Chapter 4: Danger!
XYRA's POV
"Students, meet the new transfer student. Miss Go, please introduce yourself to the class," nakangiting sabi ng professor namin. Marahang tumango si Selene at nagpakilala.
"I'm Selene Go. I'm glad, I'm still accepted in this class even though I'm already late for enrollment. I hope we can be in good terms. Please, look after me, " sabi niya habang makahulugang nakangiti sa'kin.
"Find a vacant seat, Ms. Go," sabi ng professor. Tumango si Selene at naghanap nang mauupuan. She sat on the vacant seat near me. May isang upuang nakapagitan sa'ming dalawa. Kampanteng naupo siya roon at hindi man lang kami pinansin.
Hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan. Dahan-dahan akong napaupo nang nagtatakang napatingin sa'kin ang professor. Hindi pa rin ako makahuma sa pagkagulat. Hindi ko alam ang sasabihin ko kay Selene. Natutuwa ako na buhay siya. Napahinga ako nang malalim nang magsalita si Clauss.
"Breathe and calm down. We still need to verify if she's undoubtedly the real deal," Clauss muttered.
"How? Do we still need to confirm her identity? Hindi ba pwedeng maniwala na lang tayo na buhay siya? Na nagbalik siya?" mahina kong sabi. Gusto kong maiyak sa tuwa dahil sa muli niyang pagbabalik kahit wala pang malinaw na sagot kung paano siya muling nabuhay.
"Don't be deceived. Nakita natin kung paano namatay si Selene sa harap nating lahat. Nakita natin kung gaano kalaking sugat ang natamo niya sa atake ni Jigger. Don't you think it's odd that she's alive, now?" kunot-noong sabi ni Clauss pero hindi niya ako tinitingnan. Nakatingin lang siya sa harap ng whiteboard na sinusulatan ng lecture ng prof namin.
Tumahimik na ako. Alam ko ang gusto niyang iparating. It's really odd. Did the gods bring her back to life? Did the gods raise her from the dead? Tahimik lang kami sa buong klase. Nakikiramdam ako sa paligid nang tumunog ang bell tanda na tapos na ang klase namin sa hapon. Nag-alisan na ang mga estudyante na nagmamadaling umalis. I gathered all my courage to stand up and face Selene. Inaayos niya ang gamit niya at handa na ring umalis.
In my peripheral view, I saw Clauss frowning at me. I can't blame him. I'm really impulsive.
"Selene Go? Ikaw ba ang Selene na kaibigan namin?" kinakabang tanong ko. I hope she's really Selene, our friend. Nakataas ang kilay na napatingala siya sa'kin. While staring at her, I'm convinced that she's really the Selene I knew. Her eyes, facial features and gestures are still the same like in the past.
"Who are you? I actually don't remember being friends with you," mataray na sabi ni Selene. Humalukipkip siya at tiningnan ako nang nakakaloko. I heaved a deep sigh.
Oo nga pala. She's not considering me as a friend before. She's still the same until now.
"Fine. Hindi mo ako kaibigan. Pero hindi naman yata tama na itanong mo pa kung sino ako. Hindi mo ba ako kilala?" mahinahong tanong ko sa kanya. Muling napaangat ang kilay niya.
"Of course, I don't. Nagpakilala ka na ba?" she sighed then stood up. Napaawang ang mga labi ko sa sinabi niya. "I think, we're just wasting our time. I really don't know you. Hindi ako manghuhula para hulaan pa ang pangalan mo. I'm in a hurry. Bye," she sarcastically said then waved like she's dismissing me. Natigilan ako at hindi makapag-react. Nalampasan na niya ako pero wala pa rin akong masabi. Nakalimutan na ba niya ako?
Napalingon ako nang marinig ang malakas na sigaw mula sa pintuan.
"Selene!" malakas na sigaw ni Akira habang gulat na gulat pang nakatingin kay Selene. Nagtatakang napalingon sa'kin si Selene na tila nagtatanong kung sino ang lalaking nakatayo sa harap ng pintuan. Kunot-noong napalingon siya muli kay Akira nang hindi ako nagsalita.
Nagtataka ako kung kanino nalaman ni Akira na nandito si Selene. Kasunod pang nagsulputan sina Xavier, Claudette, Troy at Felicity na halos itulak na si Akira sa pagsagap ng chismis. Gusto kong mapailing sa pagsisiksikan nila upang makapasok sa pintuan.
"What's this?" sabi ni Selene at napabuga ng hangin. "Excuse me, nagmamadali ako. Pwede ba huwag kayong humarang sa pintuan? Damn! You're all annoying," inis pang dagdag ni Selene.
There's no hint of recognition written on her face as I walked near her and looked intently at her. Nawalan ba siya ng ala-ala? Napansin ko si Clauss habang nakatingin lang kay Selene at tila nag-iisip nang malalim. It's like he's analyzing things.
"Selene? Damn! Ako 'to si Akira!" naguguluhang wika ni Akira dahil sa ikinikilos ni Selene. Dahan-dahan siyang lumapit kay Selene. Gusto kong makita ang reaksiyon ni Selene kay Akira kaya nanonood lang ako. Nang makalapit si Akira kay Selene, nanginginig ang kamay na hahawakan sana niya ang mukha ni Selene pero tinabig nito ang kamay ni Akira na ikinagulat ko.
"What are you doing? Don't touch me! Hindi kita kilala!" matigas na sabi ni Selene at halatang kinokontrol ang lakas ng boses. Nagmamadaling nilampasan ni Selene si Akira. Itinulak pa ni Selene sina Claudette para makadaan sa pinto.
"S-Selene..." mahinang sabi ni Akira. "Damn! I can't be standing here! I can't afford to lose you, again," inis na wika ni Akira.
Nang matauhan si Akira, agad niyang hinabol si Selene kaya napasunod kami. Nang makita ni Selene na sumusunod kami sa kanya, tumakbo siya palabas sa academy. Napatakbo rin si Akira kasunod sina Troy na nag-aalala para sa kanya. Tatakbo na sana ako para humabol pero may pumigil sa kamay ko. Napalingon ako sa taong pumigil sa'kin. Si Clauss.
"Why?" takang tanong ko.
"Don't waste effort. Hindi na niya tayo naaalala. Hayaan na muna natin siya. Baka may kinalaman sa pagkawala ng memorya niya ang nangyari sa kanya noon," kalmadong sabi ni Clauss. How could he act like this? Like there's no problem at all and everything is just fine?
"Wala ba tayong gagawin? Hindi ba dapat nating ipaalala sa kanya lahat? Hindi ba dapat tulungan natin siya?" inis na sabi ko sa kanya. Why am I being stubborn, now?
"Kung gagawin natin 'yan, lalo lang siyang maguguluhan!" he said, losing his patience. I sighed. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at nagmamadaling tumakbo para humabol kina Akira. I know, Selene needs time but I really want to make her remember us. O kahit si Akira man lang.
Nang makalabas ako sa Academy, napatigil ako sa pagtakbo dahil wala na sila. I'm wondering which direction they ran to. I decided to enter the forest when Clauss grabbed my hands. I rolled my eyes as I looked at him.
"You're really hard-headed," he frowned. Pinitik pa niya ako sa noo kaya napasimangot din ako. He sighed. Nagulat ako nang hilahin na niya ako papasok sa forest. Lihim akong napangiti sa inasal niya. Nanalo ba ako ngayon?
"Nasaan kaya sila?" tanong ko.
"Ewan ko. Bakit sa'kin mo tinatanong?" inis na wika ni Clauss. Patuloy lang kami sa paglalakad habang palingon-lingon sa paligid. Halos malayo na ang nalalakad namin pero hindi pa rin namin sila makita.
"Hindi kaya mali ang daan natin?" sabi ko kay Clauss. Tumigil si Clauss at tinitigan ako nang masama na ikinatahimik ko. Napailing si Clauss at hinila ako sa ibang direksiyon. Medyo masakit na ang paa ko pero hindi ako makapagreklamo.
Pareho kaming natigilan nang may marinig kaming pagsabog malapit sa tinatahak naming daan. Lumingon kami sa paligid at nakiramdam. I suddenly heard a voice somewhere. Hinila ko si Clauss patungo sa pinangggagalingan ng tinig.
Nagulat ako nang makita si Akira habang nakalutang ang mga paa sa sahig at sinasakal ng tubig. It's not the usual water because it's color black, now. Halatang nauubusan na siya ng hangin kaya nabitawan ko si Clauss at mabilis na tumakbo para tulungan si Akira.
Napatigil ako sa pagtakbo. Parehas kaming nagulat ni Clauss nang makita sina Troy at Xavier na sugatang nakahandusay sa lupa. Samantalang sina Claudette at Felicity ay hindi makagalaw sa kinatatayuan dahil sa itim na tila tali na nakapulupot sa katawan nila.
Then I saw Selene grinning together with the girl who can use the power of darkness. As I remembered, she was called 'Jeanne' by Cyrus.
"Tatayo na lang ba kayo diyan?" naghahamong tanong ni Selene sa'min. Saka lang ako natauhan sa tanong niya. Nabaling ang atensiyon ko kay Akira na hindi na makahinga dahil pahigpit nang pahigpit ang itim na tubig na sumasakal sa kanya.
Tumakbo ako patungo kay Akira para tulungan siya. Kahit ang totoo, hindi ko naman alam ang gagawin. Hindi ko alam kung paano ako makakatulong. Wala akong kapangyarihan. I'm just acting out of impulse.
Malapit na akong makalapit kay Akira nang may isang itim na bagay na tila latigo ang humampas nang malakas sa tiyan ko. The force was too strong that I was thrown to a distance. Tumama ang likod ko sa isang puno. Napasigaw ako sa sakit na naramdaman ko.
"Xyra!" gulat na sigaw ni Clauss. It was blurry but I was able to open my eyes. Nakikita ko si Jeanne na may hawak na mahabang latigo sa mga kamay. Nakikita ko rin ang nagmamadaling yabag ni Clauss papalapit sa'kin.
Nagulat na lang ako nang biglang pumulupot sa leeg ni Clauss ang latigo na hawak ni Jeanne. And because of that, he can't move and reach me.
"Damn!" galit na sigaw ni Clauss. He's frustrated while looking back at me. I can't watch just like this. Pinilit kong tumayo kahit sobrang sakit ng likod ko. Pakiramdam ko, nabalian ako ng ilang buto sa katawan.
Napahawak ako sa puno bilang suporta sa pagtayo ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari kay Selene. Kung bakit itim ang kulay ng tubig niya. Kung bakit kasama niya si Jeanne. Hindi ko na alam. Ang alam ko lang wala kaming pag-asang manalo laban sa kanila. This fight ain't fair.
I want all of us to live but how? Sa sitwasyon namin ngayon, hindi na namin kayang tumakbo pa para tumakas.
Nagulat ako sa malakas na ihip ng hangin. Sobrang lakas ng hangin na halos liparin kami. Nanggagaling ito mula sa itaas. Napatakip sina Selene at Jeanne, maging ako, sa mukha dahil nililipad din ang mga dahon mula sa mga puno at maging mga alikabok. Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari. Maingay sa itaas na tila may malalaking ibon na pumapagaspas.
Napansin ko na lumuwag ang pagkakasakal kina Clauss at Akira kaya nagtagumpay silang alisin ang mga bagay na nakapulupot sa leeg nila. Nagulat ako nang may isang mabilis na bagay na lumipad patungo kina Jeanne at bumuga ng apoy.
Dahil sa mabilis na kilos nina Jeanne at Selene, agad silang nakatalon sa magkaibang puno at nakaiwas. Halos hindi ako makapaniwala nang ma-realize ko kung ano ang mga nakikita ko. Mabilis na bumaba ang mga dragons sa harapan namin na tila ipinagtatanggol kami. They grew bigger. Hindi na sila baby katulad nang dati. Halos mapaluha ako sa tuwa dahil muli namin silang nakita ngayon. I was not expecting them to appear in this worst situation. But, I was glad that they're here to protect and save us. Very timely ang pagdating nila.
Naalis na nina Xavier ang mga nakatali sa katawan nina Claudette at Felicity. Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari ngayong nandito na ang mga dragons namin. Makakalaban na ba kami?
--------------
TO BE CONTINUED...
Note:
I'll be busy soon kapag nagsimula na akong magreview para sa board exam.. Magiging madalang ang update pero hindi ko naman ititigil. Maybe.. Once a week ang update.. Thanks ^^ Ingat lahat.. I hope you enjoy reAding this chapter ^^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com