Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 35: Twins

CLAUSS

Nagising ako sa liwanag na tumama sa mukha ko. Nasa loob na ako ng silid ko. Agad akong napabalikwas ng bangon. I looked around the room hoping to find someone to talk to but there's no one. Nanariwa sa alaala ko ang mga nangyari kagabi. I could still feel the pain on my chest when I remembered Xyra and the dark king kissing. 

Bumangon ako at tumuloy sa banyo. Kailangan kong hanapin si Cyrus dahil siya lang ang nakakaalam kung nasaan sina Xyra. Sana walang nangyaring masama kay Xyra. Malakas kong sinuntok ang pader habang malayang tumutulo sa katawan ko ang tubig na nagmumula sa shower. Hindi ko ininda ang sakit na naramdaman ng kamao ko. I can't imagine Xyra spending a night with someone else. It hurts so bad. It's killing me. Iniisip ko pa lang ang mga maaaring nangyari sa kanila kagabi, hindi na ako makahinga. I gritted my teeth. I wanted to shout so loud but I stopped myself. I hate how useless I am yesterday.

Nang matapos magbihis, agad akong lumabas sa academy. May ilang bahagi sa loob ng academy na nagiba at nasira. I could still see the trace of Akira's power there. Maging ang kay Selene at Troy. Nakita ko si Bryan habang nakatingin sa mga nawasak na pader. Lumapit ako sa kanya.

"How's the others?" bungad na tanong ko sa kanya.

"Magaling na ang iba. Sina Troy at Xavier, patuloy pa ring ginagamot ni Cyril. Mas malubha lang si Xavier dahil nalason siya. Kumalat na ang lason sa katawan niya kaya nahihirapan si Cryil. Mabuti na lang nakita siya bago siya tuluyang mamatay," seryosong sagot ni Bryan. I sighed. Hindi pa kami maaaring gumawa ng kahit anong hakbang ngayon. Kailangan muna nilang magpagaling. I clenched my fist. Kung mas naging handa lang sana kami, hindi sana nangyari ito. Pero huli na upang magsisi.

"Nakita mo ba si Cyrus?" tanong ko kay Bryan. Kailangan ko muna siyang kausapin. Nagtataka ako kung paano niya nalaman kung nasaan sina Jeanne.

"He went out. Hindi ko alam kung saan," he answered. "It will be a problem to cancel classes for a whole semester," naiiling na sabi niya. "I must inform the students. Sa tingin ko hindi na babalik dito sina Jeanne. We just need to go to where they are and fight. Kailangan nang magawa ang mga nasira sa academy," he added.

"Gawin mo ang sa tingin mo ay tama. Hahanapin ko muna si Cyrus. Mamaya na natin ituloy ang pag-uusap," sabi ko. Alam kong iniiwasan niyang banggitin ang tungkol sa nangyari kay Xyra. I know. Hindi lang ako ang nahihirapan sa nangyari. It was hard for all of us. Nag-aalala kaming lahat para kay Xyra.

Lumabas ako sa academy at naglakad-lakad. Nagbabaka sakaling makita ko si Cyrus. Kumunot ang noo ko nang makita si Cyrus sa bleachers na nasa field. He was talking to someone. Hindi ko makilala kung sino dahil nakatalikod ang babae. Lumapit ako sa kinaroroonan nila. Seryoso ang mukha ni Cyrus at hindi na nila napansin ang paglapit ko. Nagulat na lang siya nang magsalita ako.

"Cyrus," tawag ko sa pansin niya. Agad siyang lumingon sa 'kin at napangiwi. Hindi ko alam kung bakit tumili bigla ang babae nang marinig ang tinig ko. 

"Daaaaaaaaaaa---!!" sigaw ng babae pero agad na tinakpan ni Cyrus ang bibig nito. Hinila niya palapit sa kanya ang babae pero malakas siyang siniko nito. Napangiwi si Cyrus at hindi sinasadyang nabitiwan niya ang babae. Humarap sa 'kin ang babae at nagulat na lang ako nang agad niya akong yakapin.

"What are you doing?" takang tanong ko pero hindi ako nakaramdam ng inis sa babae. Magaan din ang loob ko sa kanya. Umiling naman si Cyrus at kinamot na lang ang ulo.

"She's really annoying," naiinis na bulong ni Cyrus.

"Dad!" sabi niya nang tumingala siya sa 'kin. She was smiling from ear to ear. "Ang gwapo mo," excited na sabi niya sa 'kin. Tila nanggigigil siya sa 'kin.

"Girlfriend mo?" takang tanong ko kay Cyrus.

"No!" sabay nilang sagot. Kumalas sa pagyakap sa 'kin ang babae. 

"She's my twin sister," nakasimangot na sagot ni Cyrus. Nagulat ako sa sinabi niya. Ngayon ko lang napagtuunan ng pansin ang itsura niya. Hindi sila magkamukha. They're fraternal twins, I guess. Mas kamukha ng babae si Xyra. Maikli ang buhok nito at hanggang balikat lang. She has a very beautiful eyes and thick eyelashes. She smiled. The girl stretched her arms open for me. 

"Wanna hug me, Dad?" she teased. Napailing naman si Cyrus. Because of my paternal instinct, I walked towards her and hugged her tightly. Gumaan ang loob ko nang yakapin niya ako pabalik. Bahagya kong nakalimutan ang problema ko. I wanted to cry because of this unexplainable joy but I held my tears back.

"I finally got to see you on your time. But it's strange. Pakiramdam ko unti-unting naglalaho ang katawan ko sa panahong ito," she whispered. Yes. I just noticed. Pareho sila ni Cyrus. Half of their bodies looked like a distorted hologram signals. Nag-alala ako para sa kanila. Anumang oras, maaari silang mawala.

"Niyakap mo na ba si Cyrus, Dad? For sure you didn't. Pareho lang kayo ng ugali. Hindi kayo masyadong showy. At baka nahihiya siya," she giggled. "But for sure he wanted to hug you too."

"Bumalik ka na nga sa hinaharap. Bakit ka ba kasi pumunta rito?" Cyrus asked with a glint of irritation in his voice. Bahagya kong nilingon si Cyrus. I smiled at him. He looked away and he was flushing red. Tila nahihiya siya.

"What's your name?" I asked her. 

"Secret! Hulaan mo Dad!" she laughed. "But you used to call me princess. It's not my name though. Saka mo na problemahin ang pangalan ko kapag ipinanganak na ako," she said. Kumalas na siya sa pagkakayakap ko.

"By the way, Cyrus. Take a picture of me and Dad," she said with excitement.

Cyrus frowned. "Huwag mo akong tawaging Cyrus. Mas matanda pa rin ako sa 'yo," reklamo niya.

"Huwag mo nang ipagmalaki sa 'kin ang five minutes na agwat mo sa edad ko," she argued. "Bilisan mo na!" she said. Wala nang nagawa si Cyrus. Ihinanda niya ang camera niya. Hinila ako ni princess. She was smiling big. Hindi na ako nakatanggi nang mag-flash ang camera. Hindi na rin ako nakapaghanda.

"Yes! May nakita rin akong dragons kanina sa labas ng academy. Puntahan natin," she excitedly said. Pareho kaming napailing ni Cyrus sa kanya.

"You're not here for a fieldtrip," sabay naming sabi ni Cyrus. Ngumisi kami sa isa't isa dahil iisa lang ang tumatakbo sa isip namin. Sumimangot si princess at saka bumuntong-hininga nang malalim.

"You're really the same," she frowned. "Mas mukha pa kayong kambal. Parang saling pusa lang ako rito. But kidding aside, I'll get to the point. Hindi rin ako pwedeng magtagal dito," she said. Napansin ko ang biglang pagseryoso ng mukha niya. Halatang mas malalim siyang mag-isip kaysa kay Xyra. Nawala na rin ang ngiti sa mukha niya.

May iniabot siya na maliit na bola kay Cyrus. I wonder what it was. Ibinulsa 'yon ni Cyrus.

"Here. Your time machine. It was already fix. Nag-aalala sa 'yo ang freak genius na 'yon kaya pinapunta niya ako rito para ibigay 'yan sa 'yo. Bibigyan din sana kita ng update kung ano ang nangyayari sa future pero mukhang busy ka pa rito. Hindi muna kita bibigyan ng problema. I'll handle it for now," she explained. Naguguluhan ako sa pinag-uusapan nila.

"What's happening in the future?" I asked.

She turned to me and smiled. "I won't tell you. Kami na ang bahala sa future. Just do what you have to do in your own time. By the way, kindly explain what's happening to my body. Ganito ba talaga ang nangyayari kapag nagta-time travel? Ang weird sa pakiramdam pero astig! Nasaan pala si Mom?" she said. Her eyes gleamed with excitement.

"May nangyaring hindi maganda kay Mom. Nakuha siya ng dark king. She's under the control of darkness. She forgot everything. Hindi pa tayo sigurado kung magkakatuluyan nga sila ni Dad. Our live is at risk. Fifty-fifty. Your body is slowly disappearing because of the changes happening with their lives. Kaya kung hindi maililigtas si Mom, mawawala na tayo nang tuluyan," Cyrus answered seriously. Inunahan na niya ako. Nahalata niya siguro na bumigat ang pakiramdam ko nang mabanggit sa usapan si Xyra.

Muling sumeryoso ang mukha ni princess. Tumango siya na tila naiintindihan ang mga nangyayari.

"You need my help here?" she asked Cyrus. Umiling si Cyrus. Hindi ko naman malaman ang sasabihin. I wonder if they also possessed special abilities.

"Just go back in our time. Mas kailangan ka roon. Kamusta na pala? May nagbago ba sa future?" tanong ni Cyrus.

"Yes. Mas lumala ang sitwasyon. Mas dumami ang subjects ng organisasyon. Mas gumulo. Pinababalik ka na rin ng genius freak na 'yon sa lalong madaling panahon. Pero mukhang kailangan ka pa rito. I'll tell him that you're doing well here," she said. She looked away. "I want to see Mom," she whispered. Nagniningning ang mga mata na lumingon siya kay Cyrus. "Pwede ko ba siyang puntahan bago ako umalis?" excited na tanong niya.

"No. Tiyak na hindi mo mapipigilan ang sarili mo. Baka makialam ka pa," mariing sagot ni Cyrus. Hindi na ako nagsalita pa. Ayaw ko ring madamay siya sa gulo. I won't allow it.

She frowned. "Ang KJ mo talaga! Kung nakuha siya ng dark king, baka may nangyari na sa kanila? Paano na?" she said. Bigla niyang tinakpan ang bibig niya nang ma-realize kung ano ang sinabi. Apologetic na tumingin siya sa 'kin. I looked away. What she said is possible. I could feel an unbearable pain in my chest with that thought. It's slowly killing me.

"No. I secretly cast a protection on her bracelet. With that I can trace her location. Tiyak na hindi rin sila mapakali ngayon dahil pakiramdam nila may nakasunod sa kanila. Hindi nila malalaman kung saan nanggagaling ang kakaibang kapangyarihan na mararamdaman nila. At kung may tangkaing gawin ang dark king kay Mom, malalaman ko. Kung hindi pa handa sina Dad, I have no choice but to move first," kampanteng sabi ni Cyrus. Hindi ko akalain na may ginawang ganu'n si Cyrus. Bracelet? Siguro tinutukoy niya ang bracelet na ibinigay ko kay Xyra.

I looked at him with a confused look upon my face. "Noong hinahanap ko kung saan ko inilagay ang bracelet, bigla ka na lang sumulpot sa harap ko at ibigay sa 'kin 'yon. Kung ganu'n may ginawa ka sa bracelet?" takang tanong ko. 

He nodded. "Pero pansamantala lang 'yon. It can't save Mom from danger," he answered.

"Ang galing mo talaga! Idol na kita!" pang-aasar ni princess sa kanya. Bahagyang nawala ang sakit na nararamdaman ko sa dibdib. Medyo nakahinga ako nang maluwag dahil sa sinabi niya. 

"Ako pa! Umuwi ka na nga!" naiinis na sabi ni Cyrus. I smiled at them. Hindi man halata sa kanila pero alam kong nagkakasundo sila. She giggled.

"By the way, Dad," she said and looked at me. Biglang sumeryoso ang mukha niya. "Don't give up on Mom. You know, she's really clumsy. She's slow. She's not good at everything. Madalas hindi siya nag-iisip kaya nakakainis. But we love her. Do everything to get her back. She's under the control of darkness right? She forgot every important details about her life. I'm sure it's hard for you. It's hard for her as well. But be strong for her. She was surely dwelling against the darkness. Tiyak na natatakot na siya. She surely wants to escape. Be her light. She doesn't lose herself yet. Hindi pa kayo natatalo sa laban. There's still hope," she said and smiled calmly.

She looked at Cyrus. "Alam kong hindi na ako dapat mangamba dahil nandito naman si Cyrus. Naniniwala ako sa inyong dalawa," she smiled.

Ngumiti na rin ako. "I will surely bring her back. I won't give up," I answered. Habang nakikita ko silang dalawa ni Cyrus, nararamdaman kong may pag-asa pa.

"Tapos kapag nakuha mo na si Mom, mas lalo mo pang galingan, Dad. Malay mo maging triplets pa kami," she giggled. Akmang babatukan siya ni Cyrus pero tumakbo na siya palayo sa 'min. Napailing na lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung kanino siya nagmana ng kakulitan. Kay Xyra ba o kay Claudette? O siguro naimpluwensiyahan lang siya ni Claudette? Gusto kong bantayan ang paglaki nila. The feeling of being a father was overwhelming in my chest. I'm sure, I'll be happy and contented to watch them as they grow.

Kumaway siya sa 'min. "Cyrus! Bring some pictures of the dragons! Dad! Take care and do your best! I'll be waiting in the future. I love you all! Pakisabi na lang din kay Mom," she said. Tumakbo na siya papasok sa kagubatan.

"Will she be alright?" nag-aalalang tanong ko kay Cyrus.

"Don't worry. She's strong. Babalik na siya sa hinaharap kaya wala kang dapat alalahanin," Cyrus answered.

"Ano ba talaga ang nangyayari sa hinaharap?" muli kong tanong sa kanya. I was curious. Siguro 'yon ang dahilan kung bakit sila pumunta rito. I looked at him. Umiling siya.

"It doesn't matter. She already told you. Kami na ang bahala sa hinaharap. Ang mas mahalaga ngayon ay mabawi natin si Mom," he said. "Hindi pa maayos ang lagay nina Tito Xavier. Kailangan muna nilang magpagaling. We still have time. Mabuti na lang, wala pa silang ginagawa kay Mom," he seriously added.

I sighed. Siguro nga tama siya. Si Xyra muna ang kailangan naming isipin. I'm glad she's still safe. Panghahawakan ko muna ang mga sinabi ni Cyrus. Sisiguraduhin kong mananalo na kami sa susunod.

------------------------------

TO BE CONTINUED...

Trip ko lang magpasuspense haha :D jowk.. Ingat lahat.. thanks for reading, for the votes, comments and follows <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com