway, alam kong hindi sila papayag. Pero ito lang ang tanging paraan para hindi sila masaktan. Nasasaktan din ako para sa kanila.
"Your power will not work on me," seryosong sabi ni Xavier. Xavier was trying to protect me. Wala man lang akong magawa upang tumulong ako sa kanila. All I could do was helplessly watch them fight.
"I know. But I don't need to use my power. You're weak with physical assault and attacks," seryosong sabi ni Jeanne. May inilabas siyang dalawang matalim na black dagger. "I'll use my strength," saad niya. Kinabahan ako sa sinabi ni Jeanne. She really prepared for this.
"Xavier, you don't have to fight her. Baka masaktan ka lang. Just let me go," nag-aalalang wika ko. Kakaiba ang aura ni Jeanne ngayon. Halatang handa siyang gawin ang lahat makuha lang ako.
"No. Tiyak na magagalit si Clauss kapag nakuha ka nila," seryosong sabi ni Xavier. "And I've been trained to fight using my barehands. There's no need to worry," saad niya.
I looked at Jeanne's direction. She's grinning mischievously. Halatang may binabalak siyang masama. Kinabahan ako nang unang sumugod si Jeanne. She ran towards Xavier while holding two daggers on each hands. Bigla siyang nawalang parang bula sa harapan ni Xavier. Napasinghap ako nang sumulpot sa likod ni Xavier si Jeanne. Akmang sasaksakin na ni Jeanne ang tagiliran ni Xavier nang harapin ito ni Xavier at mabilis na pinigilan.
"I can sense your presence," Xavier said seriously. Mahigpit na hawak ni Xavier ang wrist ni Jeanne pero hindi natinag si Jeanne. She used her other hand to attack Xavier. Agad na tumalon palayo si Xavier upang umiwas sa kanya.
Lumingon sa 'kin si Jeanne at tiningnan ang handcuffs sa mga kamay ko. "So your power is sealed. Now, I get it," she said. "But I have to take care of this man first," she almost whispered as she looked back to Xavier.
Xavier didn't prepare any weapons. Hindi namin inakala na lalaban si Jeanne nang mano-mano. Hindi nag-aksaya ng oras si Jeanne. Muli siyang nawala sa kinatatayuan. Sumulpot na lang siya bigla sa harap ni Xavier. She was persistent to cut him. Napigilan ni Xavier ang marahas na pag-atake ni Jeanne at tumalsik ang hawak nitong dagger sa sahig. Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Jeanne sa sikmura ni Xavier upang makawala siya sa pagkakahawak ni Xavier. Napaurong si Xavier. May isa pang dagger sa kamay ni Jeanne na pinaglalaruan niya.
Isang itim na usok ang pumalibot sa nahulog na dagger sa sahig. Kusa itong lumipad patungo sa kinaroroonan ni Xavier. Mabuti na lang nailagan niya ito. Pero ang nakakainis ay patuloy na inaatake ng dagger si Xavier sa pamamagitan lang nang pagkumpas ni Jeanne ng kanyang kamay.
Napapunta si Xavier sa sulok. He was cornered. Mabilis na lumipad patungo sa kanya ang dagger. Mabuti na lang naiwasan niya ito. Malalim na bumaon ang dagger sa pader.
Hindi naman nag-alala si Jeanne pero hinayaan na lang niya ang dagger sa pader. Nawala siyang parang bula sa kinatatayuan at muling nagteleport sa kinaroroonan ni Xavier. Nagpakawala si Jeanne nang malalakas at sunud-sunod na suntok at sipa kay Xavier. Halos mapaawang ang labi ko dahil sa bilis ng pagkilos nilang dalawa. Patuloy naman sa pagsalag si Xavier sa mga atake ni Jeanne. Halos manlaki ang mga mata ko nang makakuha ng pagkakataon si Jeanne upang saksakin si Xavier.
Nadaplisan ang tagiliran ni Xavier at napansin ko ang dugo na lumabas mula roon. Napangisi si Jeanne nang magawa ang gusto. Nagtaka ako dahil napaluhod si Xavier. Tuluyan siyang bumagsak sa sahig sa hindi ko malamang dahilan. Tila naging paralisado ang buong katawan niya.
"Xavier!" nag-aalalang tawag ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na nasa harap ko na si Jeanne ngayon.
"Ano'ng ginawa mo sa kanya?" I asked between my gritted teeth.
"He was poisoned. He might die," walang emosyong sagot ni Jeanne. "Now, you're next," she said grinning. Kinabahan ako para kay Xavier. Nagulat ako nang may inilabas na susi si Jeanne.
"How did you get that?" galit na tanong ko sa kanya.
"I didn't steal this from Clauss. It's a duplicate key from Enzo," she grinned. Pinilit kong manlaban at umiwas sa kanya. But her dark power pinned me to the wall. Napadaing ako nang malakas na tumama ang likod ko sa pader. Sinimulan na niya ang pagtanggal sa handcuffs ko. Nang tuluyang matanggal ang mga handcuffs, unti-unting dumaloy ang mainit na enerhiya sa aking katawan. Napangiwi ako dahil tila napaso ang kaibuturan ng pagkatao ko. Malalaking butil ng pawis ang namuo sa mukha ko. Pakiramdam ko nauubos ang buong enerhiya ko at hinihingal ako.
Nahihirapang tumingin ako kay Jeanne. "I'll do whatever you want. Just save Xavier," nagmamakaawang sabi ko sa kanya.
"Are you sure? I'm glad that I brought the antidote with me," she smiled mischievously. Ipinakita niya sa 'kin ang isang maliit na bote. Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya. Pinagplanuhan talaga niya ito nang maigi.
"Akala ko ba susundin mo ko? Why are you looking at me like that?" naaaliw na tanong ni Jeanne. Naiinis na nag-iwas ako ng tingin. I sighed in defeat. Lumambot ang ekspresiyon ng mukha ko.
"Just save him," malungkot na sabi ko. Labag man sa kalooban ko, kailangan kong gawin. She suddenly released me. Napaupo ako sa sahig dahil nahihirapan pa rin ang katawan ko sa enerhiyang dumadaloy sa 'kin. Malakas na hangin ang kumawala sa katawan ko. Mahigpit kong niyakap ang sarili at malakas na sumigaw. Sobrang hapdi at sakit ng nararamdaman ko. Tumayo si Jeanne sa harap ko at tumingin sa mga mata ko. Hindi niya alintana ang malakas na hangin.
"Now, submit yourself to the darkness," she said.
Naiinis na tiningnan ko siya. "Akala ko ba ililigtas mo si Xavier?" galit na tanong ko sa kanya. Napangiwi ako dahil pakiramdam ko namamaga ang buong katawan ko.
"I'll do it later. He'll be in my way if he regain his strength now. Don't worry it's a promise," nakangising sabi ni Jeanne. Nagdududa ako pero wala akong magawa. Hindi ako makalaban dahil sa kalagayan ko.
Tinawag ko sa isip ko ang pangalan ni Cyril. Ipinaalam ko ang kalagayan ni Xavier. Baka kasi hindi tuparin ni Jeanne ang pangako niya. Napasinghap ako nang may lumabas na itim na enerhiya mula sa katawan ko at kay Jeanne. Naghahalo na ang hangin at ang itim na kapangyarihan. Tila nagiging isa.
"From now on, you won't remember any one of them. You'll just serve the king," she said. Mula sa kamay niya ay may lumabas na itim na bola ng enerhiya.
Mapait na napangiti ako nang marinig sa utak ko ang nag-aalalang pagtawag ni Clauss sa pangalan ko.
"Xyra! Ano'ng nangyayari diyan? Ayos ka lang ba? May ginawa bang masama sa inyo si Jeanne?" sunud-sunod na tanong niya. "Bakit nawala si Xavier? Ano'ng nangyayari Xyra?" nag-aalalang sigaw ni Clauss sa utak ko.
Pinakawalan na ni Jeanne ang itim na kapangyarihan at tuluyan na akong pinalibutan. Iba't ibang imahe ang nag-flashback sa isipan ko. Lahat ng magaganda at masasakit na alaala. Lahat ng mga pagkakataong nakaramdam ako ng takot, selos, galit at pangamba. Lahat ng negatibong emosyon ay nanariwa sa isipan ko. Sobrang sakit sa pakiramdam. Tila pinipiga nang matindi ang puso ko. Mahigpit akong napahawak sa dibdib ko. Malakas akong dumadaing dahil sa sakit. Parang hindi ko na kakayanin. Parang gusto ko na lang mawala lahat ng nararamdaman ko.
"Clauss..." nanghihinang tawag ko sa kanya. It's funny how their images in mind became blurry and dark. "Mahal na mahal kita," tanging naisip ko na lang. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Sobrang sakit isipin na malapit ko na siyang makalimutan.
"Xyra!" malakas na sigaw ni Clauss sa utak ko. Ilang segundo ang lumipas nang tuluyang mablanko ang isipan ko.
Ramdam ko pa rin ang mainit at kakaibang enerhiya na dumadaloy sa katawan ko. Nandoon pa rin ang sakit. Malakas akong napasigaw nang maramdaman kong tuluyan na akong tinupok ng kadiliman.
Lumipas ang ilang minuto, kusang lumutang sa ere ang katawan ko. Nawala na ang mainit na sensasyong bumabalot sa katawan ko. Iminulat ko ang mga mata. Kumunot ang noo ko nang makita ko si Jeanne at ang isang lalaki na nakahandusay sa sahig.
Dahan-dahan akong tumapak sa sahig. Hindi ko maalala kung bakit ako nasa lugar na ito.
"What are we doing here?" seryosong tanong ko kay Jeanne. Matalim na tingin ang ipinukol ko sa kanya. Kumunot ang noo ni Jeanne pero agad ding lumiwanag 'yon.
"I'm just cleaning some mess. Shall we go?" tanong ni Jeanne. I nodded. I looked around the room. Masyadong masikip. Mukhang kailangan kong pasabugin ang buong paligid. Napatigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang pagkabasag ng isang bagay. Napalingon ako sa lalaking nakahandusay. May isang maliit na bote na nabasag sa tabi niya. Sa tingin ko, ihinulog 'yon ni Jeanne.
"What's that?" salubong ang kilay na tanong ko.
"Nothing. I will lead the way out," Jeanne answered. Naglakad siya palabas ng silid kaya sumunod ako. Hindi ko na nilingon ang lalaking nakahandusay. Bahagya kong pinagmamasdan ang bawat pasilyo na nadaraanan ko. The place was not familiar to me. Nagtataka ako kung bakit ako napadpad dito.
Naglakad kami palabas ng building. Dalawang lalaking naglalaban ang nakita ko. Two powers were colliding. It was fire and darkness. Hindi pamilyar sa 'kin ang isa sa kanila. Bigla silang natigilan nang makita ako. Agad silang lumayo sa isa't isa at napahinto sa laban.
"Xyra!" gulat na sabi ng isang lalaki. Hindi ko alam kung ako ba ang tinatawag niya pero sa 'kin siya nakatingin. Tiningnan ko siya at pilit na inalala kung sino siya pero wala siya sa memorya ko.
"So you came," sabi ng lalaking nakaitim. Napalingon ako sa kanya. Of course I knew him. He's the other half of me. The king of darkness.
Ngumisi ako nang nakakaloko. "Did I make you wait?" tanong ko at humalukipkip. Marahan siyang ngumiti sa 'kin. I knew there's something wrong here. Bakit nga ba ako nasa lugar na ito? But as I look on my king's face, all my anxieties and worries disappeared.
-------------------------
TO BE CONTINUED...
Sorry naman! Haha.. Ingat.. Magtatago na muna ako sa lungga ko. Bayieeee!!!!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com