Chapter 9: Impulsive
NOTE:
Readers, natutuwa ako sa mga comments and messages ninyo.. Sorry kasi hindi ako nakakareply, sobrang busy kasi sa review.. Minsan lang makapag-open ng wattpad account pero binabasa ko naman lahat ng comments and messages.. Salamat sa inyong lahat ^_^ Saka na lang ako magrereply ng bongga kapag tapos na ang board exam.. Sorry sa SLOW UPDATES!
--------------------------------
XYRA's POV
Hindi ko napansin na napatigil pala ako sa may pintuan.
"May problema?" takang tanong ni Clauss mula sa likod ko. Hinawakan pa niya ang balikat ko bago siya napalingon kay Selene.
"Come on. She won't do anything to harm us inside this room. She's not a fool," bulong ni Clauss sa akin. Hinila na niya ako patungo sa upuan namin. Sa isang row lang kami nakaupo nina Selene at Clauss. Isang upuan lang ang pagitan namin ni Selene kaya nadaanan namin siya bago kami makaupo ni Clauss, malapit sa bintana. Hindi ko alam kung mababantayan namin ang bawat kilos niya simula sa araw na ito pero sana magawa namin.
Mukhang hindi kinakabahan si Selene sa pagbabalik namin. Normal lang ang ekspresyon ng mukha niya at tila hindi natatakot. Maaaring hindi pa niya alam na nagbalik na ang kapangyarihan namin. Pumasok na ang professor sa room kaya natahimik kaming lahat.
"Good afternoon class, we have an activity today so I have to group you into three. Let's start," buong awtoridad na wika ng professor namin. Nagsimula ang bilang sa unang row. Kinalabit ni Clauss ang babaeng nasa unahan namin.
"Palit muna tayo ng upuan," bulong ni Clauss kaya napakunot-noo ako. Napansin ko na nastar-struck pa ang babaeng kinausap ni Clauss. Hindi agad ito nakapag-react.
"Bakit ka makikipagpalit? Baliw ka ba?" takang bulong ko sa kanya dahil baka mapansin siya ng professor namin. Naiinis din ako dahil mukhang ayaw niya akong katabi.
"Huwag ka ngang magulo. Lilipat ako para maging magkagrupo tayo," sagot ni Clauss. Napatango ako at napangiti pero bago pa siya makalipat, huli na ang lahat dahil nabigyan na ng number ang babaeng kinakausap niya kanina.
"Ayan kasi ang dami mong tanong. Hindi tuloy ako nakalipat agad," reklamo ni Clauss. Humalukipkip siya at padabog na sumandal sa upuan. Malay ko ba na gusto pala niya akong maging kagrupo? Wala na kaming magagawa, ganyan talaga ang buhay. Hindi talaga nakatadhana na maging magkagrupo kami sa subject na ito.
"Three," walang ganang sabi ni Clauss dahil siya na ang sunod sa bilang.
"One," sabi ko naman. Pangalawa ang katabi ko at pangatlo naman si Selene kaya medyo napasimangot ako. Magkagrupo sila ni Clauss at naiinggit ako. Paano kung magkagusto ulit si Selene kay Clauss? Ipinilig ko ang ulo ko dahil hindi pwedeng mangyari 'yon. At kung mangyayari man 'yon, imposibleng magustuhan siya ni Clauss. Imposible nga ba? I feel uncomfortable with the thought.
"Ang magkakapareho ng number ang magka-group para sa buong semester. Sila rin ang makakasama ninyo sa mga projects and activities, maliwanag ba? Pakibigay na lang sa'kin ang list ng groupmates ninyo sa isang index card. Pumili na rin kayo ng magiging leader," wika ng professor ko. Badtrip! Ibig sabihin magkasama sina Selene at Clauss sa buong semester dahil sa subject na ito? Sana walang masyadong activities at projects na ibigay. Pero siguro ayos na rin kung ganito para mabantayan ni Clauss ang bawat kilos ni Selene.
"Because our subject is Management, I'll give you an activity with a title "Pass the message". Kailangang pumila ng tuwid ang tatlong grupo. Ang isang representative ng bawat grupo ay pumunta sa'kin. I have these three small piece of papers containing the message to be passed. Ibubulong ninyo ang message na nabasa ninyo hanggang sa pinakahuli ninyong kagrupo. Then the last to receive the message will come here in front to write the message on the board. No coaching from your teammates," paliwanag ng prof namin.
"Ano ba naman 'yan? Masyadong pambata ang activity," reklamo ni Clauss. Pasimple kong hinampas ang braso niya.
"Huwag kang maingay! Baka marinig ni Ma'am. Hayaan mo na lang," sabi ko. Napilitang tumayo si Clauss nang papilahin na kami. Magkasunod lamang sa pila sina Selene at Clauss. Nakakainis dahil napapansin ko ang mga ganitong kaliit na bagay. Bakit ba ako nagseselos? Alam ko naman na ako ang mahal ni Clauss. Pero kahit ano'ng sabihin kong pampalubag-loob sa sarili ko, hindi pa rin maalis sa'kin ang nararamdaman kong selos.
Pumunta na ang tatlong representative sa unahan. Binigyan sila ng professor ng tig-iisang papel. Binigyan sila ng oras upang magsaulo ng mensaheng nabasa nila. Matalino ang leader ng grupo namin kaya may tiwala ako sa kanya. Medyo natatagalan sila sa unahan kaya may hinala ako na medyo mahaba ang message. Napapakunot-noo ang leader namin habang nagsasaulo. After five minutes, our professor said that she will give a reward to the group that will get the message correctly.
Pumunta na ang leader sa isang groupmate namin at ibinulong na niya ang message. Ayos lang na matagalan kami sa pagsasaulo basta makuha namin ng tama ang mensahe. Halos labinglimang-minuto yata ang hinintay ko bago ko natanggap ang message. Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko sa babaeng bumulong sa'kin. Basta kung ano ang natatandaan ko, 'yon ang sinabi ko sa kasunod ko sa linya.
Nang mapalingon ako sa group nina Clauss, nakita ko na may ibinubulong na si Selene kay Clauss kaya inatake na naman ako ng selos. Napansin ko na napapakunot-noo si Clauss. Mukhang hindi niya maintindihan ang ibinubulong ni Selene kaya nagtatanong ulit siya rito. Muling inilapit ni Clauss ang sarili kay Selene para marinig ang sinasabi nito pero halatang nahihirapan siyang intindihin ang ibinubulong nito.
Nakakainis dahil sobrang lapit na nila sa isa't isa pero bakit hindi pa rin niya maintindihan? Parang gusto ko tuloy magdabog at maghagis ng ballpen sa kanilang dalawa. Pakiramdam ko ang tagal-tagal na nila sa ganoong ayos kaya gusto ko ng sumingit bigla.
Naramdaman kong may tumapik sa balikat ko. Paglingon ko, nakita ko si Frances na mukhang kadarating lang.
"Alam mo, kung nakakatunaw lang ang titig, kanina pa sila naging tubig," nakangisi at mapang-asar na wika ni Frances. Lalo akong naiinis sa sinasabi niya.
"Parang sinasadya kasi ni Selene. Naiinis ako," nanggagalaiti na wika ko pero biglang may kalokohang pumasok sa isip ko. Naalala ko na may kapangyarihan na nga pala ako. Napangiti ako nang nakakaloko.
"Hindi ko gusto ang ngiti mong 'yan," napapailing na wika ni Frances.
Hindi ko siya pinakinggan. Ikumpas ko ng pasimple ang isa kong kamay at hinayaang pumasok ang malakas na hangin mula sa bintana. I directed that air in between Clauss and Selene. Nagtagumpay akong mapaghiwalay sila kaya napangiti ako. Halata ang pagkabigla sa ekspresiyon ng mukha nila. Oops! I think, I did a wrong move!
Napalingon sila sa direksiyon ko dahil mukhang alam nila na sa'kin nanggaling ang malakas na hanging 'yon. Inirapan ko si Clauss at tinalikuran siya dahil nangingibabaw pa rin ang inis at selos na nararamdaman ko.
"Naintindihan mo na ba ang ibinulong ko sa'yo, Clauss?" narinig kong malambing na wika ni Selene. Sa totoo lang sa pandinig ko, hindi malambing ang tono ng boses niya kundi malandi! Nakakainis!
"Hindi pa nga. Ano nga ulit 'yon?" maang na tanong ni Clauss. Agad akong napaharap kay Clauss, nagtaka pa ako nang ma-realize na sa'kin pala siya nakatingin. Pinanlakihan ko siya ng mata at muling inirapan. Akala ko kasi nakikipaglandian siya kay Selene dahil sa tanong niya. Napansin ko ang nakakalokong ngiti na gumuhit sa mga labi ni Clauss.
"Ibubulong ko na ba ulit sa'yo?" tanong ni Selene na lalong nakakairita sa pandinig. Bakit kasi wala pa siyang naaalala? Nakalimutan tuloy niya na may Akira na naghihintay para sa kanya! Sana bumalik na siya sa katinuan.
"No, I'm just kidding. Nakuha ko na," sabi ni Clauss pero nakangiti pa rin sa'kin ng nakakaloko. Ibinulong na ni Clauss sa sunod nilang kagrupo ang mensahe kaya nakahinga ako ng maluwag. Napansin ko na nakataas ang kilay ni Selene sa'kin. Tiyak na alam na niya na bumalik na ang mga kapangyarihan namin. Bakit kasi nagpadala ako sa emosyon ko? Kasalanan ko pa tuloy ngayon.
Pinaupo na kami ng professor namin sa kanya-kanyang upuan. Nakatayo na ang representative ng bawat grupo sa unahan upang isulat ang mensaheng dumating sa kanila. Binigyan na sila hudyat ng professor upang magsulat kaya nagsimula na sila.
"Xyra, hindi mo dapat ginawa 'yon," narinig kong sabi ni Clauss kaya napalingon ako sa kanya.
"Oo na! Kasalanan ko na. Bakit kasi kailangang maglandian kayo sa harap ko? Invisible ba ako sa paningin ninyo? Kung makadikit ka naman kay Selene, halatang enjoy na enjoy ka!" mahinang singhal ko sa kanya. Mahinang natawa si Clauss na lalo kong ikinainis. Napansin ko na biglang umingay sa loob ng room.
"Uyyyyyyyy!" malakas na sigawan ng mga kaklase ko. Pakiramdam ko natatawa sila at mukhang kinikilig. Ano kaya ang pinagkakaguluhan nila? Imposible naman kasi na 'yong message ang dahilan dahil wala namang nakakakilig doon.
Nagtatakang napatingin ako sa whiteboard at nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang nakasulat sa board na isinulat ng kagrupo ni Clauss. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
"YOU LOOK CUTE WHEN YOU ARE JEALOUS. I LOVE YOU, BABE"
Natahimik ang klase nang magsalita ang professor namin. Kinurot ko ng pasimple si Clauss dahil alam kong siya ang may pakana nito. Mahina siyang napa-aray dahil sa ginawa ko at napahimas sa braso. Namumula ang mukha ko sa magkahalong kilig at hiya. Tiyak na mapapagalitan kami.
"And what's the meaning of this?" mataray na tanong ng professor namin sa kagrupo ni Clauss.
Napakamot sa ulo ang kagrupo ni Clauss. "Pinilit po kasi ako ni Clauss na isulat 'yan."
"Explain, Mr. Park," striktong wika ng professor namin nang lingunin kami.
"Well, that's the message I had heard," walang ganang sagot ni Clauss sa professor.
"From whom?" nag-uusisang tanong ng professor namin na halatang hindi naniniwala sa sagot ni Clauss.
"From... uhmm," saglit na napatingin si Clauss kay Selene tapos tumingin sa'kin. Pinanlakihan ko siya ng mata dahil balak pa yata niyang mandamay ng ibang tao. Halatang hindi niya alam ang sasabihin nang tumingin si Clauss sa professor namin. Napansin ko na tila nag-iisip si Clauss ng sasabihin. "From... uhmmm... my heart?" mahinang sagot ni Clauss at tila hindi sigurado sa sasabihin. Napapakamot pa siya sa ulo at halos mapangiwi na. Nagsigawan ang mga kaklase ko na parang hindi kinakaya ang mga naririnig. Hindi naman ako makapagsalita dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko sasabog ang puso ko sa sobrang tuwa.
Napansin ko na bahagyang namula ang mukha ni Clauss. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa itsura niya. Kahit ako hindi ko alam kung paano mag-rereact. Our professor cleared her throat. Mukhang na-star struck din siya sa sagot ni Clauss.
"Naku! Ang mga lalaki talaga, sa simula lang magaling. Mabubulaklak ang mga salita pero kapag nakakita na ng ibang babae, Naku! Sigurado! Mang-iiwan na 'yan! Kaya mga babae, huwag kayong magpapaniwala sa mga sinasabi ng mga lalaki!" sermon ng professor namin na tila may pinaghuhugutan. Napangiti ako at napailing. Siguro, bitter siya sa lalaki? Narinig ko ang tawanan ng mga kaklase ko sa sinabi ng professor namin.
"Tama ang sinabi ni Ma'am. Huwag kang makikinig sa ibang lalaki, sa'kin lang," nakangiting bulong ni Clauss. Natatawang sinampal ko siya ng mahina. Ang kulit din ng lahi ng lalaking ito.
"Everyone, listen. Bakit ko ipinagawa ang activity na ito? It's not just a game. Dahil Management ang subject natin, tiyak na darating ang araw na may mga hahawakan kayong tao. It will be better if you can pass orders or informations accurately. Kailangang masiguro ninyo na tama ang mga impormasyon para maiwasan ang mga losses or damages sa kompanya na hawak ninyo. Naintindihan ba ninyo? Hindi lang naman kasi pera ang tinutukoy ko na losses. Maaari rin kasing buhay ng nasasakupan ninyo ang nakataya rito. So be careful when giving orders or listening to instructions. Let's now start the discussion," wika ng professor namin. Mataman kaming nakinig sa mga sinasabi at itinuturo niya.
Napansin ko naman si Clauss na pasimpleng natutulog sa klase. Napailing ako sa ginagawa niya. Hindi ko akalaing ganoon ang sasabihin niya sa buong klase. Sinaniban ba siya ng masamang espiritu? Nauntog ba siya sa pader? Hindi ko alam pero natutuwa ako sa kanya.
***
Matapos ang klase sa maghapon, napansin ko ang pagsenyas sa'kin ni Selene na halatang sinasabi na gusto niya akong makausap. Hindi ko alam kung kailangan ko pang ipaalam ito kay Clauss. Nauna ng umalis si Selene sa room. Napalingon ako kay Clauss na nagtatakang nakatingin sa'kin.
"Bakit? May sasabihin ka ba?" takang tanong niya. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang sabihin sa kanya. May kapangyarihan na naman ako kaya makakaya ko ng ipagtanggol ang sarili ko. Saka mukhang kakausapin lang naman ako ni Selene.
"Ah.. ano.. una na muna ako sa labas. Sa canteen na lang tayo magkita. Pwede?" nag-aalangang paalam ko sa kanya.
Napakunot-noo siya. "Bakit? Saan ka pupunta?"
"Diyan lang. Sige, una na ako! Bye," sabi ko sabay halik sa pisngi niya. Agad akong tumakbo palabas sa classroom. Nakita ko si Selene sa malayo at halatang naghihintay sa'kin. Sinenyasan niya akong sumunod sa kanya kaya hindi na ako nagdalawang-isip pa. May masama kaya siyang binabalak? Kailangan kong maging alerto. Alam na rin naman niya na may kapangyarihan na ako kaya hindi naman siguro siya magbabalak na kalabanin ako. Pero ang tanong ngayon, sino na ba sa aming dalawa ang may mas malakas na kapangyarihan? Ako ba o siya? Matatalo kaya ako kung maglalaban kami ngayon? Hindi ko alam ang kasagutan pero bahala na kung ano ang mangyayari.
Sana bumalik na ang alaala niya para wala na kaming problema. Kung sakaling labanan pa rin kami ni Jeanne, mas malakas na siguro kami dahil kasama na namin si Selene. Mas madali na namin siyang matatalo.
Lumabas kami sa building at kinabahan na ako nang mapansing papasok na kami sa kagubatan. Saglit akong natigilan. Napakunot-noo siya nang mapalingon sa'kin at napangisi.
"Natatakot ka na?" she mocked.
Ilang beses akong napalunok. Susunod pa rin ba ako sa kanya? I don't want to be impulsive. Masyado ba akong padalos-dalos sa kilos ko? Paano kung mapahamak ako? Paano kung isang bitag lang pala ito?
"Come on! Bumalik na ang kapangyarihan mo, 'di ba? Ano pa ba ang ikinakatakot mo? Natatakot ka bang matalo kung sakaling maglaban tayo?" naghahamong tanong ni Selene.
Ano na ang dapat kong gawin ngayon? Mukhang sinisilo lang niya ako sa bitag niya.
"Hindi ako natatakot sa'yo. May sasabihin ka, 'di ba? Bakit hindi mo pa sabihin ngayon?" sabi ko. Now, I'm playing safe. Iniisip ko pa ang tamang gawin kaya hindi agad ako makapagdesisyon. Napansin ko ang pag-angat ng sulok ng labi ni Selene. Halatang hindi siya kuntento sa sinabi ko. Ano ba talaga ang gusto niyang mangyari?
-----------------------------------
IMPORTANT NOTE:
OCTOBER NA SIGURO ANG NEXT UPDATE. I HOPE YOU UNDERSTAND. PLEASE BEAR WITH ME. THANK YOU SA INYONG LAHAT <3 <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com