Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6: Start of Fantasy

CLAUSS' POV

People from the future? Naalala ko ang sinabi sa'kin ng babaeng nakausap ko sa kagubatan. The one who sent me the death invitation with the initials of "J". Sinabi niya na mula siya sa ibang panahon. Maaaring isa siya sa tinutukoy ng fire god pero sino pa ang iba na nagmula rin sa hinaharap? Ano ang kailangan nila sa nakaraan?

Now, we have a mission to bring Selene back to light. Hindi maaaring mawalan ng balanse ang bawat elemento sa mundo. Water is the most basic needs of mankind. Hindi ito maaaring mawala. I must agree with the god of nothingness. Everyone possess a good and evil side within themselves. Maaaring may ginawa si J kay Selene kaya nakalimutan niya kami.

"Para magawa niyo ang misyon na ipapaubaya namin sa inyo, kailangan niyo ang kapangyarihan namin," wika ng air goddess.

"Sa kasamaang palad, may mga magical spirits na nawawala matapos ang insidente. Maaaring isa rin ito sa pakay ng mga kaaway. Hindi kami makapagdesisyon kung ano ang gagawin namin sa mga natitirang magical spirits na nandito. Kung ibabalik namin ito sa mga tao, magiging kumplikado ang buhay nila. Kung iiwan naman namin sila rito, hindi kami siguradona hindi sila makukuha ng kaaway," paliwanag ng earth god.

"Kailangan nating magdesisyon agad pero kailangang maging matalino tayo. Maiwan na muna namin kayo rito upang makapag-usap kami," seyosong wika ng god of nothingness.

Sumunod sa god of nothingness ang mga gods at nag-usap sila sa may di-kalayuan. Naiintindihan ko na nahihirapan silang magdesisyon. Naramdaman ko ang pagtabi ni Xyra sa kinauupuan ko. Napalingon ako sa kanya nang magsalita siya.

"Ano'ng iniisip mo?" tanong niya.

Malalim akong napabuntong-hininga. Ayaw kong maglihim sa kanya pero hindi ako makapagdesisyon kung sasabihin ko ba sa kanya ang tungkol kay J. Ibubuka ko na sana ang bibig ko pero napapikit ako at natawa si Xyra nang bigla akong dilaan ni Baby Clauss sa gilid ng mukha ko.

Napangiti at napailing ako nang ikulong kami ni Baby Clauss sa mga pakpak niya na tila niyayakap.

"Mukhang na-miss ka ni Baby Clauss ah," natatawang sabi ni Xyra habang nakatingin sa'kin.

"You think so? Ikaw? Hindi mo ba ako namimiss?" nakangising tanong ko sa kanya.

"A-Asa! Hindi ah! Kanina pa tayong magkasama. Bakit naman kita mamimiss?" nauutal na tanggi niya. Hindi siya makatingin sa'kin nang diretso kaya ang sarap talaga niyang asarin.

"Hindi ba?" paos na tanong ko sa kanya habang unti-unting inilalapit ang mukha ko sa mukha niya. Napansin ko ang paglunok niya habang unti-unting lumalayo sa'kin.

"Clauss! Umayos ka!" mahinang saway niya sa'kin. Pinipigilan ko ang sarili na matawa sa reaksiyon niya. She never fails to amuse me. Napasandal na siya sa pakpak ni Baby Clauss. Matiim ko siyang tinitigan hanggang sa halos isang pulgada na lang ang layo ng labi namin sa isa't isa.

"May sinasabi ka?" nakangising tanong ko sa kanya.

"Ano... baka may makakita sa'tin," mahinang sabi niya habang mariing nakapikit ang mga mata. I slowly traced her noseline using my index finger. I don't know why I already missed her. Kasama ko lang siya kahapon sa rooftop pero parang ilang araw ko na siyang hindi nakikita. Odd, indeed. Unti-unting gumuhit ang matipid na ngiti sa labi ko. I never thought that loving her would made me feel this way. Hindi ko alam pero nababaliw na yata ako.

I lightly touched her lips by my fingertips. Nahigit niya ang hininga dahil sa ginawa ko. Halatang kinakabahan siya. She's always this nervous whenever I'm teasing her. I wonder why? Siguro, pareho lang kami ng nararamdaman. I'm also nervous because I might do something selfish. This past days, I'm  ridiculously tempted to make her mine. I sighed. I'm exerting too much effort to hold back.

I was about to kiss her when Baby Clauss opened his wings. Napasigaw si Xyra dahil sa pagkagulat. Muntik na siyang matumba sa malapad na bato kung hindi ko siya nasalo. 

"Aba! Kuya Clauss! Ano'ng ginagawa mo kay Ate Xyra?" nakapamaywang na tanong ni Claudette sa'kin. She's exaggerating things, again.

"Ikaw? Bakit kayo magkatabi ni Xavier?" nang-aasar na tanong ko sa kanya. Namula ang mukha niya at agad napalayo kay Xavier. Inirapan niya ako. Napapangiti lang si Xavier sa inaasal niya.

"I hate you!" she said but I know she didn't mean it. Madali na siyang patahimikin lalo na kung si Xavier ang pag-uusapan. Napangisi ako. Inalalayan ko si Xyra para maayos na makaupo. Namumula ang mukha niya. Napatingala ako kay Baby Clauss dahil alam kong sinadya niya ang ginawa niya. Halatang nasisiyahan siya sa ginawa kaya napailing ako. Just because he grew bigger now, he's already making fun of his master.

Inilagay pa ni Baby Clauss ang leeg niya sa pagitan namin ni Xyra at dinilaan si Xyra sa gilid ng mukha na ikinatawa ni Xyra. Tuwang-tuwang lumingon sa'kin si Baby Clauss kaya napasimangot ako. Tumabi pa kay Xyra ang dragon niya at nakipaglaro. Mukhang hindi ako makakalapit sa kanya ngayon. Sumandal ako kay Baby Clauss at ipinikit ang mga mata. May susunod na pagkakataon pa para masolo ko siya.

XYRA's POV

Natuwa ako nang tumabi sa'kin si Baby Xyra. 

"Wow! Malaki ka na baby Xyra!" namamanghang sabi ko. Nakakatuwa na lumaki na siya. Napayakap ako sa leeg niya. Sobrang na-miss ko siya. Natutuwang hinimas ko ang ulo niya. Halos lamigin ako nang marahan niyang hipan ang mukha ko nang malamig na hangin.

Napansin ko na hapon na pala at malapit nang lumubog ang araw. Tiyak na hinahanap na kami ni Bryan. May nakakita kaya sa mga dragon nang lumipad kami sa himpapawid? Hindi malabo 'yon. Kinabahan ako nang maisip 'yon. Ano'ng mangyayari kung may makadiskubre sa mga dragon?

"Sa tingin mo, may nakakita kaya sa paglipad niyo?" mahinang tanong ko sa kanya. Umiling si Baby Xyra kaya napakunot-noo ako. Imposibleng walang nakakita sa kanila.

"Paano ka nakasisiguro?" tanong ko sa kanya. Lumingon si Baby Xyra sa mga gods. Kung ganoon may ginawa sila. I wonder what it is. Napalingon ako sa direksiyon ni Clauss. Napansin ko na parehong natutulog sina Clauss at baby Clauss. Naalala ko na naman ang ginawa niya kanina sa'kin. He really likes to tease me. Hindi ko maiwasan ang kabahan sa bawat kilos niya. 

Muli akong napalingon sa mga gods. Halatang seryoso ang mga mukha nila. Tiyak na nahihirapan silang gumawa ng desisyon. Maraming maaapektuhan. Ano kaya ang kailangan ni Jeanne sa'min? Bakit kailangang kunin niya si Selene? Ano ba ang mapapala niya?

Magkasama sina Akira at ang dragon niya. Seryoso ang mukha ni Akira habang nakasandal sa dragon niya. Alam kong iniisip niya ang nangyari kay Selene. Tiyak na hindi siya magpapapigil kung sakaling bumalik na ang kapangyarihan niya.

Tahimik naman sina Troy, Claudette, Felicity at Xavier sa isang tabi. Lahat kami ay naghihintay sa desisyon ng mga gods. Hindi ko alam kung gusto ko pang marinig ang desisyon nila dahil alam ko na hindi na magiging normal muli ang mga buhay namin.  

Unti-unti nang dumidilim ang paligid. Ang nagsisilbing liwanag na lang sa isla ay ang mga magical spirits na tila mga alitaptap. Unti-unti na ring naglalabasan ang mga bituin sa langit at mapapansin na rin ang liwanag na nagmumula sa bilog na buwan.

Biglang kumulo ang tiyan ko na ikinapula ng mukha ko. Nararamdaman ko na ang gutom. Napalingon sa'kin si Baby Xyra na tila natatawa. Natawa rin ako nang marinig ang mas malakas na ingay ng tiyan niya. Gutom na rin siya.

"Mukhang nagugutom na kayo," wika ng air goddess na ikinagulat ko. Hindi ko napansin na nakalapit na pala siya sa'min. Napakamot ako sa ulo dahil sa hiya.

Napansin ko ang marahang pagkumpas ng kamay ng earth god sa hangin. Dahil sa ginawa niya, isang masaganang hapagkainan ang bumungad sa harapan namin. 

"Kumain na muna kayo. Mamaya na tayo mag-usap," nakangiting wika ng air goddess. Napatango ako sa kanya at nagpasalamat. Nagising na si Clauss kaya sabay-sabay na kaming kumain kasama ang mga dragon.

Matapos kumain, gumawa ang fire god ng isang apoy na tila isang campfire. Nagtipon kami sa gilid ng campfire at matamang nakinig sa sinasabi ng god of nothingness.

"We decided to seal the magical spirits for the meantime. Sa inyo namin ibinibigay ang misyon kaya hindi na kailangang madamay ng ibang tao. Nararamdaman namin na hindi lang isa ang makakalaban niyo kaya pipili kami ng makakatulong sa inyo. The time controller, shadow controller, healer and fortune-teller. Their magical spirits will visit them tonight," saad ng god of nothingness.

Napansin ko ang apat na magical spirit na lumipad sa langit at umalis sa isla. Tahimik lang kaming nakikinig sa sunod na sasabihin ng god of nothingness.

"And for Felicity's power, we have to seal it inside her soul. It's a dangerous power ability and we don't want to risk everyone's safety. Alam naming hindi pa kayang kontrolin ni Felicity ang kapangyarihan niya. Wala na rin tayong oras para ituro sa kanya ang mga dapat niyang matutunan," dagdag ng god of nothingness.

"Pero, hindi ba pwedeng huwag na lang idamay ang kapatid ko rito?" tanong ni Xavier na halatang tumututol sa sinabi ng god of nothingness.

"I'm sorry. Mas mahihirapan tayo kung mapupunta sa kaaway ang kapangyarihan niya. We have to make it sure that no one will discover that she possess the power ability to steal magics. She'll be safe until that time. You have to protect her," sagot ng god of nothingness. Malalim na napabuntong-hininga si Xavier at napalingon sa kapatid.

Kiming ngumiti si Felicity. "I'll be fine. Don't worry," Felicity assured her brother. 

"Felicity come here," mabining wika ng air goddess sa kanya. May hawak itong puting liwanag sa kanang kamay. Tumayo si Felicity pero mahigpit siyang hinawakan ni Xavier sa kamay upang pigilan.

"You don't have to do this," mabigat sa loob na pigil ni Xavier. Marahang napailing si Felicity.

"No. I have to. For everyone's sake," matatag na wika ni Felicity. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay ni Xavier na nakahawak sa kanya at lumapit sa air goddess.

"This will hurt a bit," paalala ng air goddess. Marahang tumango si Felicity na alam kong kinakabahan. "Close your eyes," marahang wika ng air goddess na sinunod naman ni Felicity.

"I'm sealing this magical power inside your soul. And there's no guarantee that it will remain sealed until this conflict ended. Maaari mo itong magising nang hindi mo inaasahan. I hope you'll have the courage to control this dangerous power," mahinang wika ng air goddess pero hindi namin narinig nang maayos. Tila nililipad ng hangin ang mga salita nito at hindi na umabot sa aming pandinig.

Unti-unting ipinasok ng air goddess ang kamay na may hawak na puting liwanag sa dibdib ni Felicity. Napapikit ako nang malakas na sumigaw si Felicity dahil sa sakit na nararamdaman. Ilang minuto ang nakalipas nang imulat ko ang mga mata ko. Nakita ko si Xavier na buhat na ang walang malay na si Felicity. It's obvious that he's worried about her.

"She'll wake up, tomorrow. Inalis ko ang ala-ala niya tungkol sa inilagay kong kapangyarihan sa katawan niya. Kailangan nating iwasan na magising niya ang kapangyarihan niya dahil mapanganib," mahinang wika ng air goddess.

"Next, for Troy, we'll be giving you the ice magic power. And for Claudette, we're still thinking if we will give you another power. Ano sa tingin mo, Clauss?" tanong ng god of nothingness. Napalingon kaming lahat kay Clauss na seryosong nakatitig sa god of nothingness. I don't think he'll agree with the god of nothingness.

TO BE CONTINUED...

-------------------

AUTHOR'S NOTE:

Ayos lang ba ang POV ko kay Clauss? O nagiging bakla ang dating niya? Haha! Hindi ko kasi sure. Nako-conscious ako, bwahaha!

Bitin ba? Okay lang ba kung October na ako mag-UD? Lols.. Kailangang magfocus sa studies pero parang di ko kayang hindi mag-update. Bahala na nga.. Kapag may time na lang ^^ Take care everyone.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com